Wednesday, October 03, 2012

Aminin mo, noong bata ka pa, hindi kumpleto ang araw mo kung hindi mo sila napapanood! Inaabangan mo pa ang kwento ni Kuya Bodjie, sasabayan ang kanta ni Ate Sienna at tatawa sa kakulitan nina Ning-ning at Ging-ging. Madami silang tinuro sa atin, mula sa pagbigkas ng mga letra, pagbibilang hanggang sa pagliligpit ng pinaghigaan, pagsisipilyo ng ngipin ay itinuro nila sa atin at iba't iba pang tamang asal! Ngunit hindi kumpleto ang Batibot kung wala ang dalawang ito, ang paborito natin, sino pa nga ba, wala ng iba kundi sina Kiko Matsing at Pong Pagong! Sila ang bumubuhay sa Batibot. Nakakalungkot isipin na dahil sa mga issue ay na-pull out sila. Sinubukan silang ibalik ngunit hindi nagtagumpay. Nasan na kaya sila ngayon, malamang nasa isang warehouse nalang ng mga mascot at puppet, kung hindi sana sila kinuha, madami pa din sana silang natuturuan at napapasayang mga bata ngayon, buhay pa din sana ang dating Batibot.