Thursday, December 31, 2009

Happy and Prosperous 2010

Patapos na naman ang isang taon, madaming naganap sa aking buhay, may maganda at mga hindi ninanais at mayroon din mga gusto ng kalimutan. Sana sa pagpasok nitong bagong taon ay maraming magagandang bagay na dumating sa buhay ko, sana madaming magagandang pagbabago ang maganap.

Happy and Prosperous 2010 sa inyong lahat!

Thursday, December 24, 2009

Kuya Pagupit

Para sa akin, hindi ganun kadali ang pagdesisyon kapag magpapagupit ng buhok, isa kasi ito sa mga iniingatan at nagpapaganda sa atin. Kapag nagupit ang buhok sa itsurang hindi mo gusto, mahirap na itong ibalik, kailangan mo na namang maghintay ng matagal na panahon para mapaayos ulit ang buhok mo, kaya hangga't hindi pa humahaba ang buhok mo ay dadalhin mo ang bago mong gupit na buhok na hindi mo gusto...hmmm o di kaya magsuot ka nalang muna ng sombrero pansamantala.

Kanina lang ay napagdesisyunan ko ng pagupitan ang buhok ko, ayaw ko pa sana dahil balak ko sanang magpahaba ng buhok. Ilang beses kong pinagisipan kung papagupitan ko ba o hindi parang nakakahinayang kasi ngunit sa barbero pa din nauwi ang lahat. Pinabawasan ko lang ang buhok ko upang kapag nilagyan ko ito ng wax ay pwede ko siyang patayuin at magkaroon ng konting porma.

Habang nagpapagupit ay naalala ko yung sinabi sa akin ng kapatid ko, huwag daw akong magpagupit sa umaga dahil kakagising lang daw ng barbero at wala pa itong ganang magupit. Huwag din daw akong magpagupit bago magtanghali dahil siguradong nagugutom na ang barbero at baka madaliin lang ang gupit. Huwag din daw sa hapon dahil inaantok daw ang barbero sa ganung oras at huwag na huwag din daw sa gabi dahil madilim na at hindi na masyadong maaninag ng barbero ang kanyang ginugupit...kung ganun eh anong oras ako dapat mag-pagupit?!

Monday, December 21, 2009

Pampalubag loob

Ilang buwan na ang nakakalipas at hindi pa din ako tapos mag-hanap ng trabaho, marami-rami na din ang dumadating na offer sa akin from jobstreet.com at madami na din akong inaplayan ngunit iilan lang ang mga sumagot, mayroon nag-imbita ng interview at exam ngunit gaya ng dati tatawagan nalang daw nila ako after nilang malaman ang result. Noong isang linggo ay nakatanggap ako ng e-mail galing sa isang company na itago nalang natin sa pangalan "Company X" na inaplayan ko at ito ang sabi nila sa akin...

"we regret that we are unable to offer you the position, However, we assure you that your application will form part of our resume pool. Should a more applicable need arise, we will re-activate your application for review of possible consideration"

...After a few days nakatanggap ulit ako ng job offer mula sa jobstreet.com at pagka-check ko ay nakita ko ulit doon ang "Company X" at naghahanap pa din pala sila ng graphic artist...kaya sa madaling salita, yung last part ng letter nila ay malamang na pampalubag loob nalang. Iniisip ko minsan kung ako ba ang may kulang o talagang sadyang hindi para sa akin yung mga trabahong inaaplayan ko. Sinasabi ng mga kaibigan ko na mag-apply nalang daw ako ulit sa call center ngunit ayaw ko ng bumalik sa ganun nature ng trabaho, ayaw kong magsalita ng tapos pero as much as possible gusto ko ay makakuha ng trabaho na magugustuhan ko at siguradong tatagal ako.

Malapit na naman magtapos ang taon, sana by next year matanggap na ako sa mga inaaplayan ko, sana palarin na ako, kung hindi man regular job, sana isang big time break na pwedeng maging negosyo.

Sumpong

Sinusumpong na naman ako pagiging emotional, siguro dahil ilang araw nalang ay magpapasko na at wala pa din akong regalo sa mga mahal ko sa buhay, mayroon pa naman akong pambili ngunit mukhang hindi sapat para mabilhan ko silang lahat. Nakakalungkot, naluluha nalang ako. Kanina habang bumabiyahe ako pauwi ay kasabay ko ang ilang tao na may dala-dalang pinamili galing sa mall, mukhang mga pang-regalo ang dala nila at ang iba naman ay galing sa kanilang Christmas party at bitbit ang mga napanalunan sa raffle...Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay bigla ko din naisip na hindi ako dapat malungkot o mainggit dahil may ibang tao na mas malungkot pa ang sinasapit kaysa sa akin, halimbawa nalang ay yung mga taong walang makain o matirahan, yung mga taong nasunugan, yung mga taong namatayan ng mahal sa buhay bago mag-pasko o yung mga taong nasa malayo at mag-isang nagpapasko at hindi makasama ang kanilang pamilya.

Thursday, December 10, 2009

DISKARTE LANG ANG PUHUNAN

Napakahirap sumakay ng taxi lalo na kung rush hour o di kaya ay umuulan, Kadalasang dahilan kaya mahirap sumakay ng taxi sa mga ganitong klaseng oras o panahon ay dahil napakadaming tao na gustong mag-taxi na lang kaysa sumakay ng ibang pampublikong sasakayan at kung minsan naman ay dahil ayaw magpasakay ng driver. Malamang ay narinig mo na ang mga ganitong klaseng sagot ng taxi driver tuwing gusto nilang tumanggi sa pasahero o kaya ay nag-aalangan...

"Paparada na ako eh" -paparada ka na pala eh bakit bumabiyahe ka pa?!

"ay hindi, trapik doon" -driver ka, alam mo dapat na kasama sa trabaho mo ang trapik!

"Malayo, walang pasahero doon pagbalik ko" -pati ba naman yun problema pa namin?!

...sabay magiisip at hihirit na

"OK lang ba dagdagan niyo nalang kahit 30?" -WOW! 60 ang FLAT RATE mo?!

...o di kaya ay

"Magkano ba binabayad niyo doon" -kaya nga nilagyan ng metro ang taxi...namaaan!

...at ang classic na

"ay hindi" (sabay simangot at haharurot) -sungit naman!

Nakaka-asar lalo na yung mga abusadong driver na napakahilig magpadagdag ng bayad, parang pakiramdam yata nila na lahat nalang ng nagtataxi ay madaming pera.

Ngunit isang beses, habang nakasakay sa taxi ay nakausap ko ang driver at tinanong ko kung bakit may mga ganun klaseng taxi driver, ipinaliwanag niya kung bakit, sabi niya sa akin na madami talagang taxi driver na ganun ang gawain, mayroon mga nanlalamang at abusado ngunit hindi lahat, ang iba ay talagang gumagawa lang ng diskarte, dahil bilang isang taxi driver, kailangan namin maka-quota, kung hindi kami didiskarte ay hindi kami kikita, hindi naman sa pagiging maarte ngunit dala lang din talaga ng pangangailangan. Medyo naliwanagan ako ng kaunti sa sinabi sa akin ni Manong Driver, naka-base nga kasi ang kikitain nila kung malalampasan nila ang kanilang quota kaya napipilitan silang tumanggi kung minsan.

Sa tingin mo? makatwiran nga ba?

...para sa akin, pwede na!

(kung may alam ka pang kakaibang hirit ng taxi driver kapag tumatanggi, huwag mahiya, share mo na!)

Wednesday, November 18, 2009

Masikip Sa Dibdib

Isa na siguro sa pinakamahirap na tanggapin sa buhay ng tao ay ang mawala ang iyong pinakamamahal, lalo na kung madami na kayong pinagdaanan at masasayang ala-alang pinagsamahan at biglang sa isang iglap ay mapapawi ang lahat. Napakaraming dahilan ng paghihiwalayan, may mababaw at mayroon din malalim, base sa aking mga naririnig, nangunguna na siguro sa listahan ng mga dahilan ng paghihiwalayan ay ang pagkaka-roon kabit o kung tawagin ay "Third Party" o kung minsan ay nawawalan na ng interest sa kanyang kasintahan at napupunta na sa ibang tao. Nakakabaliw, hindi ka patutulugin, nakakamaga ng mga mata at nakakawalang ganang kumain kapag "broken hearted" ka, dahil napakabigat sa dibdib ang hinanakit na iyong dinadala.

Kakaiba ang nangyayari sa isang taong sawi sa pag-ibig, mayroon naglalasing at nilulunod nalang sa alak ang mga dinaramdam, mayroon din nagkukulong nalang sa bahay at ayaw lumabas at makipagusap sa iba, nagpapalit ng phone number o sim card, dini-delete ang account sa mga networking sites, may nagpapatattoo, nagiging pala-dasal, mainitin ang ulo, nagda-drugs, madalas naman sa babae ay nagpapa-ikli ng buhok at sa mga lalaki naman ay tinutubuan na ng balbas dahil wala ng pakialam sa sarili at kung ano ano pa.

Mayroon mga paraan upang madaling mabawasan ang bigat sa dibdib kapag ikaw ay sawi sa pag-ibig, una na dito ay ang pagtanggap sa sarili na wala na ang iyong pinakamamahal, mahirap man gawin ngunit kailangan. Kung malapit ka sa mga magulang mo at kaya mong sabihin sa kanila ang ganitong klaseng problema, gawin mo, siguradong papayuhan ka nila o di kaya naman ay manghingi ka ng payo sa mga malalapit mong kaibigan, may mga bagay silang alam tungkol sa iyo kaysa sa mga magulang mo at pwede ka pa nilang samahan gumimik at magsaya. Kung tanggap mo na ang lahat, unti-unti kang makipagkilala sa ibang tao at malay mo may makilala kang higit pa sa una mo.

Thursday, November 05, 2009

Mali ba ang magtiwala kaagad?

Pauwi na ako noong isang araw at nakasakay sa bus, ako lang ang tanging pasahero nung sumakay ako sa bus, ngunit pagdating sa bus station ay napuno ito kaagad at isang babae ang tumabi sa akin. Gaya ng marami ay mahilig din akong gumamit ng cellphone habang bumabyahe at habang nagtetext ako ay biglang tinanong ako ng babaeng katabi ko...

Babae: SUN ba ang gamit mo?

Ako: aah..OO (nagtaka kung bakit ako tinanong)

Bababe: Pwede bang makitawag?

Ako: ah-eh...(nagaalinlangan), Naka-unlitxt lang kasi ako eh, tsaka yung pantawag ko per-minute lang.

Babae: Ah OK, lowbatt na kasi yung cellphone ko eh, OK lang ba sa iyo kung siya nalang ang patawagin ko?

...kapal naman ng mukha nito sa isip isip ko, ayokong pagamit tong phone ko sa kanya, mahirap na...

Ako: ahhh..ehhh kasi ginagamit ko pa eh.

Babae: Saan ka ba bababa?

Ako: sa TRINOMA.

...hindi na nagsalita yung babae at nagtext nalang ako ulit habang pinakikiramdaman siya sa tabi ko, mukha naman disente yung babae at maya-maya ay nakita ko siyang naglabas ng isang plastik na folder na puno ng papel, nasipat ko yung nakasulat sa isang papel "APPLICATION FORM" , kaya naman naisip ko na baka naghahanap ng trabaho. Gusto ko din naman siyang tulungan, ngunit sa isang banda ay naisip ko din na sa panahon ngayon ay mahirap ng magtiwala kaagad sa taong hindi mo naman kilala, kaya tinanong ko na din siya...

Ako: Urgent ba yung tatawagan mo?

Babae: Ahhmm...may kukunin kasi ako na...(hindi ko maintindihan yung sinabi). Eh baka isipin niya hindi ako makadating, lowbatt na kasi yung cellphone ko.

...talagang kailangan banggitin pa niya ulit na lowbatt yung cellphone niya...

Ako: eh kung gusto mo i-text mo nalang siya oh (sabay pakita ng cellphone ko).

Babae: (medyo nag-isip) Oh sige...(tsaka kinuha ang cellphone ko para magtext)

...hindi ko makita kung ano yung itina-type niya at nakakahiya din naman kung mahuli niya akong nakatingin, naisip ko na babasahin ko nalang sa sent items kung sakaling hindi niya ito mabura. Nakakatakot lang na baka mamaya ay kung saan pala niya gamitin yun, malay ko ba kung pusher yun ng pinagbabawal na gamot at pati ako ay madamay...ngunit wala pang isang minuto ay...

Babae: Ay wag nalang...(sabay balik sa akin ng phone). Ok lang, wag nalang pala.

Ako: Sigurado ka?

Babae: OO, ok lang wag nalang (nakangiting sinabi). Nasaan na ba tayo? Malapit na ba yung TRINOMA dito?

Ako: aahhmmm...nasa GMA na tayo, Kamuning na, malapit na sa TRINOMA...(mukhang balak yata talagang makitawag).

Babae: Ano bang date ngayon?

Ako: 4...

...Pagkatapos nun ay hindi na ulit kami nag-usap at pagdating ng bus sa trinoma ay bumaba na ako...Paano kaya kung nagtext pala talaga siya at binura lang niya sa sent items yung tinext niya? Paano kung pusher nga pala talaga yun? haaayy...paranoid lang ako, pero mabuti na din talaga ang nag-iingat ngayon, mahirap ng magsisi sa huli, nilulugar din talaga dapat ang pagtulong at kabaitan sa kapwa, dahil minsan baka ikaw ay maging isang biktima.

New Resolution

Noon ay natanong ko ang sarili ko, ano na kaya ang nakamit ko pagdating ko sa edad na 30? at ngayon lang nasagot ang tanong na yun. Aminado ako sa sarili ko na wala pa talaga akong maipagmamalaki, hindi ko makita sa sarili ko kung ano ba ang kaya kong ipagmalaki. Sabi ko noon na dapat nakapag-exhibit na ako pagdating ko ng 30 ngunit hindi natuloy. Noon sabi ko pagtungtung ko ng 30 ay dapat ay naka-bukod na ako sa pamilya ko, ngunit hanggang ngayon ay dito pa din ako nakatira sa amin. Noon sabi ko na dapat pag umabot na ako ng 30 ay isa na akong successful na artist, pero ngayon ay wala man lang akong regular na trabaho o kaya ay negosyo.

Saan ba ako nagkamali? Saan ba ako nag-kulang? Saan ba ako dapat tumungo? Bakit lahat ng ina-aplayan ko ay hindi na sumasagot sa akin, kung mayron man ay dahil gusto nilang ipaalam sa akin na puno na ang posisyon na inaaplayan ko o di kaya ay itatabi nalang muna nila ang resume ko at pag-aaralan. Sumubok akong mag-negosyo ng t-shirt printing, masaya ako at nakabili na ako ng mga kailangan kong gamitin, ngunit sa kasamaang palad ay binaha kami at nasira lahat ng gamit ko at hanggang ngayon ay hindi pa din gawa, kung kailan may mga magpapagawa na sana sa akin. Sinubukan ko din ang talent ko sa music, ngunit hindi din natuloy dahil yung inaasahan kong makakasama kong tumugtog ay hindi na nagpaparamdam sa akin. Halos lahat ay natapos lang sa mga plano.

Diskarte, yan siguro ang kulang sa akin, hindi pa talaga sapat yung mga ginawa ko kaya hindi ako nagtagumpay, siguro dapat mas kapalan ko pa ang mukha ko, dapat ko pang igihan ang pagsisikap, ang pag-titiis, hindi ko makukuha ang tagumpay na hinahanap ko kung kakaawaan ko lang ang sarili ko, hindi siguro masama kung iiyak ko ang mga masasakit na nangyayari sa akin dahil yun lang ang paraan para mawala sa katawan ko ang bigat nasa aking dibdib. Wala na talaga siguro akong dapat asahan kundi ang sarili ko nalang at ilang taong malalapit sa akin na maaari kong hingan ng tulong kung talagang kinakailangan.

Naalala ko tuloy ang tanong ng pamangkin ko sa akin "Bakit hanggang ngayon ay mahirap pa din ang bansa natin?" ang sagot ay "dahil sa katangian ng mga Pilipino" . Ganun din siguro ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pa din akong nakakamit na tagumpay, dahil sa katangian ko. Ngayon 30 na ako ay dapat makapagsimula na ako ng maganda, dapat ang bawat araw ay hindi nasasayang, simulan ko na dapat sa sarili ko ang pagbabago, dapat itama at ayusin ang mga mali ko noong mga nagdaang taon, mas maging matatag, masinop at kapakipakinabang. Naisip ko lang, dapat siguro yung tinatawag nilang New Year Resolution ay hindi tuwing magsisimula ang bagong taon, dapat siguro tuwing kaarawan ng isang tao, dahil yun ang simula ng panibago niyang buhay.

Tuesday, October 27, 2009

STRICTLY NO ID, NO ENTRY

Marami sa atin ang hindi maitatago na nakapasok na sa isang motel o kung tawagin ng iba ay "Biglang Liko" o kaya "Short-time" o "C.I. (check-in)". Bakit kaya karamihan sa atin kapag narinig ang salitang MOTEL, naiisip kaagad ay PAGTATALIK? Kung magsu-survey ka nga ng 100 tao ay malamang makakuha ka ng 99% na ang iniisip nila ay ganun din, siguro kasi ay natatak na sa isipan natin na doon ginagawa ang mga panandaliang aliw. Napakaraming klase ng motel, may motel na mamahalin, may cheap, mayroong air-conditioned, mayroon din naman electric fan lang, may motel na semento ang ding ding, mayroon din plywood lang at dinig mo ang boses at hiyaw ng mga tao sa kabilang kwarto, may motel na WI-FI ready, may motel na may themes na pwede mong pagpilian depende sa mood mo, may motel na sobrang linis at may mga motel din na madaming ipis at kung ano ano pa. Hindi ko naman sinasabing lahat ng motel ay lugar kung saan nagpupunta ang mga gustong mag-tanggal ng kati, mayroon din naman kasing ilang mga motel na talagang desente at hindi mo iisiping puro ka-imoralan ang ginagawa ng bawat pumapasok dito.

Kamakailan lang ay may napuntahan ako na isang motel/ apartelle, hindi ko na babanggitin kung ano ang pangalan dahil baka ma-demanda pa ako. Dati ko ng nakikita ito at balak subukan ngunit hindi natutuloy, nabanggit din sa akin ng isa kong kaibigan na maganda nga daw doon at mura lang ang presyo, halos bago lang ang motel na ito at mukha siyang disente. Pag-bukas ko pa lang ng pinto ay naramdaman ko na ang lamig ng air-con nila sa lobby, malinis din dito at walang hindi kanais nais na amoy, lumapit ako sa desk upang kumuha ng kwarto, doon palang ay makikita mo na ang mga room rates nila kaya hindi ka na magtatanong ng presyo, matapos kong makapamili ay tinawag ko ang receptionist na babae na daldal ng daldal sa isa pa niyang kasama habang nagsusulat sa mga papel, naka-dalawang beses pa akong nag-excuse sa kanya bago ako bigyan ng atensyon, tumingin siya sa akin ng saglit at tuloy na ulit sa kanyang ginagawa, tinanong nya ako kung ilang oras daw ba, sumagot naman ako, tapos hinanapan niya ako ng ID, sabi ko wala akong ID, tuloy pa din siya sa pagsusulat at sinabing "Hindi pwedeng pumasok kapag walang ID" nagulat ako, kaya tinanong ko siya kung may iba pa bang paraan para makapasok kapag walang ID, wala daw at dapat daw talaga ay mayroon ID, nakakapagtaka at ngayon lang ako naka-encounter ng ganun kahigpit na motel kaya tinanong ko siya kung bakit ba kailangan ng ID? hindi siya kaagad sumagot at biglang sabi niya "COMPANY POLICY SIR" ...magaling na receptionist, hindi din niya sinagot yung tanong ko. Hindi na ako nagtagal at nagsayang ng oras upang usisain pa ang dahilan ng pagbigay ng ID sa kanila, kaya naman umalis nalang ako at nagpunta nalang ulit sa dati kong pinapasukang motel.

Nakakapagtaka, hindi ko lubusang maisip kung bakit ganun sila kahigpit at kailangan pa nila ng ID bago makakuha ng kwarto? may napuntahan na din naman akong motel na naghahanap ng ID pero kung wala kang ID ay isusulat mo nalang ang pangalan mo sa papel. Ano kaya ang purpose ng pagbibigay ng ID sa kanila? Ito ba ay para hindi mo maitago ang tunay mong pangalan kung sakaling mayroon mangyaring hindi kanais nais sa kwartong iyon tutuluyan? Malalaman ba nila kung totoo o peke ang ID ng isang tao? Hay naku, hindi naman eskwelahan o sa isang opisina ang aking papasukan at bakit kailangan pa nila ito, ang masa-suggest ko lang, kung ganun talaga sila kahigpit, mabuti pang magpaskil sila ng "STRICTLY NO ID, NO ENTRY" sa pinto nila para alam kaagad ng tao ang company policy nila.

Thursday, October 22, 2009

ARAW NG PATAY

Nalalapit na naman ang araw ng mga patay at kaluluwa, uso na naman sa TV at sa mga sinehan ang mga nakakatakot na palabas, nandiyan din ang kanya kanyang kwentuhan tungkol sa mga pagpapakita ng mga kaluluwa at kung ano ano pang multo at maligno, maliban lang sa aswang, 'di masyadong patok ito tuwing araw ng patay, tuwing mag-eeleksyon lang madalas itong pinaguusapan, hindi ko alam kung bakit ngunit kadalasan ay ganun. Halos lahat na yata ng nakilala ko ay may kwento tungkol sa multo, kung hindi man sila ang nakaranas mismo ay narinig lang nila ito sa iba pang tao. May iba pa nga akong kakilala na takot makarinig ng mga kwentong multo dahil daw baka mapanaginipan nila ito, mayroon din naman na takot na takot na pero gustong gusto pa din makarinig tungkol dito.

Karamihan sa atin ay takot sa multo, kahit marinig lang natin ang kwento tungkol dito ay kinikilabutan na tayo. Ako mismo ay hindi pa nakakaranas pakitaan ng multo sa buong buhay ko at huwag naman sana dahil matatakutin din ako, baka magtatakbo nalang ako at ma-tae sa takot kung makakita ako ng multo. Sabi nila, ang mga multo daw ay mga ligaw na kaluluwa, mga hindi matahimik, mga kaluluwang hindi pa tapos ang misyon dito sa mundo nating mga buhay at patuloy na nakikihalobilo sa atin. Madalas daw na nakakakita sa kanila ay ang mga taong bukas ang tinatawag na "3rd eye" at maari pa silang makipag-usap sa mga multo.

Sikat na sikat sa mga multo ang tinatawag na "White Lady", madalas ang itsura nito ay mahaba ang buhok, nangingitim ang mga mata, maputla at syempre naka-puting damit, malamang, hindi naman siguro ito tatawagin White Lady kung naka-turquoise blue siya diba? tsaka medyo mahirap bigkasin kung ganon, parang " Natakot ako kagabi dahil may nagpakita sa akin na Tuquoise blue lady..." walang dating kaya dapat simple lang, pwedeng Black Lady na mukhang mas nakakatakot at Red Lady naman na duguan ang damit. Sa lalaki naman mas simple lang, "Lalaking Nakabarong", wala kasing impact kung tatawagin itong White Man, iisipin mo lang na foreigner ito.

Totoo man o hindi ang mga multo ay nakakatakot pa din talaga kapag nakarinig tayo ng kwento tungkol dito, ngunit ang mas pinakanakakatakot ay yung gumawa ka ng sarili mong multo. Basta tandaan, ang araw ng mga patay ay hindi para sa mga nakakatindig balahibong multo kundi para mag-bigay respeto sa mga mahal natin na namayapa na.

Happy Halloween!

Tuesday, October 20, 2009

LRT TRIP

Matagal tagal na din mula ng huli akong sumakay ng LRT at naulit lang ito noong nakalipas na linggo. Masaya ako na nagkararoon ako ng schedule para mag-face painting at dahil malapit sa may Vito Cruz ang venue namin ay minabuting sumakay kami ng LRT. Sinumalan namin ang biyahe mula sa Monumento station, wala masyadong tao ng mapunta kami doon, siguro dahil araw ng linggo. Nakaupo kami kaagad pagpasok namin sa loob ng tren at napansin kong malinis at malamig na pala talaga ang mga tren ng LRT, hindi kagaya noon na kailangan mo pang buksan ang bintana ng tren para makasagap ng hangin dahil talagang maliligo ka sa pawis sa sobrang init.

Masasabi kong malaki talaga ang pagkakaiba ng makikita mo sa paligid kapag sumilip ka sa bintana ng LRT kumpara sa MRT. Kung sa MRT ay makikita mo ang mga nag-gagandahang gusali, malalaking malls at mga sosyal na subdivision, sa LRT naman ay makikita mo ang kabaligtaran nito, maruruming palengke, mga gusali na niluma na ng panahon, mga lumang itsura ng bahay, tagpi-tagping bahay sa squaters area, mga lumang sinehan (kung saan nababalitang maraming milagrong nagaganap) at marami pang kung ano anong luma, kumbaga, dito mo makikita ang isang itsura ng mukha ng Maynila.

Natuwa naman ako ng dumaan na kami sa Luneta Park, natanaw ko kasi yung area ng Luneta kung saan mayroong mga malalaking istatwa ng mga Dinosaurs at yung paborito ko, yung malaki at matabang hippoputamus, kung bakit ko naging paborito yun ay hindi dahil sa mataba ito, kundi dahil nagpakuha ako ng litrato noong bata pa ako doon mismo sa hippoputamus na yun (ipo-post ko yung litrato kung sakaling makita ko pa sya, sana lang ay hindi nasira ng baha). Ang sayang isipin dahil hanggang ngayon ay nandun pa din ang mga higanteng istatwa na yun at napapakinabangan pa din, hindi gaya ng nakakatakot na Metropolitan Theater na akala mo ay haunted building, nakita ko din ito bago kami dumaan sa Luneta. May mga tanong na nabuo sa aking isipan ng makita ko Metropolitan Theater, bakit hindi na ginagamit ang gusali? bakit pinabayaan nalang na mabulok ito?. Kung hindi na siya ginagamit, bakit hindi nalang ito gibain at gawin kapakipakinabang kaysa naman maging isa itong larawan na nakakapanghinayang kapag pinagmasdan.

Dahil sa kakatanaw sa bintana ay muntik pa kaming lumampas sa Vito Cruz station ng kasama ko...well, actually isa lang yun sa mga dahilan, naisipan ko kasing gumawa at magtext ng mga corny jokes sa mga kaibigan ko tungkol sa mga station ng tren, nakakatawa din naman dahil sa sobrang ka-cornihan, gaya nalang ng "Anong station ng LRT ang madalas may nagbabarilan? ...edi BAMBANG!" eto pa "Ano naman station ng LRT ang maraming nakahubad? ...ano pa edi HUBAD SANTOS!" isa pa, "Anong station ng LRT nagkalat ang mga puta? ... edi sa LiberHITAD!" may hirit naman ang mga kaibigan ko " Anong station ng LRT ang maraming nakaluhod? ...edi sa BACLAREN!" eto pa " Anong station ng LRT ang walang makaupo? (very obvious) ...TAYUMAN!" pero ito ang isa sa pinakanatawa ako na hinirit ng isa kong kaibigan sa text "Anong LRT station daw ang maraming sugal? ... ang sagot, edi LOTTOn!" napaisip ako, tangina, kahit kailan hindi nagkaroon ng LAWTON STATION!

Tuesday, October 13, 2009

After Ondoy

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng dumaan ang bagyong Ondoy na nag-iwan ng malaking pinsala at nagbago sa buhay ng karamihan sa ating mga Pilipino.
Isa ako at ang aking pamilya sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Nilamon ng tubig baha ang kalahati ng aming bahay. Halos lahat ng kagamitan namin ay walang nailigtas. Nagpapasalamat nalang kami at sa kabutihang palad ay wala naman nasawi o nasaktan sa amin.

Araw ng sabado, September 26, 2009, tumutulong ako sa aking kaibigan na maglipat ng bahay sa gitna ng kalakasan ng walang tigil na ulan. Isang tawag ang aking natanggap mula sa aking nanay, tinanong nya ako kung maaari daw ba akong umuwi ng maaga dahil nagsisimula ng pumasok ang tubig sa loob ng bahay namin, natatakot sila na baka tumaas pa daw iyon dahil magbubukas ng tubig ang dam. Sabi ko sa nanay ko na hindi ako sigurado kung makakauwi ako ng maaga dahil may trabaho ako na inaasahan ng araw na iyon, kaya't sinabihan ko nalang ang nanay ko na iakyat nalang nila ang mga gamit na maaring mabasa at patayin ang main switch ng kuryente. For the record, dalawang beses ng pinasok ng baha ang bahay namin noon, ang pinakamataas na inabot ng tubig noon ay hanggang tuhod ko lang, at yung sumunod naman ay hanggang paa lang kaya medyo kampante pa ako.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay bigla akong nakatanggap ng text mula naman sa aking pamangkin, sabi niya na lampas tao na daw ang tubig sa amin at sila nalang ng mama niya ang nakaligtas. Dahil mapagbiro ang aking pamangkin ay hindi ko sineryoso ang text message nya, ngunit sa isang banda ay naisip ko din na baka nga seryoso na iyon kaya kinumpirma ko sa nanay ko ang lagay nila. Mabilis na nakapag-reply sa akin ang nanay ko at doon ko lamang nalaman ang totoo, ang tinutukoy pala ng aking pamangkin na "sila lang ang nakaligtas" ay dahil wala na silang nailigtas na gamit dahil sa bilis na pag-apaw ng tubig. Nagsimula na akong mangamba, gustong gusto ko ng umuwi ng malaman ko na ganun ang nangyari sa amin, gusto ko ng ipakansel ang trabaho ko kahit hindi na sapat ang pera ko, buti na lamang at nagtext sa akin yung ate ko at sabi nya na kinansela na daw ng kliyente ang trabaho namin at sa kapit bahay nalang daw muna sila nakituloy pansamantala habang lubog ang bahay namin sa tubig baha.

Hindi ko kayang hayaan nalang ang pamilya ko sa sinapit nila at gusto ko din malaman ang lagay ng bahay namin. Alas-4 ng hapon ng medyo humina ang ulan at agad akong nagpaalam sa akin kaibigan, hindi sapat ang pera ko noon kaya't naghiram na din ako sa kanya ng kaunting pang-gastos at ng payong. Hindi ko alam ang mga nangyayari sa labas ng mga panahon na iyon, ang tanging nabalitaan ko lang ay buhol buhol na daw ang trapik sa EDSA dahil sa baha at mahihirapan daw akong makasakay. Bahala na, basta't kailangan kong makauwi, yan nalang ang tumanim sa isipan ko ng mga oras na yun.

Napakadaming tao sa kalye ng dumating ako sa EDSA, parang may nagwewelga, halos lahat ay naglalakad na lamang dahil hindi na gumagalaw ang mga sasakyan, basang basa din ng ulan ang karamihan. Nagulat ako sa nakita ko ng umakyat ako sa over pass para tumawid sa kalye, nagmistulang ilog ang parte ng EDSA malapit sa Munoz Market papuntang Balintawak, umapaw na pala ang tubig sa may tulay, napakalawak ng sinakop ng baha at hanggang bewang ang tubig nito. Pagtungtong ko sa kabilang kalye ay sinubukan ko na munang mag-antay ng bus patungong Novaliches ngunit kahit isa ay wala, nag-desisyon na akong maglakad ng kaunti, madami akong kasabay sa paglalakad, iba't ibang klase ng tao, may bata, matanda, estudyante, trabahador, babae, lalaki at kung ano ano pa. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang isang tulay na nilamon na din ng rumaragasang tubig. Madaming tumatawid, kapit kamay ang mga tao, tulong tulong kahit hindi magkakakilala. Hindi ako makakauwi sa amin kung hindi ko lulusungin ang baha, kaya nilagay ko na ang mga gamit ko na nasa bulsa sa aking bag, sinuot ko ang bag ko sa aking harapan upang mahawakan ko itong mabuti at hindi mabasa, naka-short naman ako at sapatos noon kaya walang problema sa pambaba, dahan dahan akong naglakad palapit sa baha, unti unti kong nararamdaman ang malamig na tubig na kulay putik na pumapasok sa aking sapatos, tuloy pa din ang lakad, wala ng dahilan para tumigil, inisip ko nalang noon na yung mga matatanda ay kayang tumawid, mas lalo na ako. umabot na hanggang tuhod ko ang tubig, kinakapa ko nalang ang nilalakaran ko at sinusundan ang ibang tao sa aking harapan upang hindi ako mapahamak. Halos sampung minuto din ang inabot ng malampasan ko ang baha. Wala pa ding dumadating na sasakyan kaya naglakad nalang ulit ako, nagpahinga lang ako ng saglit ng may makita akong tindahan, nag-yosi nalang muna ako dun at nagtext pansamantala.

Humihina at lumalakas ang ulan, sabay pa nito ang pabugso-busong malakas na hangin, mabuti na lang at hindi nasira ang payong na dala dala ko. Nagsimula na ulit akong maglakad habang naninigarilyo, mahigit isang oras na akong naglalakad papunta sa isang alternate route na posibleng makasakay ako, ngunit ng malapit na akong dumating doon ay binulaga ako ng isang napakalawak at malalim na baha, walang tao na naglalakas loob na tumawid doon, isang bus din ang na-istranded at halos kalahati nito ay lubog sa tubig. Sumilong nalang muna ako sa gilid ng isang building kung saan madami ding tao ang nag-papahinga, may nakatabi pa nga akong mag-iina na may dalang bagong panganak na sanggol na na-istranded din. Nagsimula na akong makaramdam ng ginaw, medyo basa na din kasi ako kahit na may gamit akong payong, nagsisimula na din ang aking bewangdahil sa kakalakad at pagbitbit ng mabigat kong bag.

Kailangan kong makauwi, yun ang objective ko. Naisip ko na bumalik nalang at huwag ng isugal ang buhay ko sa malalim na baha, may isa pa kasing daan doon na patungo din sa alternate route, long way nga lang iyon. Wala ng iba pang paraan para maka-uwi, nagbaka-sakali nalang din ako na baka may dumaan doon na pwede kong masakyan. Inabot na ako ng dilim sa paglalakad, may mga ilang lugar akong nadaanan na walang kuryente, may mga tao naman na nakatambay lang at nanonood sa mga naglalakad, may mga nakita din akong mga naglalakad na nakukuha pang mag-biruan sa daan, ngunit mas madami pa din ang bakas sa mukha ang pagod. Humihinto lang ako sandali sa paglalakad kapag hinihingal na ako o kaya kapag natatanggal ang sintas ng sapatos ko. Natutuwa ako tuwing tumutunog ang cellphone ko, doon ko nalang iniisip na ay kasama pa din ako kahit sa text nalang o tawag, dahil kahit paano ay nakakalakas ng loob.

Natunton ko din ang alternate route, natuwa ako dahil madaming dumadaang sasakyan, may mga bus, dyip, taxi at FX, nag-antay lang muna ako saglit at baka sakaling makasakay ako, ngunit sa kasamaang palad ay wala pa ding masakyan kaya't minabuti pang maglakad nalang ulit ako. Unti-unti ng nababawasan ang mga kasabay kong maglakad, ang iba kasi sa kanila ay nakauwi na. Alas otso na ng gabi, hingal, pagod at nananakit na ang binti at bewang ko sa paglalakad, madami na naman dumadaan na pwedeng masakyan kaya't napagdesisyunan ko ng mag-antay nalang at makipag-unahan. Halos 30 minutos din akong nag-antay bago ako makasakay sa isang FX, mabuti nalang at may huminto mismo sa harapan ko at may bumabang pasahero. Laking ginhawa ng makaupo ako, nagkwekwentuhan ang mga pasahero tungkol sa bagyo at sa baha, narinig ko sa isa na nagsara na daw ang SM North EDSA ng maaga dahil pinasok daw ng tubig ang loob ng basement nito at nabasa daw ang mga paninda, sabi naman nung isa na lahat daw ay nagsara na ng maaga dahil nasa State of Calamity na daw ang buong Metro Manila. Naalala ko tuloy ang pamilya ko, kumusta na kaya sila? sana safe silang lahat at nakapag-hapunan na. Nakaramdam ako ng antok at dahan dahan na naka-idlip ako sa biyahe dahil sa pagod.

Naalimpungatan ako ng biglang may tumawag sa akin cellphone, yung isa ko palang kapatid na hindi na nakatira sa amin, kinumusta ako kung ano daw ang lagay namin, sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari, nag-aalala din daw sya, ngunit hindi sya makakauwi dahil nasa Naga siya ng araw na iyon at martes pa siya makakabalik ng Manila. Pagkatapos kong makausap ang kapatid ko ay napansin ko na nasa ibang lugar na kami, wala pa lang madaan ang sasakyan dahil sarado pa din ang mga daan papuntang Bayan dahil sa baha, ilang minuto din kaming paikot-ikot hanggang umabot kami sa Fairview at doon nalang kami nakalampas sa trapik. Mainam na sa Fairview kami dumaan dahil mas madali para sa akin ang makauwi mula doon. Pagbaba ko sa FX ay madali naman akong nakasakay ng dyip, halos lahat pa din ng taong kasabay ko ay mga pagod, konti nalang at makakauwi na din ako. Matapos ang biyahe ko sa dyip ay dumaan muna ako sa isang convenience store upang bumili ng tinapay at inumin, naisip ko kasi na nakituloy nalang sa kapit-bahay ang pamilya ko at nakakahiya kung doon pa din ako makikikain.

Kinain ko nalang ang binili kong tinapay habang naglalakad, tumigil na din ang ulan ng mga oras na iyon, ngunit sobrang dilim sa paligid dahil walang kuryente, ang tanging ilaw lang na makikita mo ay ang ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan at mga kandila sa loob ng bahay. Palapit na ako ng palapit sa amin, hindi ko alam kung ano ang aking aabutan. Nakasalubong ko ang isa namin kapitbahay na kapatid ng Ate ko sa INC, sabi niya na nandun daw sa bahay nila ang pamilya ko, nagpasalamat ako sa kanya at tumungo sa kanilang bahay, kinahulan ako ng aso pagdating ko sa bahay nila, tinawag ko ang Ate ko at agad naman siyang sumilip sa may bintana, nagulat siya ng makita nya ako, binuksan nya ang pinto at tumuloy na din ako sa loob ng bahay, hindi daw niya inaasahan na uuwi ako, nasilip ko sa loob ng kwarto ang aking Nanay na gising pa at pinapaypayan ang dalawang bata na mahimbing ng natutulog, inalok ako ng Ate ng pagkain ngunit sabi ko ay kape nalang at kumain na din naman ako, umupo muna kami sa harap ng hapag-kainan at ikinuwento ng Ate ko sa akin kung ano ang nangyari.

Tanghalian pa lamang ay nagsimula ng tumaas ang tubig sa harap at likod ng bahay namin, kakatapos lang daw niyang magluto ng pagkain noon, sobrang bilis daw ng pag-apaw ng tubig, silang tatlo lang ng mga bata ang nasa bahay ng mga oras na yun dahil ang Nanay ko ay umalis dahil may trabaho, Nag-uusap lang sila sa cellphone noon kaya nasabihan din ako ng aking Nanay. Nagsimula ng mag-akyat ang Ate ko ng mga gamit na maaring mabasa noong papasok na ng bahay ang tubig, buti nalang at may double deck kami na kama at doon niya pinaakyat ang dalawang bata, ang isa kong pamangkin ay 2months old pa lang at yung isa naman ay 12yrs old. Ilang minuto pa lang ay pumasok na nga ang tubig sa bahay namin, flash flood daw, sabi ng Ate ko, may tubig na nagmumula sa harap, sa likod at sa loob sahig ng bahay namin, pinatay din ng kapatid ko ang main switch ng kuryente upang hindi sila makuryente, kinabahan na ang kapatid ko ng tuloy tuloy pa din ang pag-apaw ng tubig at halos umabot na ito sa bewang niya, doon na niya naisip na lisanin na ang bahay kasama ang mga bata. Pilit daw buksan ng Ate ko ang pinto ng aming bahay ngunit hindi ito mabukas dahil sa pressure ng tubig, sumigaw siya ng saklolo sa mga kapit bahay namin dahil posible silang malunod kung hindi sila makakalabas, buti na lamang ay may nakarinig sa kanyang kapit bahay namin at sumugod ito sa bahay, sinipa niya ang pinto at agad itong bumukas, dali dali niyang binuhat ang pinakabata kong pamangkin at yung isa ko naman pamangkin ay inalalayan ng Ate ko, sinagip din ng Ate ko ang aso namin na ulo na lamang ang nakalitaw dahil nakatali ito sa mga grills ng bintana at ang ibang gamit ng baby. Sa awa ng diyos ay nakaligtas naman silang tatlo at walang nasaktan.

Matapos ikuwento ng Ate ko ang nangyari ay sinamahan niya akong puntahan ang bahay namin, nagdala nalang kami ng kandila dahil sobrang dilim ng kapaligiran. Lumulubog sa putik ang paa ko sa harap ng bahay namin at pagbukas ko ng pinto ay bigla na lamang akong nanlanta sa itsura ng bahay namin. Napakaputik sa loob ng bahay namin, nagkabalibligtad ang mga gamit at nagmistulan itong isang tambakan, mabaho din ang loob ng bahay dahil sa tubig baha, ang tanging nakaligtas nalang ay ang mga gamit na lampas sa aking leeg dahil hanggang doon umabot ang tubig. Sabi ko sa Ate ko na ayaw kong iwan ang bahay at dito nalang ako magpapalipas ng gabi, mahirap na at baka may magsamantala pa sa bahay namin at pagnakawan kami. Pagod na din ang Ate ko kaya nagpaalam na siya sa akin at bumalik na sa kapit bahay para makapagpahinga. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maiyak, napaupo na lang ako at nilabas ang sama ng loob. Matapos akong umiyak ay nahiga nalang ako sa sofa, pinatungan ko nalang ito ng plastik para hindi ako mabasa, naki-pagusap na muna ako sa aking mahal at pagkatapos ay sinubukan ko na din makatulog.

Hanggang ngayon ay hindi pa din kami tapos sa paglilinis, madami pa din kaming damit na kailangang labhan, may basura pa din kaming hindi pa naitatapon, madami sa mga gamit namin ang hindi na napakinabangan at ang loob ng bahay namin ay sinira ng baha. Ito ang mga pangyayari sa buhay natin na wala tayong pwedeng sisihin, wala tayong rason para magalit at ang tanging magagawa na lang natin ay tanggapin ang lahat, bumangon at magsimula ulit.

Minsan iniisip ko kung bakit kailangan pang mangyari ang mga bagay na hindi kanais nais sa buhay ng isang tao, mga pangyayaring napakabigat dalhin sa dibdib. Sabi nila, may dahilan daw kung bakit nangyari yun, may maganda daw na darating sa buhay mo kaya nagkaganun. Minsan hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa mga sabi sabi. Siguro kaya nila nasasabi yun ay bilang pampalubag loob na lang...siguro nga yun ang ibig nilang ipahiwatid.

Monday, September 21, 2009

A long weekend

It was a special holiday yesterday, most of the people are happy, esp students and workers...but for me, i dont feel any special holiday becuase i dont work in a daily basis.

...how i wish i am.

Friday, September 18, 2009

Isang kayod, Isang tuka.

Ano na bang balita sa akin? konti lang naman ang nabago, halos pa din naman gaya ng dati, masasabi kong mas masaya naman ngayon dahil may minamahal ako at nagmamahal sa akin, in short may lovelife ako!

Wala pa din maglakas loob na tanggapin ako sa kumpanya, ganun pa din ang gimik, paraket-raket lang kung saan saan, kung anong dadating, isang kayod isang tuka ang drama ng buhay ko ngayon.

Sana balang araw dumating ang break ko, yung tatagal, yung at the same time kumikita ako habang nag-eenjoy sa trabaho, kahit sobrang hirap pero hindi ka nakakaramdam ng pagod dahil gusto mo yung ginagawa mo...sana dumating na yun..sana malapit na.

Thursday, June 11, 2009

Maamong Mukha

Isang matahimik na linggo, mag-isa sa bahay at walang makausap, walang magawa, nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame, nagmumuni-muni, pilit kumukuha ng antok upang makatulog. Ngunit sa dami ng iniisip ay hindi magawang makatulog, iniisip ang mga nagdaang pangyayari sa aking sarili, hanggang sa naalala ko na naman siya, naalala ko na naman ang maamo niyang mukha na umiiyak sa tabi ng pinto habang pinagmamasdan akong nagiimpake ng aking gamit paalis ng bahay niya.

Saturday, May 09, 2009

SOME OLD MUSIC THAT BRINGS BACK MEMORIES

http://www.youtube.com/watch?v=DJclKvSv16Q

http://www.youtube.com/watch?v=C7DE84-LdQk

http://www.youtube.com/watch?v=fjZtFfq9bOE

http://www.youtube.com/watch?v=CBcdTPGvkTA&feature=related

http://www.youtube.com/watch?v=qboQ-q4SNQM

http://www.youtube.com/watch?v=Cuq1sSgKqzg

http://www.youtube.com/watch?v=vZdSIW8hK8c

http://www.youtube.com/watch?v=qRXUyACVGVE

Wednesday, March 25, 2009

Nakakarinding katahimikan

Pagkatapos ng isang magdamag ng pagtatrabaho mula kahapon ng ala-sais ng gabi hanggang ala-sais ng umaga kanina ay hindi pa din ako nakakaramdam ng antok. Nandito ako sa bahay namin ngayon dahil wala akong pasok mamayang gabi. Bukas ganun ulit ang oras ng pasok ko, 12 hrs ulit. Gaya ng dati, parehas pa din ang nararamdaman ko kapag nandito ako sa bahay namin, nababaluntan pa din ako ng lungkot at pag-iisa.

Habang nasa biyahe at papalapit ng papalapit ako sa bahay namin ay unti unti kong nararamdaman ang bigat sa dibdib. Siguro ito ang totoong buhay ko, bumabalik ako sa realidad. O di kaya may takot na ako sa pagiging mag-isa. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito?

Ang tanging solution nalang na ginagawa ko para malibang ako ay gumawa ng artwork o di kaya makinig ng music. Dahil sa isang banda ay nailalayo ko ang pag-iisip ko ng kalungkutan. Ngunit kakaiba ang naramdaman ko ng marinig ko ang kantang ito, pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon kung saan una kong nakita ang samson ng amazon, dahil yun din ang saktong panahon noong una kong narinig itong kantang 'to...magkikita sana kami kaninang umaga bago ako umuwi ng bahay kaso hindi naman natuloy...SIGH!

Saturday, March 21, 2009

End of Training

It's my last day of training at work and also my first day to do a morning shift which is 6am-3pm, I'm lack of sleep again (as always). I'm also running out of money and i need to produce some instantly and i got that chance yesterday. MERALCO celebrated their annual family day yesterday and we we're there to do face-painting and henna tattoo. The crowd there is massive even the sun is scorching hot. In the evening there was a program and i was able to see Mr.Pure Energy himself Gary V. He really is a great performer, no doubt about it! We finished our work almost midnight already and i felt happy because i earned some bucks and i will use it 'til the end of the month.Its nearly 3pm, I'm excited to go out today and go to the mall with my friends, its been a while since the last time i went to the mall. I love to be back in the morning shift!

Wednesday, March 18, 2009

Pamatay na Sulat

Kaninang umaga ay may bumulaga na naman sa amin ng kaibigan ko bago kami pumasok sa bahay. This time ay hindi patay na daga, kundi ito...



Halos magkanda-suka kami sa kakatawa ng kaibigan ko dahil sa sulat na 'to. Naisip namin na napaka-galante naman ng nagbigay nito at tila parang nag-alangan at nahihiya pa sya sa kanyang ibibigay, parang iniisip niya na mukhang hindi pa yata sapat yung ibibigay nya. Sabi ko nga ay "tangina kahit siguro presidente ng pilipinas ay matutuwa kung siya ang makatanggap ng ganyan" , at take note, in COLD CASH ito!!!

Tanong pa ng kaibigan ko na "paano kaya kung worth of donuts yun?!" Sagot ko naman ay "putangina, kung worth of donuts yun, siguro kahit pag namatay ka na ay donuts pa din ang ihahain mo sa burol mo!" dagdag pa namin na kahit yung isang milyon na worth of donuts ay ipamahagi mo sa nagugutom sa payatas ay mamomroblema ka pa din sa 24 milyon mo...hindi na kami makahinga sa kakatawa na halos tumagal ng isang minuto hanggang sa mahimasmasan...Sa nagsulat nito, kung ikaw man si Cathy! ang masasabi ko lang ay Tanginamo! Youre the BEST!!!

Tuesday, March 17, 2009

Murder at 2577

Pagkauwi namin kanina ng barkada ko galing sa opis ay ito ang bumulaga. Hindi pa man namin nabubuksan ang pinto ng bahay ay nagulat kami sa amin nasaksihan. Isang pusa ang pumaslang sa isang malaking daga at kitang kita namin ang pagngatngat nito sa laman ng kawawang daga na halos kalahati nalang ng katawan ang natira.



Siguro ito si "Phillip the rat" na nakatira sa bahay ng barkada namin na palaging naghahalungkat sa kusina tuwing dis-oras na ng gabi.



Nakakaawa naman, pero wala na kaming magagawa dahil walang sino mang daga ang makakasurvive sa ganyang karumaldumal na murder.

Saturday, March 14, 2009

Buntis na naman si Muning



Buntis na naman si Muning, hindi ko alam kung gaano na katagal yang dinadala nya sa tiyan niya, parang hobby lang sa kanya ang pagbubuntis, ilang kuting na din ang mga nilagaw namin, nakakaawa man pero hindi namin kayang magkaroon ng CAT FACTORY sa bahay.

Asar ako sa Muning na yan, kasi napaka-magnanakaw ng pagkain, minsan matalikod lang ako eh nasa lamesa na kaagad at nagpipyesta na sa hinain kong pagkain. Madalas siyang tamaan sa akin, hampas ng tambo, sipa, basain ng tubig, ibato at kung ano ano pa. Kung mababasa to ng mga taong concern sa animals eh malamang galit na galit na sila sa akin at babasahan nila ako ng Animal Rights. Huwag kayong mag-alala, hindi ko naman paabutin na mapatay ko si Muning lalo na ngayong buntis na naman sya, mabait din naman siya kahit paano at nanghuhuli pa din ng mga daga sa bahay, magnanakaw lang talaga ang pusang patay gutom na yan!

...

...

...

Bigla ko lang naisip, buti pa si Muning may sex life.

Monday, March 09, 2009

Isang maagang pag-gising



Hindi ko na maalala kung kailan yung huling araw na gumising ako ng maaga at ngayon lang naulit. Alas-diyes palang yata ay nakatulog na ako kagabi, hindi ko normal na gawain ang matulog ng ganun kaaga, siguro'y dahil ilang araw na din akong palaging puyat at kulang sa tulog, dagdag na din ang pagod ko sa pagbiyahe mula pasay hanggang dito sa amin. Pagkatapos ko pa lang kumain ng masarap na hapunan ay nahiga na ako sa sofa at mula nun ay tuluyan na akong nakatulog. Naalimpungatan nalang ako bandang alas-tres ng madaling araw dahil may napanaginipan ako at giniginaw, hindi ko naman pwedeng patayin ang bentilador dahil siguradong papakin ako ng mga lamok na uhaw na uhaw sa dugo. Balak ko sanang lumipat sa kwarto kaso puno ng gamit ko yung kama at tinatamad na akong ayusin, kaya naman napagisipan kong kumuha nalang kumot at isang malambot na unan at bumalik sa sofa, hindi nagtagal ay nakatulog ulit ako.

Alas-otso na ng umaga ng maramdaman ko ang dampi ng sinag ng araw sa aking katawan, buong akala ko ay late na ako sa pagpasok sa iskwela ng unti-unti bumalik ang isipan ko sa realidad at namalayan na hindi na nga pala ako pumapasok at tapos na ako sa pag-aaral. Medyo pinagpapawisan na din ako at nakakaramdam ng gutom, pakiramdam ko din na ang baho na ng hininga ko at ihing ihi na, kaya hindi na ako nag-dalawang isip at bumangon na ako. Pagkatapos kong umihi ay humarap ako sa salamin, dalawang hinog na tigyawat na naman ang bumati sa akin ng magandang umaga kaibigan, kung kumikita lang ako ng pera sa bawat tigyawat na lumilitaw sa akin ay malamang napakayaman ko na. Inis na inis kong hinilamusan kaagad ang aking mukha at nagsipilyo. Bigla kong napansin na parang ang tahimik ng bahay, "ako lang bang mag-isa dito?" tanong ko sa sarili ko, pagtingin ko sa kwarto ng nanay ko ay wala sya doon, "mag-isa nga lang ako". Tiningnan ko kung mayroon almusal at napangiti nalang ako ng makita kong mayroon sa akin tinirang sinangag na kanin, itlog at 2 pirasong luncheon meat. Kumain kaagad ako at habang kumakain ay iniisip ko kung ano bang magandang gawin ngayon araw na ito, siguro mabuti pa'y mag-linis nalang muna ako ng bahay. Nabusog naman ako sa almusal kong kinain, nilagay ko nalang muna sa lababo ang pinagkainan ko at pinatampimla ang sarili ko ng isang tasang mainit na kape at tsaka nag-yosi sa likod bahay.

Paborito kong tumambay sa likod ng bahay namin sapagkat doon ay malamig ang simoy ng hangin at malilim kapag umaga. Madami dami na naman ang mga tuyong dahon na nalaglag mula sa puno ng mangga at abukado kaya matapos akong manigarilyo ay kinuha ko ang walis tingting at nagsimula ng magwalis, inipon ko ito at tsaka sinigaan. Ang gandang pagmasdan ng usok na sumisiksik sa pagitan ng mga dahon ng puno, para itong kaluluwa ng mga tuyong dahon na dumadalaw sa iba nilang kasamahan na naiwan pa sa sanga ng puno. Pagkatapos nun ay nagsimula na akong maglinis sa kwarto hanggang umabot ako sa sala, maliit lang naman ang bahay namin kaya hindi mahirap maglinis at mabilis din akong nakatapos. Pagtingin ko ng oras ay alas-diyes pa lang, natutuwa ako dahil sa sandaling oras na yun ay mayroon na kaagad akong natapos, ang sarap sarap ng pakiramdam. Mamayang hapon, kapag may tubig na ay papaliguan ko naman ang dalawa naming aso na sobra ng baho dahil ilang linggo ng hindi naliligo.

Sunday, March 08, 2009

Kanton mo, Kanton ko, Kanton nating lahat



Gusto kong may isulat sa blog ko ngayon pero kanina pa ako nagiisip at wala pa rin pumapasok sa kukote ko. Ilang araw na din akong wala sa bahay, mula pa noong huwebes ng gabi, ampon na naman ako sa bahay ng isa kong kaibigan na sa katunayan ay nakikitira lang din, kaya parehas kaming ampon. Hindi naman ako hinahanap sa amin dahil sanay na ang nanay ko at kapatid na nag-iistay ako sa ibang bahay. Parehas kami ng kaibigan ko na wala pa ding makuhang trabaho, kaya naman medyo tiis kami ngayon. Kahit panay instant pansit canton at de lata lang ang kinakain namin dito ay wala namang problema, nabubusog din naman kasi kami. Nakakapagsopdrinks din naman kami paminsan minsan lalo na kapag may bisita. Hiraman ng tuwalya tuwing maliligo, share sa sabon, shampoo at toothpaste.Tabing matulog sa sofa o kaya sa komporter. Sa ngayon parehas kaming naghahanap ng pagkakakitaan, bukod sa pag-aaply online ay may isa pa kaming plano, yun ay ang magbenta ng tshirt na sarili namin ang disenyo. Sa ngayon puro disenyo pa lang ang nagagawa, konting panahon nalang siguro at makakapagpa-print na kami ng tshirt at tuloy tuloy na yun, sana lang maging successful at kumita ng malaki para naman makapagipon kami at makatulong sa pamilya...at isa pa, para makapunta kami ng ibang bansa at mameet ang mga baboy sa Hi5 at BC :-)

Habang nagbabrowse naman ako noong isang araw sa net ay mukhang nakasatuparan na ang isa sa hiling ko, sabi ko kasi na sana makakita ako ng art contest at mukhang natupad nga. May nakita ako sa net na isang painting contest ng GSIS, binasa ko kaagad ang rules at requirements para sumali at mukhang pasok naman ako sa banga. Sa april pa ang pasahan kaya madami pa akong oras para makalikha ng isang obra, matagal tagal na din na panahon mula nung huli akong nagpinta. Wala pa akong naiisip na ipipinta sa ngayon, madalas kasi lumalabas lang yung idea ko kapag kaharap ko na ang canvas at hawak ko na sa aking kamay ang brotsa. Ayokong palampasin ang pagkakataon na ito, sayang naman, kung sakaling manalo ako at makatanggap ng premyo na pera, isang tagumpay para sa akin yun at syempre hindi mawawala ang celebration at maglalagay din ako ng pera sa bangko para may ipon ako.

Sana maging matumpay ang lahat ng mga ito, para hindi na kami nakikitira sa bahay ng may bahay, para hindi na kami naghihiraman ng tuwalya, may kanya kanya na kaming sabon, shampoo at toothpaste, may kanya kanya na kaming kama at ibang klaseng pansit naman ang makain namin, yung hindi instant, yung may marami ng sahog na gulay at karne. Kakasabi ko lang kanina na wala akong maisip na isulat para sa blog ko, pero kita mo ngayon, may binabasa ka na.

Monday, March 02, 2009

FIVE TO DECIDE



Its been a while since my last post, i was busy for the past few days and i just dont know what to write about...nothing really really special happened to me for the past few days/weeks except for being busy helping to set-up our orgs valentines party and i did enjoyed hosting the event...and even though i didnt get a chance to dance with a special someone that night, i was happy doing a short dance number with 2 of my friends!

Then yesterday afternoon i went to a second job interview for graphic artist position, i was hoping that they could give me my expected salary and they did, BUT the interviewer told me that i should work Mon-Sat and sometimes they do have sunday work and, he also stressed that they always do overtime and as an under probation employee we wont get paid for doing overtime...I asked the interviewer if he can give a chance to think about it first and he told me i got until 5pm to decide, i got 2 1/2 hours to decide about it...I didnt like the offer especially the part that they will not pay me doing overtime...so what i did is that i just lie on bed and watched cartoons.

Monday, February 09, 2009

Overnight at my Tita's place

It is exactly 1:30am right now and im still not home because i am staying right now at my Tita's place, its been a while since the last time i stayed overnight here. Oh God I missed the sound of tricycles, jeepneys and trucks passing by coming from balintawak market and also the dusty air softly touching my skin, I missed being with my friends here though they are not all present, i missed my cousin, our Ate Betty the nanny and of course my very lovable Tita.
I'm here right now because we went to a product launch whatsoever party of a famous fastfood chain and they hired us to take pictures of people who will attend the party and have it printed instantly, we worked there from 5pm til 12:30am, its not that really hard though because there are times that we just have to leave the printer to print and then continue working again like after 15mins, the only part that we become so busy is when the programs and all the shits are finished and the crowd is just having fun drinking and dancing and still a lot of them are having their pictures taken and want to have it printed immediately, talking about cam whores, i witnessed a lot in there.
It is a long day for me today and somehow a bit tiring, but i am happy and not complaining about it, its nice seeing people happy because you did something for them and they truly appreciate it, rather than the opposite. Anyway, so that is why i decided to stay here at my Tita's place, because it is late already and i have some valuable things with me and i dont want to lose it, i'll just go home early in the morning when it is safer and easy to travel.

A&F (not Abercrombie and Fitch but Ants & Fishes)





I am really fascinated when i see ants crawling or working, especially these big ants, for me they're like fishes inside the aquaruim, they are very therapeutic, just watching them makes me feel relaxed, actually i wondered what they are saying when they bump into each other, if you will notice, they really pause for a few sec then look at each other then do their thing again...they're probably passing some message, im just not sure what it is, any idea?

Wednesday, February 04, 2009

He aint wearing Prada



They say that "The idle mind is the devil's workshop", very true if you let the devil enter your mind. I heard him whisper to me yesterday but i didnt listen, i didnt do what he told me...be careful he might visit you one day...Just ignore him.

Pulubi VS Taong Grasa Part 4



Tampok dito ang isa na naman nating kaibigan sa kalye, dito mapapansin mong hindi na siya namili ng pwesto, ang ating kapatid na taong grasa ngayon ay walang pakialam kung saan siya dapuan ng antok, baliwala lang sa kanya kung mainit man ang sikat ng araw, dedma lang sa kanya ang mga taong dumadaan at ang maiingay na sasakyan basta sa kanya ang makapahinga ng kahit saglit ay isang kayamanan na hindi mapapalitan ng kahit anuman. Ano kayang napapanaginipan niya? Kung ano man yun, sana masaya siya.

Friday, January 30, 2009

Hanggang sa Pagtilaok ng Manok



Alas quatro na ng madaling araw at gising pa din ako, anak ng puta hindi ako dalawin ng antok, pinatay ko na nga ang computer ko kaninang alas dos para matulog kaso hindi pa din ako inaantok at kung ano ano pa ang naiisip ko, ayokong masayang lahat ng iyon kaya ito naisipan ko nalang magsulat at baka sakaling dalawin ako ng antok...Inabot ako ng alas dos kasi madalas kong pinapraktis ang pagdi-digital painting ngayon gamit ang adobe photoshop bago ako matulog, nagsimula akong magself-study noong last quarter ng 2008, pinapanood ko ang mga super galing na artist sa youtube at meron din silang mga site na pwede mong kuhanan ng style at idea, meron din silang mga tutorials kung paano gumawa ng digital painting, natutuwa ako kasi sine-share nila ang talents nila as an artist...iilan pa lang naman ang nagagawa ko at talagang hindi pa pulido kasi hindi pa ako sanay, lalo na ngayong wala akong hi-speed internet at hindi ako makapanood ng youtube pukingina...anyway, kanina lang nagiisip ako ng pwede kong gawin, sketch lang ako ng sketch gamit ang aking mumurahing digital pen ay nakabuo ako ng robot, bigla kong naisip na yung robot parang si Pinocchio, pero wala siyang ilong, so isipin mo nalang kung anong humahaba sa kanya kapag nagsisinungaling siya. Dahil nabanggit ko na din si Pinocchio, naisip ko din kanina (at naikalat ko na sa text to) na ano nga kaya kung ang lahat ng tao ay parang si Pinocchio na tuwing magsisinungaling tayo ay humahaba ang ilong natin, tuwang tuwa siguro ang mga pinanganak na pango, ang dami sigurong mga nangangaliwa sa asawa na matangos ang ilong, malamang ang mga lawyers matatangos din ang ilong at lalo na ang mga politiko, ang may pinakamatangos na ilong ang siyang pinakasinungaling! paano mo kaya itatago yung ilong mo nun noh? O di kaya naman, kapag nagsisinungaling ang mga tao, nagkakaroon siya ng pigsa sa mukha, yung may mukha na nagnanaknak na sa dami ng nana ay ang pinakasinungaling! yakkk! kadiri! malamang wala ng magsinungaling nun diba? Diyan ako mahina sa pagsisinungaling, hindi ko sinasabing hindi pa ako nagsisinungaling sa buong buhay ko, dahil baka may rebulto na ako kung hindi pa ako nagsisinungaling diba? Nahihirapan kasi akong magdahilan, parang hindi ko kayang itago yung guilty feeling pagkatapos magsinungaling, parang kahit alam kong mapapahamak ako ay sinasabi ko pa din ang totoo, siguro depende sa level ng pagsisinungaling, ayoko din magpanggap dahil pakiramdam ko pagsisinungaling din yun, gaya ng mga taong social climber na pilit na nagpapakasosyal eh wala naman pala...basta as much as possible ayokong magsinungaling dahil sa lahat ng ayaw ko ay yung mga sinungaling! Humaba sana mga ilong niyo! toinks!

Kagabi naman habang naglalakad ako sa palengke ng munoz at bitbit ang tatlong mabibigat na bag ay naisip ko ito...ang tao kapag nakakaramdam ng pag-ibig ay parang nakakaramdam din ng pagtae, hindi mo alam kung kailan ka aabutan, bigla mo nalang mararamdaman, pilit mo man itago, mapapansin din, pilit mo man pigilan lalabas at lalabas pa din, hindi ko naisip yun dahil natatae ako, siguro dahil naaalala ko ang crush ko, sabi ko sa sarili ko na ang swerte swerte niya at may nagkakagusto sa kanya, samantalang ako parang cellphone na walang load, zero balance, dapat talaga pinapasalamatan natin ang mga taong nagkakagusto sa atin, kahit na hindi natin siya gusto, hindi naman kailangan na gustuhin mo din siya, kundi bigyan mo lang ng recognition, pasalamatan mo siya. I thank you, tapos! Pero bakit nga kaya lately napapansin kong parang wala na yatang nagkakagusto sa akin, di ko naman sinasabing madami noon, pero ngayon as in wala eh, o di lang ko lang talaga feel na maghanap, parang wala din kasi akong gana, ewan ko ba kung bakit, parang masarap nalang tumambay at magulat na bigla nalang may maga-appear sa kawalan na gusto ka at gusto mo din siya, mas exciting yun diba? kaya parang mas feel ko pang magsulat ng blogs, pero meron kasi akong natipuhan sa friendster at sinulatan ko, ayaw ko na nga sanang sulatan pero hindi ako nakapagpigil dahil ang kyut kyut nya sobra, so nagbakasakali na din ako, noong linggo ko pa siya sinulatan, excited ako dahil baka sumagot, lumipas ang ilang araw wala pa din, ngunit kahapon pag-check ko nakita ko na nagview lang siya sa akin tapos hindi man lang sumagot sa sulat ko, paksyet! naiisip ko tuloy malamang hindi niya ako feel, hindi niya tipo ang beauty ko, bakit nga kaya? dahil ba sa way ng pagsulat ko? sobrang simple na nga lang eh nung sinulat ko eh, o baka naman sa itsura ko talaga, o di kaya dahil sa balbas ko? ang haba haba na kasi ng balbas ko eh, ang kati kati na nga ng mukha ko dahil sa haba ng balbas ko ngayon, mukha na akong nagpa-five six, pwede na akong pagkamalang terorista, siguro half-inch na ang haba bawat hibla, siguro dapat na akong magpabawas ng balbas bukas sa paboritong barbero, ngunit tuwing pinagmamasdan ko ang balbas ko sa salamin ay parang nakakahinayang ipagupit, ang tagal tagal ko kasing pinahaba sabay wala pang 30 minutes ay iikli na ulit sya kapag pinagupitan ko, hindi ko din naman gusto ang wala akong balbas kasi gusto ko yung mukha akong busabos, mukhang taong grasa, mukhang goons sa isang pelikula hehehe, kaya siguro walang nagkakagusto sa akin dahil baka natatakot sila, pero minsan naman may nagsasabi sa akin na mas bagay daw ang may balbas sa akin at mas gwapo daw ako, kahawig ko daw si Tom Cruise sa The Last Samurai, wow, kumusta naman ako dun sa sinabing yun diba? nagblush ako pramis, naglawa ang sahig sa ihi ko dahil sa tuwa, gullible ako eh hehehe! kanya kanya lang sigurong taste noh? pero ang totoong dahilan kaya ako nagbabalbas ay dahil tinatago ko ang mga pimples ko o yung mga marks ng nawalang pimples, ay malamang dahil hindi maganda ang kutis ng fez ko kaya walang nagkakagusto sa akin, paksyet na mga tigyawat kasi to mahal na mahal ako at ayaw pa akong iwan, halos araw araw nalang meron bagong lilitaw, naglilinis naman ako ng mukha pero labas pa din ng labas ang mga putangina! nakakagigil! parang ang sarap kutkutin ng swiss knife! ang dami dami ko ng produktong ginamit na pampawala ng tigyawat eh hindi pa din umaalis...hmmmmm alam ko na, siguro kasi puyat ako ng puyat, sabi nila nakakatigyawat daw yun eh, so siguro tama na ang kakapuyat ko, kaya tama na tong pagsusulat na to at baka tubuan na naman ako ng tigyawat at baka lalong wala ng magkagusto sa akin, ok lang naman ako kahit wala, pana-panahon lang yan, atleast hindi ako sinungaling dahil hindi edited ang mga pictures ko, i'd rather be hated for who i am than to be love for what im not! oh taray diba? nakuha ko lang yan sa isang shout out sa friendster, maganda eh hehehehe! experience ko na munang matulog at ala-sais na ng umaga, naririnig ko na ang mga tilaok ng manok...ciao!

Thursday, January 29, 2009

A Few Hours with a Funny Man



Sino bang makakalimot ng kantang "Humanap ka ng pangit" ? sikat na sikat yan noong 90's, halos lahat na yata ng tao sa pinas ay alam yan, ngunit may isang taong gumawa ng counter part ng kantang yan, sabi niya "Maganda ang piliin at para kang nasa langit, kung gusto mo ng pangit wag mo na kaming isabit" at ang taong tinutukoy ko is non other than the funny man Michael V. or also known as Bitoy at kahapon ay nakipagkwentuhan kami sa kanya habang nasa taping kami ng isa niyang show sa TV na Yari Ka! Twice na akong nakasama sa taping nya, nakausap ko na din sya noong last time pero saglit lang, pero this time medyo mas mahaba ang kwentuhan namin, nalaman ko na mahilig din pala siyang maglaro ng computer games at talagang madami siyang alam, mahilig din siya sa mga entertainment system but one thing that i really like about him ay mahilig din siyang mag-collect ng toys at fan sya ng StarWars! Ginagaya pa nga nya yung boses ni Darth Vader at kinuwentuhan pa nya ako tungkol sa The Force Unleashed na game, ang sarap makipagkwentuhan kay Bitoy dahil natural na natural lang siya, hindi nakakailang, parang ka-tropa lang. Iba pala talaga ang feeling ng makasama mo ang isang sikat na artista at makakwentuhan mo pa, hindi ko pinalampas ang pagkakataon, nagpakuha na din ako ng picture after ng taping para naman may souvenir ako, sana makasama ulit ako sa taping nila soon.

Sunday, January 25, 2009

Paalam Munting Kaibigan



Nakakahinayang, yan ang unang salitang pumasok sa isip ko noong nakaraan biyernes ng nagpaalam sa amin ang isa naming kapamilya, mabilis ang mga pangyayari at talaga naman nakakagulat, napaka-bata pa niya para mawala dito sa mundo, hindi man lang niya naranasan ang mabuhay na isang ganap na aso. Brixie ang ipinangalan namin sa kanya, kaparehas ng pangalan ng business ng tiyahin ko sapagkat doon siya nanggaling, bukod tanging babae sa tatlo naming alagang aso, anak siya ng isang asong gala, namatay na din ang nanay nila pagkalipas ng ilang linggo matapos silang ipinanganak ng mga kapatid niya, nasagasaan ng sasakyan ang nanay nila, biro nga namin na parang nag-suicide ang nanay nila dahil sa hirap ng buhay at hinintay lang silang magkaroon ng kani-kanilang amo. Halos 4 na buwan na si Brixie sa amin, maganda ang balihibo niya at kung susuriin mong mabuti ay may halo ang kanilang lahi, medyo malalaki din kasi ang mga paa nito. Naalala ko pa ilang araw bago siya pumanaw ay naglalaro pa kami sa kalye, inalis ko siya sa pagkakatali para naman makatakbo-takbo at makapaglaro din siya sa labas kasama ng dalawa pa naming aso, isang tawag mo lang sa pangalan niya ay lalapit na siya, tinuturuan ko pa nga siya noon na mag-SIT, kaso medyo nahihirapan pa siya, isa sa kinaiinisan niya sa paglalaro namin ay kapag ginagawa kong singkit ang kanyang mga mata, ayaw na ayaw niya yun at talaga naman napapakagat siya sa inis. Dahil tuta pa lang si Brixie ay sobrang makulit ito at palaging kumakahol, ang nakakatuwa pa sa kanya ay naiihi siya sa tuwa kapag nakikita na niya ako. Sobrang takaw din niya at madalas ay ibababa ko palang ang kainan niya ay sinusungaban niya kaagad ito at palaging linis ang kanyang kainan, simot lahat ng pagkain niya. Ngunit isang araw ay biglang may hindi magandang nangyari kay Brixie, nakakakain pa naman siya ngunit hindi siya maliksi at hindi na siya madalas kumahol, naisip namin na baka may lagnat lang kaya matamlay, hanggang dumating ang araw na hindi na niya maubos ang pagkain niya, pinainom namin siya ng gamot para gumaling kaagad siya, hinilot hilot din namin ang tiyan niya dahil baka may nakain siyang hindi maganda, naisip din namin na baka nalason siya dahil nagsisimula na siyang magsuka, naaawa ako sa kanya dahil mukhang nahihirapan siya sa kanyang nararamdaman, gusto ko na sana siyang dalhin sa beterinaryo kaso wala naman akong pera ng mga panahon na iyon at tsaka wala sa isip ko na malubha ang sakit niya, habang hinihimas ko ang kanyang ulo at hinihilot ang tiyan niya ay sinabihan ko pa siya na "Gagaling ka Brixie, gagaling ka dahil uminom ka na ng gamot, mamaya lang wala na yan at maglalaro na ulit tayo...gagaling ka, lumaban ka" nilakasan ko na din ang loob ko at hindi ako nagiisip ng hindi maganda, hindi siya mamamatay at lalaki pa siya, magbubuntis pa siya at magkakaroon ng madaming tuta, aalagaan namin lahat ng anak niya at hindi ipamimigay, mararanasan pa niyang maging isang ina, tinitingnan lang niya ako ng pasulyap sulyap tuwing sasambitin ko ng pangalan niya...Iniwan ko muna si Brixie sa kanyang pagkakahiga dahil may kailangan pa din akong gawin, lampas na ng alas-dose ng tanghali ng maalala ko na hindi pa pala ako kumakain at hindi pa din pala nakakakain ang mga aso, kaya naman pagkatapos kong kumain ay hinandaan ko na sila kaagad ng kanilang tanghalian...ngunit pagbukas ko pa lang ng pinto ay napansin kong hindi na humihinga si Brixie at binawian na siya ng buhay, naiinis ako dahil hindi ko siya nadala sa beterinaryo, naiinis ako dahil kung parte sya ng pamilya namin ay dapat hindi siya napabayaan ng ganun at sana buhay pa siya ngayon, sana buhay pa si Brixie namin, sana hindi nangyari ang mga ito, ngunit huli na ang lahat, wala ng magagawa, mamimiss ka namin Brixie, mamimiss kita lalo na yung mga paglalaro natin sa kalye, mamimiss ko ang pagkamatakaw mo at mamimiss ko ang pagkahol mo, paalam munting kaibigan. Isa sa mga nakakalungkot talaga ang mamatayan ng isang alaga, kahit ano pang klaseng alaga yan, inisip ko nalang na talagang ganyan ang buhay, may dumadating at may umaalis at mayroong naiiwan. Isa na namang nakakalungkot na pangyayari ito para sa akin ngayon buwan ng enero 2009, unang buwan pa lang at ang dami dami ng nangyayari sa akin, sunod sunod na lang ang nakakalungkot na entry ko, hindi ko nilalagay sa blogs ko ang mga kwentong ito para manghingi ng awa, hindi ko isinusulat ito upang kumuha ng atensyon sa ibang tao, ginagawa ko ito upang ipamahagi sa inyo ang mga karanasan ko sa buhay at upang sabihin na sa buhay ay hindi lang palaging masaya, palaging may pagsubok, palaging may problema at hindi tayo dapat mapanghinaan ng loob, dapat hindi masyadong nagpaapekto, dapat tuloy lang ang buhay ano pa man ang makaharap mo.

Monday, January 19, 2009

Act of Bravery



It is the moment of truth, i took a very risky decision when i told my bestfriend about my secret, its been more than a year that we've known each other, but now everything has been revealed. It happened three days ago, i went to the office to sort out my last pay, it was dark already when i got there and since i am there already, i asked my bestfriend-officemate to meet me up before he start his shift in our favorite hangout area near the building of my previous work, so i texted him right away and he replied to me that he is on his way, i am very excited to see him again that i almost wet my pants, because its been a while since the last time we see each other, after a few minutes of waiting while listening to some music on my mp3 player, i saw him from a distance, he saw me and im waiting for him to give me his big smile that could launch a thousand skidmarks on my pants but he didnt, on the other hand we did our usual knuckle to knuckle hello and we sit comfortably, the wind is chilling at that time and we decided to order a coffee-all-you-can in a nearby coffee shop, trying to catch up what we missed, we discussed a lot of things like common friends, work and about his recent problem with his family, he is very upset and he wants to tell me about it before, but he couldnt because i wasnt around anymore and that makes him more upset too, i told him that he shouldnt and i am just a phone away if needs someone to talk to, he agreed on that, i tried to make him laugh and luckily i didnt fail, i missed the way he laugh and his smiling face, i gave him some words of comfort and some advices too as a good friend would do. After a few laughs he asked me what will i do this weekend, because he feels like not going home soon after work and he wants to unwind and go somewhere, i reminded him about my friends' overnight swimming party in laguna that i told him before, then with a begging puppy like face, he asked me if he can join around and promised me that he will not be a nuisance, i told him that i just cant bring him along without asking permission, its not my birthday and its invitational and without him knowing the crowd is totally different...i really want him to come, but the consequence is on me. I could read on his face that he already noticed that im hiding something from him because im telling a lot of different reasons, i really hate myself when telling a lie, im really obvious! So i decided to press the help button, i texted the celebrant, which is one of my bestfriend too, i asked what should i do, what else should i say, should i bring him along? then quickly i got a reply that really hit me, he told me its up to me if i want to bring him and tell him the truth, its the only way to find out who are your true friends by accepting who you are...this is it, i said to myself, its been a more than a year, i know him so much and i have a big feeling that he will accept me...First i told him that he can join the swimming party and he is very happy to hear that, and then i told him that he may find hisself out of place because of the crowd that will be there, he asked me why, whats in our group and what is it that he needs to know, I told him that it is very difficult for me to explain, so i asked him if he is an open minded person, i asked him if he is not judgemental and he said "Yes, Im not!" , he cant wait for me to answer his questions because i couldnt find the right words to say so he asked me "does your group worship aliens? is it a cult? tell me now come on, trust me" ...i couldnt open my mouth and i just keep on smiling while looking at him, since that we only have a few minutes because he needs to go to work, i grabbed some air and asked him to walk outside and i will answer all his questions...as soon as we started walking outside, he asked me "Are you all (bleep) in your group? or is it just them? or youre one of them?" ...I stopped walking and moved a few inches away from him, i smiled and said the biggest revelation to my bestfriend, the answer that he's waiting for, the three letter word that changed everything, the secret that i've been hiding from him...and that answer is "YES" ...He smiled and wrapped his arm on my neck and said "its ok...im still your friend and i accept you for who you are" ...but i removed his arm from my shoulder and said " please dont touch me, i feel embarassed because i hide this from you for a long time and you might think i harrassed you in some way before..." i just dont know what the fuck i am saying at that moment...until he placed his arm again on my neck and said "you asked me if im judgemental and now youre the one whos judging me...its ok, stop putting words in my mouth" then i said sorry and explained to him that it is very a risky decision, i told him that i also got scared that he might not like it and stop being friends with me anymore and i dont want to lose him, but good thing that didnt happen. We continued our walk and told him more about me, he even admit to me that he noticed something different about my actions or body movements sometimes but he just ignore it, i told him about the group, i told him about my close friends that he already met and i gave him some details about the swimming party, i asked him if he still wants to come after i told him my secret and he said yes without a single hesitation. We reached the main entrance of the building and told him that i'll just pick him up from the office after his work and go together to the swimming party, i asked him not to tell anyone about my secret and he promised he wont. When we parted my heart is pumping on excitement and couldnt wait to tell my friends about what happened, i have teary eyes when i got inside the cab because of happiness...The following day i picked him up as i promised, we had a short rest at my friends place and went to laguna in the afternoon, he's kinda shocked when he saw my fellow groupmates, i introduced him to some of them and we really enjoyed our time swimming, dancing, singing, chatting and we also had a lot of booze and brandy. We were a bit drink when morning arrived, some of us went to bed and some are just chatting to each other while drinking coffee, then i saw my friend alone in the pool, i approached him and we stayed on the corner of the pool, i told him, "now you know my secret, i probably cant touch you anymore because you might give it a meaning" he look at me and pointed something behind me using his mouth, when i looked what he is pointing i just felt a knuckle hit over my head, it really hurts..."youre being judgemental again, i told you its ok" he said...then he moved near me and asked if i can give him a hand massage, while holding his hand and pulling his thick fingers, i asked him, "now you know what my group is like, now you know what i like...what if i told you that...in some way...ahhhmmm... i like you?" he kept silent for a few sec and then he smiled and said "that i cannot answer" there was silence for a few seconds again because i also dont know what else to say, then he stand up and told me he wants to go to sit somewhere and rest, he asked me to buy cigarettes and i did, but when i went back i already found him snoring on the bed sleeping...I couldnt stop myself thanking him for accepting me and honestly until now i cant get over on what happened, its like a dream come true. Now i have nothing to hide from him, now i can be myself when im with him. That night is not just a night of revelation for me, but also a night of bravery, a night where i found a real friend indeed, its a story of my life worth remembering.

Thursday, January 15, 2009

Wednesday, January 14, 2009

This entry is presented to you by the letter L for LOSER

If you started the year 2009 with a new job or you have just been promoted in your office then you must be so proud. If you started this year with a newly found partner who loves you so much then you must be lying on rose petals right now. If you think you started this year with a lot of compliments then you must be adorable. But if you will ask me how i started this year? you might just end up finding yourself to be very lucky. I am a happy guy, for me laughter is the best gift that we could ever have, i'm the guy who always makes people laugh, but of course im not everybody's cup of tea, thats why i always hang out with people who has the same level of insanity as i do, to avoid misconceptions and misinterpretations. I love those people who laughs a lot and make me laugh too, but laughter always has an opposite side. All of us have its own problem in life and i know that there are bigger things that is happening to someone else right now and they're probably still crying and hoping for a better life, they somehow feel like its the end of the world and they only got a few hours to live, mine is not like that but i just want to share it here. Count your blessings and not the bad things happening to you, well, i already did, and somewhat i have several, Im lucky that im still breathing, i have a very supportive family, i have some good friends and i still have some money to spend after i quit my job and i am grateful that i still have them until now. But what i couldnt understand is whats happening to my life at the beggining of this year, I tried to laugh about it but somehow its kinda unbearable, i dont know if im just being so paranoid or someone just placed a curse on me, maybe its one of those text message or email that says "if you dont pass this to 12 people, you will have a bad luck for 1 year", coz i usually ignore that, i dont know, i dont want to lose my mind because of that, or maybe i just noticed the bad things that is happening to me and i am thinking about it too much...anyway, It started on the 2nd day of the year, It has not yet passed 15 days when i officially lost the very love of my life, we tried to save our relationship and fix the problem but the decision has already made, my heart was crushed when i was asked to leave and it really hurts straight to my chest and into my heart, simply because i dont want to go, i still want to be with him, i dont want to lose him, but how can i stay with someone who doesnt want me around anymore, he told me that its better that way, so even though its really painful, i just accepted the fact that it is over and i cant really do anything about it and i should move on, only time will tell if we're really meant for each other, i'm happy that we're still friends, but i will truly miss him so much. Forgiveness went to its rightful place and after that i just put in to my mind my favorite line, that i should be nice even things goes the wrong way. I managed myself to stay calm after a few days, atleast now i know where i should stand..."think positive, think positive", i always remind myself, thats the morphine of your soul, that will make you stronger, dont be bothered by the things that is happening to you that makes you weak and distracted, be rational. To make myself feel better i just spend my time with some of my friends so that i wont feel the aftermath so much, laughter is always the best medicine, i still prescribe it, and i took a huge amount of it, i was high and crazy, all i see are bright colors flashing before my eyes, i was enjoying my time and trying to forget all the shit and stuff that made me feel bad...but suddenly, without any warning, it was brushed off by an intense black color of sadness again...One night I hang out with two of my good friends in a bar, i was happy and surprised because one of them seldom hang out with us and he was there, but i noticed that he had a big change of attitude towards me, i just dont have any idea what came to him...Prior to that, as i recall, he is certainly a nice guy without a doubt when i first met him and eventually we became good friends, we usually communicate almost eveyrday, everything was completely fine, until one day he just stopped talking to me, i asked some of my friends if they have heard anything from him, but non of them knows, until one day a common friend of ours told me that he stopped communicating because i am being posessive and he doesnt like that...I just dont know where that idea come from, what is posessive anyway? is it when you text someone a joke everyday? is it when you politely asked someone to call you, in case theyre are not busy and feel like talking? is it when you asked someone to hang out along with your friends?...OK my bitterness gauge is pumping 120kph, i should slowly pull over...A couple of weeks have passed and he seldom text me, he doesnt even answer my call, i just felt like theres a big distance, its like theres a thick high stiffed wall between us that i need to climb first before i could hear from him. Going back to that night, i just find out that he usually communicate with one of my close friend, im not jealous, no reason why i should be, somewhat i..am...hmmm...kinda...curious, especially the way he acted that night, thats what i have in mind. The three of us were still together and greeted the morning sky, i took my chance and i confronted him, i asked him why he became so cold to me, i asked him whats this sudden change all about, but my ears did not hear any serious answer, i admit it hurts, I'll ask you this, how would you feel if you have a friend beside you but makes you feel he doesnt want to talk to you or even look at you? how would you feel if you asked him for a chat but he refused and told you that he rather listen to a music? How would you feel if you thank a friend for a nice day but did not even respond to you and you find out that he respond to your other friend? Funny?...yeah right! My door is always open for him if he still wants to be friends with me, even though he treated me that way i forgive him and just like what i did when i lost my partner, i just accepted the fact and just think positive, be nice even if things goes the wrong way, bla bla bla, bla bla bla...just have fun and enjoy life, so i took a heavy dosage of laughter again after that...and i think i have taken a lot this time, because right now i am very ill, i am suffering from flu, fever and an irritating runny nose, i already took my medicines, im eating ponkan and taking a lot of water and after this i'll have a nice bed rest and how i wish i could dream of something wonderful...ill rest my head now and hoping tomorrow will be a good day for me and for us all...you must be putting your hand on your forehead right now forming a big letter L using your fingers? I'm a LOSER i know, big time, youre not the first one who said that. Somehow i thought that maybe im exaggerating things, placing some big meanings to it that would hurt me, im being paranoid, but i wish someone would told me if i really am and if i need professional help.

Only time will tell



Kamakailan lang ay nagpaalam na sa akin ang taong madalas magpasaya sa akin, ang taong pinakamahalaga sa akin, ang taong pinakamamahal ko. Napakasakit isipin na hindi ko na siya muling makakapiling, hindi ko na makikita ang maganda niyang ngiti, hindi ko na maririnig ang mga nakakatuwa niyang mga kwento, ang sarap ng mga niluluto niyang pagkain, ang pagli-lipsync nya ng mga kanta, hindi ko na mararamdaman ang mainit niyang yakap, ang malambot niyang labi at pagsabi niya sa akin ng I LOVE YOU BABES. Hindi ko makakalimutan ang mga masasayang ala-ala namin noong kami'y magkasama pa, hindi ko makakalimutan ang mga bagay na tinuro niya sa akin, hindi ko makakalimutan ang mga lugar na pinuntahan namin, ang lahat ng ito'y magsisilbing kayamanan sa akin. Namimiss ko na siya, namimiss ko na ang lahat ng mga ginagawa namin, namimiss ko na ang pakiramdam na magkasama kami. Hindi na maaaring ibalik ang lahat sa dati, kailangan magpatuloy lang ako, hindi na ako mag-aasam na magkabalikan pa kami dahil baka masktan lang ako kapag hindi nangyari. Sabi nya nga sa akin na ang lahat ng desisyon na 'to ay para sa ikabubuti naming dalawa. Masakit man at talagang nakakadurog puso ngunit kailangan kong tanggapin ang lahat. Mahal na mahal kita at alam mo yan. Patawarin mo ako sa mga nagawa kong mali kagaya ng pagpapatawad ko sa mga nagawa mo sa akin. Masaya ako na napagkasunduan natin na maging magkaibigan tayo, dahil kahit paano ay may pinagsamahan tayo. Hanggang sa muling pagkikita.