Wednesday, April 30, 2008

To my Faithful Companion

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula ng nawala ang aso namin si Grinch... nagluksa kaming lahat ng mga kapatid ko at pamangkin ng mangyari yun, pakiramdam namin ay para kaming namatayan ng kamag-anak... Ilang araw palang ang lumilipas ay may nabili ang Ate ko na tuta, sa likod bahay namin, php 100.00 lang ang bili niya.Di na ako makapag-antay na makita ang bago naming alaga dahil sabi nila ay kahawig daw ito ni Grinch, kulay brown din kasi, kaya naman umuwi ako kaagad at laking gulat ko ng makita ko siya...ANG KYUT KYUT!!!! nakakatuwa, ang sarap panggigilan, sarap makipaglaro sa kanya, naghahabulan kami, binilhan namin siya ng tali para makapaglakad lakad kami sa labas, binigyan din namin siya ng makakagat dahil marami na siyang nasisirang gamit sa bahay, naisama din namin siya sa family outing namin...bumalik ang saya sa loob ng bahay namin, lalo na ang pamangkin ko na talagang iyak ng iyak noong mawala si Grinch.
Gaya ng ibang naging aso namin, isang malaking bagay ang pagbibigay ng pangalan, hindi dapat basta basta lang, kailangan madaling bigkasin, madaling tandaan at maganda sa pandinig, at dapat may tunog na "EEEE" sa dulo ng pangalan niya. May naisip na kaming pangalan, WILBUR ang naisip namin, nakuha namin ang panglan mula san pelikulang Charlotte's Web, yung baboy kasi dun pangalan Wilbur... ok na sana kahit walang EEEE sound sa huli, pwede naman namin siyang tawaging Wilby...Sam Wilby? ...Pero hindi pa din ako satisfied sa pangalan...may mali eh, parang di bagay...so naisip ko, dahil mahilig ako sa STARWARS, pinangalanan namin siyang OBI oh diba? simple, madaling bigkasin, madaling kabisaduhin at madaling tandaan...
Napamahal na kami kay Obi, at ganun din siya sa amin, ngunit di na namin kaya ang ginagawa niyang pagngangat-ngat, kaya napagdesisyunan naming itali na siya, hindi namin gawain ang magtali ng aso, dahil pakiramdam namin ay para silang alipin na pinahihirapan...madalas ang pag-ulan ng mga sumunod na mga araw...Ulan-araw-ulan-araw pabago-bago ang panahon di mo maintindihan, may sapak, may toyo, kulang sa turnilyo...At biglang nabalitaan kong may sakit daw si Obi, nanghihina siya, hindi kumakain at hindi na siya ganun ka-active...suka at tae ang ginagawa niya kaya naman tinanggal na namin siya sa tali at sa loob ng bahay na namin siya pinatulog...Binulati sya, yun ang dahilan ng kanyang pagkahina, kaya binigyan namin siya ng gamot na pampapurga. OK naman at epektib ang gamot, nailalabas naman niya ng unti-unti ang mga bulate...Nang makauwi ako sa bahay ay siya kaagad ang tiningnan ko, dahil naaawa na kami sa kanya dahil hindi na siya makakain at punong-puno sya ng itlog ng bangaw sa katawan. Pinaliguan namin kaagad ni Ate si Obi para mawala ang baho at maalis ang mga itlog ng bangaw, nasulyapan ko pa nga ang tumbong nya at puno ito ng mga gumagalaw na bulate na kulay puti, madami sila, as in sobrang dami na halos masuka suka ako ng makita ko...Kinaumagahan, tinatawag ko si Obi sa labas mula sa loob ng bahay, hindi na siya gumagalaw, kaya sabi ko "patay na yata si Obi?" pero hindi pa pala...hindi niya lang ako naririnig, gumalaw kasi siya ng nilapitan siya ng pamangkin ko...napabuntong hininga nalang ako at sinabing "haaayyy salamat at buhay pa siya" sabi ko kay Obi na dapat lumaban siya na dapat balang araw sasabihin namin sa mga kaibigan namin na " akala nga namin mamamatay na yan noon eh, pero tingnan mo ngayon ang lakas lakas niya" ...at tumuloy na ako sa aking trabaho...
...
...
...
Di natapos ang araw na yun at nabalitaan ko na lamang na wala na si Obi...Dinatnan nalang siya nina Ate na walang malay at tirik ang mata, naglalaway at nilalangaw...naawa ako sa kanya, naawa ako kasi ang bata bata pa niya, naaawa ako dahil hindi manlang namin siya nadala sa beterinaryo dahil wala kaming pera,tanginang pera yan, ang daming namamatay araw araw dahil tanginang perang yan!!! ..........................OBIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!! patawarin mo kami kung mayroon man kaming pagkukulang, ginawa namin ang aming makakaya para mabuhay ka, mahal na mahal ka namin Obi, pinasaya mo kami kahit sandali lang...salamat sa iyo naway nasa langit na ng mga aso ang kaluluwa mo!

No comments: