Wednesday, April 30, 2008

She will not be in my pocket...she will always be in my heart


I am very very sure that most of us liked her, she gave us some songs that we love to listen while we're driving, while with our friends, when we're alone, when we feel happy, angry or sad and most of all while we're taking a shower... her songs gave us some words to wonder...songs that captured our hearts and mind...but where is she now??? ...I dont hear anything about her anymore, I dont see her on TV or hear her from the radio...I love her, I love her songs...suddenly...I just missed her...the person that I am talking about is labeled the "first lady of rage" and she is non other than ALANIS MORISSETTE ...debut Jagged Little Pill became one of the most successful albums of all time. The raw intensity of the album's first single "You Oughta Know"...would you believe that at a tender age of 9 she wrote this...its called "Fate stay with me" .
I wanted money and hope and
A dream to carry me forever
This is all the hope I got left
Help me to get it together, now
I can sing or act or dance but I still won't get far
Unless you help me, please, to be a big star
But where is the First Lady of Rage now??? did she get married? got babies? got a family of her own? ...thats why right now I am downloading her songs and i will put it in my mp3 player and will never ever delete it!!!

Diko malilimutan ang pelikulang ito!

Naalala mo pa ba yung unang-unang Shake Rattle and Roll na movie? yung Manananggal na bida ay si Herbert Bautista at si Mary Walter yung lola nila...at yung gumanap na manananggal ay si Irma Alegre...syeeeeeettt takot na takot ako nun!!! kaya ito watch mo ...just click the link
http://uk.youtube.com/watch?v=G-_dy1lMKks

AFTER SEVERAL MONTHS

Ang tagal na pala ng huli kong blog, December 3 2007 pa...kumusta naman kaya yun diba??? Saan ba ako magsisimula ulit, Hmmmm...Well, kung kakamustahin niyo ang mga nagdaang buwan sa buhay ko eh masasabi kong OK naman...Umpisahan natin sa Christmas ko, masaya naman kahit paano, nakasama ko naman ang pamilya ko sa noche buena, tas nagpalitan kami ng gifts, yung New Year naman ok din, kaso 1st time kong sumalubong sa pagpasok ng bagong taon na nasa work, pakiramdam ko nasa abroad ako at sa phone kami nagbabatian ng Happy New Year, muntik na tuloy akong maiyak ng maisip ko nasa QC nga lang pala ako ng mga oras na yun at bakit ba ako magdadrama dabah? OK din naman ako sa work, nung December 25 nilipat na kami sa dati naming account...masayang malungkot dahil hindi ko na makakasama yung mga good friends ko dun sa isang account pero masaya naman din ako kasi makikita ko na naman yung crush ko...oh diba may crush! Anyway, moving on...Sa ngayon regular na kami sa work, nakalampas na ako ng 6 months, medyo nagsasawa na nga din ako sa kaka-take ng calls eh, parang araw-araw paulit-ulit nalang yung sinasabi ko, parang walang growth, parang wala ng buhay, buti nalang palagi kong nakikita yung crush ko at nabubuhayan ako...ayaw kong magsalita ng tapos, pero sa tingin ko hindi ako tatagal sa call center...anyway, kahapon pa ako ng 9pm gising kaya experience ko na munang matulog ngayon, sundan ko nalang ulit tong blog ko sometime soon.

PULUBI VS TAONG GRASA Round 2


Kanina ko lang naisip to habang naninigarilyo ako at tumatae, biglang sumulpot ng parang kabute sa isip ko ang tanong na…ANO KAYA ANG NASA ISIP NG ISANG TAONG GRASA??? Pabor pa din talaga ako sa mga Taong Grasa, kumara sa mga nakakairitang pulubi… Ang mga pulubi alam mo na kaagad kung anong unang naiisip niyan eh, kung anong motibo nila kung bakit sila lumalapit sa iyo, sa totoo lang madalas nilang sabihin ang nasa isip nila “Kuya/ Ate pahingi po ng pera pang-kain lang po” o di kaya, “ konting tulong lang po” sabay akay akay yung bulag nilang kasama sa kalsada, tama bang kaladkarin mo pa yung bulag o di kaya yung matandang uugod ugod o yung mga sanggol na walang kaalam-alam sa pamama-limos…hindi naman sa nagdadamot, pero kung iisip mo madami silang pwedeng gawin (basahin mo nalang sa Round 1). Dun sa labas ng office namin, may isang matandang halos gabi gabi nalang namamalimos, sasabihin pambili lang ng gamot, paano kaya sya gagaling kung madaling araw na ay hindi pa siya nagpapahinga? Pwede naman syang mamalimos sa umaga…OO, sige wala siyang kamag-anak para tulungan sya, wala na siyang oras magpahinga dahil kailangan niyang mamalimos para makakuha ng pambili ng gamot…bakit hindi siya pumunta sa isang center ng baranggay? Libre naman dun diba? Mas matutulungan sya dun…teka, yun nga ang sasabihin ko sa kanya kapag nakita ko siya ulit. Noong isang gabi naman, yung isang bata ang nandun, palagi din siyang nandun, halos gabi gabi yata nakikita ko yun dun, kausap niya yung isang babae, namamalimos sya, ayaw siyang bigyan ng pera nung babae…tanong nung babae, “ Nasan ba ang magulang mo? Bakit hindi ka nakapag-aral? Bakit hindi ka maghanap ng trabaho? “ sagot nung bata, “wala akong pinag-aralan kaya hindi ako makapagtrabaho” sinagot sya nung babae, “eh di pumasok ka kahit dish-washer sa isang karinderya, kailangan pa bang may pinag-aralan ka para maghugas lang ng pinggan? “ tameme yung bata, umalis nalang sya…gago eh. Tapos dun naman sa MRT Quezon Ave, may batang estudyante, lumapit sa akin, tarantadong yun sabi ba naman “ Kuya pahinging kuwarenta pesos?” nagulat ako eh, akala ko hold-up, so hindi lang pala taxi ang may flat rate ngayon? Pati na rin ang namamalimos? Hindi ko nga binigyan, sabay kinabukasan nandun na naman ang lintek na yun, at naka-porma pa ha! Hanep na pulubi, mas maporma pa sa akin…Teka teka, nalilihis na yata ako sa topic ko, ano nga kaya ang iniisip o nasa isipan ng isang Taong Grasa??? Sa tingin ko naiisip pa din niyang kumain dahil nakakaramdam pa din ng gutom yun syempre…pero ano kaya ang iniisip niya kung hindi sya gutom? Ano kayang iniisip niya kapag kinakausap niya ang sarili niya? Ano kaya ang naalala niya? Gaano kaya kataas ang I.Q. nya? Paano kaya sila magmahal? Sira ba talaga ang ulo ng isang taong grasa o sadyang hindi lang natin sila maintindihan? Hindi na ako magpapakaimpokrito, OO takot at nandidiri ako sa taong grasa dahil talaga naman kahit saan banda pa nating tingnan, madumi talaga ang itsura nila at mabaho…ngunit hindi naman sila magiging isang taong grasa kung hindi ganun ang itsura nila diba? Maglakas kaya ako ng loob minsan at kausapin ko ang isang taong grasa? Madami siguro akong matutuklasan…gusto mong sumama? Ano?
Tara?

SAKRIPISYO

Sa tingin ko, isa na sa pinakamagandang pag-aari ng isang tao ay yung hawak niya ang sarili niyang oras. Malaya siyang gawin ang gusto niya, makakapunta sa kung saan saan at makamit ang mga pangarap niya. Ngunit hindi lahat ng ito ay maaring makasatuparan, dahil parte na ng buhay ng tao na may palaging bumabalakid sa oras niya, hindi ko masasabing sagabal, ngunit may pumipigil o pipigil upang hindi niya magawa ang gusto niya. Maraming posibleng sanhi, gaya na lamang ng kalikasan, sakit, kahirapan, kawalan ng lakas ng loob. Kay dami kong gustong gawin sa buhay, gusto kong mag-pinta mula sa maliit na pirasong canvas hanggang sa naglalakihang mural, hilig ko ding kumanta sa harap ng maraming tao kasama ng aking banda, umarte sa teatro, gusto ko ding gumawa ng sarili kong komiks, gusto kong lumawak ang kaalaman ko sa Computer Graphics at higit sa lahat, gusto kong mapabilib ang mga tao dahil sa aking kakayahan. Sa dami kong gustong gawin, wala akong nasimulan. Bakit nga ba? Dahil siguro iniisip ko gusto ko silang gawin ng sabay sabay? Ano nga ba ang dapat kong simulan? Saan ba ako magsisimula? Paano ako magsisimula…naguguluhan ako…hindi ko alam kung saang daan ba ako dapat tumungo…isang bagay na siguro kaya hindi ko magawa ang mga bagay na ito, ay dahil naiisip ko na kailangan kong unahin ang kumita ng pera. Kailangan ko ito para matulungan ang pamilya ko, ang sarili ko. Kay dami ko ng napasukan ng trabaho, lahat hindi ako tumagal, pinakamatagal ko na yata ay anim na buwan, tinapos ko lang ang kontrata. Napakahirap kong makuntento sa isang lugar, sa isang trabaho, madali akong magsawa, naiinip ako…ako kasi ang tipo ng taong hindi naitanim sa utak na maghanap ng malaking kita. OO mahalagang kumita ng pera, ngunit kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo, wala ding mangyayari sa buhay mo, dapat pantay, dapat masaya ka at kuntento sa ginawa mo, gawin mo kung anong sinasabi ng puso mo, gamitin mo ang kakayahan mo. Madalas kong naiisip na dapat mahalin mo ang trabaho mo, ngunit hindi ka nabuhay para magtrabaho, nagtatrabaho ka para mabuhay…mahalin ang trabaho ika nga, MAHALIN ANG TRABAHO!!! Ngunit paano naman ang sarili mo? Paano naman yung gusto mong gawin? …MAGSAKRIPISYO, MAGSAKRIPISYO, MAGSAKRIPISYO!!! Magsakripisyo para sa ikakasaya ng iba, sa ikagaganda ng buhay ng pamilya mo…AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!! Naalala ko tuloy yung nabasa ko noon sa isang forum ng mga Artist…sabi nung isa, na mabuti daw ay kinuha nya ay Major in Business at hindi Fine Arts, dahil sa ngayon hindi siya nagsisi dahil nagagawa naman niya pareho, may negosyo sya habang nakakapag-pinta…parang naisip ko tuloy, sana pala B.A. nalang din ang kinuha ko…HINDI, HINDI, HINDIIIIIIIII!!!! Tama ang pinili kong kurso, eto ako, pinanganak ako para sa larangan ng sining, pinanganak ako upang iguhit, ipinta at isulat ang nararamdaman ko, naiisip ko at mga ideya ko. Hindi ko alam kung totoo yung kwento na ito, ngunit naalala ko lang, si Dong Abay ng banding YANO, halos tatlong taon siyang nagkulong sa kwarto, wala na akong pakialam kung adik siya o kung sira ulo man siya…ngunit ang nakapagpalabas lang daw sa kanya ng kwarto ay ang bata niyang pamangkin, sabi sa kanya, “ diba singer ka? Bakit ka nandyan sa kwarto at hindi ka kumakanta? “ naisip niya siguro na OO nga, bakit nga ba ako nagkukulong dito? Wala naman nangyayari sa akin…ayun lumabas siya ng kwarto at nagsimulang bumuo ulit ng banda PAN yata ang pangalan ng band nya noon. Tamad lang ba ako? O walang lakas ng loob? O kailangan ko ng isang tao para mag-udyok sa akin na GAWIN MO TO! GAWIN MO TO! IKAW YAN! PAKITA MO KUNG SINO KA! PAALAM MO SA LAHAT NA ETO KA! Bakit ba ako nasa Call Center ngayon? Bakit ko ba natitiis na tumanggap ng tawag sa telepono ng buong araw upang marinig ang mga reklamo at problema ng kung sino sino at halos lahat ng sisi ay ibubuhos sa iyo, mumurahin ka pa minsan kung mamalasin…? Pwes sasagutin ko sa iyo…Una, dahil kailangan mong kumita ng pera, pangalawa, dahil wala kang mapasukang trabaho na linya mo na malaki ang sahod, pangatlo, naiisip mo ang pagtulong sa pamilya mo…bumabalik lahat sa salitang SAKRIPISYO! Aminin mo man, hindi ka na masaya sa ginawa ko, hindi ka na masaya sa trabaho mo, hindi ka na masaya kahit mas malaki ang kinikita mo kaysa noon…Sarili o Pamilya? Mamili ka? Pasensya na Bert, sa ngayon hindi mo muna magagawa ang gusto mo, kailangan mo munang magsakripisyo, hayaan mo, balang araw, magagawa din natin yan…magpipinta din tayo sa malaking canvas, guguhit ng isang komiks, kakanta sa harap ng tao, o di kaya ay aarte sa entablado…konting tiis lang muna, makakaraos ka din, kaya kung ako sa iyo, matulog ka na at may pasok ka pa mamaya…magpahinga ka na, pagod ka lang kaya masama ang loob mo…pagod ka lang…pagod ka lang.

Call Cen'er

Nagsimula na ako sa bago kong work...pero hindi na sa linya ko...hindi na sa ARTS...sa Call Center na.

Nocturnal na ako, gising sa gabi, tulog sa umaga...sakit sa katawan, masakit sa ulo, pero masasanay din ako. 3 weeks na din ako sa company, nasa training pa din kami, pero etong week na to ang last na training week, next week sa production area na kami ilalagay, magkakaroon ng kanya kanyang team, sched at pwesto. 1st time kong maging agent, kaya naman talagang wala akong kaalam-alam sa call center industry, akala ko nun panay usap lang kayo ng customer, hindi naman pala...hindi naman pala ganun kadali yun...unang sagot ko ng call, nak-ng-puta talagang nanginginig ako sa kaba...di ko alam gagawin ko, para akong magsusuka, para akong mawawalan ng malay tao...tumunog yung headphone ko beeeppppp.... syet syet syet ano na ano na ano na....opening spill.... kunin ang pangalan....tel number...tas ano na.....punyeta kung pwede lang ibaba ang telepono malamang ginawa ko na...so kinausap ko nalang yung customer, panay ang HOLD ko, HOLD HOLD HOLD...madami nga nairita eh, may nagbaba din ng fone sa sobrang tagal ng paghihintay...sa likod ng utak ko gusto ko ng mag-break, gusto ko ng umuwi, ayaw ko na...ayawwww ko naaaaaaaa....!!!!!! ILABAS NIYO AKO DITOOOOO!!!!!

....

....

....

pero hindi ako nagpatalo...sabi ko sa sarili ko, kung susuko ako walang mangyayari sa akin, kung yung iba nga eh kinaya nila eh, dapat positive, dapat alamin ko ang ginagawa ko...focus focus...kaya mo yan!

Madami pa akong natanggap na calls.2 week na namin ngayon sa mga calls..medyo nawala na din yung kaba ko, unti unti na din akong nasasanay....


tinatamad na akong magsulat....tsaka ko na itutuloy...inaantok na ako....

PULUBI VS TAONG GRASA ROUND 1


Matagal na akong bumabyahe, hindi lang sa loob ng Metro Manila kundi hanggang probinsya, isa ako sa libo-libong mga Pilipino na namamasahe sa araw-araw at halos lahat siguro tayo ay nakakita na ng pulubi...Iba't-iba ang klase ng pulubi sa atin, mapapansin mo mula sa sangol, bata, teenager, young adult, matanda at super tanda, babae at lalaki. Saan mo sila makikita? Sa tulay, sa kalsada, sa palengke, sa simbahan, sa tabi ng restawran, sa park, sa loob ng dyip, ng bus at madalas silang matulog sa harapan ng Banko (ano kayang meron dun) at ngayon pati na rin sa loob ng mall at kung minsan ay nagdo-door-to-door din sila tuwing magpapasko. Ano ba ang pakay nila? Isang bagay lang ang pakay nila ay ang manghingi ng kaunting limos...
pero noon yun...
Ngayon ibang klase na ang mga pulubi sa atin, nagsasabi na sila kung magkano ang gusto nila, alam ko pamilyar kayo sa '' Kuya/Ate pahingi naman po kahit piso lang'' oh diba ganyan yun? para silang dyip, may minimum fare...Meron naman ay yung papasukin kayo sa loob ng dyip at pupunasan ang mga sapatos ng pasahero kahit hindi naman dapat punasan...OK ang intensyon niya ay linisan dabah? pero hindi, pinupunasan niya ang mga sapatos, minsan nga lalo pa nilang nadudumihan ang mga sapatos dahil sa ginagamit nilang pamunas...mas kawawa ay yung mga naka-tsinelas, malay mo makakuha ka pa ng sakit dahil sa basahan nilang gamit...
...tsk tsk tsk uso pa naman ang flip-flops ngayon.
Meron pa ay yung may bitbit na sangol, sabihin na nating 7taon na bata yung may bitbit, yung sangol mga 8months lang, madungis sila pareho, tulo-uhog, gulo-gulo ang buhok, maitim, malansa ang amoy at nakahubo't-hubad pa ang sanggol. Madalas ko silang makita sa tulay, sa overpass, sa hagdan sa LRT/ MRT at dyipni stations.
...ay muntik ko ng makalimutan, may bitbit din naman silang dede, laman kape.
Mayroon naman ay mamamalimos na lang ay sinasama pa ang kamag-anak na may kapansanan, madalas ay yung mga BULAG...ano bang balak nila at sa gitna pa sila ng kalsada namamalimos? BULAG+HI-WAY = AKSIDENTE...hindi ba nila naiisip yun na lalo silang mapapahamak sa pinag-gagagawa nila??? hmmm...ang tanong bulag nga kaya talaga?
....uy piso oh!
........Nasan???
Mayroon pa ako noon nakita ay bigla nalang sumakay ng bus at nakakagulat na nagsalita na lamang ng pagkalakas lakas ng parang ganito '' Nanghihingi lang po ako ng kaunting tulong kahit magkano po'' so pera talaga ang hinihingi niya??? at ang itsura niya ay malaki pa ang katawan kaysa sa akin, mukha nga lang adik...haaayy good luck sa kanya!
...nagulat tuloy yung mga pasahero akala hold-up
Karamihan din sa mga pulubi ay yung may kapansanang polio, putol ang hita, putol ang braso, may hydrosepalus, may nakakadiring kapansanan na talagang hindi mo matatagalang pagmasdan at dahil dun ay hindi na nilang magawa pang makapagtrabaho kahit naisin nila...Teka..pero bakit yung iba, nakukuha nilang mag-gitara o di kaya'y tumugtog ng musika sa gitna ng daan para kumita lang? may kapansanan din naman yun ah?
...hmmm karamihan sa kanila ang sakit talaga ay TAMADITIS?
Nabanggit ko na ang karamihan sa mga klase ng pulubi sa ating bansa...Ngayon naman ay ikumpara natin ang isa sa kakaibang klase ng tao na madalas din nating nakikita sa kalye at kung saan saan...ito ang tinatawag nating TAONG GRASAAAAA..RASAAA...RASAAA...RASAAA!(ume-echo pa yan)
Daig pa ng isang Taong Grasa ang mga pulubi kung pagmamasdan mo. Ang mga Taong Grasa ay hindi mo makitang nanghihingi ng PERA o ano mang tulong, sila mismo ang naghahanap at nagsusumikap makakuha ng kanilang pagkain sa araw-araw, nanghahalungkat sila ng mga basura, namimitas ng prutas, namumulot ng mga nakakalat na gulay sa palengke at kung minsan naman ay naghahanap ng mga tira-tirang pagkain sa karinderya o kung saan man may kainan (kanin-baboy pa nga kung minsan) at ang iba pang taong grasa ay nakukuha pang matustusan ang kanilang bisyo gaya ng sigarilyo, kapag may nakita silang tinapon na upos at may kaunti pa itong natitira ay kinukuha nila ito at hihithitin hanggang masaid, Oh san ka pa diba?...ang ayaw lang talaga nila ay maligo, siguro kung umuulan baka naliligo din sila...Mas OK para sa akin ang taong grasa kumpara sa mga pulubi, dahil masisipag ang mga taong grasa, pinakikita nila na kaya nilang mabuhay kahit nag-iisa lang sila, kaya nilang maka-survive kahit hindi sila nanghihingi ng tulong sa iba, hindi sila nanggugulo, may nabalitaan ka na ba na nang-gulo na taong grasa? wala diba? kung meron man ay 3% sa 100% taong grasa ang gagawa nun, marunong din silang mag-entertain ng tao, minsan sumasayaw sila, kumakanta, at nakikipag-laro sa mga bata. Talagang madumi lang sila at mabaho,
...at yun lang, madalas, sila ay nakahubo.
Kaya ikaw? ano ang mas OK sa iyo? ang mga pulubing sa tingin mo ay kaya naman talaga nilang magtrabaho at tinatamad lang sila at gusto nila ay mabilis na dating ng pera...O ang mga Taong Grasa na kayang tumayo sa sarili nila?
Ikaw ang umusga...kanino ka bilib?
isulat ang iyong comment.
P.S.
Noong bata pa ako nakakita kami ng taong grasa ng kapatid ko at tinanong ko siya..sabi ko '' Ano kayang kinakain nila?'' sagot ng kapatid ko ''Ano kayang tinatae nila?'' at sumagot ulit ako ''eh paano nga sila tatae kung wala silang kinakain'' sagot naman ng kapatid ko ''kaya nga sila tumatae eh''.
...GETS MO?

I DECLARE HALF-DAY!!!

Haaayy nakuh! Imbyerna ako at nasira ang araw ko dahil sa Boss ko...paano ba naman, dineklara na nga na hlaf-day ngayon dahil may SONA si PGMA, tas sabi niya, kami daw magstay til 4pm!!!! .... isa pa nga.... 4pm!!!!! although wala naman kaming ginagawa ngayon dito dahil nasa Davao ang bossing namin, eh mas mabuti pa ding wala ako dito sa office dahil napaka-limited lang ng magagawa ko ditey! Haaayyy...may magagawa pa ba ako? hindi naman ako pwedeng sumaway at mag-welga ako ditong mag-isa noh! kaya gagawin ko nalang productive ang day ko, magsusulat nalang ako, magdo-drawing, mag-babasa at kakain til 4pm! OO til 4PM!!!! Mamayang 1pm wala na din ang internet connection dito kaya anak-ng-tatlong-puting-tupa hindi na ako makakapag-surf... ang laki ng problema ko noh? heheheheh!
kanina pa ako naaasiwa sa amoy dito, paano amoy paa, amoy bulok na paa, amoy bayag na natuyuan ng pawis at tatlong araw ng hindi nahuhugasan! teka...bat ko alama ang amoy nun???!!! anyway, kasi ba naman may canteen naman at kung bakit ba dito pa nagsisikain ng lunch tong mga empleyado dito...kakain ng bagoong, kakain ng isda, kakain ng daing, kakain ng durian, kakain ng kung ano ano na gusto nilang kainin...ewan ko ba! well, siguro kaya naman gusto nilang kumain dito sa office ay dahil mas malamig dito kaysa sa canteen namin na mala-impyerno ang init kung walang electric fan....OH take note, Governtment office tong sinasabi ko ah! Kupal diba? at eto pang nakakatawa na halong nakakainis, puking-inang yan, yung kubeta sa canteen nanlilimahid na at amoy bulok na tulok at tae at super-panghe ay hindi manlang maayos at mapa-renovate...hindi mo naman masasabing walang budget dahil imbis na ipaayos ang facilities ay inuna pang magpagawa ng basketball court ang mga kupal dito!!! ang galing galing diba? Government office ito! as in! ang dami nilang budget kapag may event, kapag may pupuntahang mga lugar, pero facility nila hindi manlang mapaayos!
Betlog! 4 na oras pa akong magtatampisaw sa kawalan...di bale na, bat ba ako nagrereklamo eh bayad naman ako diba???

To my Faithful Companion

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula ng nawala ang aso namin si Grinch... nagluksa kaming lahat ng mga kapatid ko at pamangkin ng mangyari yun, pakiramdam namin ay para kaming namatayan ng kamag-anak... Ilang araw palang ang lumilipas ay may nabili ang Ate ko na tuta, sa likod bahay namin, php 100.00 lang ang bili niya.Di na ako makapag-antay na makita ang bago naming alaga dahil sabi nila ay kahawig daw ito ni Grinch, kulay brown din kasi, kaya naman umuwi ako kaagad at laking gulat ko ng makita ko siya...ANG KYUT KYUT!!!! nakakatuwa, ang sarap panggigilan, sarap makipaglaro sa kanya, naghahabulan kami, binilhan namin siya ng tali para makapaglakad lakad kami sa labas, binigyan din namin siya ng makakagat dahil marami na siyang nasisirang gamit sa bahay, naisama din namin siya sa family outing namin...bumalik ang saya sa loob ng bahay namin, lalo na ang pamangkin ko na talagang iyak ng iyak noong mawala si Grinch.
Gaya ng ibang naging aso namin, isang malaking bagay ang pagbibigay ng pangalan, hindi dapat basta basta lang, kailangan madaling bigkasin, madaling tandaan at maganda sa pandinig, at dapat may tunog na "EEEE" sa dulo ng pangalan niya. May naisip na kaming pangalan, WILBUR ang naisip namin, nakuha namin ang panglan mula san pelikulang Charlotte's Web, yung baboy kasi dun pangalan Wilbur... ok na sana kahit walang EEEE sound sa huli, pwede naman namin siyang tawaging Wilby...Sam Wilby? ...Pero hindi pa din ako satisfied sa pangalan...may mali eh, parang di bagay...so naisip ko, dahil mahilig ako sa STARWARS, pinangalanan namin siyang OBI oh diba? simple, madaling bigkasin, madaling kabisaduhin at madaling tandaan...
Napamahal na kami kay Obi, at ganun din siya sa amin, ngunit di na namin kaya ang ginagawa niyang pagngangat-ngat, kaya napagdesisyunan naming itali na siya, hindi namin gawain ang magtali ng aso, dahil pakiramdam namin ay para silang alipin na pinahihirapan...madalas ang pag-ulan ng mga sumunod na mga araw...Ulan-araw-ulan-araw pabago-bago ang panahon di mo maintindihan, may sapak, may toyo, kulang sa turnilyo...At biglang nabalitaan kong may sakit daw si Obi, nanghihina siya, hindi kumakain at hindi na siya ganun ka-active...suka at tae ang ginagawa niya kaya naman tinanggal na namin siya sa tali at sa loob ng bahay na namin siya pinatulog...Binulati sya, yun ang dahilan ng kanyang pagkahina, kaya binigyan namin siya ng gamot na pampapurga. OK naman at epektib ang gamot, nailalabas naman niya ng unti-unti ang mga bulate...Nang makauwi ako sa bahay ay siya kaagad ang tiningnan ko, dahil naaawa na kami sa kanya dahil hindi na siya makakain at punong-puno sya ng itlog ng bangaw sa katawan. Pinaliguan namin kaagad ni Ate si Obi para mawala ang baho at maalis ang mga itlog ng bangaw, nasulyapan ko pa nga ang tumbong nya at puno ito ng mga gumagalaw na bulate na kulay puti, madami sila, as in sobrang dami na halos masuka suka ako ng makita ko...Kinaumagahan, tinatawag ko si Obi sa labas mula sa loob ng bahay, hindi na siya gumagalaw, kaya sabi ko "patay na yata si Obi?" pero hindi pa pala...hindi niya lang ako naririnig, gumalaw kasi siya ng nilapitan siya ng pamangkin ko...napabuntong hininga nalang ako at sinabing "haaayyy salamat at buhay pa siya" sabi ko kay Obi na dapat lumaban siya na dapat balang araw sasabihin namin sa mga kaibigan namin na " akala nga namin mamamatay na yan noon eh, pero tingnan mo ngayon ang lakas lakas niya" ...at tumuloy na ako sa aking trabaho...
...
...
...
Di natapos ang araw na yun at nabalitaan ko na lamang na wala na si Obi...Dinatnan nalang siya nina Ate na walang malay at tirik ang mata, naglalaway at nilalangaw...naawa ako sa kanya, naawa ako kasi ang bata bata pa niya, naaawa ako dahil hindi manlang namin siya nadala sa beterinaryo dahil wala kaming pera,tanginang pera yan, ang daming namamatay araw araw dahil tanginang perang yan!!! ..........................OBIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!! patawarin mo kami kung mayroon man kaming pagkukulang, ginawa namin ang aming makakaya para mabuhay ka, mahal na mahal ka namin Obi, pinasaya mo kami kahit sandali lang...salamat sa iyo naway nasa langit na ng mga aso ang kaluluwa mo!

HUWAG SANA NATING ITAPON...PAGMAMAHAL NA TAPAT!

Noong isang Buwan ko pa kinakanta ito, halos araw araw kong kinakanta, sobrang ganda kasi, sobrang emotional, sobrang nafi-feel ko ang lyrics, hindi ko alam kung bakit...Siguro dahill noong mabasa ko ang love story ng singer ay halos maiyak ako noong pinakikinggan ko ito...hindi lang itey, kundi yung iba pa niyang kanta...LUFET MO GORYO!!!
Sana Maulit MuliBy: Gary Valenciano
Sana maulit muliAng mga oras nating nakaraanBakit nagkaganitoNaglaho na ba ang pag-ibig mo?Sana'y maulit muliSana bigyan pansin ang himig koKahapon, bukas, ngayonTanging wala ng ibang mahalKung kaya kong iwanan ka'Di na sana aasa paKung kaya kong umiwas na'Di na sana lalapit paKung kaya ko sanaIbalik ang kahaponSandaling 'di mapapantayanHuwag sana nating itaponPagmamahal na tapatKung ako'y nagkamali minsan'Di na ba mapagbibigyanO giliw, dinggin mo ang nais ko, oooh...Kung kaya kong iwanan ka'Di na sana aasa paKung kaya kong umiwas na'Di na sana lalapit paKung kaya ko sanaIto ang tanging nais koAng ating kahapon sana maulit muliKung kaya kong iwanan ka'Di na sana aasa paKung kaya kong umiwas na'Di na sana lalapit paMahal pa rin kitaO giliw, o giliw ko, oooh...
kung gusto mong kantahin siya with a background music...just log on to http://www.ex-designz.net/filipinolyrics/displaysong.asp?lid=44
No joke, pang videoke online ang site na itey!!! Happy Crying!

S at T

May katagalan na din mula ng huli akong uminom ng Gin, siguro lampas isang taon na din, hindi ko nakahiligan ang uminom ng Gin, masyado kasing matapang para sa akin, pakiramdam ko kasi para itong muriatic acid na sa bawat inom ko ay natutunaw ang mga lamang loob ko. Ngunit noong nakaraan miyerkules, June 20, ay nagbalik ang Gin na aking kinasusuklaman...Nag-celebrate kami ng kaarawan ng utol ko, may 3 siyang bisitang dumating at may dala silang alak…hulaan mo kung ano ang dala nila? (drum rolling……tsing!) GIN! So sabi ko “patay kang bata ka!” Balak ko nalang sanang mag-beer ng gabing iyon dahil ayaw ko talaga ng Gin, ngunit napansin ko na ibang klaseng Gin ang dala nila, hindi yung karaniwang iniinom ng mga tambay sa kalye kapag wala na silang makain at tinatawid nalang ang gutom nila sa paraan ng paglalasing…Ang dala nila ay GSM Premium Gin, Ginebra pa din pero kakaiba, mas sosy itey, nakakahon ito na kulay puti, at ang bote niya ay mas malaki, halos kasing laki ng karaniwang quatro kantos, sabi nila mas madali daw inumin at walang sabit sa lalamunan, kaya naman sabi ko ay “OK yan sige subukan ko…simulan na natin yan!” Inom lang kami ng inom…inom-kain ng pulutan-inom-laro ng computer-inom-kain-inom-laro…at di nagtagal ay naubos din namin ang GSM Premium at tsaka kami nagbanlaw ng SML, ayos ang lasa ng GSM Premium, banayad nga at madali inumin, Kahit tubig nga lang chaser mo ay pwede na pero kami nag-sprite…makalipas ang 4 na oras ay natapos na kaming magsunog ng baga, OK naman at naidaos naming ang bertday ng utol ko, madami din naman siyang handa kaya hindi nagutom ang kanyang mga bisita. Halos 11pm na kami natapos, hinatid namin ang mga bisita niya sa gate ng subdivision at umuwi na kami at natulog kaagad dahil may pasok pa kinabukasan.
…at nagsimula na ang aking kinakatakutan
Nagising ako bandang 5:30 ng umaga kinabukasan, dali dali akong naligo, nag-kape at kumain ng almusal para hindi ako ma-late (ulit) medyo napansin ko na parang nahihilo ako mula ng ako’y magising pero hindi ko masyadong inisip at umalis na ako ng bahay…Pagkasakay ko ng dyip ay dun ko na talaga naramdaman na may Hang-Over ako…As in parang umiikot ang paligid ko, parang nakasakay ako sa chubibo na caterpillar na roller coaster na octopus...medyo nararamdaman ko na para akong masusuka…pagdating ko sa pilahan ng FX ay “diyos kooo! Ang haba haba ng pila”…nag-yosi muna ako at bumili ng softdrinks at kendi dahil nagsisimula ng mawala ang panlasa ko. Ilang minuto din akong naghintay sa FX bago ako makasakay at 7:30 na nung makasakay ako kaya siguradong late na ako…habang bumabyahe na ako sa FX ay nakaramdam pa ako ng isang hindi inaasahan”OMG na-tatae ako!” Sa isip-isip ko, “tangina sana umabot ako” nangangasim na ang sikmura ko, yung suka ko nararamdaman ko na sa leeg ko na gusto ng bumulwak at nagluluha na ang mga mata ko sa sobrang hilo…tiniis ko ang lahat ng halos 45 mins…pagdating ko sa building namin ay hindi na muna ako nag-punch sa bundy, natataranta na kasi ako kaya kumaripas kaagad ako ng takbo sa isang CR na nadiskubre ko na wala masyadong gumagamit at talagang malinis, bago palang kasi. Walang atubiling dinampot ko ang tabo at pinuno ko ito ng tubig para panghugas, pasok kaagad ako sa cubicle at ayun…nagmistulang poso ako na binobomba sa kakasuka, halos mapuno ko ng suka ang bowl ng kubeta, suka ako ng suka hanggang wala na akong maisuka, pakiramdam ko maisusuka ko na rin pati bituka ko, masakit sa lalamunan at sa tiyan, talagang mangiyak-ngiyak ako pero nakuha ko pa ding litratuhan ang sarili ko ng mga oras na yun, naisip ko kasi na magandang ilagay sa blog ko ang pangyayari at mas maganda kung may visual presentashiieeen!...Pagkatapos kong sumuka ay hinubad ko na agad ang aking pantalon upang jumerbaks naman…dumampot na din ako ng sigarilyo para hindi mangamoy ang ebs…iiri palang ako ay biglang VAVAVOOOM!!! WRAAAKKKKK!!!! SPRAAAAKKKK!!!! sabog din ang ebs ko, parang atomic bomb, walang ka-effort effort na nailabas ko ang ebs na ilang minuto ng simisirko at nagwawala sa loob ng tiyan ko, twice ko pa ngang fina-lush kasi hindi makuha sa isang pindot lang. Hilong hilo pa din ako pagkatapos ng trahedya, medyo natatawa din ako sa nangyari “GSM Premium pala ah…Banayad, madaling inumin…potah muntik ko ng ikamatay!!!” agad akong naghugas at naghilamos para ma-refresh naman ako. Umakyat na ako upang mag-punch at dumeretso ako ng opisina…as usual super late ako!

Kwentong Chekwa

Noong pa man, mga panahon ng 80's, bago pa nauso ang sunod sunod na chinovela sa telebisyon ay mayroon tayong mga chinese programs sa TV, kung hindi ako nagkakamali, sa Ch.9 pa nga yata ito pinapalabas. Ibat ibang klase, may mga telenovela na puro intsik ang salita at hindi naka-dub sa filipino ang mga ito, kaya naman ang mga chinese dito sa atin ay madalas manood nun, syempre mas enjoy nila yun, Instik ang salita...At wala naman akong masabi sa mga kasuotan nila ay talagang magarbo, pinagkakagastusan talaga nila ang kanilang mga costumes at make-up...
Astig din noon ang Wok with Yan, pinapakita kasi ni Mr. Yan kung paano nya niluluto ang putahe niya at magaling syang magdecorate ng pagkain na talagang kamamanghaan mo! Nasan na kaya siya ngayon? malamang matanda na o di kaya ay paktay na.
Meron din noon sunday chinese movies sa tv kung saan madalas nating mapanood ang ibat ibang klase ng Karate at Kung-Fu...naalala ko pa noon tuwing umaga ay nanonood ang tatay ko nito, ako naman ay walang paki kung ano ang palabas at tuwang tuwa ako sa mga stunts nilang pinaggagagawa noon, gaya ng lumilipad, espadahan, sapakan, tadyakan, duguan at kung ano ano pa, kahit babae kasi sinasapak...Nakakaaliw ang mga karate noon, lalong lalo na sina Bruce Lee at Jacky Chan, Samo Hung at Raymond Wong at syempre si Mr. Shooli! Madalas din namin gayahin ito ng aking kapatid, may kaibigan pa nga kami nun na Idol si Bruce Lee at talagang may Cobra pa daw siya eh noh...yung parang may pakpak sa ilalim ng kili-kili, tas ang timang na yung talagang pakitang gilas pa sa tsako! Pero kung ako tatanungin mas gusto ko si Jacky Chan, magaganda kasi ang pelikula nya eh, Lalo na yung Drunken Master! HIYAHHH!

KUBLING PARAISO...YEAH RIGHT!!!

Nagsisimula na naman ang tag-ulan, nakapagtabi ka na ba ng bigas kagaya ng langgam? haaayyy...para sa akin, napakasarap ng tag-ulan, wala kasing alikabok sa daan, malamig at higit sa lahat ay masusuot ko ang mga nakatago kong jacket sa aparador na amoy naptalin balls...pero kapag tag-ulan, mas madami ang nakakainis na situasyon, nandyan ang baha na abot hanggang tuhod at kung sasamain ay lampas tao pa, madalas din ang black out, at dahil black out may nagkakasunog pa kung minsan, nandyan din ang mga sakit kagaya ng lagnat, sipon at yung sakit na nakukuha dahil sa ihi ng daga at dumi sa kanal, isa pa ay yung leather shoes mong pinakaiingatan ay mababasa, tsaka yung Nike mong 6k na pamporma mo mangangamoy imburnal...kapag tag-ulan marami din ang nagkakan(toooooot)tan ...ilan kaya sila, hindi ko alam at hindi iyan ang gusto kong ikwento sa blog ko ngayon.
Nakapunta ka na ba sa Antipolo? ako OO, dun sa liblib na lugar sa Antipolo kami nagpunta ng pamilya ko noong linggo, doon namin ginanap ang aming Family Outing sa lugar na kung tawagin ay Kubling Paraiso...At doon ko din naranasan ang horror na hindi ko inaasahan...saan ka ba naman nakakita ng swimming pool na wala manlang filter? tanginang yan yung tubig kulay green na at may lumot na yata yun, tapos yung mga naliligo wala ng banlaw banlaw, talon kaagad sa pool ang mga putangina...yung iba pa nga nagbabasketball eh, pawis na pawis tas magpapalamig sila sa pool!!! Maganda sana yung lugar kaso kulang sa maintenance, tago ito (kubli nga eh dabah?) madaming puna at madami silang iba't ibang klase ng pool, may pambata, may malaki, may maliit, may mababaw, may malalim at mayroon pa silang mga slides at 50 pesos lang ang entrance at mura lang ang mga cottages nilang may kwarto...anyway, so nagpunta kami ng utol ko sa malaking pool kahit na nandidiri na kami, naisip namin na sayang naman yung pinunta namin dun eh, so ako nagpadulas at anak ng puta muntik ng mabutas ang shorts ko na bagong bili ko pa naman dahil sa slide nilang parang hollow blocks ang kutis, ang gaspang, yung pamangkin ko nga muntik ng magsugat ang pwet eh. Ilang sandali pa ay biglang sumisid ang utol ko at sa kanyang paglutang may nakita na lamang akong sipon o' plema na nakadikit sa patilya nya, diring diri kami kaya talaga naman nagbalak na akong umahon at ng aahon na ako ay may nakita naman akong suka sa tabi ng pool, may hotdog pa eh, siguro sa bata yun, maduwal duwal talaga ako,sabi ko ''hindi na ako maliligo, magbabanlaw na ako''. Bumalik na ako sa cottage namin at nag-yosi muna at kape saglit bago ako magbanlaw, nalaman kong mayroon palang CR sa loob ng cottage namin kaya naman natuwa ako kasi solo namin, ngunit sabi ng nanay ko na wala daw lock yung CR, sira daw...naisip ko OK lang yun, kaya ko ng remedyuhan yun. Pagpasok ko ng CR, bumulaga nalang sa aking mga mata ang nakakapandiring kubeta nila, barado ang alulod, naninilaw na ang tiles at yung shower curtain nila ay ubod ng dumi at kulay putik na (pramis nasusuka na ako habang sinusulat ko ito) wala akong nagawa at kahit nakakadiri ay tiniis ko nalang makapagbanlaw lang ako, kaya sinara ko nalang ang shower curtain at nagsabon to the max nalang ako, take note, mahina pa ang daloy ng tubig sa kubeta nila.
Hindi ako nag-enjoy sa Family Outing namin kagaya ng naiisip kong mangyayari, akala ko uuwi kaming may mga ngiti sa labi at magandang ala-ala ngunit kabaligtaran pala ng lahat. Kaya naman napag-isipan nalang namin na gumawa nalang ulit ng isa pang Family Outing this coming month kung saan kahit medyo mahal ang entrance ay malinis naman at talagang mag-eenjoy kami.
Kaya warning to sa inyong lahat, wag na wag kayong punpunta dun sa Kubling Paraiso na yun, kung ayaw ninyong masuka at makakuha ng sakit...Kaya minsan ay mabuti pang magbayad ka ng medyo mahal at talaga namang sasaya ka, kaysa makatipid at magkaroon naman ng masama at nakakadiring karanasan...
...eeeeeeeeeeeeeeewwwwww!!!!
karapat-dapat ngang ikubli na yang paraiso niyo at ng hindi na matunton ng kung sino.

Gone without a trace


One of the saddest part of our lives is to lose someone you love. Someone who's been around with you for a long time. Someone who guards you when you sleep at night. Someone you can cry with you when you feel sad and makes you say '' at least i have you''. Someone who's always happy and excited everytime he see's you, sometimes run towards you just to express how much he loves you. Takes away your stress after a very busy day. Very seldom you could hear complaining. And most of all, Someone who gives unconditional love. An Angel in disguise indeed.
Last Monday, i went home from the office, a bit tired and hungry, that all i could think about is to eat and rest. Before I entered our house, my dogs are already agitated to see me, if i will translate what they are saying, it could go something like '' BERT BERT!!! ITS SO NICE TO SEE YOU! WHERE HAVE YOU BEEN? ARE YOU OK? HOW IS YOUR DAY? WE ARE SO HAPPY TO SEE YOU AGAIN!'' so i tap both of their heads and i told them not to go inside and stay in the front yard, they followed my order, then i went inside, and dress down, and eat, then rest on the sofa and play computer for a while. After 2 hrs, before i go to sleep, i make sure that i feed our pets already, including our almost 1 year old crazy cat who never gets full, always pinching food even if we can see him, he has an endless appetite I'm telling you! but a good mouse killer! So i prepared their food and distribute it one by one to them. We always have a system when serving their food so that they wont fight over it. I always give my 2 yr old retarded white dog named Papi his food, cos he stays at the backyard,well just to describe him to you, He's only behave when sleeping, always growling and barking in nonsense and doesn't play much with us, He's stinky cos he doesn't like to take a bath, sometimes he has a lot of fleas. I think he needs to be delivered to a mental institute for dogs, when we got him from our cousin, he has hydrocephalus! Anyway, then after Papi i serve Kitty who is A.K.A. KITTY even though he is a cat now.. Then Lastly my favorite 6 year old canine Grinchy! Grinchy is my favorite, my classmate from college gave him to me as a gift cos i lost my black dog Radge before, Grinchy was a very cute puppy when he came to our famliy... He leaks and poo-poo a lot on the floor, well thats just ordinary for a puppy who is still adjusting and learning ways on how to be a deomesticated dog. Grinchy for me is my Bestfriend, though i dont give him a nice bath a lot for the past few months, i seldom see him since i got a new job too, but when we have time for each other, we're like chicharon and vinegar together. I used to run with him, touch his ears til he gets annoyed, I always take a picture of him and sometimes video too, i also scratch his tummy til he fall asleep, and i also remove his fleas and ticks 1 by 1 with my bare hands just to make sure he's not having them... We have a lot of good times together, since i have him in my life, He is definitely a part of my family and WE LOVE HIM SO MUCH!!! Anyway back to my story... When i went out to give Grinchy his meal, He's not there, so i whistled to call him and to tell him that dinner is served, but he didn't showed up, so i thought maybe he's just wandering somewhere. So i closed the door and went to bed.
I woke up early the following day because me and my siblings have to go to my Dad's at the cemetery co'z that day is his death anniversary. We're all preparing when my sister told me that Grinchy haven't eaten his meal yet since last night. I got alarmed and worried, but i calmed myself and think positive, I said, Maybe he went somewhere again with a female dog just like before, I'm sure he will come back later after he gets a score! Then we head to the cemetery and spent a few hours there. I didn't went home on that day, I stayed for a while at my tita's place...and thats when the horror begins...
My Sister texted me that my niece is crying while holding a picture of her and Grinchy, because He hasn't come back yet, thats when i felt really really worried, so i told them to ask our neighbors about Grinch and thats what they did, but still he is nowhere to be found. I kept thinking about him on that day...''Where is he?'' I'm wondering what happened to him. Still i want to remain calm and positive, I'm sure he will be back, He will come back and i will see him again...
The following day, i called home and i spoked to my brother and I asked if Grinchy had come back already, but still no sign of him he said. My eyes begins to get watery while speaking to my brother, he knows that I'm very bothered and worried, He told me that he went out to find him but still negative...that whole day, my mind is pre-occupied with Grinchy, some of my friends and neighbors said, maybe someone took him and butchered him already...Yeah, THANKS!!! that really helps!
Three days have passed and my sister already found a new dog, she bought a puppy who looks like Grinchy, I am happy about it... But still no sign of my Canine Bestfriend, til now I'm still hoping that he will come back, and also hoping that one day I will go home and he will greet me again with his wagging tail... that one day he will lick my face with joy and excitement and we will continue the best of our years again...
Where are you Grinch? Where have you gone? We miss you so much. I still cant move on. I LOVE YOU GRINCHY!!!

Isang Gabi sa PG

Just last month, nagpunta kami ng Puerto Galera, sarap kasing mag-beach- Lusong sa dagat, mahampas ng alon, namnamin ang simoy ng hangin na nagmumula sa malawak na karagatan, pagmasdan ang mga (patay) na korales natin at ang mga ilan ilang maliliit na isdang palangoy langoy at di mapakali kapag nakakakita sila ng taong paparating, kumain ng kumain at syempre mawawala ba naman ang inuman?
Bago kami nagpunta ay nagplano muna kami kung saan kami sasakay at kung paano kami babyahe, kaya naman nag-surf (ayan summer na summer, SURFING) kami kaagad sa internet at sa aming paghahanap at napunta kami sa isang site na mayroong package na papuntang PG..ang pangalan ng tours ay SIKAT TOURS, nagke-cater sila ng Bus at Ferry papuntang PG which is 600 per person/single trip..medyo may kamahalan ng konti pero OK na, kasi hindi ka na mahihirapan dahil package na nga dibah? So, nagpareserve na ako ng single trip a week before sa na-set naming araw ng pag-alis.
Dumating na ang pinakahihintay naming araw, 6am palang gising na kami at dali dali kaming tumungo sa Malate kung saan nandun sa may CITYSTATE TOWER HOTEL located ang SIKAT TRANSPORT. Maaga pa kami ng isang oras bago ang departure namin from Manila to Batangas Pier kaya kumain muna kami ng Heavy Breakfast para di kami gutumin sa daan habang bumabyahe. 8pm at lumarga na ang bus, OK naman ang bus nila, iilan lang kami at malamig naman ang A.C. nito, karamihan nga sa mga sakay ay mga foreigner eh, yun kasi ang madalas nilang customer.Kwentuhan, Sight seeing, Music at konting chi-cha muna kami sa byahe, natrapik pa nga kami malapit sa pier kasi may ginagawang fly-over dun...
At eto na ang nakakabwisit na parte...
Bumaba na kami ng bus at dahil medyo late na kami para sa ferry ay talagang pinagmamadali kami ng SIKAT TRANSPORT na yan. pumasok na kami sa Pier at kinumpiska pa ang lighter ko, dahil bawal daw yun, so OK sige, baka nga naman pagmulan pa ng sunog or aksidente at ako pa ang masabit. Sige lakad lang ulit kami...Wait...2nd time ko na nga pala itong pumunta ng PG pero talagang hindi ko mapigil...im still so excited lalo na sa pagsakay ng ferry!!! Iniisip ko sasakay kami ng Ferry tapos dun kami sa harapan at pagmamasdan ang dagat habang humihithit ako ng sigarilyo at umiinom ng sopdrinks at umaasang baka masilayang muli ang mga Dolphins na sumasabay sa andar ng Ro-Ro...Pero PUTANGINA!!! laking gulat ko na isasakay pala kami sa isang BANKA!!! malaki ng konti sa normal na banka ito, pero naisip ko, na lugi kami sa binayaran naming fare... :-( pagsakay namin ng banka ay may nakita pa akong mama na nagsisindi ng sigarilyo sa loob, tarantaaadddd.... wala na akong nagawa... punong-puno na nga bagahe ang Bankang sinasakyan namin kaya naman ang ibang pasahero ay nagsisimula ng mag-init ang ulo at magalit, yung mga foreigner naman ay kiber lang at sinusunod nalang ang tinuturong upuan...oooopppsss di pwepwede sa mga noypi yan, aba yung isang ale tumayo na at nagsisisigaw, ''ANO BA KAYO??? PUNONG PUNO NA PASAKAY PA KAYO NG PASAKAY??? BUHAY ANG DALA DALA NIYO DITO!!! '' at ayun wala din namang nangyari sa sigaw niya kaya bumaba nalang siya kasama ng binata niyang anak na hindi naman niya kamukha... pero hindi pa dun natapos ang tensyon, yung mama na nakita kong nagsisindi ng yosi ay tumayo na din at nagbanta '' ANO BA KAYO? PUNO NA SINABI EH! KUNG MAGPAPASAKAY PA KAYO, ISUSUMBONG NAMIN KAYO!!! ngunit ganun pa man, ay wala pa ding nangyari, nagtaka talaga ako kung bakit sa banka kami pinasakay ng anak ng pating na SIKAT TRANSPORT na yan!!!
Di nagtagal ay umalis na din ang Banka.OK naman ang andar namin, nakakalula lang talaga, at napansin kong pabilis ito ng pabilis at habang papabilis ito ng papabilis at unti unti din kaming pinapasok ng tubig na nagmumula sa gilid ng bangka...anak ng tinapa...basang basa ang short namin, wala pa man kami sa white beach ay parang naligo na kami...pati yung mga luggage ng mga pasahero ay basang basa na din...yung isang babae nga eh naiyak nalang sa takot. Nanghihinayang ako sa binayad namin...sana nag-commute nalang kami sa ibang paraan...pero wala na kaming magawa dahil nandun na kami eh, so we just took it as a lesson, never ride again sa SIKAT TRANSPORT!!! kaya pala puro foreigners ang customer nila ah, teka, hindi cutomer eh, BIKTIMA!!! kasi hindi makaangal sa kanila at hindi familiar ang mga kawawang foreigners sa pamasahe...dami talagang mga gagong pinoy!!!
Pagdating namin sa may Muele, sinalubong kami kaagad nung sundo namin mula sa Hotel, naks talagang may pangalan pa siyang winawagayway eh...so sabi ko ''ok din yung hotel ah, may service pa'' ;-) at ayunnnnnnnnnn......umarangkada kami... pagdating sa hotel nag-settle muna kami kung saang kwarto kami matutulog..then naligo, tas kumain tas uminom ng kaunti, tas tumingin tingin sa paligid at natulog muna noong hapon...... at ng biglang DYARAAAAAANNN!!! Gabi na po ng magising kami.wala na kaming mabilhan ng pagkain at wala na ding masyadong pumapasadang trisikel..kaya ayun, nagkwentuhan nalang kami at uminom hanggang sa nakatulog..kinaumagahan nagswimming kami, nagrent kami ng snorkels at nagkuhanan kami gamit ang underwater camera sa dagat, syempre saan pa ba??? BLUE CRYSTAL nga pala ang pangalan ng hotel 995 per person/night sila, mas mura kaysa sa ibang hotel dun sa PG yung iba kasi 1500 per person/ night or 1200. libre na din ang almusal namin nun, masarap naman kahit paano. mga 10pm na ng magbalak kaming umuwi nalang at wag ng magpagabi. Hinabol namin ang huling byahe ng SuperCat dun sa Pier at 1st time kong makasakay ng Super Meow! sarap pala, aircon siya, may TV (Pacquiao vs Morales ang palabas ampotah) pwede kang bumili ng pagkain sa loob...bumili kami ng instant noodles at tinapay kasi hindi pa kami kumakain ng lunch at ilang oras pa ang babyahihin namin. 240 ang SuperCat tas yung bus na mula sa Batangas pier to manila ay nasa 150 lang yata, so magkano yun? 390? sabihin na nating 500...at hindi 600 gaya ng bwisit na SIKAT TRANSPORT NA YAN!!!! kaya kung ako sa inyo? kung pupunta kyo ng PG..mag-commute nalang kayo or magdala ng sasakyan at para hindi kayo maabuso gaya ng mga foreigner.
Re-cap:
Trisikel Fare 100php from Blue Crystal Hotel to bayan
Trisikel Fare 500php from Blue Crystal Hotel to White Beach back and fort
BCH Service shuttle 200php from BCH to Pier...
Beer 25
Sopdrinks 25
Meal 300+ main dish
Fun being with your Loveone in Puerto Galera? ... PRICELESS!!!
so get a Visa Mastercard NOW!!!

S is for swimming, summer, sun at sukob!

Summer na naman! Sobrang init na ngayon, talagang tulo pawis mo kapag lumabas ka sa umaga, lalo na sa oras ng tanghali ang sakit sa balat ng init ng araw. Kaya naman ang karamihan ay nanabik mag-swimming o magbakasyon sa Baguio! Isa pa din na talagang masaya kapag summer ay dahil tapos na ang pasukan sa eskwela! pansamantala mong hindi makikita ang terror mong titser at hindi ka muna magiisip masyado kagaya ng ginagawa mo kapag nag-aaral ka! Pero para sa mga mag-aaral lang iyan...sa mga trabahador na kagaya ko, di mo na mafi-feel ang ganyang thrill kasi araw-araw may pasok (except weekends) ang pinakahihintay ko lang kadalasan ay ang mga araw ng holidays, kagaya na lamang ng darating na holy week, ilang araw ding bakasyon yun (kaso ako no work no pay) .
Naalala ko tuloy noong kabataan ko, madalas nagpupunta kami kung saan kapag summer, swimming dito,swimming doon,punta ng probinsya ng kung sino sino, minsan naman stay nalang sa bahay at manonood ng kung ano anong religious show sa TV sa mahal na araw and speaking of mahal na araw...dati sabi sa akin ng matatanda, bawal daw mag-ingay, bawal daw kumain ng karne kasi daw patay ang diyos, daming pamahiin...pero ngayon tingnan mo,ang nakasanayang ginagawa natin kapag mahal na araw ay wala na! kahit sa TV wala na masyadong religious shows, bihira na din ang kumakanta sa mga pabasa, iilan nalang ang nagsisimba...talagang ibang iba na ang generation na itey! Anyway, ako gusto kong magswimming this summer, relax relax lang under the scorching sun, puta magtagal ka ng todo sa ilalim ng araw at malamang magkaroon ka ng skin cancer! kaya ingat guys this summer, enjoy the rest of it with some precautions lalo na sa matataba na may high-blood at baka ma-heat stroke ka!

Enchanted Kingdom! Pers taym ko!

Last weekend nagpunta ako ng Enchanted Kingdom...araw ng sabado alas 7 palang ng umaga ay gising na ako, excited kasi akong makapunta sa Enchanted Kingdom, High School palang ako naririnig ko na siya kaya naman talagang nahihiwagaan ako kung ano ba talaga yang Enchanted kingdom na yan! Kaya eto na sabi ko! eto na ang araw na mararanasan at makikita ko ang EK!
Umaga ng nagpunta kami ng ayala, mga 930am dun sa may Landmark, dun kasi may mga van na papunta sa EK, akala ko nga bus eh kasi ang narinig ko shuttle..almost 2 hrs din kaming bumyahe kasama na ang madugong trapik bago namin narating ang EK! Pagdating dun hindi na makapag-antay at taeng tae na ang kamay kong magkodakan sa harap ng EK kasama yung matigas na istatwa ni Wizard (yung mascot nila)...then tuloy na kami sa loob.
Una namin sinakyan ay yung Ferris Wheel,nakakalula syet! ang taas taas kasi tas umiikot pa yung sinasakyan niyo habang umiikot yung sinasakyan niyo...hmmm teka mali yata... ah basta nakakalula! tas pagkatapos nun, kodakan ulit kami ng kodakan! tas sumakay naman kami dun sa...nakalimutan ko na yung pangalan ng ride pero yun yung parang nakasakay ka sa troso, parang Wild River ng istar siti pero etong sa EK mas wild! at take not, talagang dapat may extra kang damit kapag sumakay ka dito at dahil talagang mababasa ka! di ko mabitawan yung hawakan dun sa log kasi pakiramdam ko kapag di ako humawak eh titilapon ako sa ere! pero after nun, nakasurvive naman po ang ating bida at syempre may kodakan din dun!
Tapos nun,kumain muna kami ng Burger at Fries at sopdrinks, di pwedeng super dami meal ang kainin mo kasi baka sumuka ka! Nakatingin ako sa mga nakasakay dun sa roller coaster, at talaga naman di nila maiwasang hindi humiyaw, at yun ang gusto kong sakyan! so dali dali kaming sumakay, nakaupo palang ako kinakabahan na ako eh, iniisip ko kasi kung paano nalang kung may mangyaring di kanais nais...oh syeeeettt!!!!! yan ang nasabi ko ng magsimula ng umandar ang walang hiyang roller coaster....zzzzzzzooooooooooooooooooooooooooommmmmmmmmmmm!!!!! umakyat muna ng patalikod...ng bigla bibitaw.....bbbbboooooooossssshhhhhh wwaaaaaaaahhhhh waaaaaaaahhhhhhh waaaaaaaahhhhhh!!!!! PUTANGINAAAAAA!!!!!!!! as in lulang lula ako at pakiramdam ko yung bayag ko ay mailuluwa ko na at mas matindi pa dun ay yung pabalik, kumbaga pa-atras naman ang andar! ayun pagkababa namin ay mahilo hilo ako, yung isang nakasakay nga namin lalaki ay nanakit ang likod.
Next stop ATV! yan yung apat na gulong na parang motor, and yes sinubukan namin yun, di siya kasama sa all-you-can-ride tag so you have to pay 200 per head, 3 sets ng ikot sa rough road! ang sarap niya, unlike any other ride, siya ang kakaiba,kasi youre in control of the machine! so binibilisan ko minsan at minsan naman ayos lang ang takbo kasi malikabok! Ayos palang manehuhin yun, sana nga ganun nalang lahat ng sasakyan dito sa pinas eh, less pollution at trapik pa!
Tapos naman nun nanood muna kami ng sayawan sa tapa ng Rialto! at sumugod na kami sa RIO GRANDE!!! my god di ko akalain, sa log ride eh nabasa na kami, pero dito sa RIO GRANDE halos naligo ako! kahalating katawan ko basang basa, including my wallet and shoes! pati brip ko!!! pero ok siya kasi nakakalula din at yung mga kasama naming mga batang babae ay talagang hiyaw to the maxxx!...OK sige na aaminin ko humiyaw din ako!
Rialto naman ang tinahak namin after the Rio Grande...OK naman, parang yung sa simulator dun sa istar siti dati, medyo makakatotohanan, yung pelikula nila ay yung about sa alien alien...gininaw ako sa loob kasi super lakas ng A/C nila at basang basa pa ako ng pumasok kami...
madami pa kaming sinakyan...nag-bump car kami, sumakay ako sa isang maliit na roller coaster, sa hot air balloon na paikot ikot, tas kumain kami ng hotdog tsaka Rice in the box, may popcorn din kami at sopdrinks at syempre walang humpay na kodakan kung saan saan!
Nakakapagod din pero talagang masasabi kong masaya ang EK experience ko... a treasure that nobody can take it away from you...a treasure that you have shared with someone very very special in to your life... at talaga naman gusto kong bumalik!
Thanks to Mel for the tickets! sana meron pa sa susunod! and of course the one and only, i couldnt experienced it without you Andy! THANK YOU SO MUCH! AND I LOVE YOU!!!! MUAAAAHHHH!!!!

Super Eklats

Sabi ni Lois Lane sa Superman Returns '' He is Superman, every body loves him'' siguro kasi dahil siya ay isang tagapagligtas, may tanyag na kapangyarihan at nakakalipad at ang ulitimate...POGI siya! pero paano nalang kung pangit si Superman? magugustuhan pa kaya siya ng mga kababaihan kahit na may kapangyarihan siya??? hmmmm! Iisa isahin ko ang mga superheroes na maaring magustuhan at hindi magustuhan ng mga babae dahil sa kanilang itsura at kapangyarihan...
Wolverine - marami sa atin, siya ang paborito sa grupong x-men, sino nga bang hindi manghuhumaling sa walang-hiyang ito na gumagaling kaagad ang mga sugat at may adamantium claws...pero ang mabalbon niyang katawan at mahabang patilya ang siguradong matitipuhan ng mga babae sa kanya...wag lang siyang tatabi kay Beast at siguradong talbog siya sa balahibo nitong animal na to'! at isa pa, si Wolverine ay isang bansot, i think more or less than 5'3'' lang siya...eh yung pang pitong claw kaya niya?
Spider-Man- saputan ka tsaka ka halikan ng pabalentong at tirahin sa kung saan saang sulok ng siyudad hindi ka mababaliw? enjoy dabah? ask Mary Jane!
Colossus- Bakal ang buong katawan nito...ibig sabihin...Matigas...kaso wag mong hayaang mag-init at baka mapaso ka ng parang na-plantsa!
Human Torch- nah...Ok lang siya kapag walang apoy...masusunog ka noh! nubah!
The Thing- Halos kapantay ni Colossus, pero ang maganda sa kanya hindi nag-iinit na parang plantsa, yun nga lang amoy lupa!
Dare Devil- kung pangit ka keri lang, nakakakita lang naman siya kapag may tunog eh! iwasan mo nalang na may tunog.
Capt. America- hmmmmmmmm...pogi lang...walang dating kahit dalhin pa niya palagi ang kanyang shield.
Punisher- kung type mo ay S&M sa kanya ka lumapit! pangalan palang eh siguradong mae-elya ka! Apelyido ni Punisher ay Rano.
Cyclops- ... ... ... optic blast! ok ayos na...
Beast- ayan ang katapat ni Wolverine! kaso hindi naghi-heal at malaki ang pangil, ingat sa kissing!
Gambit- ubos pera mo 'day!
Iron Man- hirap to, palaging nakasuot ng armor, mamatay siya kapag hindi niya suot yun...ikaw bahala, desisyon mo yan!
GhostRider- eerrrmmm....buto buto na nga nag-aapoy pa! letch! Mag-trisikel driver nalang siya pwede pa!
Aquaman- kung type mo ang beach, sa kanya ka makipag-date! but take note, malansa ang lalaking itey!
Namor- parang si Aquaman lang din.
Iceman- kung wala kang ref sa bahay at di mo type ang mainit, siya ang pakasalan mo!

Haaaaayyyy SKUL!

High School...Isa sa pinakamagandang yugto ng buhay natin, ika nga ni Ate Shawee ay...
High school life, oh my high school lifeev’ry memory kay gandahigh school days, oh my high school daysare exciting kay sayathere are times may problema kakung ang homework left undonepray ka lang, wag tawagin kaupang di pagtawanan.
High school love, my one high school lovenot infatuation or crushtunay ‘to, siya ang buhay kodi n’yo lang alam ako’y nagba-blushbakit nga ba ang first love koay di serious, so it seems?kung alam lang ng first love kohe is always in my dreams.
[refrain]Ang saya ng high school sev’ral years in my high schooldi na mapapantayant’yak ganyan ang buhay na sadyang makulayalaala kailan man.
High school life, oh my high school lifeev’ry memory kay gandahigh school days, oh my high school daysare exciting kay sayathere are times may problema kakung ang homework left undonepray ka lang, wag tawagin kaupang di pagtawanan.
[coda]High school life, ba’t ang high school lifeay walang kasing sayabakit kung graduation na’yluluha kang talaga?
[coda]High school life, ba’t ang high school lifeay walang kasing sayabakit kung graduation na’yluluha kang talaga?
[refrain]Ang saya ng high school sev’ral years in my high schooldi na mapapantayant’yak ganyan ang buhay na sadyang makulayalaala kailan man.
High school life, oh my high school lifeev’ry memory kay gandahigh school days, oh my high school daysare exciting kay sayathere are times may problema kakung ang homework left undonepray ka lang, wag tawagin kaupang di pagtawanan.
[coda]High school life, ba’t ang high school lifeay walang kasing sayabakit kung graduation na’yluluha kang talaga?
Op op opppsss...tama na, na-carried away ka na sa kanta...kinanta mo noh? aminin... Oh well, share ko nalang ang High School life ko. Dito nagsimulang mamulat ang aking mata mula ng tumuntong ako ng High School, Umpisahan natin sa barkada, First Year HS ako noon ng matutunan kong makipagbarkada...madaming klase ng estudyante noon, may mabait, mayabang, sinungaling, magnanakaw, bully, duwag, nerd, seryoso, maganda, gwapo, pangit, payat, mataba, mahaba ang buhok, maitim, maputi basta iba iba...alam niyo na ang ibig kong sabihin...Hanggang sa dumami na ang barkada ko, nadagdagan pa ng nadagdagan, hanggang sa nagkaroon na kami ng grupo, hindi fraternity ah, basta grupo lang kami, halos sampo kami noon...Natapos ang 1st year at dumating na ang 2nd year at akala ko wala na ang grupo namin, pero buo pa din kami, although may ilang nawala, yung iba lumipat na ng bahay, mayroon naman nagpunta na ng esteyt, yung iba lumipat na ng skul..may umalis at mayroon naman nadagdag hanggang sa inabot namin ang 4th year.
Noong High School nandyan ang mga kupal na titser na kung ano ano ang tinitinda, may tocino, may project kuno, kulang nalang magtinda ng shabu...may titser pa nga kami noon na mataba na parang bullfrog, terror ito, napagalitan ako ng putanginang to ng isang beses, pinatayo ako sa sulok ng klasrum at pinakain ako ng papel, pero di ko naman nilunok syempre, nagdadaldalan yata kami nun kaya siya nagalit, tangina niya, pasalamat siya hindi ako nagsumbong sa tatay ko noon... di nagtagal ang titser bullfrog namin at umalis din siya, baka bumalik sa kanal at kumain ng lamok... May titser din akong adik noon, kasama niyang mag-doobie yung iba namin skul-mate at klasmate at nakipagsuntukan pa ang ulol na yun sa isa kong barkada, ang huli kong narinig eh nakasuhan yata yun ng pangmomolestya ng babae eh, estudyante yata nya..yun ang tsismaks...May titser din kami, actually principal pa yata namin yun na nagnakaw sa skul...napatalsik sya at ngayon yata nagtitinda sa talipapa...May mga titser din naman kaming super bait, at peborit namin, minsan pa nga dinadalaw namin sa bahay nila at nagchichikahan kami, may titser din kaming peborit na namatay, as in nalungkot talaga kami noong namatay siya pramis! may titser din kaming bakla, may tibo, may titser kaming tinutulugan namin sa klase, may titser kaming nambabato ng libro, tumatalsik ang pustiso, mayabang at kung ano ano pa!
Noong High School din ako nakaranas ng masayang field trip, ang hindi ko makalimutan na eksena ay noong nagpunta kami ng Wax Museum sa may Shang ri la at ang gaga naming asawa ng may-ari ng school ay kumuha ng picture sa loob, kundi ba naman tanga sabi ng bawal ang magkodakan sa loob eh ginawa pa din ni mokong, ayun at napahiya siya sa lahat at umalis nalang..buti nga sa iyo bwisit ka! Mayroon din kaming educational trip kuno, na wala naman kaming natutunan dahil iilan lang ang napuntahan namin at ang huling ginawa namin ay nagswimming...educational ba ang swimming? sige na nga!
Noong High School din akong unang nanligaw...di ko nga alam kung talagang panliligaw yun eh, ah basta crush na crush ko siya noon at inamin ko na may crush ako sa kanya, palagi pa nga niyang binibigay ang baon niyang pagkain sa akin noon eh tapos kinakain namin ng mga barkada ko na para kaming mga asong kalye na gutom na gutom...ang kung tatanungin mo kung nagkatuluyan ba kami? mamaya ko sasagutin.
Noong High School din ako nagsimulang matutunan ang paninigarilyo, uminom ng alak, mag-cutting class, manood ng porno sa bahay ng kaklase, magpaabot ng madaling araw, makipag-street dancing, maging Hip-Hop, maging Punkista, maging Rakista...at kung ano ano pa...nakakamiss ang High School life...dami kasing nangyaring kabulastugan at madami ka ding lessons na matututunan na talagang dadalhin mo hanggang sa tumanda ka.
...
...
Okay one more time, now with some dancing....
Ang saya ng high school sev’ral years in my high schooldi na mapapantayant’yak ganyan ang buhay na sadyang makulayalaala kailan maaaannn....
P.S.
Hindi kami nagkatuluyan ng crush ko.

KWENTONG KONSERT!

Madami sa ating mga pinoy ang mahilig sa panonood ng concerts, lalo na kung ang peformer/s ay foreigner gaya ni Michael Jackson na talagang libo libo ang nanood noong nag-concert siya sa may pasay, ultimo mga artista natin ay nakipagsiksikan makita lamang si MJ at ayun, naglip-synch nga ang negrong maputi na mahilig sa bata...ewan ko kung anong hilig nya sa bata..well, kahit naman maglip-synch sya eh talaga namang matindi ang perfomance ni MJ...ika nga nya sa concert nya ''I LAV YAH MANELA'' parang Liza Manela nyeknyeknyeknyeek!
Hindi ako ganun kahilig sa concerts, kadalasan kasi ang mahal mahal ng ticket, pero noong bata pa ako, isinama ako ng nanay ko sa concert ni Nora ''Ate Guy'' Aunor (shit bat ka kasi nag-adik tsk tsk tsk) at alam niyo kung anong ginawa ko? natulog ako sa loob ng araneta, nyeta ano bang paki ko kay Ate Guy noong mga panahon na yun noh! i was like 8 yrs old lang yata noon tas naalimpungatan ako dahil kumanta si Ate Guy ng ''Tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroon awitin iiwanan sa inyo....''aaaahhh pakingsyet!!! Nagsiiyak ang mga Noranians,including my mom and my grandma na over fanatic kay Ate Guy! Haaayy nakuh! Ako naman ''ano kayang iniyak nila?'' ang weird para sa akin noong mga panahon na yun dahil malay ko ba na may impact pala sa mga Noranians yun... Pero ngayon ayan ''tatanda at makukulong ako....'' kakatawang nakakaawa...Oh well! Im not a Noranian neither a Vilmanian...
Noong High School naman ako nahilig ako sa banda, as in mga local bands and some foreign bands at first time kong nakapanood ng band concert ay yung sa...drum rolling ... pisinngg! ULTRA! hanep ng concert kasi ang daming banda, kasikatan pa nun ng Grin Dept. na ngayon ay medyo baduy na para sa akin, di ko pa knows ang Wolfgang noon at Razorback siguro kasi medyo stick lang ako sa level ng E'heads noon at Rivermaya...So ayun na nga at nagpunta kami kasama ng 2 kong kababata...putangina talagang ang daming tao, mura lang kasi ticket eh 150 lang yata, tas mayroon pa dun na mga punkista na nagpupumilit makapasok at talagang tumatalon mula sa upperdeck papunta sa ground para makipagbalyahan at headbangan dun,may isa pa nga dun naisprayan ng teargas sa mismong mukha niya, ayun sumigaw nalang na kasi sa mata siya tinamaan at nagtatakbo amputah sa sakit...OK naman kaming nakauwi noong gabing iyon.
Sunod naman sinamahan ko yung barkada ko sa Rivermaya concert sa pasig dun sa may stadium nila dun, nakakuha kasi ng free tickets yung barkada ko eh, sayang naman daw kung hindi namin magagamit,so kahit hindi namin kabisado ang pasig, nagtuloy kami dun at halos maligaw ligaw kami... So ayun, gaya ng ibang concerts, daming tao, may makukulit may sumisigaw at meron namang walang paki na naisama lang. Pero ako nagenjoy ako, kasi first time kong makita si Bamboo ng live! (kay Rico wala akong paki...) magaling lang talaga siyang magsulat..PERIOD!
Napanood ko na din noon ang BOyz2Men...nakakahiya dahil sira pa yung isang mic ng member nila. Si Mariah napanood ko din at may ipis pang lumipad sa tabi niya at talagang nandiri ang potang si Mariah...sabi pa niya ''there is a kind of bug here that scares me...'' Arte mo! letch! alam ko mas malalaki ang ipis sa amerika...sa atin cute! And finaly yung Superfriends nina Janno,Allan K. at Gladys ''CHUCHAY'' Gueverra .. OK naman, kwela, nakakatawa sina Janno at Gladys..si Allan OK din kaso may ginawa siyang number dun na medyo gasgas na sa daigdig ng kabaklaan...which is yung mag-mujer! kakasawa na for me...
Bakit kaya sa mga concerts eh mayroon yung part na patapos na yung kanta tas bibitinin pa tas yung mga nanonood ay maghihiyawan tas tsaka itutuloy at tatapusin parang eto http://www.youtube.com/watch?v=C9YSg9Uu8ik ...tas meron pa yung magpapaalam na kunwari at aalis sa stage, tas ang mga manonood naman ay maghihiyawan ng MORE MORE MORE...tas babalik yung performer with a different costume o lalabas sa makapal na usok at biglang ang mga tao ay maghihiwayan ulit sa tuwa...di nalang tapusin kung gusto nilang tapusin tangna!

HELLO KITTY! GOODBYE KITTY!


Nakasakay ako sa dyip noong isang araw at habang sinasamantala ko ang masarap na simoy ng hanging na humahaplos sa akin mukha ay biglang bumagal ang takbo ng dyip.Trapik ang ilang bahagi ng kalsada ngunit umaandar pa din naman kami. Dahil sa aking pagkakainip, tumingin tingin nalang ako sa aking paligid...At sa aking gulat ay may nakita akong patay na pusang itim...luray luray ang katawan at nagkalat ang bituka, luwa din ang mata at sabog ang bungo at ang kanyang dugo at utak ay tila parang pinturang ikinulay na sa mainit na aspalto ng kalsada.Ubod ng baho ang amoy ng patay na pusa, di ko maitiis na hindi magtakip dahil nanunuot ito sa aking ilong papunta sa aking sentido...nakakadiri ang eksena, nakakawalang gana, nakakasuka...ngunit sa isang banda, bigla akong naawa sa pusang nasagasaan... naawa ako sa sinapit niya... naisip ko, paano lang kung isa pala siyang Nanay na pusa at inaantay na siya ng kanyang mga kuting na gutom na gutom sa ilalim ng kisame oh di kaya sa may basurahan...Paano na lamang kung isa pala siyang pusang alaga ng isang bata at mahal na mahal siya nito...Paano nalang kung ang pusang yun ay ikakasal na pala...Paano nalang kung ang pusa na yun ay mahusay pala sa iskwela at malapit ng magtapos sa kolehiyo at may matatanggap pang parangal...paano nalang kung ang pusang iyon ay may ka-date pala na kanina pa sa kanya nag-aantay...Paano nalang kung ang pusa na yun ay ang hindi namakapag-antay na maka-uwi dahil gusto niyang ibalita sa kanyang mga magulang na natanggap na siya sa kanyang pinapangarap na trabaho at yun ang mag-aangat sa kanilang buhay...Paano...Paano...Naawa ako...bakit may mga taong hinahayaan ang ganito, sana manlang ay magingat sila sa kanilang pagmamaneho...sana makunsensya sila sa kanilang ginagawa at nagawa...kawawa ang biktima hindi lamang sa mga pusa kundi pati na rin sa mga palaka, aso, sisiw, manok, kalapati, daga at mga insekto na naulila dahil sa ganitong pangyayari at hindi man lamang nila mabigyan ng katarungan ang namatay nilang kamag-anak, kaibigan, asawa o anak...
....Sino ngayon ang mas HAYOP sa kanila?

MAM! MAY I GO OUT?

Yan' ang palaging sambit natin kapag nasa iskul at bigla tayong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Hindi lang basta tawag ng kalikasan ang ibig kong sabihin kundi yung malupit na tawag, yung tipong lalabas na, bumubukol na, at konting ma-iri ka lang ay PATAY KANG BATA KA!!! KAHIHIYAN ANG AABUTIN MO!!!
Marami sa atin ang nakaranas na ng ganitong klaseng kahihiyan, lalo na noong bata pa tayo. Mayroon dyan ay natae sa salawal habang naglalaro ng kung ano. Mayroon naman natae sa dyip o bus, o di kaya naman ay natae habang nagsisimba. Mayroon ding natae habang papaunta na sa kubeta at hindi na umabot at ang tanging ginawa nalang niya ay tinapon niya ang kanyang panloob sa basurahan at hinugasan ang kanyang pwet na nanlilimahid sa tae.
1987
Grade 2 ako noon,nag-aaral ako sa pampublikong paaralan ng makakita ako ng ganitong klaseng eksena. Hindi ko pa alam kung ano at paano mapahiya ng sobra noon sa harapan ng maraming tao, kumbaga, wala lang kung sakaling may mangyari sa aking nakakahiya... Ngunit ang hindi ko makalimutang pangalan at hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din ang karumaldumal na pangyayari na talagang napahiya sa harapan ng marami ay si Kristina... Nasa loob kami ng klase noon, uso pa noon ang table na mahaba at may katabi ka sa upuan, uso pa din noon ang nutri-bun na ngayon ay di ko na alam kung mayroon pa sa public schools. Kasalukuyang nagtuturo ang titser namin noon sa di ko na maalalang subject ng biglang may nagsalita na lamang na '' Mam! si Kristina po natae!'' ... kaya pala may bigla nalang umalingasaw na mabaho at nakakasukang amoy sa loob ng silid namin ng mga oras na yun. Si Christopher ang higit na biktima ng amoy, siya kasi ang katabi ni Kristina, kaya ang estudyanteng sumigaw ay walang iba kundi si Christopher. Natigil ang klase namin dahil nangailangan ng matindi at masinop na saklolo si Kristina mula sa kanyang di napigilang pagtae sa kanyang panty at bumakat na sa pink niyang palda na pamasok. Di napigilan ng iba na matawa at mandiri sa nangyari, aaminin ko, nandiri ako sa amoy ng mga oras na yun at talagang nabigla... Dali daling dinala si Kristina sa kubeta habang siya ay umiiyak sa kahihiyang sinapit niya na hindi naman niya kagustuhang mangyari sa mga oras na yun.Pagkalipas ng ilang sandali pa ay bumalik na si Kristina sa loob ng klase namin, pero hindi na siya pinaupo dahil ang tanging suot na lamang niya ay ang kanyang pantaas at dyaryo na ngmistulang kanyang palda. Iniabot nalang kay Kristina ang kanyang bag at itoy umuwing luhaan. Kung bakit ngayon ay naaalala ko pa ang pangyayaring iyon ay dahil naisip ko na paano nalang kung sa akin nangyari yun? paano nalang ang gagawin ko? hindi ko yata kayang umuwi ng dyaryo lang ang suot na pambaba... Napahiya ng sobra si Kristina at malamang dadalhin niya ang karanasan na iyon hanggang sa kanyang paglaki. Naawa ako kay Kristina, sana hindi na nangyari iyon, ganun pa man, mga bata pa lang din naman kami noon.. sana na lang ako nalang at si Kristina ang nakakaalala ng eksenang yun... Kristina kung nasan ka man... Kakampi mo ako, Kaibigan, hinding hindi kita ipapahiya...
Tangina kasi kung nagsabi ka sana ng ''Mam may i go out'' hindi na sana nangyari yun!!!

ESTRANGHERO

Anong gagawin mo kung isang araw may pupuntahan kang lugar at may biglang estrangherong tumawag sa iyo sa telepono at sinabihan kang wag kang pupunta sa lugar na yun dahil mapapahamak ka? o di kaya kakain ka na sana sa isang handaan at sinabihan ka na wag kang kakain ng ganito ngayon dahil mapapahamak ka? o di kaya lalabas kayo ng pamilya mo at mamamasyal at sinabihan ka na wag mong papalabasin ang pamilya mo dahil madidisgrasya sila? maniniwala ka ba? o hindi mo papansinin at itutuloy mo lang ang balak mo? ... sabihin na nating tinuloy mo pa rin ang gusto mo at nangyari nga ang eksaktong sinabi sa iyo ng estrangherong tumawag sa iyo sa telepono...anong gagawin mo?

A day with a Korean

Kung sa huling kong blog ay nabasa niyo ang tungkol sa Hapon..pwes eto na ang karugtong ng istorya ko.
Sisimulan ko muna mula sa pagtawag ko sa opisina nila, may nakasagot sa akin, pero hindi yung Hapon, Pinoy ang sumagot at binanggit ko nga sa kanya ang tungkol sa interbyu ko.
AKO: Ahmm, I just like to ask about my schedule for interview???
LALAKI: Ahh...wala kasi yung koreano dito eh, tawag ka nalang ulit mamaya...
AKO: OK, Salamat tatawag nalang ulit ko.
So nalaman ko na hindi pala Hapon, kundi isang Koreano ang kumausap sa akin noong isang araw. Kinabukasan na ulit ako tumawag, kasi hindi ko pa din feel naman magpunta noong huwebes na yun.kaya nung byernezz, tumawag ulit ako at nakausap ko na yung koreano
AKO: Ahhhmm...Yes Sir, i just like to ask about my schedule for interview???
KOREANO: Ahhhmmm...may i know your name?
so sinabi ko ang pangalan ko...
KOREANO: AHHH! OKE, OKE, can you go heere tode?
AKO: Yes Sir, i could be there after lunch,would that be OK Sir?
KOREANO: Ahmm...yes you just come heere at 2pm or 3pm, and bring yor pofoyo (PORTFOLIO pala) and some of your drawings and sketches oke?
AKO: Sure Sir, I will be there at that time.
KOREANO: Oke Bay!
AKO: THANKS SIR!
bago ako nagpunta dun sa bldg. nila which is sa TEKTITE, nagpunta na muna ako sa may frisco para balikan ang SSS ID ko na naiwan ko sa guard (Tangina kasi, kung bakit ko pa naiwan,gastos at pagod pa tuloy) pagkatapos nun, dumiretso na ako sa TEKTITE. Nalula ako sa dami ng tao doon, ang tagal na kasi mula noong una akong nagpunta doon eh, 2001 pa yata yun. Nagyosi nalang muna ako saglit sa baba dahil sobrang aga ko pa noon, pagkatapos ay pumasok na ako, pakiramdam ko isa akong dayuhan o mangmang sa loob ng gusali dahil ni hindi ko alam kung ano bang elevator ang dapat kong sakyan..iba iba kasi ang nakasulat, punyeta! So ang magaling kong utak ay nagtanong sa information counter...
AKO: Bossing magpupunta po ako sa 3102C???
IC: Iwan mo ID mo...
AKO: Saan po ba yun?
IC: sa 31 floor
AKO: aahhh, sige po salamat po! (tanginang tong matanda na to ang sungit amputah!)
so iniwan ko yung ID ko, at sabi ko sa sarili ko na dapat hindi ko na makalimutan kunin ang ID ko bago ako umuwi. Sumakay ako ng elevator, daming tao, halos puno kami sa loob.nakakabingi kasi ang taas nga ng bldg. pakiramdam ko may bumabara sa tenga ko, alam mo yun? yung parang may bulak ka sa tenga??? Pagtungtong ng 31st floor hinanap ko kaagad ang kwarto, nakita ko naman kaagad at ayun, nandun si Koreano!!! YEYYY!!! pero bago kami tuluyang nagusap, nakigamit muna ako ng palikuran...pagbalik ko ay pinaupo muna ako sa isang kwarto na may magandang view...as in kita ko ang antipolo at laguna de bay! Pagkatapos ng mga 10 minutong paghihintay, ay lumapit na sa akin ang koreano at ininterbyu ako...
KOREANO: Can i see your pofoyo?
so binigay ko at kanyang sinuri....
KOREANO: Hmmm...OKE...OKE...OKE...do you have your sketches with you? or samples of your drawings?
AKO: (patay wala akong dala) I'm sorry sir but i have no samples of my sketches with me right now.
KOREANO: OKE OKE, wait a minute...
pagbalik niya ay pinaguhit niya ako sa isang pirasong papel, at as in papel lang ang binigay...wala man lang panulat na lapis, so ginamit ko nalang ang aking ballpen. Nagsimula akong gumuhit ng kung ano ano..mga imbento nalang, pero pinag-igihan ko at baka sakaling pumasa...nang matapos ko ang guhit ko,ipinasa ko na ito sa koreano at sabi niya sa akin na babalitaan nalang daw niya ako kung ako ay pumasa...
...
...
...
At doon nagtapos ang aking araw...Malapit na ang lunes, sino kaya sa 2 inaplayan ko ang tatawag sa akin...hmmmm...malalaman natin yan sa pagbabalik ng THE BLOGGGGZZZZ!!!!!

ANAK NG HAPON!!!!

Wala ako sa mood magsulat ngayon, Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko, parang nakikita ko yung sarili ko sa tabi ko, parang dalawa kami sa isang kwarto, parang multo, parang gago.
Biglang bumalik ako sa katinuan ng may tumawag sa akin, isang hapon, hindi ko maintindihan kung ano bang gusto niyang sabihin, hanggang sa nalaman ko nalang na isa pala yun sa mga inaplayan ko... tinatanong niya ako kung kailan ako pwedeng mainterview, sabi ko hectic ang sched ko, may shooting pa ako ng bago kong film bukas at mag-ge-guesting pa ako sa SIS tomorrow...Pero syempre dabah hindi yun ang sinabi ko. ewan ko ba hindi ko siya ma-gets, tinatanong ako kung kailan ko daw gustong mainterview, eh may naka-sched ako bukas na interview...teka ganito nalang ang gagawin kong format..
AKO: Hello Sir, i got a call from this number?
HAPON: Yes,.... ... ... ...uhum.. ... ..
AKO: Sir saan po ito?
HAPON: Uhhmm... ... ... yes, this is from IYAGI ...
AKO: Yes Sir?
HAPON: blablublable...????
AKO: HUH????!!!
HAPON: What "HUH" ?
AKO: Whats the question again sir? (tanginang to ah, manloloko yata)
HAPON: we'd like to know whe can you come heee foooh an intehhhview?
AKO: Aaaahhh! maybe on Thursday or Friday Sir.Are you Japanese or Chinese Sir?
HAPON: Its doesnt Mattah..OK!
AKO: Ahmm...Sir may i know where are u located?
HAPON: OK BYE!
AKO: PUKINGINAMO!!!!
binabaan ba naman ako bigla...so i checked on the net kung saan yun at nalaman ko sa may tektite bldg. pala...hmmmm... parang di ko feel, parang aalilain lang ako dun, pero bahala na, check ko nalang siguro on friday. Kailangan ko munang makagawa ng pera. wala na akong pera pang-apply anak ng tinapa...hmmmm.. namimiss ko na ang tinapa...leche!!!!

GUMUHIT

Noong bata pa ako, hilig ko na talagang gumuhit, gumuguhit ako kung saan saan, kung saan ko gusto, sa papel, sa karton, sa kahoy, sa bato, sa sahig, sa pader, minsan pa nga gumugupit ako ng mga larawan sa magazine at dyaryo at idinidikit ko ito kung saan madali ko siyang makikita, hinahayaan lang ako ng magulang ko basta't hindi ito nakakasagabal at nakakadumi ng bahay. Paborito kong iguhit noon ay si Garfield, Ninja turtles at kung ano ano pang cartoons, di ko pa hilig noon ang mga Marvel at DC characters, mas gusto ko yung mga cute na characters. Sabi nga ng iba, pinanganak daw ako na may lapis sa kamay. Naalala ko pa, nilagay ko sa isang folder lahat lahat ng drawing ko noong bata pa ako, pero ngayon hindi ko na alam kung saan napunta yun, kung nasa sa akin pa yun hanggang ngayon, malamang matutuwa ako habang pinagmamasdan ko kung paano ako gumuhit noon at makikita ko ang pagkakaiba.

karambola ang isipan

There will come a time that you will see yourself in a very difficult situation, in a state where you will become what you hate most.''
Ano nga ba ang nauna Itlog o manok??? isang katanungan na mahirap sagutin at ipaliwanag. Pero kung ako ang tatanungin mo, sa tingin ko nauna ang itlog, bakit kamo? kasi nauna si Adan.
wala akong masabi kaya eto nalang muna....

MAARTE SIYA!!!!

Isang araw na naman ang lumipas,wala pa ding balita sa mga inaplayan ko, ang dami ko ng inaplayan over the net pero isa palang sa kanila ang nagreply, ayun nga may interview ako noong wednesday dyan sa may kamias, isang hostel, tanginang yan, ang tagal ng byahe ko, ang aga aga kong gumising at nagsuot na naman ako ng maluwag na polo, at slacks na ubod ng luwang sa binti, nangangati ako kapag ganun ang suot ko, di ko feel, di kaya ng powers ko, tapos pagdating ko dun sa aaplayan ko, binigyan ako ng form na parang bio-data, nainisip ko, tangina eto na naman, e diba may resume' na akong binigay sa kanila??? 3 na ang form ko sa kanila ng personal info ko, hindi ako mag-aabroad or gumawa ng krimen mga puta sila, pero ganun pa man, wala akong magawa kundi sagutin ang mga tanong, madali lang naman sagutin eh,palagi ko nga lang nakakalimutan yung mga edad ng mga utol ko. ayun, pagtapos kong ibigay sa kanila yung form na halos tumagal ng 10mins, tinawag na ako para interbyuhin, tiningnan ng bababeng ubod ng arte ang resume ko at nagtanong kung marunong daw ba akong gumawa ng brochure, sabi ko ''OO naman gago ka ba? '' sa isip ko...so sabi ko YES, Y-E- and a fucking S!!! tumagal lang siguro ang interview ng less than 15mins, di ko nga masabi kung interview na yun eh, feeling ko kinuha lang nila ang personal info ko, tas sabi sa akin ng maarteng babae, sige balik ka bukas ng mga 11am para interviewhin ka ng GM namin, OK sabi ko...
Kinabukasan, bago ako bumalik sa kanila ay tumawag muna ako para i-confirm kung tuloy ba ang interview chuvanezz...sagot ba naman sa akin, '' Pano mo nalaman number dito?'' sabi ko '' tanga ka ba? '' sa isip ko...pero ang talagang sinagot ko '' sa brochure niyo'' ...ang bobo amputah, puro kasi kaartehan ang alam eh, talagang nasurpresa pa sya ah! natural interisado ako sa kanila at dapat malaman ko kung saan ako pwedeng kumontak, at isa pa nasa website nila yun...OK so eto na, sabi sa akin ng maarteng gurlalu na hindi pa din daw nagrereply yung GM nila...PUKI NIYA AMOY MURIATIC ACID!!!! nasan ba GM nila at hindi makapag-reply, halos buong magdamag hindi nagreply sa kanya??? Gagah amputah,sinong gogoyoin niya??? HALLER??? .... hindi na ako umasa pang tatawag sila sa akin, at parang nawalan na din ako ng gana sa kanila... kaya ako eto, luhaan pa din, basang basa sa ulan sa paghahanap ng trabaho, tangina, sa tingin ko ang buhay talaga swertihan lang eh, kahit anong gawin mo, kung hindi talaga para sa iyo, wala eh, kahit ano pa, hindi mo masisisi kung ARTS talaga ang gusto kong gawin, siguro kulang lang ako sa diskarte, yun lang siguro ang kulang, nakakawalang gana na minsan..nakaka-depress, pero iniisip ko nalang na swerte pa din ako dahil nakakakain ako ng higit na 3 beses sa isang araw, nakakapagsuot ng maayos na damit, may tahanan, may pamilya, kumpleto at malusog ang katawan, at higit sa lahat may cellphone load... mabait pa din ang mundo sa akin...di ko naman sinasabing salbahe siya sa iba... sana magkaroon at dumating na sa akin ang ''Balang-araw'' na matagal ko ng hinihintay.
Nakakainis feeling Euro siya, ginagaya ang Coldplay, maangas ang dating (in a bad way) pangit kumanta at ang boses pilit inaabot ang tono, at ewan ko ba kung bakit pa sila nag-eexist...mas maganda pa din yung dati nilang band, noong naguumpisa palang sila, noong miyembro pa nila si B. nakakainis siya, pero in-fairness mahusay siyang magsulat, pero mas gusto ko pa din si E.B. (sana magaling na siya after admitting in a hospital) ...

May i present to you...Pan Oxyl

Good Morning Philippines! Good Morning People! Good Morning Internet Addicts, Friendster Fanatics, Porn Site lovers, etc... I just woke up an hour ago, i already had my typical nice cup of coffee, i made some stretching, did number 2, made the bed and now i am here in front of the PC writing a blog ...hmmmm...wait, i just wondered, what is a blog anyway? is it a journal? or is it your friend that you can say all the things that happened to your everyday life? and unfortunately Blog cannot reply to you but it can deliver comments from other people around the globe...anyway, as i was saying...I just woke up an hour ago, and i still have this irritating feeling on my face, its not itchy, it sores, some pimples are ready to be popped away again, its like i have a fruit plantation, harvesting every morning, they're ripe and ready to be picked.. AAAAHHHH!!!! when will these pimples gonna leave me!!!!
In the past few days (almost a month), I consistently using some facial cleansers, moisturizer, few of tea-tree oil and Pan-Oxyl (which is very very effective on my skin) and it made me surprised, becoz i noticed that the acne's on my face had decreased into almost 85%... so it is proven that Pan Oxyl is really effective (depending on skin type's im sure) so for those who has problem with acne, use Pan Oxyl, try using the 2% first, and if it still does'nt work, try the other percentage, there is 5% and 10% on your nearest drug store's worldwide!

idzbinawayl!

Tagal ko ng di nakakasulat sa blog, di ko na nga maalala yung huling isinulat ko dito eh, pero dahil naalala ko siya susulat ulit ako. Bago ang lahat, naalala niyo pa ba yung blog ko about sa GBA? ayun nakabili na ako sa wakas, enjoy naman, di ko lang kayang maglaro habang nasa biyahe, akala ko ganun lang kadali, nakakasuka pala, kaya naglalaro nalang ako kapag walang magawa at kapag may hinihintay kung saan..ayun lang.
Ang bilis ng panahon, parang kamakailan lang naganap ang pasko ng 2006, lahat ng tao natataranta kung anong bibilhin nila, panregalo, gamit sa bahay, damit (usong-uso) , sapatos...etc. Bakit nga kaya kapag Pasko karamihan bago ang suot ng mga tao lalo na ang mga kabataan, pinansin namin yan ng utol ko eh, pagsakay namin ng dyip eh titingnan namin ang mga pasahero, tas kapag may nakita kaming may suot na bago, sasabihin namin "NAKS NAKA-BAGO" hehehehehe! ganun din ako nung bata ako eh, bibili ako ng nanay ko ng bagong damit, hilig ko pa noon si Garfield, fotah mula sa T-Shirt hanggang sa sapatos Garfield yan, ano bang meron kay Garfield at nakuha niya ang attention ko? kung isa ka sa biktima ng alindog ni Garfield at alam mo kung bakit mo siya gusto, wag kang mag-atubiling sumulat sa akin ;-)
Nagwakas na ang 2006, anong napala mo? ako madami, madaming masasaya at meron din naman nagbigay luha sa aking mga mata.Parang roller-coaster nakakalula kung minsan at talagang masha-shock ka...Aaaay!!! magiisang taon na din pala yung pag-amin ni Rustom...ooopsss ayokong magsimula ng showbiz sa aking blogs, A-YO-KO! hindi ito para sa showbizzz... Ano naman kaya ang mangyayari sa taon 2007??? puro kababuyan kaya ituh? oh mataba ang dating sa atin? malaman, masagana...High Blood? hmmmm... hindi na ako gumawa ng resolution, kasi alam kong hindi ko din naman masusunod, basta kung feel ko nalang tsaka ko gagawin. hindi naman sa wala akong isang salita, ayoko lang.
Hanggang dito nalang muna at wala na akong maisip na isulat...try ko nalang ulit next time...I just can't wait to see all the great movies this 2007 Ghost Rider, Spider-man 3, Fantastic Four 2, Transformers, Ninja Turtles...syeeeeeettt!!!!

EVERY PEKLAT HAS ITS STORY

Naniniwala ako na lahat ng tao may peklat, Iba't ibang klaseng peklat. May peklat na maliit, may peklat na malaki, may peklat na kulay pula, may maitim, may puti, may nakaumbok at ang karaniwang peklat, ang makintab na peklat. At naniniwala ako na ang bawat peklat sa ating katawan ay may nakalaan na istorya. Peklat na magpapaalala sa atin ng nakaraan, Peklat na makakapagpaalala sa atin na minsan naging tanga din tayo. Peklat na makakapagpaalala sa atin ng matinding aksidente at peklat na makakapagpaalala sa atin ng isang pangyayari na ayaw na nating maalala.
Bata palang ako may peklat na ako sa ulo ko, Grade school ako noon, naalala ko pa kung bakit ko nakuha ang peklat sa ulo ko. May alaga kasi kaming aso na si Daisy, ordinaryong aso lang si Daisy, medyo malaki, pero askal lang, matatalim ang kanyang mga kuko, malalaki ang pangil at nakatali siya sa kanyang kulungan na yari lamang sa mga lumang kahoy at gamit na yero. Isang araw habang naglalaro ako sa bakuran namin, naisipan kong sundutin ng isang hibla ng walis ting-ting ang butas ng tumbong ni Daisy, hindi ko naalala na wala pala siya sa pagkakatali niya noon at hindi ko din napansin na bumubungisngis na pala siya, senyalis na galit na siya. Patuloy pa din ako sa pagsundot ng kanyang pwet, gamit ang hibla ng walis ting-ting ng bigla na lamang niya akong sinunggaban, bumaliktad ako sa aking pagkakatayo...Yun na lang ang huli kong naalala dahil nawalan daw ako ng malay. Nalaman ko nalang na may sugat pala ang ulo ko at ang kwento sa akin ay patuloy daw ang pag-agos ng dugo nito pero napatigil din. Sa awa ng diyos naka-survive naman ako at hindi na kinailangan na dalhin pa ako sa ospital. Mula noon takot na akong lumapit kay Daisy, hindi ko na siya bati, wala siyang pagmamahal na natanggap mula sa akin. Namatay si Daisy mga ilang taon ang lumipas, paniwala namin nilason siya ng isang tarantadong kapit-bahay namin, kasi bumubula nalang ang bibig ni Daisy pagkamatay niya. Ang moral lesson sa story kong ito ay wag mong sundutin ang pwet ng may pwet gamit ang kung ano-anong bagay. At dun ko din natutunan na kapag ang isang aso pala ay bumubungisngis na, ibig sabihin pala nun ay galit na siya at malapit ng manakmal.
PEKLAT: ULO
PINANGGALINGAN: KALMOT NG ASO
May isa pa akong peklat, dahil pa din sa aso, Grade school student pa lang din ako, Grade 6. Sa pagkakataon na ito ay harap harapan naman akong nasakmal sa tenga, muntik ng maputol ang bahagya ng tenga ko noon. Naghaharutan kasi kami ng aso kong si Fudge sa loob ng bahay namin, habang ang buong pamilya ay busy sa panonood ng telebisyon. Si Fudge ang tipo ng aso na mabilis mainis, konting madiinan mo lang ang kanyang katawan ay kakagatin ka na niya, pero marahan na kagat lang, yung may alalay na kagat, hindi masyadong madiin. Pero noong gabing iyon iba ang natanggap kong kagat mula sa kanya, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya basta bigla na lamang niya akong nilapa. Akala ko noon ay nakaiwas ako sa matinding sakmal niya sa akin. Patuloy pa din ako sa paglalaro ko sa kanya kahit nagulat na ako sa biglaan niyang sakmal. Ilang segundo palang ang nakakalipas ay naramdaman ko na masakit ang tenga ko, hinawakan ko ang aking tenga at nasalat ko na parang basa ito at lalo pang sumasakit, pagtingin ko sa aking mga daliri, puno na ito ng dugo, natakot ako sa aking nakita kaya sinabi ko kaagad sa nanay ko na nakagat ang tenga ko. Dali dali akong bumaba papunta sa kubeta para hugasan ko ito, pero gaya ng natamo kong sugat sa ulo ko, wala din tigil ang pag-agos ng dugo nito, natakot ako kasi baka hindi na tumigil ang pag-agos ng dugo. Sa awa ulit ng panginoong may kapal, tumigil naman ito. Nilagyan nalang namin ng band-aide ang tenga ko pagkatapos linisin ng alcohol at betadine. Nag-keloids na ang sugat, isa na lamang siyang alalaa ng aking aso, isa sa paborito ko pa namang aso si Fudge, kahit na sinakmal niya ako, mahal na mahal ko pa din siya. Ilang taon din kasi kaming nagkasama ni Fudge, binili ko siya sa halagang 100 sa aking kaklase, at hanggang lumipat kami ng bahay kasama ko pa din siya. Kaya talagang iniyakan ko ang pagkawala ni Fudge,"WAAAAAAAHHHH FUDGE KO, FUDGE KO BAKIT MO AKO INIWAN???" yan nalang ang nasabi ko noong namatay siya. Ginupit ko pa nga ang dulo ng kanyang balahibo sa buntot bilang alalaa, pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nailagay yun.
PEKLAT: KANAN NA TENGA
PINANGGALINGAN: SAKMAL NG ASO

Madami pa akong peklat, yung iba dahil sa bubog, sa semplang sa bike at sa kung saan saan pang aksidente. Ikaw i-share mo ang peklat story mo? parang isang larawan din yan na makakapagpaalala sa iyo ng isang pangyayari.

DAGLIANG PAGPAPAALAM

Pang sampung araw na ng bagong taon. May napapansin ka bang pagbabago? ako wala pa, siguro mga ilang buwan ko pa mapapansin. Madalas pa din akong puyat, naninigarilyo pa rin ako, hindi pa din bagsak ang buhok ko, wala pa din akong stable job, mahilig pa din ako sa laruan, makapal pa din balbas ko at higit sa lahat ay hindi pa din ako nilalayasan ng mga punyetang tigyawat!!!
Ubos na ang pera ko, wala na yung mga naipon ko noong pasko, di ko alam kung saan napunta yung iba.Teka teka...naisulat ko na yata ito sa isa kong blogs eh paulit ulit lang ako eh. Maiba naman... One year na rin palang nakakalipas ang trahedyang gumulat sa buong mundo ANG TSUNAMI na kung saan ay napakaraming namatay at naulila. Kumusta na kaya sila? nasaan na kaya ang mga kaluluwa ng mga namatay? Natanggap na kaya ng mga namatayan ang pagkawala nila? Paano kaya nila sinelebrate ang Christmas at New year? sana masaya na silang lahat, yun lang ang panalangin ko.
Halos isang taon na din nakakalipas ang pagkamatay ng isa kong kaibigan. Naalala ko siya noong pasko, Naalala ko siya sa di mapaliwanag na dahilan, siguro dahil magkakasama kami ng pamilya ko, samantalang ang pamilya niya ay kulang na. Unang pasko nilang iseselabrate na wala ang aking kaibigan, sana masaya sila. Madalas ko siyang naalala tuwing nasa mall ako, madalas kasi kaming magkasalubong dun at magchikahan ng kung anik anik. Mabait siya, minsan isip bata pero carry lang, bata pa naman talaga siya eh at isa yun sa pinanghihinayangan ko, nawala siya ng napaka-aga. Madami pa sana siyang pwedeng gawin, madami pa sana siyang pwedeng pasayahin...pero siguro hanggang dun nalang talaga ang chapter ng buhay niya dito sa mundo.
Isa sa matalik ko din kaibigan noong college ang iniwan na ako. Namaalam siya noong 31st ng Disyembre. Hindi ako makapaniwala na wala na siya, pero sa tagal tagal ay natanggap ko na din. Parang Big Brother ko siya noong college ako, madalas kong kakwentuhan ng kung ano ano, lalo na pagdating sa pelikula. Madalas din kaming magbiruan, kumain ng sabay, lumabas sa school ng sabay... Noong nakapagtapos ako ng college isa siya sa mga una kong dinadalaw kapag nagpupunta ako sa skul. Pero ngayon wala na siya, iba na ang nasa desk niya kapag dumaan ako dun, di ko na makikita ang mga ngiti niya, hindi ko na maririnig ang halakhak niya tuwing magpapatawa ako...Siguro hanggang dun nalang din talaga ang oras niya dito sa mundong ito. Mamimiss ko siya, lalo na tuwing dadalaw ako sa skul.
Kung nasan man sila ngayon, sana sumalangit ang kanilang mga kaluluwa. Ganun talaga ang buhay, may dumadating may umaalis, masakit man sa atin ngunit dapat patuloy lang tayong mga naiwan nila sa paglakbay sa daan na ating tinatahak.

Doktor Doktor I am sick...

Kawawa siguro ang mga doktor kapag wala ng taong nagkakasakit, wala na kasi silang gagamutin. Kung ako sa kanila, i-boboycot ko ang mga nagtitinda ng gamot sa botica para maraming magkakasakit at kapag nangyari yun, marami silang gagamutin, may trabaho pa rin sila.

ako'y nauuhaw

Isang gabi na naman na hindi ako makatulog, pakiramdam ko pinamumugaran na naman ng mga insekto ang isip ko, Mga insektong puro tanong, mga insektong madaming pangarap, mga insektong madamdamin, mga insektong masaya, mga insektong galit at mga insektong sadyang di lang mapakali at walang dahilan.
Kanina nakakita na naman ako ng lalaking naglalaro ng Gameboy sa loob ng mall, haaaaayyyy! napahinga nalang ako ng malalim, dapat may Gameboy na din ako ngayon. Naubos ang pera ko sa pambili ng mga regalo. Masaya naman eh, kahit na hindi ko nabili ang pinakagusto kong mabili noong christmas. Di bale madami pa naman araw. Siguro kapag may maganda na akong trabaho bibili nun. Hindi naman kaagad agad mawawala yun eh. Pero may isa akong alam na madalas ay bigla nalang nawawala. Yun ay ang Pag-ibig. kapag nawala, di mo alam kung paano mo ulit makikita, di mo alam kung paano mo ulit papalitawin at di mo alam kung paano mo pa ba maibabalik. Posible naman, pero kadalasan matagal ang proseso. Puwede mo itong ihambing sa proseso ng paghahanap ng trabaho... Madaming kailangan mga papeles, may interview, may exam aaaaahhh leche!!! Naiinis ako tuwing naalala ko ang mga sakit na natanggap ko noong nakaraang taon, anak ng puta hanggang ngayon dumudugo pa din, di pa rin gumagaling, sugatan pa din ang puso ko. Saan ko ba mahahanap ang gamot na magpapagaling sa sugat na to, kanino ko ba malalaman ang reseta? SAAN? SAAN? SAAN? Diyos ko, pinapaubaya ko na sa inyo ang lahat, gabayan niyo nalang ako sa bawat araw na aking tatahakin. Alam ko naman na alam niyo kung anong gusto ko at kung ano ang makakabuti sa akin...ayan nagiging relihiyoso na nanaman ako. Hanggang kailan ba ako magkakaganito...puro ganito nalang ba ang isusulat ko sa blogs ko? mga hinanakit? NAKAKASAWA NA!!!!! NAKAKAIRITA NA!!!!!! PUTANGINAAAA!!!!!!!
Tubig...kailangan ko ng tubig... ako'y nauuhaw...kailangan mahimasmasan ako...

THE ABYSS

Dear diary What is wrong with me Cos I'm fine between the lines
Ako nga ba ang may mali? ako nga ba ang dapat may baguhin sa sarili ko? ako nga ba dapat ang umintindi nalang palagi sa sitwasyon? o dapat bang manatili nalang ako kung ano ako at lalo ko nalang pagbutihin ang mga susunod ko pang gagawin sa buhay ko? Bakit ganun, kung sino pa ang gusto mong mahalin, siya pa ang palaging nasa malayo, palaging lumalayo, palaging nawawala, palaging nangiiwan.
Be not afraid Help is on its way A sentence suspended in air Way over there
Ang pinakakinakatakutan ko lang ng matindi ay ang ang mabuhay ng walang nagmamahal sa akin, isang taong kasama mo hanggang sa huli, isang taong makakaintidi sa lahat ng bagay na gagawin at ginagawa mo kahit ano pa ito, isang taong ipapakita sa iyo kung mali ka ba o tama, isang taong hindi ka iiwanan kahit ano man ang mangyari. Nandyan siya kapag may masaya ka, nandyan kapag malungkot ka, nandyan kapag may sakit ka, nandyan kahit na nasaktan mo siya at kaya kang patawarin. PERO HINDI !!! wala akong makitang ganun...kung meron man, sana dumating ka o baka nandyan lang siya at hindi ko napapansin? hindi ko alam. magulo talaga ang isipan ko sa ngayon.
Dear diary What else could it be As nightshade descends like a veil
Ano pa nga bang meron? sana kakaiba naman ang haharapin ko sa bagong umaga. Sana may mas maganda ng mangyari sa buhay ko. At kung mayroon man magandang mangyari sa akin, sana mayroong akong makakasama sa mga tuwa ko, sa aking mga tagumpay, sa aking paghalakhak at sa aking pagluha.
Under the sail of my heartBe still Don't stop until the end
Hindi ako dapat magpatalo sa kalungkutan, dapat bumangon ako na nakataas pa rin ang noo. Dapat hindi ako tumigil, alam ko may misyon pa akong dapat gawin hangga't akoy humihinga. Hindi pa huli ang lahat ...hindi pa ... hindi pa.
Dear diary What is wrong with me? Cos I'm fine between the lines Be still, my heart Don't start until...


I am crying while im writing right now and this time i know the reason... it's because of deep sadness.
"am i not supposed to have what i want? am i not supposed to have what i need? what should i do?"