Wednesday, April 30, 2008

A day with a Korean

Kung sa huling kong blog ay nabasa niyo ang tungkol sa Hapon..pwes eto na ang karugtong ng istorya ko.
Sisimulan ko muna mula sa pagtawag ko sa opisina nila, may nakasagot sa akin, pero hindi yung Hapon, Pinoy ang sumagot at binanggit ko nga sa kanya ang tungkol sa interbyu ko.
AKO: Ahmm, I just like to ask about my schedule for interview???
LALAKI: Ahh...wala kasi yung koreano dito eh, tawag ka nalang ulit mamaya...
AKO: OK, Salamat tatawag nalang ulit ko.
So nalaman ko na hindi pala Hapon, kundi isang Koreano ang kumausap sa akin noong isang araw. Kinabukasan na ulit ako tumawag, kasi hindi ko pa din feel naman magpunta noong huwebes na yun.kaya nung byernezz, tumawag ulit ako at nakausap ko na yung koreano
AKO: Ahhhmm...Yes Sir, i just like to ask about my schedule for interview???
KOREANO: Ahhhmmm...may i know your name?
so sinabi ko ang pangalan ko...
KOREANO: AHHH! OKE, OKE, can you go heere tode?
AKO: Yes Sir, i could be there after lunch,would that be OK Sir?
KOREANO: Ahmm...yes you just come heere at 2pm or 3pm, and bring yor pofoyo (PORTFOLIO pala) and some of your drawings and sketches oke?
AKO: Sure Sir, I will be there at that time.
KOREANO: Oke Bay!
AKO: THANKS SIR!
bago ako nagpunta dun sa bldg. nila which is sa TEKTITE, nagpunta na muna ako sa may frisco para balikan ang SSS ID ko na naiwan ko sa guard (Tangina kasi, kung bakit ko pa naiwan,gastos at pagod pa tuloy) pagkatapos nun, dumiretso na ako sa TEKTITE. Nalula ako sa dami ng tao doon, ang tagal na kasi mula noong una akong nagpunta doon eh, 2001 pa yata yun. Nagyosi nalang muna ako saglit sa baba dahil sobrang aga ko pa noon, pagkatapos ay pumasok na ako, pakiramdam ko isa akong dayuhan o mangmang sa loob ng gusali dahil ni hindi ko alam kung ano bang elevator ang dapat kong sakyan..iba iba kasi ang nakasulat, punyeta! So ang magaling kong utak ay nagtanong sa information counter...
AKO: Bossing magpupunta po ako sa 3102C???
IC: Iwan mo ID mo...
AKO: Saan po ba yun?
IC: sa 31 floor
AKO: aahhh, sige po salamat po! (tanginang tong matanda na to ang sungit amputah!)
so iniwan ko yung ID ko, at sabi ko sa sarili ko na dapat hindi ko na makalimutan kunin ang ID ko bago ako umuwi. Sumakay ako ng elevator, daming tao, halos puno kami sa loob.nakakabingi kasi ang taas nga ng bldg. pakiramdam ko may bumabara sa tenga ko, alam mo yun? yung parang may bulak ka sa tenga??? Pagtungtong ng 31st floor hinanap ko kaagad ang kwarto, nakita ko naman kaagad at ayun, nandun si Koreano!!! YEYYY!!! pero bago kami tuluyang nagusap, nakigamit muna ako ng palikuran...pagbalik ko ay pinaupo muna ako sa isang kwarto na may magandang view...as in kita ko ang antipolo at laguna de bay! Pagkatapos ng mga 10 minutong paghihintay, ay lumapit na sa akin ang koreano at ininterbyu ako...
KOREANO: Can i see your pofoyo?
so binigay ko at kanyang sinuri....
KOREANO: Hmmm...OKE...OKE...OKE...do you have your sketches with you? or samples of your drawings?
AKO: (patay wala akong dala) I'm sorry sir but i have no samples of my sketches with me right now.
KOREANO: OKE OKE, wait a minute...
pagbalik niya ay pinaguhit niya ako sa isang pirasong papel, at as in papel lang ang binigay...wala man lang panulat na lapis, so ginamit ko nalang ang aking ballpen. Nagsimula akong gumuhit ng kung ano ano..mga imbento nalang, pero pinag-igihan ko at baka sakaling pumasa...nang matapos ko ang guhit ko,ipinasa ko na ito sa koreano at sabi niya sa akin na babalitaan nalang daw niya ako kung ako ay pumasa...
...
...
...
At doon nagtapos ang aking araw...Malapit na ang lunes, sino kaya sa 2 inaplayan ko ang tatawag sa akin...hmmmm...malalaman natin yan sa pagbabalik ng THE BLOGGGGZZZZ!!!!!

No comments: