Tuesday, December 30, 2008

See You Next Year

Its the last day of the year 2008, Its a very rainy Dec 31st, how i wish this rain doesnt last long. I can still remember the past few New Year celebrations that i had, Its actually fun, we have lots of food, we light some firecrackers, we drink some booze and scream out loud in the street HAPPY NEW YEAR when the clock strikes 12midnight...but its not those things that i said that made it a good celebration, its simply because im celebrating it with my whole family. Im a bit sad because it wont happen this time, things have changed, im aware of it, especially since all of my siblings are married, they will be celebrating the New Years eve with their in-laws, i guess it will always be like that, i just think that we had a great christmas together anyway and of course they need to share some time with their in-laws too during this season...I just missed being with them during New Years eve, sigh! I'll get used to it anyhow...Im really thankful that i have my friends to celebrate the New Years eve tonight, lets see what will happen, i know them, im sure it will be fun!









these photos was taken last 2 days ago, i went to mall of asia and was able to catch the fantastic sunset view...I thought that this is great for my last entry for the year 2008. Happy New Year and i hope all of us will have a good prosperous life! See you next year!

Monday, December 29, 2008

Non Of Them Were Like You

Its been a week since the last time i've been here, I cant think of anything to write plus I was busy during xmas time, but as i woke up today, something came to my mind, Its the CHOW CHOW that i saw at my Uncle's place when we went there on xmas day! He is so cute! His paws is so big, his face looks chubby...oooohhh i so wanted to give him a scratch on his forehead and a tight embrace but i was a bit scared that he might bite even though my cousin already told me that he is harmless, So for the sake of having him with me all the time, i grabbed my cam and take a shot of him and this is how he looks like...








Isnt he so fucking cute??? and guess whats his name is ... CHOW CHOW! ooohh i so wanted to take him home with me but too bad its not possible. I think its about time to save up some money and get one before the next xmas! I LOVE YOU CHOW CHOW!!! I hope you're still alive when we visit there again.

Friday, December 19, 2008

I Wish I Know Where The Wind Will Blow

Recently I heard that there will be a TOYCON again in megamall starting Dec 19 (friday) til Dec 21 (sunday), medyo kakaiba kasi usually once a year lang ginaganap ang TOYCON, but this time meron ulit for the sake of Christmas siguro...I excitedly told my friend about it, he is also in toy collecting (mas adik yun sa akin) kaya parehas kamin excited. Sabi ko saturday kami ng morning nalang kami magpunta kaso dahil biglaan naman nagkaroon ako ng lakad ng sat morning, kaya dahil dun ay hindi na kami sabay makakapunta, kaya naman minabuti ko ng pumunta kanina. Bago ako magpunta ay nagtext na din ako sa iba kong friends at baka sakaling available sila at pwede kaming tumambay kung saan, ngunit ilan lang sa kanila ang nagreply at nagkataon na hindi din sila available, nakakatamad kasing bumayahe ngayon dahil talagang sobrang dami ng tao sa labas at mas lalo na nung dumating ako sa mall, sangkatutak ang tao, dami kasing sale tsaka pakulo ng malls ngayon. Hindi na ako naglibot at wala naman akong ibang balak kundi check lang ang TOYCON at baka may mabili akong laruan, 30Php ang entrance fee nila, mas mura kaysa noon na 100php, siguro dahil ngayon ay medyo maliit lang ang space na occupied nila at mukhang wala masyadong arte sa event, dati kasi may mga raffle pa sila at mga awards-awards sa mga umaatend na naka-costumes (COSPLAY). Tingin tingin lang muna ako parang nasa palengke lang na papisil-pisil ng mga isda, check ko ang price ng mga natitipuhan ko at tanong tanong kung magkano yung ibang toys na walang price, may kamahalan talaga ang ibang toys lalo na yung mga nasa kahon pa at mga classic toys na talaga naman nakakapaglaway, pero dahil tight ako at wala akong planong gumastos ng malaki ay naghanap lang ako ng loose na toy na kaya ng budget ko, nakakatuwa dahil nakita ko na naman yung ibang mga laruan noong 80's, mga classic Transformers, G.I.Joe's, Voltes V at kung ano ano pa, may mga bust figures pa doon ng HellBoy at Terminator, kaso wala naman interes na kuhanan ng picture. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita na akong toy na matagal ko ng gustong magkaroon, "OMG! ITO NA!!! YEYYYYY!!!" sabi ko sa isip ko...kaso walang price, nung tinanong ko naman si manong na nagbabantay kung magkano, ang sagot nya lang ay hindi niya daw alam..."Haller..." kaya naman iniwan ko na muna yung toy at naglibot libot muna ako. Madami akong nakitang mga laruan na gusto kong bilhin,kaso ayokong lumampas ng 500Php ang gagastusin ko, hanggang doon lang!!! After several minutes of walking and sight seeing ng mga toys ay binalikan ko na yung toy na balak ko talagang bilhin at pagbalik ko ay may iba ng bantay, tinanong ko kaagad at 200Php daw yung toy, hindi pa nakuntento ang inyong lingkod at tumawad pa ako, kaso wala na daw discount yun dahil 1k ang price talaga nung toy kapag nasa kahon pa, sabagay sige na nga, "OK na to kahit hindi masyadong nagagalaw at wala na ang mga kasamang diorama"...kaya binili ko na siya! YEY ulit! and opkors gusto kong ipakita sa inyo ang toy na sinasabi ko...

Its JORGE "HURLEY" GARCIA of LOST!






Ganda ba??? Pero siyempre papaliguan ko muna siya, sasabunan at papatuyuin, lalagayan ng pabango, pupulbusan at itatabi sa pagtulog :-P Joke! lilinisan ko lang then ididisplay ko siya, gagawan ko nalang siya ng flag pole para mas mukhang ok. Hindi na ako gaanong nagtagal pagkatapos kong bumili dahil nagsisimula na akong mabato sa paikot ikot ko sa loob ng area...chineck ko ang phone ko dahil tumatawag pala yung isa kong kaibigan, kaso sabi niya hindi pa daw siya sure at iinform nalang daw nya ako kung makakalabas pa siya. Yung isa ko din kaibigan ganun din, inform nalang din daw ako. Lumabas na ako ng TOYCON dahil medyo naririnig ko na ang sikmura kong nagmumura sa gutom, as usual, pumunta ako sa peborit kong MCDO! lakad lang ako ng lakad, patingin-tingin sa paligid, muni-muni, pinagmamasdan ang mga taong nakakasalubong, karamihan bakas ang saya sa kanilang mukha, ang iba naman ay mukhang hindi mapalagay kung anong bibilhin nilang pang-regalo, lakad pa din ako ng lakad hanggang makapunta sa McDo, kakapagod din ah, mula dulo ng Mega B naglakad ako hanggang sa dulo ng Mega A noh! pero keri lang kasi madami naman akong nakikita sa paligid eh. Pagdating sa McDo ay umorder ako ng Chicken Fillet Meal, ngunit hindi daw available, so sige yung 1pc Chicken nalang yung thigh part sabi ko, hindi din daw available "Tangina naman oh" bulong ko...sige kung ano nalang meron, tapos yung 1pc chicken meal nila na float ang drinks ay 80Php, eh hindi ko feel ang float kaya sabi ko kung pwede yung ordinary na coke nalang, aba sabi ba naman 86Php daw? hala! bakit ganun?! at medium coke lang yun ah! hindi naman maexplain ng bruhang crew...so sige 1pc chicken meal nalang na float ang drinks! "MY GOODNESS! HINDI KO NA NAKAIN YUNG GUSTO KO!!!" nakahanap naman ako kaagad ng pwesto pagkatapos kong makuha ang order ko, in fairness ang daling makakuha ng upuan at table...habang kumakain ay biglang nagiba na ang pakiramdam ko, yung masigla at masayang Gwinchy ay bigla nalang nalungkot, parang bigla kong naramdaman yung pag-iisa ko, naalala ko tuloy yung sabi ko noon na mas mararamdaman mo yung pag-iisa mo kung nasa lugar ka na kung saan napaka-daming tao..."haaaaayyy" bugtong hininga nalang ang naririnig ko bukod sa pag-nguya ko sa pagkain, kinuha ko nalang si Hurley sa plastic at pinagmasdan at lalo akong nalungkot at parang gusto ko ng umiyak, "Paano pa kaya kung wala na siya dito..." pagkatapos kong kumain ay nagpunta muna ako sa labas upang manigarilyo at kumuha ng sariwang hangin at dahil kapaskuhan na ay talaga naman may kalamigan na sa labas...naupo na muna ako sa isang tabi at pinagmamasdan ang mga nagdadaanang sasakyan at mga tao habang himihithit ng usok, tiningnan ko ang cellphone ko kung may nagmessage na ngunit wala pa din kahit isa, talagang araw ko lang ngayon, biyernes kasi eh, yung iba nasa trabaho pa, yung iba naman malamang tulog na at may trabaho din ng maaga kinabukasan, haaayyy kung kailan mo kailangan ng kausap at kasama tsaka naman walang makausap...Pagkatapos kong manigarilyo ay naglakad na ulit ako at naghanap ng taxi na masasakyan, medyo may kahirapan pero hindi naman ako natagalan masyado na makakuha ng taxi. Kadalasan kapag sumasakay ako ng taxi ay nilalagay ko kaagad yung seatbelt at inuurong ang upuan paatras pala malayo ako sa dashboard, ngunit kanina bigla kong napansin na hindi ko ginawa yun, kaya naman nag-isip ako "sige nga subukan natin ang sinasabi nilang kung oras mo na, oras mo na para naman may thrill" naluluha nalang ako habang bumabyahe, magulong magulo ang isip ko, ayoko na ng ganito, sana matapos na to, sana bumalik na sa normal ang lahat...Medyo nahimasmasan nalang ako nung nakapasok na ako sa bahay at nakainom ng malamig na tubig...

...Sana alam ko kung saan direksyon umiihip ang hangin para alam ko kung anong desisyon ang gagawin ko...OK lang yan, kaya ko to...kakayanin ko to...kailangan lakasan ang loob.

Thursday, December 18, 2008

First Experience





Bakit kaya tuwing aalis tayo sa trabaho ang mga tanong na maririnig natin kadalasan sa mga tao ay "oh bakit?" o di kaya "Saan ka na lilipat?" at minsan meron pang "oh paano ka na nyan?" ...bihirang-bihira ang may magsasabi sa iyo ng "OK ka lang ba? kaya mo yan, kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin"...Mahirap talagang mawalan ng trabaho lalo na kung madaming umaasa sa iyo, hindi lang sa pagreresign dapat lakasan ang loob, dapat lakasan mo din pala ang loob mo sa mga bagay na mangyayari pagkatapos nito. Noong isang linggo lang ako na SFC (separated from company) at masaya ako dahil hindi ko na kinailangan tapusin ang 30days period ko, saktong sakto at nakuha ko pa ang kalahati ng 13th month ko at may pocket money ako. Isa pang kinasasaya ko ay hindi na ako inabot ng pasko sa company namin at maeenjoy ako ang buong christmas season hanggang new year! At hindi pa yan ang mas masaya, na-experience ko na din makasama sa isang malaking company xmas party! YEY!!! well, hindi ako nakakuha ng prize sa raffle, kiber ko naman, hindi naman yun ang pinunta ko dun, ang experience ang pinunta ko (sour graping). Masarap dahil wan-to-sawa ang beer, igib ako ng igib at talagang naging masiba ako sa alak nung gabing iyon, daming tao, pero ang liit ng venue kaya naman sobrang init, ilang oras lang kaming nag-stay sa xmas party at umalis na din kami ng barkada ko at dahil bata pa ang gabi ay nagpunta nalang kami sa isang hip-hop bar sa T.Morato, OK naman yung bar, malamig, sobrang maingay ang music, up-beat syempre, tapos nandun din yung ibang mga friends ng friend ko...teka ngayon ko lang na-realize na isa lang pala ang kakilala ko doon? anak ng!...anyway, nag-enjoy din naman ako at dahil sa sobrang pagod at tama ng alak ay nakatulog na ako dun sa loob ng bar, sumikat na ang araw ng makauwi ako ng bahay, bumagsak nalang ako sa sofa at nawalan ng malay.

Sunday, December 07, 2008

Of All the Names

I went to Mall of Asia one time and while doing some (window) shopping I saw this...



NO its not what you think it is, Its a store where you can buy something for your cock, i mean chicken...ROOSTER!

I KNEW IT!



BATMAN: I wish i knew how to quit you...

ROBIN: Oh, shut up Bruce and suck my tounge...

I knew there's something special between them!

Tuesday, December 02, 2008

Tuwing Sasapit ang Kapaskuhan



Sa ganitong panahon siguradong nananabik na naman ang mga bata sa mga regalo nilang matatanggap lalo na ang kanilang pinakaaasam-asam, ang mga bulinggit buong akala galing kay santa claus, yun ang kanilang alam.

Madami ding uuwi galing abroad at may dala dalang pasalubong, damit, pabango, relo, tsokolate at kung ano ano pa, at talaga naman kapansin pansin ang pangingintab ng alahas na suot ni itay at nakakasilaw ng mata.

Tuwing kapaskuhan ay madami din ang nagpapakumpil at nagpapabinyag at madami ding mga ninong at ninang na hindi na mahagilap, kawawang inaanak, nagtatampo, hanap ng hanap.

Nandyan din ang malakihang family reunion, madaming nagugulat sa paglaki ng mga bata, magkikita na naman ang mga magpipinsan, habang ang mga matatanda ay ilang oras ng nagpaplastikan.

Mawawala ba naman ang mga christmas party ng kumpanya, diyan nalang madalas nakakabawi si bossing sa mga empleyado nya, sigurado at may masayang mag-uuwi na naman ng bagong rice cooker at electric fan galing sa raffle nila.

Ang mga nag-away at nagkatampuhan noon ay nagkakabati, ang iba naman na naghiwalay ay nagkakabalikan muli.

Nabayaran na din ang mga utang, sa suking tindahan, sa bumbay at sa kapit-bahay dahil ayaw ng umabot pa sa susunod na taon malas daw kasi, doon din nakalaan ang
13th month pay para hindi na lumaki.

Ang mga batang pabalik-balik na nangangaroling sa tapat ng bahay tuwing gabi, walang pagod sa pagkanta at paglakad kung saan saan may matanggap lang na barya kahit konti.

Nakakapaglaway na mga pagkain pagsapit ng noche buena gaya ng hamon at keso de bola, sa labas naman ng simbahan tuwing simbang gabi ay maaamoy mo ang puto-bumbong at bibingka.

Haaayyy...ilan lang yan sa mga nagaganap tuwing sasapit ang kapaskuhan, Sa akin lang sana lahat ay maging masaya, mayaman man o mahirap, yan ang aking kahilingan.

Remembering THE CARDIGANS

Who will ever forget the hit song LOVEFOOL? "Love me, Love me, Say that you love me, Fool me, Fool me, Go on and fool me..." Admit it, you love it too! It was Oct 31,1992 when swedish band THE CARDIGANS was born, composed of 4 guys Peter Svensson, Magnus Sveningsson, Bengt Lagerberg, Lars-Olof Johansson and the only female in the band Nina Persson, I just so love the way she sing.



I still remember, I was in college when i enjoyed collecting cassette tapes and one of my favorite is their album FIRST BAND ON THE MOON, I never had any regrets of buying it.



I love the kind of music that they play, its like mixed of 60's and Pop music, i was like in my own world when ever i listen to them plus their MTV's are really awesome especially the uncut version of MY FAVOURITE GAME, which was also featured on the soundtrack of the Playstation video game Gran Turismo 2 for the opening sequence of races.



I trust this band, I really love them thats why i always make sure its on my mp3 player, it never fails to give pinch on my emotions when i listen to their music and recently i love listening to this song titled COMMUNICATION...



For the sake of singing along with the song, i include the lyrics here

For 27 years I’ve been trying to believe and confide in
Different people I’ve found.
Some of them got closer than others
And someone wouldn’t even bother and then you came around
I didn’t really know what to call you, you didn’t know me at all
But I was happy to explain.
I never really knew how to move you
So I tried to intrude through the little holes in your veins
And I saw you
But that’s not an invitation
That’s all I get
If this is communication
I disconnect
I’ve seen you, I know you
But I don’t know
How to connect, so I disconnect

You always seem to know where to find me and I’m still here behind you
In the corner of your eye.
I’ll never really learn how to love you
But I know that I love you through the hole in the sky.

Where I see you
And that’s not an invitation
That’s all I get
If this is communication
I disconnect
I’ve seen you, I know you
But I don’t know
How to connect, so I disconnect

Well this is an invitation
It’s not a threat
If you want communication
That’s what you get
I’m talking and talking
But I don’t know
How to connect
And I hold a record for being patient
With your kind of hesitation
I need you, you want me
But I don’t know
How to connect, so I disconnect
I disconnect.


The Cardigans albums list

-Emmerdale (1994)
-Life (1995)
-First Band on the Moon (1996)
-Gran Turismo (1998)
-Long Gone Before Daylight (2003)
-Super Extra Gravity (2005)
-Plus they released their compilation album (January 2008)


Well thats only a bit of THE CARDIGANS, I hope someday they set up a concert here in the Philippines and i will love to see them perform!


Thanks to wikipedia for some info.

Friday, November 28, 2008

The Unexplained

This photo was taken last November 22, 2008...Me and my friends went to one of our friends house to celebrate thanksgiving...We all had fun that night and our tummies are all full! after a week our friend send the pictures and while im looking at it, something really fucking scares me...did you see it?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...dont worry if you didnt see it, try this one
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Lets focus...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


where in the fucking universe did that come from??? Is it an orb or is it just somethin shiny? If its an orb or whatever it is...it really scares me, why? because its just in front of meeeeeeee!!!!

And guess what...while im writing this entry suddenly the doorbell rings and im not even expecting anyone coming...when i looked outside, its one of the security giving a letter... whew! fucking hell!!! i better sleep now, im having goosebumps and my mind is acting up crazy already.

Tuesday, November 25, 2008

I wish i could stay...but i can't bear it anymore

I have decided already, after debating with myself for several times, after making a few attempts, I have reached the final chapter... "I QUIT!" thats what i said to my manager last saturday morning, after i handed down my resignation letter to him. He did not even stopped me from resigning, most probably because he knows my stats in terms of my performance. The main reason why i quit is that i can no longer bear what i am doing inside the office, I become someone that i hate, I could feel the rough bloody red devilish horns growing on my forehead, so to stop everything, i have decided to leave before i even get terminated... Last few months ago, I started to feel very very impatient with the customers, especially from the typical arrogant bastards who keeps on swearing over the phone, whenever i hear one, though i know they're not swearing directly to me, i just draw my fingertips loaded with hate and anger and then i will press the release button, with matching "I have no fucking time with people like you" ...but i dont let the customers hear that statement. Then i always do Bio-Break, which is the allowed time is 10mins only for the whole day for each agent, and guess what, I reached 50mins! I dont know how it happened, but i just dont care at all, all i could think of that time is to end the day, leave the office floor, rest my mind and avoid calls, Im not inspired to work at all, those are just some of the bad things that i do in the office...The stat of my performance is like a ship sinking into the depths of mariana's trench, i dont do well anymore...

It is not an easy decision to make, I could smell the scent of consequence just around the corner, but i cannot say if its good or bad, all i know is that if i finished my last 30 days on this job, i can label myself "Self-Employed" again, who doesnt pay taxes. It will be fun but hard, Ill be joining the game of "No Project, No Money" where the rules are very simple, time is in the palm of your hands, your boss is yourself, if you dont feel like working then dont, if you dont find yourself something to do, then dont expect money come to you...but i will not let myself become a bum, I want to do something, i want to go back to what i really do, what i want to do, what i really love to do, which is Art! I want to be me again, I cant just give up and waste all the 5 years that i struggled in college,Its not too late to continue what i have started in my profession, I have plans in my mind, i just wished it will bloom.

But resigning from the company is not just about losing your job, that is not the hardest part or should i say the saddest part...for me, its different...the saddest part that i always think of even before i resigned is that i can no longer see the people who i become friends with...Especially my best friend...I always get a teary eyes whenever i think of the day that i will not see him that often anymore, i'm sure i will miss him so much, i always miss him everytime i dont see him...i will miss the times that we're outside the building killing our selves smoking cigarettes and throwing jokes to each other before we start our shift, i will miss the everyday texting, telling each other that its break time already and we will see each other downstairs, I will miss the every after shift that we always wait for each other whoever finished first so that we can go home together and sleep side by side inside the bus or train, i will miss how we duet some songs while listening to a music that we both like and sharing only one earphones, i will miss the way he always drink on my coffee tumbler, the way he eat his food in the pantry, i will miss telling him that his shirt is so dirty again after eating, i will miss the way i touch the fats at the back of his head, i will miss the way he feels irritated because i keep on tickling the side of his big tummy, i will miss his signature smile, i will miss the way he makes me smile...i will miss... ... ... ... I will miss the million things about him..but the greatest of all that i will miss, is that certain happiness that i always feel inside of me whenever im with him...and i just wished, that he knows and he feels that i always appreciate every single second that we are together...i know this will not be the end of our friendship, just like they said, true friends has an invisible thread that connects with other even if they are far apart, even if they dont communicate that much, they still have that invisible thread tied to their hearts and that invisible thread is what we called LOVE.

Friday, November 21, 2008

Life Is Like A Book

Like the pages of a book, life has many chapters, you have to stop to be able to turn the page and continue reading, and like a book, you have no idea whats going to happen on the next page.

There are plenty of stories in life, different kinds of stories, just like what we read on a book, theres drama, comedy, action, suspense, fantasy and probably hundreds more...and thats how i see life, everyday is like a new page, every day a different story and on every choice or decision you make is like a different chapter...There are millions of choices that you will encounter, choices that will bring small and big differences, choices that you can never change, choices that you will regret and choices that will meet your satisfaction. But not every decision is easy, like a story teller, you need to make the story good, you need to make your readers mind wander and imagine what they are reading or else your book will end up in a fancy bookstore covered with dust and obviosly you dont want that to happen in your life...I have nothing more to add on this entry, i just wish that the next pages of my life will be truly interesting and exciting to read.

Friday, November 14, 2008

Nakakalungkot Mag-isa



Matapos ang apat na araw na pagpapahinga at pagpasok ng isang araw noong miyerkules sa nakakasukang opisina namin ay nakapag-day off ulit ako, 2 days off actually, so parang halos 6 na araw akong pahinga, sarap diba? At dahil pang-gabi ang pasok ko, gabi ko din nagagamit ang day off ko...teka dapat yata night off ang tawag dun ah!?...anyway, noong unang gabi (huwebes) ay wala naman masyadong exciting na nangyari sa akin, matapos kong manggaling sa bahay namin sa novaliches ay nagstay lang ako magdamag sa bahay sa makati at naginternet mula 12mn hanggang 5am at tsaka ako natulog ng mahimbing, nag-take ako ng sleeping pills para siguradong sagad ang tulog...Sa sumunod na araw naman (biyernes/kahapon)ay naisip ko talagang wag masayang ang araw ko, gusto kong maglamyerda, gusto kong lumabas kasama ng mga kaibigan ko, manood ng sine, kumain sa labas, uminom kung saan siguro, kahit ano basta gusto kong magsaya at magliwaliw, kaya naman pagsapit ng hapon habang wala na ang init ng araw ay naisipan ko ng ilabas ang aso ng kaibigan namin upang pataihin at paihiin sa kalye at pagkatapos nun ay nagbihis na ako upang pumunta sa megamall, dahil biyernes kahapon ay napagisip isip ko na huwag ng mag-taxi dahil siguradong terible ang trapik na naman sa EDSA at hindi nga ako nagkamali sa aking naisip. Habang nakasakay ako sa bus ay nagtext na ako sa mga kaibigan ko, tinanong ko sila kung meron bang gimik at nag-antay lang ako na may magreply sa kanila hanggang sa dumating ako sa megamall, daming tao sa megamall grabe, parang mga langgam na nagkumpol sa isang malaking tipak ng bukayo na nalaglag sa sahig, siguro dahil araw ng sahod at ang iba siguro ay nakuha na nila ang 13th month pay, daming namimili, daming kumakain, daming naglalamyerda at ang haba ng pila sa mga ATM, parang pila ng tubig sa posohan sa isang baranggay sa probinsya...hindi pa ako kumakain mula ng huwebes ng gabi kaya naman naghanap muna ako ng kakainan bago ako mag-withdraw, gusto ko sanang kumain ng kare-kare sa food court dahil naglalaway ako sa kare-kare ng mga oras na yun, kaso kadalasan hindi ganun kasarap ang kare-kare doon kaya nauwi nalang ako sa McDo, tagal ko na din hindi kumakain sa McDo at namimiss ko na ang french fries nila...Panay ang check ko sa phone ko ngunit wala pa din nagrereply kahit isa...ay meron pala kaso malabo siyang makasama dahil may pupuntahan siyang birthday party ng kaibigan niya...Di katagalan ay may nagreply pang isa sa mga tinext ko, day off nya din kaya nagtatanong siya kung saan ba ang gimik, sagot ko naman sa kanya na wala pang gimik at mag-isa lang ako sa megamall at kung gusto niya kami nalang ang lumabas at magpunta kung saan, ngunit hindi nalang daw siya lalabas at mag-stay nalang daw siya sa bahay...OK lang sabi ko. Matapos kong kumain ay nagpunta muna ako sa ATM upang mag-withdraw ng konting pang-gastos at pambili ng Rihanna & Chris Brown concert tickets (yun talaga ang rason kung bakit ako nagpunta ng mega), haba ng pila nakakainis pero wala akong magawa kundi pumila lang talaga, mukhang mabilis naman din ang takbo eh...habang nakapila ay nag-check ulit ako ng phone ngunit wala pa din ibang nagtetext, hindi ko alam kung ano ng nangyari sa mga kaibigan ko, natanggap ba nila ang text ko o talagang busy lang sila, nagsisimula na akong malungkot dahil halos 2 oras na ang nakakalipas at wala pa din kumpirmadong makakasama ko...matapos kong makakuha ng pera ay nagpunta na ako kaagad sa National Bookstore dahil may TicketWorld dun, may available pa sila tig-300+ na ticket ngunit dapat registered ka sa WATYAWANAWIN ng Globe o di kaya may resibo ka ng McDo (sayang hindi ko natabi yung resibo ko nung kumain ako) kaya naman nagregister muna ako sa WATYAWANWIN...sulit naman ang pagrehistro dahil nakabili ako ng 2 ticket worth 300+/each yung pinakamura lang, YEY!!!


Lumipas ang ilang minuto ay nagtext sa akin ang isa ko pang kaibigan at gusto niyang uminom, magkikita lang daw muna sila ng isa pa namin kaibigan, nabuhayan ako ng loob ng matanggap ko ang text na yun, sa wakas may makakasama na din ako...yosi muna ako sa labas habang nag-aantay at pagkatapos kong magyosi ay pumasok nalang ulit ako sa loob ng mall. Tumingin tingin nalang muna ako sa mga tindahan ng cellphone dahil balak kong bumili ng bago ngayon pasko kung papalarin na may matira sa pera ko, atleast may idea na ako kung ano ang mga presyo, pagkatapos nun ay nagpunta din ako sa tindahan ng mga electric appliances, tumingin din ako ng pwedeng mabili na pang-regalo, ang mamahal pero ang gaganda, nakakatuksong bumili. Teka, teka...naaaliw na ako masyado, nasaan na yung katext ko? nagtext ulit ako sa kaibigan ko para i-confirm kung tuloy ba kami at halos maluha nalang ako ng matanggap ko ang reply nya...hindi nalang daw siya makakasama dahil yung isa namin kaibigan ay may lakad ding iba...OK lang sabi ko, siguro hindi ko lang talaga araw ngayon, naiisip ko nalang na maglakad lakad sa labas upang makakuha ng sariwang hangin at pagmasdan ang bilog na buwan na nabanggit ng isa kong kaibigan sa text...Ang ganda ng hugis ng buwan ng gabing iyon, pakiramdam ko inaakit ako nito "sumama ka, lumapit ka sa akin" parang sinasambit nito...kailan ba nagsalita ang buwan diba? nababaliw na ako sa aking pag-iisa...saan ba ako pupunta? sino pa bang pwedeng makasama? wala na akong maisip hanggang sa binalak ko nalang magpunta sa makati ave. ng mag-isa, sabi ko nalang sa sarili ko na OK lang yan, nagkataon lang, wag natin sayangin ang gabing ito...Naghanap na ako ng taxi papuntang makati, hindi naman ako nahirapang makasakay, kaso yung drayber na nasakyan ko ay echosera at masyadong matanong, sabi niya...


Drayber- "gigimik ka sir?"


Ako-...Hindi...uuwi na ako...


Drayber-"Doon ka nakatira sir? sa condo ka ba nakatira?"


Ako-...Hindi, may susunduin lang ako tapos tsaka ako uuwi...(dami naman tanong nito, nakakabwisit)


Drayber- "sobrang trapik ngayon doon sa makati ave. sir, may mga ati-atihan kasi doon at tianggian, shortcut nalang tayo..."


Ako-...Sige ok lang basta makarating tayo doon.


...nakakabiwisit na natatawa nalang ako kay Manong Drayber at natuwa naman ako sa kanya kasi biglang may magandang kanta na tumugtog sa radyo at sabay kaming kumakanta...OO, Nag-Duet kami! say mo! hanggang sa makarating kami ng makati ave. grabe nga talaga ang trapik, daming sasakyan, namumula ang kulay ng kalsada dahil sa mga rear lights ng sasakyan..at laking gulat ko ng biglang tumawag sa akin yung kaibigan kong nagsabi na hindi na daw siya makakasama, tinanong nya ako kung nasaan ako, sabi ko papunta akong makati ave upang uminom mag-isa, napatingin sa akin si manong drayber matapos kong sabihin yun, siguro sabi niya sa isip niya "sabi niya may susunduin lang siya at uuwi na...sinungaling!"...sabi ng kaibigan ko na nagbago daw ang plano at susunduin nalang daw nila ako sa makati ave...WOO HOO!!! nawala ang lungkot na nadarama ko ng matanggap ko ang tawag na yun, isa na siguro yun sa pinakamagandang tawag na natanggap ko sa buong buhay ko. Sa sobrang excited ko ay muntik pa akong maka-aksidente ng nagmomotor dahil nagmamadali akong nagbukas ng pinto ng taxi at may papadaan pa lang motorsiklo, nagkagewang-gewang yung motor na halos masemplang at pagbaba ko ay hindi ko nalang tiningnan at baka mag-away lang kami, yokong masira ang gabi ko. Kaya ayun, naghintay nalang ako doon sa tapat ng A.Venue, pinanood ko nalang yung ati-atihan habang humihigop ng malamig na malamig na apple slurpee ng siete onse...medyo matagal din akong naghintay pero ok lang naman kasi siguradong may makakasama na ako at pagkalipas ng almost 30mins ay dumating na sila...YEY!!!

Apat kaming magkakasama at ang una naming ginawa ay maghanap ng makakainan, kumain na ako sabi ko pero ok lang akong kumain ulit, kaya naman nagpunta kami sa SOMS sa may Rockwell, Thai food ang sine-serve nila kaso pagdating namin doon ay pasara na ang restawran, sabi sa amin ay punta nalang kami sa SOMS Mandaluyong at siguradong bukas pa yun, dali dali kaming nagpunta kaagad sa Mandaluyong at sa awa ng diyos ay inabutan pa naman itong bukas, masarap ang pagkain nila at malalaki ang servings, sobrang busog kaming lahat. Pagkatapos nun ay nagka-ayaan kaming magpunta sa malate, hindi ko pa napupuntahan yung O-Bar at sabi ng mga kaibigan ko ay maganda nga daw doon at talagang nakakaaliw, pagdating sa malate ay naghanap kaagad kami ng parking area, araw ng biyernes yun kaya talagang sangkatutak ang mga tao sa kalye, gimik night nga talaga, 200 ang entrance sa O-bar may kasama na yung 3 beer so ok na din hindi na din lugi, siksikan sa loob grabeee! pero nakakaaliw, kasi lahat ng nandoon masaya, nagsasayawan, nagiinuman, lasing na yung iba, yung iba naman nagkwekwentuhan lang...sobrang dami ng tao sa loob kaya medyo hindi na kaya ng aircon na palamigin yung loob, kaya naisipan nalang din namin na pumuwesto nalang sa labas at doon na ipagpatuloy ang inuman, sa labas ang dami pa din mga nagiinuman, alas-3 na ng umaga kami natapos uminom at umuwi na din kami, pagdating ko sa bahay ay bagsak kaagad ako sa sofa at doon na ako nakatulog dahil sa sobrang pagod at dala na din ng alcohol.
Akala ko matatapos na ang araw ko na walang makakasama, akala ko uuwi ako ng bahay ng lasing at nagmumukmok, ngunit buti nalang hindi ganun ang nangyari, nagpapasalamat ako doon sa mga kaibigan kong nagtetext sa akin noong araw na yun at sa mga kabigan kong nakasama ko noong gabi...Maraming salamat at sa susunod ulit na paglamyerda!

Thursday, November 13, 2008

Tukso...Tukso...Napakasama mo


Parte na kaya talaga ng buhay ng tao ang matukso? Hindi yung tukso na kapag mataba ang isang tao ay babansagan siyang "Baboy" o kaya kapag payat naman ay "Butiki" o kaya naman tutuksuhin kung ano ang kapansin-pansin sa kanya o kung ano ang kapintas-pintas sa kanya.
Ang tinutukoy kong tukso ay yung kagaya ng ginawa ng dalawang unang tao dito sa mundo, ang ating unang mga magulang na sina Eba at Adan, kinain nila ang pinagbabawal na mansanas at ayun pinalayas tuloy ang mga lintek sa hardin ng eden. Maraming klase ng tukso,may taong natutuksong gumastos ng gumastos kapag may perang nakukuha. May taong natutuksong kumain ng pagkain na bawal sa kanya kahit alam niyang magkakasakit sya. May taong natutuksong magpunta sa mga porn-sites kahit alam niyang kabastusan ang laman nito. May taong natutuksong uminom ng alak at manigarilyo kahit ilang beses ng nagkakasakit. May taong natutuksong maki-apid sa iba kahit kasal na siya o may mahal na...haaaaaaayyy kay hirap talagang lumayo sa tukso, kahit anong layo mo susunod at susunod sa iyo, dalawa lang ang pagpipilian mo...magpatalo ka sa tukso at harapin ang masamang kapalit nito o huwag pansinin upang gumanda ang buhay mo...wala sa kaibigan, wala sa mga magulang ang sagot na hinahanap mo...nasa iyo lang ang desisyon kung ikaw ay magpapatukso.

Tuesday, November 11, 2008

INFINITY

I BEND AND I BLOW

T'was a night filled with laughs, food, booze, friends and greetings! I celebrated my post-29th birthday party last friday, actually its not just me who celebrate that night, two of my friends also celebrated their birthday with me...Another year is added to my age, a new chapter begins.
Thanks to everyone who came, you know who you are...it will not be a special day without you guys! My birthday wish is to be with you guys again on my next bend and blow celebration!

Sunday, November 09, 2008

WHY NOT?




Imagine if the President of your country is a Psychic, He already knows whats going to happen in the future, His plans is very much ahead and could be precise..."Dont do this, dont do that, I already foresee whats going to happen if you insist..." Why not, right? well we all know that not all predictions can come true, but im sure it will be very exciting to have a Psychic President!

Monday, October 13, 2008

Sunday, September 28, 2008

Sunday, September 14, 2008

COULD IT BE A SIGN???

What is the first thing that comes to your mind when you see this color?

How about this one?


and especially this


I will tell you a weird story about these colors, but first I will let you know what happened to me before the weird and unexplainable day happened, this story is a bit long but I am sure it is worth reading it...

Napaka-weird at napaka-unexplainable ng nakaraan kong biyernes at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang sagot sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko alam kung napaglalaruan ba ako ng kung ano o talagang nagkataon lang. Bago nagsimula ang unexplainable day ay pumasok ako noong thursday sa office na kulang na kulang sa tulog, 3 hours lang akong nakatulog dahil may importante akong ginawa, since last day of work ko naman for that week ay naisip ko na ok lang akong magpuyat, pagdating ko sa office ay nagkape muna ako para medyo magising at ganahan ako sa pagtatrabaho. Ilang oras pa lang ang lumilipas ay tinamaan na ako ng pagkahilo, as in hilong hilo ako at nakakatulugan ko na ang mga customer na kausap ko at madalas ay minamadali ko nalang ang mga tawag para matapos na kaagad at maipikit ko ang mga mata ko, hanggang sa hindi ko na kinaya ang pagkahilo at nagpaalam ako na pupunta ako sa clinic upang manghingi ng gamot. Pagdating ko sa clinic ay tiningnan ng nurse ang blood pressure ko, OK naman daw 110/70, then binigyan nila ako ng gamot para mawala ang hilo ko. After that ay bumalik na ako sa station ko pero pakiramdam ko ay hilong hilo pa din ako at gusto na ng katawan ko ng mahabang pahinga, tiniis ko lang ang lahat kahit sobrang barubal na ng pag-take ko ng calls hanggang sa "kkrrruuukkkkk" ang tunog na kahit sino mang nilalang sa mundong ito ay hindi gustong marinig, ang tunog na nakakapangilabot, ang tunog na talagang pagpapawisan ka ng munggo-munggo, ang sinasabi ko ay ang tunog ng echas na gusto ng kumawala sa loob ng aking sikmura..."PUTANGINA! bakit ngayon pa 'to nangyari, bakit kung kailan queuing pa kami, kung kailan hilong hilo ako sa antok, kung kailan 5 oras pa ang dapat kong bunuin para matapos ang araw ko"...hindi ko na kaya pang pigilan, pakiramdam ko na nauutot ako ngunit sa sandaling bitawan ko ang utot ay siguradong sasama ang jerbaks na naghuhurumintado na sa aking sikmura..."ITATAE KO NA TO!" at yun na nga ang naging desisyon ko, kaya kahit lampas na ako sa maximum minutes ng bio break namin ay hindi ko na ito pinansin at siguradong mas masaklap kung sumambulat ito sa loob ng floor...Dali dali akong tumakbo sa kubeta upang maglaglag ng bomba, pag-upong pag-upo ko palang ay "BBBBRRRAAAAKKKKKK!!!!" nagmistulang Hiroshima ang inidoro at binugahan ng bomba, kalat kalat at halos lumampas sa labas ang jerbs na nagwawala mula sa aking sikmura, matubig at talagang walang kasing baho ang amoy nito at kinailangan ko pang magsindi ng lighter upang pugsain ang nakakapangilabot na amoy na nagmamantsa at tumatambay sa ilong, tumagal din ako ng halos 5minuto sa loob ng kubeta at talaga naman guminhawa ang pakiramdam ko at kaagad akong bumalik sa station ko upang magtrabaho muli...Ang buong akala ko ay ganun lang yun, hindi pa pala, nasundan pa ng ilang beses ang pagbalik ko sa kubeta at talagang hinang hina na ako kaka-jerbaks at dehydrated na ako, wala na akong panlasa at ganang kumain, ang gusto ko nalang gawin ay umuwi at matulog ng matagal, sa tingin ko kaya nasira ang sikmura ko ay dahil sa gamot na binigay sa akin ng clinic namin...putaninanginang gamot yan!At sa wakas ay natapos din ang araw ko sa pagtatrabaho, niligpit ko na kaagad ang gamit ko at daglian lumabas ng opisina, nagbabadya ang panahon ng malakas na buhos ng ulan kaya nagmadali na akong maglakad papunta ng sakayan kasabay ay isa kong ka-opisina, hilong hilo pa din ako sa kakatae at sa sobrang kaantukan ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, hindi na kami umabot sa sakayan at sumilong muna kami ng ka-opisina ko upang magpatila, kwentuhan lang muna kami habang naninigarilyo, mura na ako ng mura dahil gustong gusto ko ng makauwi, halos kinse minutos din kaming nagpatila at sa awa naman ng diyos ay nakapaglakad kami papuntang sakayan at nakasakay naman kami kaagad...Pagdating ko sa bahay ay bagsak kaagad ako sa kama, hindi na ako nakakapagpalit ng damit at basa basa pa ang t-shirt kong suot, hindi na ako makabangon pagkalapat ng katawan ko sa malambot na kutson, ngunit naisip ko na hindi pa pala ako kumakain mula pa noong 11pm ng nakaraang araw kaya kahit hirap na hirap ako ay pinilit ko pa din bumangon at nagpalit ng damit sabay kain. Kakaiba na ang pakiramdam ko, nagsisimula na akong lagnatin dahil siguro sa sobrang puyat at nabasa kasi ako ng ulan. Nakipagkwentuhan muna ako sa kapatid ko pagkatapos kong chumicha, sinalampak ko ang patang-pata kong katawan sa sofa upang makapag-relax hanggang sa hindi ko namalayan ay bumiyahe na pala ako papuntang dreamland...lumipas ang isang oras sa pagkakatulog ko sa sofa ay pinalipat ako ng nanay ko sa kwarto upang makapagpahinga ng maayos, lumipat naman ako kahit hirap sa pagbangon, alas 3 na ng hapon ng makatulog ako sa kama...Naalimpungatan ako dahil nanginginig na ako sa sobrang ginaw at nagbabaga na din ako sa sobrang taas ng lagnat kaya naman nagkumot ako at pinatay ang electric fan...kung ano ano ang napapanaginipan ko, sigaw ako ng sigaw at sa bawat sigaw ay nagigising ako, naghahalucinate na ako dahil sa trangkaso. Naalala ko pa na ginising ako ng nanay ko upang ayain na kumain at uminom ng mainit na kalamansi na may honey ngunit ang sagot ko lang ay "Opo babangon na ako mamaya" ngunit tuloy tuloy pa din ako sa aking pagkakahimlay hanggang sa gumising na ako ng ala-6 ng umaga, imagine, nakatulog ako ng 3pm - 6am the following day na! Sabi ko sa sarili ko na tama na ang tulog at lumipas na ang napakahabang oras, napansin ko din na wala na akong lagnat ngunit ang sakit ng ulo ko dahil sa walang laman ang tiyan ko. Hindi na ako ulit bumalik sa kama at nagsipilyo muna ako bago kumain dahil pakiramdam ko na sobrang baho na ng hininga ko at puno na ng bacteria ang bibig ko. Naligo din ako kaagad at nagbihis pagkatapos kumain upang makaalis ako kaagad ng maaga sa bahay dahil pupunta ako sa clinic upang magpa-annual check up.

Pagkaalis ko ng bahay ay dito na nagsimula ang hindi ko mapaliwanag, medyo masama pa din ang panahon, maulap pa din at medyo umaambon ambon at habang nakasakay ako sa FX at nakadungaw sa bintana ay napansin ko ang mga kulay ng damit ng mga tao sa kalsada. Napansin ko na ang ganda ganda ng combination ng kulay, perfect para sa isang photo shoot, may naka-purple, turquoise blue at magenta, binaliwala ko lang ito dahil ano ba naman diba kung maganda ang combination ng mga damit nila. Pagdating ko naman sa MRT ay napansin ko din na may nakapurple na naman at may naka-magenta at turquoise blue..."hmmmm parang...ay nagkataon lang siguro" sabi ko sa sarili ko. Lumipas ang ilang oras at nagpunta na ako sa clinic, pagdating ko doon ay kinuhanan ako ng urine sample at dugo, nagpa-x-ray din ako ng baga at tapos konting interview ng doctor, kinabahan nga ako kasi baka mamaya may sakit na pala ako na hindi ko pa alam...anyway, pagkatapos ng mga test chuva at interview ek-ek ay pinaghintay nalang ako ng doctor sa waiting area upang tawagin ako. At sa aking paghihintay ay napansin ko na lahat ng mga assistant dun ay nakapurple..."OMG! this is too much to be a coincidence!" at hindi pa dun natapos yun, ilang saglit lang ay biglang may pumasok na babae na magpapacheck-up at naka-purple din tapos may pumasok na naman na isa pang babae na nakalavender naman tapos biglang may dumating naman na naka turqouise blue at biglang may nakamagenta..."My god, anong ibig sabihin nito...bakit halos lahat naka-purple?! Sign ba ito?! pero sign ng ano?! bakit nangyayari ito?! ako lang ba ang nakakapansin nito?! hindi...hindi totoo ito! masyado lang akong pagod at kung ano anong naiisip ko" natapos ako sa clinic at dumiretso ako sa trinoma upang kumain muna ng hapunan...mas lalong umikot ang ulo ko pagdating ko sa mall, hindi sa dahil napakadaming tao sa paligid, kundi napakadaming tao na may suot suot na purple/violet/lavender..."OH MY GOOOOODDDDD!!!!! THIS AINT HAPPENING!!! THIS IS NOT REAL!!! Natutulog pa din ba ako? nananaginip lang ba ako? hindi eh, gising na ako, gising na gising na ako eh! " hindi ako mapalagay sa mga nakikita ko, sa mga napapansin ko, pakiramdam ko para akong nasa TWILIGHT ZONE! "OK kung isa itong sign, then give me a sign and let me know what is it for" yan nalang ang sinasabi ko sa isip ko...then nagkita na kami ng kaibigan ko at tumuloy kami sa megamall upang kitain ang iba pa namin kaibigan, matagal din kaming paikot ikot sa megamall at parang wala na akong napapansin na nakasuot ng purple o violet o lavender...haayyy si medyo nahimasmasan na ako. Nagkayayaan kaming kumain muna sa Jollibee ng mga kaibigan ko at yung isa daw namin kaibigan ay dadaan din sa Jollibee pero hindi siya makakasama sa gimik namin dahil may naka-set na din siyang lakad...at habang kumakain na kami ay dumating na yung isa naming kaibigan and guess what? HE'S WEARING FUCKING PURPLE!!!!!!!!! ano bang meron sa kulay na to?! Pagkatapos nun ay hindi ko nalang inintindi kung makakakita pa ako ng mga taong nakakulay purple at nagsaya nalang kami ng gabing iyon hanggang sa umuwi kami, masaya naman ang gabi namin, puno ng tawanan at kulitan at kwentuhan ngunit pagdating ko sa bahay ay naalala ko na naman yung tungkol sa kulay purple..."search ko nga sa net" sabi ko and these are the stuff that I found over the net... According to the website http://www.sensationalcolor.com/

Purple embodies the balance of red's stimulation and blue's calm. This dichotomy can cause unrest or uneasiness unless the undertone is clearly defined, at which point the purple takes on the characteristics of its undertone. With a sense of mystic and royal qualities, purple is a color often well liked by very creative or eccentric types and is the favorite color of adolescent girls...Adolescent what??? GURLS???

at ito pa...

Purple around the globeIn Thailand, purple is worn by a widow mourning her husband's death. The purple in the U.S. military Purple Heart award represents courage. The Purple Heart is awarded to members of the United States armed forces who have been wounded in action.

In Tibet, amethyst is considered to be sacred to Buddha and rosaries are often fashioned from it.

A man with the rank of Roman Emperor was referred to as "The Purple" -- a name that came from the color of the robe he wore.

In Japan, the color purple signifies wealth and position.

Purple was the royal color of the Caesars.

In pysanky, the traditional Ukrainian form of egg dying, purple speaks of fasting, faith, patience, and trust.

Purple denotes virtue and faith in Egypt.

In Tudor Britain, violet was the color of mourning, as well as the color of religious fervor.

Traditionally, in Iran, purple is a color of what is to come. A sun or moon that looks purple during an eclipse is an omen of bloodshed within the year.

So hindi pala lahat positive dahil it symbolizes DEATH...scary diba?

there are other meaning pa like Purple is the color of good judgment. It is the color of people seeking spiritual fulfillment. It is said if you surround yourself with purple you will have peace of mind. Purple is a good color to use in meditation. Purple has been used to symbolize magic and mystery, as well as royalty. Being the combination of red and blue, the warmest and coolest colors, purple is believed to be the ideal color. Most children love the color purple. Purple is the color most favored by ARTISTS. Thursday's color is purple.

Madami pang ibang kahulugan sa mga websites na napuntahan ko tungkol sa kulay na ito at kadalasan parehas lang kaya hindi ko na ilalagay dito at baka bukas ka na matapos sa pagbabasa... Ano nga kaya ang ibig sabihin sa akin nitong purple color na ito? senyales ba sya o sadyang nagkataon lang talaga? what if isa siyang sign? So what do you think? am I being crazy or what?

kanina ko lang ito sinulat sa opisina namin at paglabas ko ng opisina...bumulaga sa akin ang babaeng nakakulay PURPLE!



Tuesday, September 02, 2008

Toys that I could'nt resist

Since childhood, I have this passion of collecting toys and I still have it until now, I still have this cravings of buying toys especially if the toy that I see is really mouth watering! When I was a kid, I used to have He-Man, Mask, Transformers, G.I.Joe, TMNT and some other action figures that is popular on TV...I even had a cheap plastic Hello Kitty that my mom bought me from the wet market (not in Gift Gate) which I love the most, She's always with me almost all the time even when I am taking a shower or playing water on a BATSA. It's a bit difficult to resist this addictive hobby, it's like a can of PRINGLES, once you pop, you can't stop, and I will not stop, I dont find any reason why I should stop collecting toys, maybe I will pause for a while, especially if the budget is too tight, but no way I will stop this hobby. Whenever I buy the toy that I like, there is this feeling of contentment whenever you get hold of that thing, It's also like an achievement for me...but also there is the opposite, sometimes there will be a time that I will see a toy that really captures my heart but unfortunately it's too expensive or it is not for sale and worst of all, the money that I have that time is not enough to buy it! and that's frustrating!!! anyway, let me share some of the recent toys that I bought, these toys are not new anymore, this is what we called "LOOSED" because its out of the package already, when I saw this toys, I said to myself "I want to have it, I NEED to have it!!!" and that time I have extra cash, so why waste the opportunity, tomorrow it may not be there anymore and I will regret it for the rest of my life and besides, It is cheaper than a brand new one...







I purchased these toys for Php 300 each, which is not a bad deal, especially Nightcrawler because it comes with a diorama...I will show you more when I get a chance to buy another one...



Monday, September 01, 2008

ISTORYANG CELLPHONE

Halos 2 taon na din ang lumilipas mula ng mabigyan ako ng isang simple pero magandang cellphone, masaya ako noong araw na yun dahil first time kong nagkaroon ng cellphone na medyo may kalidad, inalagaan kong mabuti ang cellphone na ibinigay sa akin, binigyan ko pa siya ng silicon para hindi masira ang body niya at para hindi kaagad magasgasan at magluma, masarap siyang gamitin at napamahal na ako sa kanya...ngunit isang araw ay nasira ang nokia phone ko, sa hindi malamang dahilan ay nawalan nalang siya ng signal, sinubukan kong palitan ng sim card at baka kasi yung sim ang may sira at hindi naman yung phone, ngunit ayaw pa din magka-signal, ni-restore ko na din ang factory settings pero wala pa din, tumawag na ako sa Globe at sa nokia at nag-search na din ako sa internet ng mga posibleng solusyon sa aking problema, halos lahat na ginawa ko ngunit hindi pa din umubra hanggang sa naisipan ko na hayaan ko na muna at dadalhin ko nalang siya sa pagawaan. Kaya naman pagkalipas ng ilang araw ay nagpunta ako ng nokia care upang alamin kung magkano ba ang service nila, ngunit tila yata ginto ang kamay ng mga gumagawa doon at labor fee pa lang ay Php560 na! WOW! Mataas pa sa minimum wage??? OK ka lang??? wala pa dun yung bayad kung sakaling may kailangan silang palitan na pyesa sa loob, pero syempre naman guaranteed na nokia parts ang ilalagay nila dun at kung hindi mo gusto yung price ng pyesa at gusto mo nalang i-pull out ang phone mo, kailangan mong magbayad ng pull-out fee na Php200..Oh san ka pa? Grabe ang price ng pagpapagawa sa certified repair center ngayon at ang nakakainis pa ay sabi nung gurlalu doon na baka kailangan na daw i-reformat yung phone kasi mukhang yung mismong program na daw ang sira, at may tendency pa daw na baka hindi compatible yung program na iinstall nila kasi for phillipines lang daw yun at yung phone ko ay from abroad, at kapag ganun daw ang nangyari ay dapat daw dalhin ang phone ko sa LEVEL 3 REPAIR..."HUH?!" laking gulat ko sa mga sinabi sa akin nung babae at akala naman niya eh naniniwala ako sa kanya, alam naman pala niya na may posibility na hindi gumana yung pang-pilipinas eh bakit hindi pa niya gamitin yung siguradong gagana diba? kaya ang sabi ko nalang sa kanya ay "Ah sige ipapaalam ko muna sa may-ari yung babayaran at babalik nalang ako kapag pumayag na..." tanginang yan! ano ako hilo? sa labas ko nalang ipapagawa ang phone ko at pakiramdam ko naman na hindi ganun kalaki ang sira ng phone ko noh! May nalalaman pa siyang LEVEL 3 repair kuno! Hmp! Pekpek niya Level 3! ...lumipas ang ilang araw ay balisa pa din ako dahil sira pa din ang phone ko, gustong gusto ko ang nokia phone ko, napamahal na ako sa kanya at isa pa ay napaka-user friendly nya kasi eh...at biglang naalala ko yung kaibigan kong gumagawa ng cellphone noon sa may Greenbelt "tama sa kanya ko dadalhin ang cellphone ko, siguradong maayos niya yun at hindi ko pa kailangan magbayad ng napakamahal at garantisadong hindi naman niya ako lolokohin dahil napagkatiwalaan ko na siya noon pa" yan ang sabi ko sa sarili ko...(oo minsan kinakausap ko ang sarili ko). Nag-set ako ng araw kung kailan ko dadalhin yung cellphone ko sa kaibigan ko, ngunit tuwing nagbabalak nalang ako ay palagi itong nauudlot, ,ung hindi ako nakakatulog ay bigla naman sumasama ang panahon hanggang sa hindi ko na napagawa yung cellphone ko...
...
...
...
Dalawang linggo na ang lumilipas mula ng nasira ang cellphone ko, wala pa din siyang signal...naisipan kong bigla na "ano kaya kung i-synch ko siya sa kompyuter ngayon?"..hindi na ako nagatubili pa, binuksan ko kaagad ang kompyuter at kinuha ko kaagad ang kable ng cellphone ko upang i-synch ito, nilagyan ko siya ng sim at...dan-da-da-dan-daaann!!! Na-detect kaagad ng PC yung cellphone! Hinanap ko kaagad dun sa program ng synch kung may pang-update ba ng cellphone...hanap...hanap...hanap...at habang nahihilo na ako sa kakahanap ay naisipan kong damputin ang cellphone ko...TARAN!!!!!! MAY SIGNAL NA SIYA ULIT!!!! YEHEYYYYYY!!!! Bumalik na sa dati yung cellphone ko hindi na siya nawawalan ng signal! MABUHAAAAAAAAAYYYY!!! GAGALING!!! GAGALING!!! Masayang masaya ako noon at hanggang ngayon dahil nagagamit ko na ulit ang nokia phone ko, magkasama na ulit kami palagi, kasama ko na siya ulit sa pakikipagusap ko sa mga kaibigan ko, sa mga kamag-anak ko, sa pagkuha ng mga litrato, pakikinig ng music...haaaaayyy Nokia 6230i ko...Mahal na mahal kita!






Tuesday, August 12, 2008

Do not step on the platform my ass!!!




I saw this sign one day and I thought...hhmmmm...what if I do the opposite???


...UHMP!!!


...ayan apakan ko nga!

Sunday, August 03, 2008

Such one lucky dog

I went to the supermarket last few weeks ago and while im looking for a tomato sauce, this really surprised me, at first glance I thought its a baby wearing a furry hat but NO, its a FUCKIN' DOG ON A BABY CART!!! After seeing this, It reminds me of those street children eating garbage or left over food just to survive...

Monday, July 21, 2008

Tuesday, July 15, 2008

Sunday, July 13, 2008

How to say "YOU DIDNT MAKE IT" in a nice way

Last few weeks ago, i got an email from jobstreet.com about the latest companies that is open for artist position, so grabbed the opportunity and send out my resume.

...then i waited


...after a few days, still no reply


...still waiting


...still patiently waiting


...days have passed, still no reply


...sigh, still no reply


...new job openings already sent to me by jobstreet.com but still no reply from the previous company


..then finally after almost a month i got a reply! WOOHOO!!!


and this is what they said


Dear Sir:

Thank you for your interest in applying for the position of GRAPHIC ARTIST. We have given your resume careful and thorough review. While your qualifications are impressive, we regret that we are unable to extend an offer to you, as the competition for this position has been very keen. Your interest in our company is most appreciated, however, and we would like to wish you the best of success in your career.

Truly yours,
Blah blah blah Inc.


...hmmmm, tough shit! then dont! :-)

Thursday, July 10, 2008

PULUBI VS TAONG GRASA ROUND 3

Sa round na 'to medyo humabol sa puntos ang pulubi group, kitang kita naman sa larawan, isang bulag na pulubi, may electric guitar, may mic at may donation box at hindi lang yun, may malaking payong pa siya! Say mo? Bilib ako sa pulubing ito, hindi sya yung tipikal na lumilitaw nalang sa kawalan at magugulat ka na nanghihingi na sa iyo ng palimos, dito masasabi ko pa talagang may ginagawa siya upang kumita ng pera, kahit umulan o umaraw ay nandiyan siya magkaroon lamang ng konting palimos at pantawid ng gutom, napansin ko din na mas madami ang nagbibigay sa kanya kumpara sa mga tipikal na namamalimos...minsan naisip ko na bigla kaya siyang surpresahin ng isang TV show gaya ng "Wish Ko Lang" at habang tumutugtog siya gamit ang luma niyang gitara ay hindi niya alam na may naka-set-up ng full band sa likod nya at bigla na lamang siyang sasabayan sa anumang tinutugtog niya, tipong isang sikat na banda! tapos ang dagdag pa sa regalo sa kanya ay bibigyan sya ng tutorial sa YAMAHA SCHOOL OF MUSIC, tapos bibigyan din siya ng bagong FENDER STRAT na gitara na may kasamang Amplifier at mga gadgets at hindi lang yun, bibigyan din siya ng pagkakataon na tumugtog at makapagtrabaho sa isang acoustic bar 4 times a week para hindi na siya tumutugtog sa kalye at kumikita pa siya ng malaki!...Ano kayang mararamdaman ni Manong Musikero noh? Sa tingin mo? let me hear your comment.

Tuesday, July 08, 2008

ANO BA TALAGA???


Hindi kaya adik din ang nagsulat nito? nakita ko lang yan kanina sa may bandang guadalupe malapit sa ilalim ng tulay...may arrow pa na parang tinutukoy na doon banda NO TO DRAGS pero sa ibang kabila pwede...hmmmm! interesting ha!

Tuesday, July 01, 2008

PUPPY LOVE



Kailan kaya pumapasok sa isip ng isang tao ang magkaroon o makaramdam ng crush? Pumapasok nalang kaya yun ng automatic? Para ba itong sakit na bigla nalang dadapo sa hindi mo inaasahang oras? yung tipong magugulat ka nalang gusto mo na pala siya, magugulat ka nalang at palagi nalang siya ang iniisip mo, magugulat ka nalang na parang kulang ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita, naririnig at nakakausap man lang kahit sa telepono? Bakit nga kaya sadyang nakakabaliw ang pakiramdam kapag may gusto ka sa isang tao? Iba pa kaya talaga ang pag-ibig sa pagkakaroon ng crush? Madaming tanong na mukhang madami din ang version ng sagot, parang relihiyon, kanya-kanya ang paniniwala pagdating sa pag-ibig o crush...May crush ang isa mong kaibigan na ayaw mo dun sa crush niya at ikaw naman may crush ka na ayaw din ng iba mong kaibigan, maganda para sa tingin mo, pangit naman sa kanila at vice-versa, kaya talagang kanya kanya ang paniniwala, kanya kanya ang dahilan kung bakit gusto ni ganito si ganyan at kung bakit mas maganda sa iyo ang pangit sa kanila...Hindi mo mapigilan at parang nasa ilalim ka ng isang salamanka. Kay sarap magkaroon ng crush, palagi kang inspired, parang ganado ka palagi, daig mo pa ang nagta-track and field sa olypics sa sobrang liksi mo, nakakalimutan mo ang pagod, ang mga problema, parang yung crush mo yung gamot sa sira mong araw, tipong lahat gagawin mo para mapansin ka niya, kahit alam mong mukha ka ng tanga.
Teka kumuha nga tayo ng source kung ano nga ba ang ibig sabihin ng "CRUSH" ...Ayon sa Wikipedia ang Crush daw ay ang tinatawag din na PUPPY LOVE which is an informal term for feelings of love, particularly between young people during adolescence, so-called for its resemblance to the adoring, worshipful affection that may be felt by a puppy. The term is often used in a derogatory fashion, describing emotions which are shallow and transient in comparison to other forms of love such as romantic love. Another use of the term (also commonly described as a "crush"), can be used to describe the love or lust of a child or adolescent for an adult. For example, a student being attracted to his or her teacher could be considered puppy love. In this case, the term relates an infatuation which is frequently not reciprocated. The term may meet with resistance from some people as patronizing and belittling of genuine emotion... So naintindihan mo ba?
...
...
...
...
...
Ako din hindi eh, ingles kasi.
Ilang taon ka noong una mong naramdaman ang magka-crush sa isang tao? yung pakiramdam na nakakabaliw, yung pakiramdam na hindi madaling bitawan dahil masarap at medyo nakakaliti parang binubulate ka sa pwet...I-she-share ko lang ah, kung hindi ako nagkakamali, unang beses ko yatang naranasan yan noong prep ako, may isa akong classmate nun na ang ganda ganda niya at mukha siyang anghel, maputi, makinis ang balat, maganda ang buhok, pink ang lips at maganda ang mata, siya ang unang na-kiss ko, hiyawan pa nga ang mga lintik na mga magulang namin eh, sobrang kilig silang nakikita ang mga anak nilang naiinlab sa isa't-isa! I-tolerate daw ba? pero syempre yung kiss na yun ay sa cheeks lang, hindi torrid noh, ano siya hilo? Heller! Tsaka sobrang bata pa kami nun, supot pa ako nung panahon na yun at hindi ko pa alam ang sex! Naalala ko pa nga na nagpupunta kami ng Nanay ko dun sa bahay nila minsan at binabasahan niya ako ng mga childrens story, gaya ng Jack and the Bean Stalk, Ugly Duckling, Lil' Red Riding Hood at marami pang iba, (hindi ko maintindihan, marunong naman akong magbasa nun eh bakit siya ang basa ng basa...degrading ha! Naiimbyerna ako!) habang ang mga nanay naman namin ay busy sa pagchichikahan habang naghahanda ng meryenda...Gandang ganda ako sa kanya at kahit bata pa ako noon ay pakiramdam ko mahal ko na siya! Ngunit dahil mura pa ang isip ko at may gatas pa ako sa labi ay hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig kaya sa malamang ay hindi pagmamahal yun kundi crush lang. Bakit kaya madalas ay dine-deny natin ang pagkakaroon ng crush? kapag tinanong mo yung kaibigan mo kung mahal niya yung isang tao ay mahihiya pa siya at sasabihin niyang "hindi naman, crush ko LANG" ...sobrang showbiz sumagot ampotah! Samantalang kung iisipin mo ay doon nagsisimula ang unang kilig diba? lalo na kung habang nakatingin ka sa crush mo tapos bigla ka din niyang tiningnan at bigla ka niyang nginitian, sabay yuko tapos sumundot pa siya ulit ng isa pang tingin with matching ngiti ulit sa iyo! AAAAYYYY!!! Nanginginig ang mga ugat ng puso mo, sigurado para kang hihimatayin sa tuwa at pinupulot mo na ang underwear mo sa lapag! Aminin mo alam mo yang pakiramdam na yan diba? Ang matindi ay sa tingin palang nya ay ganun na ang reaksyon mo, eh paano pa kaya kung makilala mo pa siya? nagpalitan kayo ng number, palagi kayong nagkakasalubong, naging close kayo, hanggang sa nagsisimula na kayong lumalabas labas, hanggang sa sobrang close niyo eh ok lang sa inyong nagkakabiruan ng below the belt dahil alam niyo naman sa isa't isa na katuwaan lang yun...sa madaling salita ay naging Super Friends kayo! Pero kahit friends kayo ay crush mo pa din siya...hanggang sa dumating na ang hindi niyo inaasahang araw na dalawa lang kayong magkasama sa isang romantikong lugar at bigla nalang kayong nagkatinginan mata sa mata, ramdam ng bawat isa sa inyo ang tibok ng puso at parang may hangin nalang na dumaan at bumubulong sa tenga niyo at sinasabing "Haaaaaliiiikaaaan moooo naaaaaaaaa syaaaa...syaaa...syaaa...syaaaa "at dahan-dahang maglalapit ang inyong mga labi, magdidikit, parang may kuryenteng dadaloy sa buo niyong katawan at sabay kayong mapapapikit sa sarap ng init na inyong nararamdaman, nagpalitan kayo ng laway, dila sa dila ang labanan, hanggang ang mga kamay niyo ay nagsisimula ng magpunta sa ibang parte ng katawan...opppssss teka teka...wag muna yun, alam kong kinikilig ka na...At pagkatapos niyong magtikman ng labi ng isa't-isa ay sabay kayong bibitaw at mahihiya pero bakas na bakas sa mga pagmumukha ninyo na gusto niyo naman ang nangyari at umaasang maulit muli, kaya magkakangitian kayo at magyayakapan at diyan na biglang papasok ang linyang..."Check in tayo?" hehehehe!... NO! hindi yun ang tinutukoy kong linya, ang gusto kong sabihin ay ang ganitong linya "Alam mo... Gusto kita...pwede ba natin subukan maging tayo? " ...uuuuyyyy M.U. daw oh! Mag-Un! ...Alam ko na alam niyong lahat kung anong pakiramdam ng magkaroon ng isang crush, NAPAKASARAP!!! siguro ilan doon sa mga nabanggit ko kanina ay talagang nagawa niyo na o baka nga higit pa, ngunit minsan dapat din nating isipin na hindi porket gusto mo ang isang tao ay gusto ka na rin niya, hindi porket natutuwa siya sa iyo ay pareho na siya ng nararamdaman gaya ng sa iyo, hindi porket close kayo ay posibleng mas lumalim pa, minsan dapat may limitasyon din, tantsahin mo din diba? At baka mamaya makita mo nalang ang sarili mong nag-iisa, umiiyak, naglalasing, gusto mo ng magpakamatay habang yung crush mo naman ay maligayang maligayang kasama ang newly throphy jowa niya! wag sayangin ang oras sa bagay na walang kasiguraduhan... Mag-isip isip din diba? Ngunit mas masaya pa din talaga kung ikaw ang makakatuluyan niya!

Tuesday, June 17, 2008

BAKTUSKUL

Tapos na ang bakasyon at simula na naman ng eskwela, madaming bata ang excited sa pagpasok at marami din naman ang tinatamad at gusto pang mag-extend ng bakasyon. Hindi na pwedeng magpuyat ang mga batang grade school dahil maaga silang gigising sa umaga, pwera lang syempre ang mga estudyanteng pumapasok sa hapon, obvious naman diba? bakit sila gigising ng umaga eh sa hapon pa ang pasok nila. Ang mga High School studes naman ay excited na din dahil magkikita-kita na naman silang magbabarkada at syempre ang crush nila sa school. Sa mga college studes eh wala lang, parang wala naman bakasyon sa college eh, meron man pero halos saglit na saglit lang at parang di mo mamamalayan na tapos na pala, karamihan pa naman ng mga universities at colleges ngayon ay Trimester na at yung ibang masisipag na estudyante naman ay nagsa-summer class. Dahil pasukan na naman ng mga estudyante ay dapat maghanda na tayo sa pahirapang pag-biyahe at siguradong punuan na naman ang mga dyip, bus at tren at wag kalimutan ang nakakapag-painit ng ulo na trapik lalo na kapag umuulan.
Na-aalala ko pa nung elementary ako, sa public school ako nag-aaral, masipag akong pumasok noon sa eskwela, maaga akong gumigising para mag-ayos at makapag-almusal mahirap mag-aral kapag ang iniisip mo ay ang kumakalam mong sikmura, naglalakad lang ako kapag pumapasok bitbit ang napakalaki kong bag na puno ng libro at mga notebook na makakapal , malapit lang naman kasi yung iskul ko sa bahay namin eh, medyo delikado lang kasi may tinatawidan kaming kalye na puno ng sasakyan (A.Bonifacio).Naaalala ko pa noon ang baon kong pera ay dalawang pisong papel, yung kulay blue na si Jose Rizal ang nakaprint, malaki pa ang halaga noong ng dalawang piso, nakakabili ako ng nutri-bun, gulaman at chichirya, kalahating araw lang ang pasok namin noon kaya ok lang na hindi kumain ng mabigat kasi pag-uwi naman sa bahay ay kakain na ako ng tanghalian, tapos minsan nagrerenta pa ako ng Game N' Watch dun sa Mama na may tinutulak na karitela, 50 centavos yata yun kada laro o kaya naman ay sumasali ako dun sa palabunutan na ang premyo ay itik o kaya sisiw. Hilig ko noon na pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay ginagawa ko na ang assignments ko bago ako maglaro sa kalye, lalo na kapag may ido-drawing kami o may kinalaman sa arts. Masaya noong elementary kasi tinuturuan kami ng mga gawaing bahay, gaya ng pagluluto at paglilinis, tinuturuan din kaming gumawa ng mga bagay na pwedeng pagkakitaan, gaya ng basket, pamaypay na yari sa abaka at ang hindi ko malimutang paglalaminate ng litrato, yung nakadikit sa kahoy tapos laminated, hanggang ngayon naka-display pa sa bahay yung gawa ko, tabingi pa nga yung pagkakagawa ko eh, balbon ika nga nila. Hindi pa uso barkadahan noon, pero may mga tinatawag naman akong bestfriends.
Noong tumuntong naman ako ng High School, diyan na ako medyo dinapuan ng katamaran, di ko na hilig ang mag-aral ng mabuti noon. Diyan ko din natutunan ang kung ano anong klaseng katarantaduhan! Diyan nga daw pumapasok ang curiosity stage, nagbibinata, maraming gustong subukan pero madalas nauuwi lang naman sa wala. Noong High School ko natutunan makipag-barkada, mag-bisyo, manood ng porn, mag-cutting classes, mandaya sa exam, mangopya sa kaklase, magpa-iyak ng titser at kung ano-ano pa! Pero may natutunan din naman akong maganda noong High School, ayun ay ang huwag ng gawin ang mga maling ginawa ko.Napakasaya ng High School life ko dahil sagana sa adventures at kwentong hindi ko talaga malilimutan lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko sa loob at labas ng eskwela.
Kung ang High School ko ay puno ng katarantaduhan, iba naman pagdating ng college, kombinasyon sya ng katarantaduhan at masinop na pag-aaral, pwera lang sa minor subjects. Fine Arts ang kinuha ko noon, mahilig kasi akong mag-drawing at gumawa ng kung ano anong arts, kaya naman peborit ko ang mga major subjects namin, kasi full of arts talaga, enjoy gawin at hindi ako tinatamad, pagdating naman sa mga minor subjects gaya ng english, rizal, behavioural science atbp. ay wala akong gana, pero hindi naman ako madalas mag-absent dahil ayaw kong nahuhuli sa mga pinag-aaralan namin. Nagkaroon din ako ng sangkaterbang kaibigan noong college years ko, barkada sa Fine Arts, barkada sa Engineering, barkada sa Business Admin., pati nga mga janitor at guardia ay barkada ko din. Noong college ko din naranasan ang tumugtog sa stage kasama ng aking mga ka-banda, kausuhan kasi ng banda noon eh, tumutugtog kami sa school kapag may event, lalo na tuwing fashion show ng Fine Arts which is sobrang namimiss ko na. Madalas din kaming mag-inuman noon ng mga barkada ko, iinom kami sa tapat ng school kahit na alam namin na may klase pa kami, yung isa ko ngang barkada noon ay sumuka sa classroom, buti nalang mabait yung prof namin at hindi siya pinagalitan, pinagtawanan lang namin sya. Noong college din yung tipong pahirapan kumuha ng subjects at kung paano mo gagawin ang sched mo dapat kasi hindi magcoconflict ang scheds ng mga subjects mo, nahihirapan lang ako noon kumuha ng minor subjects, kasi sa college of fine arts naman ay madami kaming scheds, mahirap pa lalo ay yung may madi-disolve na subject dahil sa kakulangan ng nag-eenroll, meron din naman mga subject na hindi na ino-offer pero madami pang estudyanteng hindi nakakakuha kaya nagpepetisyon sila kapag ganun ang sitwasyon. Sa awa ng diyos ay wala naman akong naibagsak na subject, meron lang 2.75 at pasang-awa na 3.00.
Nakaka-miss ang pagiging estudyante, kung maaari lamang ibalik ang panahon na nag-aaral pa ako ay gagawin ko. Sa aking sariling pananaw, ang pagiging estudyante na siguro ang kabanata sa ating buhay na hinding hindi natin malilimutan dahil doon natin natututunan ang karamihan ng bagay na ngayon natin ginagamit, kumbaga sa science, chemistry ang pag-aaral at physics naman ang pagtatrabaho.... ngunit sa panahon ngayon hindi na din ganun ang nangyayari, madalas hindi na nagagamit ng mga estudyante ang mga napag-aralan nila dahil karamihan ngayon ay napupunta sa mga call-centers dahil sa malaki ang sahod. Maganda naman talaga ang sahod sa call centers, ngunit huwag sanang dumating ang panahon na lahat nalang ng pilipino ay nagtatrabaho nalang sa call centers at pinag-walang bahala nalang nila ang tinapos nila sa pag-aaral. Sana nag-crash course ka nalang ng english subject diba? at hindi na nagsayang ng pera ang mga magulang mo sa pagbabayad ng napakalaking tuition fee.

Monday, June 16, 2008

PARANG NATUTULOG LANG

May Team Building chuva kami last 2 weeks ako, nagswimming kami sa may montalban at syempre mawawala ba naman ang alak...inuman kami mula hapon hanggang madaling araw at ayan ang nangyari sa akin...Ganito pala itsura ko kapag nalasing at nakatulog nalang sa isang bangko...gago 'tong mga officemates ko eh kinuhanan ako ng picture pero ok lang atleast nag-enjoy kami nung araw na yun!

IM SO ANXIOUS



May Anxiety problem na yata ako...lately napapansin ko na palagi nalang akong naiinip, hindi mapakali, parang may gusto akong gawin at hindi ko alam kung ano yun, naiinip ako, inip na inip kaya naisipan ko nalang mag-falsetto at sabayan ang How deep is your love ng BeeGees! as in todo lakas at sana naririnig iyon ng kapitbahay namin dahil palagi nalang may construction sa kanila at madalas ay istorbo sila sa pagtulog ko. May bago akong nadiscover na artist, first kong narinig ang song nya sa palabas na Gavin and Stacy, british TV program sya and i just love James Cordell!!! pero hindi sya yung singer na tinutukoy ko, ang nadiscover kong singer ay si Stephen Fretwell, melodramatic ang songs nya and more of acoustics, gusto ko mga lyrics nya at yung flow ng music nyang kino-compose lalo na yung kanta nyang New York, gustong gusto ko siyang pinakikinggan habang naglalakad ako at patingin tingin sa paligid at sa mga taong nakakasalubong ko, gustong gusto ko kasi yung chorus nya na "FUCK WHAT THEY SAY, FUCK IT IF THEY TALK, IT REALLY DONT MATTER,WERE GOING TO NEW YORK" parang wag mo ng intindihin ang sasabihin nila, basta ang mahalaga magkasama tayo at masaya, gagawin natin ang gusto nating gawin at walang makakapigil dahil nagmamahalan tayo! So selfish, pero kung hindi naman makakasama sa iba yung gagawin niyo ay hindi ka dapat matatakot diba? madami pa siyang ibang kanta na gusto ko, ang sarap sarap kasing sabayan habang iniisip mo yung mga taong nakasama mo sa buhay or yung mga ala-alang related dun sa kanta lalo na kapag umuulan...tangina anxiety problem na nga yata to'...dapat yatang magpatingin na ako pakingsyet!