Noong pa man, mga panahon ng 80's, bago pa nauso ang sunod sunod na chinovela sa telebisyon ay mayroon tayong mga chinese programs sa TV, kung hindi ako nagkakamali, sa Ch.9 pa nga yata ito pinapalabas. Ibat ibang klase, may mga telenovela na puro intsik ang salita at hindi naka-dub sa filipino ang mga ito, kaya naman ang mga chinese dito sa atin ay madalas manood nun, syempre mas enjoy nila yun, Instik ang salita...At wala naman akong masabi sa mga kasuotan nila ay talagang magarbo, pinagkakagastusan talaga nila ang kanilang mga costumes at make-up...
Astig din noon ang Wok with Yan, pinapakita kasi ni Mr. Yan kung paano nya niluluto ang putahe niya at magaling syang magdecorate ng pagkain na talagang kamamanghaan mo! Nasan na kaya siya ngayon? malamang matanda na o di kaya ay paktay na.
Meron din noon sunday chinese movies sa tv kung saan madalas nating mapanood ang ibat ibang klase ng Karate at Kung-Fu...naalala ko pa noon tuwing umaga ay nanonood ang tatay ko nito, ako naman ay walang paki kung ano ang palabas at tuwang tuwa ako sa mga stunts nilang pinaggagagawa noon, gaya ng lumilipad, espadahan, sapakan, tadyakan, duguan at kung ano ano pa, kahit babae kasi sinasapak...Nakakaaliw ang mga karate noon, lalong lalo na sina Bruce Lee at Jacky Chan, Samo Hung at Raymond Wong at syempre si Mr. Shooli! Madalas din namin gayahin ito ng aking kapatid, may kaibigan pa nga kami nun na Idol si Bruce Lee at talagang may Cobra pa daw siya eh noh...yung parang may pakpak sa ilalim ng kili-kili, tas ang timang na yung talagang pakitang gilas pa sa tsako! Pero kung ako tatanungin mas gusto ko si Jacky Chan, magaganda kasi ang pelikula nya eh, Lalo na yung Drunken Master! HIYAHHH!
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment