Wednesday, April 30, 2008

Page Cannot be displayed


GGGGGRRRRR nakakainis,ang dami dami ko ng naisulat kanina ng biglang nag Page Cannot be displayed pa...punyemas naman oh...sisimulan ko na naman tuloy ulit ang lahat ng isinulat ko...parang nawawalan na ako ng gana...nakakainis talaga...OK calm down calm down blogs lang yan bert...sssshhhhhh hinga ng malalim sabay release 1...2...3... haaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy!!!
Sarap maligo sa gabi,ang sarap ng pakiramdam,ang kinis kinis ang bango bango mo,tapos maglalagay ka pa ng baby cologne na pasimple mong kinuha sa cabinet ng pamangkin mo.sabay yakap sa labs mo at maamoy ka niya at kikilitiin ka nya tapos magtatawanan kayo at magkakatitigan,sabay maghahalikan kayo at magsasabihan ng I LOVE YOU!!! aaaaaaaaawwww how sweet! kaso wala naman akong labs,kaya aso ko nalang ang yayakapin ko.
nagawa ko naman ang mga dapat kong gawin sa araw na ito,hindi nga lang lahat. Ang mga nagawa ko lang ay magwalis walis ng mga tuyong dahon mula sa puno ng macopa namin sa bakuran,maghugas ng pinggan,itapon ang mga napanis na kanin(kunwari tinapon ko pero kinain ko ito) ,nalinis ko na rin ang carpet na matagal ng hindi nagagamit at nakatambak lang sa likuran ng bahay namin,ang dumi sobra,hindi ko na nga maibalik ang kulay niya eh,pero ok lang malinis na naman siya,wala ng alikabok,pwede na ulit gamitin kapag natuyo na siya.Hindi ko po napaliguan ang mga alaga kong aso kasi ang hirap nilang hulihin,takbo ng takbo kapag tinatawag ko,alam kasi nila na papaliguan ko sila eh,mautak amputah!
wala naman espesyal na nangyari sa araw ko,nakatulog nga ako sa sofa kanina eh,kaso saglit lang,nagising din ako kaagad,hindi kasi maayos ang pagkakahiga ko,pinagkasya ko lang kasi ang sarili ko sa pang-single na upuan,ayun medyo masakit ang batok ko pagkagising.Kumain kaagad ako pagkabangon kasi gusto kong matikman ang sinasabi ng utol ko na Tapa ng Usa!masarap siya,panalo talaga kasi malambot siya,madaling kainin at kakaiba,hindi kagaya ng Baka.tapos sinamahan pa ng sinangag,tortang itlog at pritong talong,pinoy na pinoy at talagang super busog na naman ako! Bili kaagad ako ng sopdrinks pagkatapos kong kumain,sabay sindi ng yosi at naupo na sa harap ng PC para magdownload ng mga lyrics ng Rage Against the Machine UGH! UGH! UGH! YEAH YEAH YEAH!!! head bang ako habang nakikinig kanina...Upbeat na Upbeat kasi,nadadala ako! Pagkatapos kong magdownload,naligo na muna ako at pagkatapos kong maligo,eto nagsulat na ako ng blogs ko...parang bumalik ako sa simula ah...hihihihihi! hanggang dito nalang muna at manonood na muna ako ng pelikulang hindi ko pa natatapos!
nasan ka na ba??? mahal mo pa ba ako??? minahal mo ba talaga ako??? im trying to move on now,but sometimes i still think about you... :-(

No comments: