I came here with a loadAnd it feels so much lighter now I met youAnd honey you should knowThat I could never go on without you
Napakasaya kapag alam mong may nagmamahal sa iyo at mahal na mahal mo din siya.Nawawala lahat ng lungkot kapag kasama mo siya,ganun din ang pakiramdam niya.Lahat gagawin mo mapasaya mo lang siya,lahat ng kaya mong ibigay,ibibigay mo para lang sa kanya,Puso,kaluluwa halos wala ng matira sa iyo,pero ayos lang basta para sa kanya at ganun din siya sa iyo.Madalas sabihin ng iba na tanga ka kapag ikaw ang unang umibig ,ikaw ang talo.Pero bingi,bulag at pipi ka kapag umiibig ka.Bingi dahil hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi nila.Bulag dahil siya lang ang nakikita mo at kahit na ano pa siya hindi na ito importante.Pipi dahil hindi mo masabi sa kanila ang iyong tunay na nararamdaman at alam mong hindi ka rin naman nila maiintindihan kahit ilang ulit mong ipaglaban ang opinion mo,kaya mabuti pa na manahimik ka nalang.
You give me feverWhen you kiss me Fever when you hold me tightFeverIn the mornin'Fever all through the night
Ang pag-ibig para sa akin ay parang isang sakit na madaling kumapit pero mahirap alisin,di lang basta sakit,isa siyang epidemia na mabilis kumalat at nakakahawa. Sakit na ayaw mong mawala pagkat masarap ang pakiramdam at kapag nawala ito pakiramdam mo na parang gusto mo ulit mahawa,gusto mo ulit mag-kasakit,minsan pakiramdam mo kapag nawala ito, parang wala ng saysay ang buhay mo dahil wala ka ng sakit,pakiramdam mo katapusan na ng mundo ,pakiramdam mo tumigil ang lahat , pakiramdam mo na nagiisa ka.Madalas na mas nararamdaman mo ang pag-iisa kapag nasa lugar ka na madaming tao,madaming nagiibigan,lugar na nakakapagpaalala sa iyo ng lumipas mong pag-ibig. Wala kang magawa kundi manood nalang sa lugar na kinalalagyan mo at isipin ang pinakamamahal mo na hindi na muling makita at di mo na muling makausap.Yan ang mga kuplikasyon kapag nagkaroon at nawalan ka ng sakit na tinatawag na Pag-ibig.
Kapag may sakit ,kailangan may sintomas, ano nga ba ang mga sintomas kapag magkakaroon ka ng sakit na Pag-ibig?
-Masayahin-Pakiramdam mo kumpleto palagi ang araw mo.-Di maiwasang pag-ngiti na kahit mag-isa ka lang ,mga ngiti na kapag nakatanggap ka ng mensahe galing sa taong gusto mo.-Kapag may naririnig na magandang awitin ,napapasabay ka dito at ang laman ng iyong isip ay ang taong gusto mo.-Palaging blooming dahil ayaw mong may masabi sa iyo na hindi maganda ang taong gusto mo. -Madalas na pagbili at pagbigay ng regalo. -Madalas na pag-gamit ng telepono at napupuyat ka kausap ang taong gusto mo. -Madalas na pag-awit ng kantang tungkol sa pag-ibig habang naliligo. -Minsanang pambobola sa taong gusto mo. -Palaging tumitingin sa larawan ng taong gusto mo,minsan hinahalikan pa ito.
Ilan lang ito sa mga sintomas kapag malapit ka ng magkaroon ng sakit na tinatawag na Pag-ibig. gusto mo mang iwasan ay hindi mo magawa.
And I love you soThough people ask me howHow I live till nowI tell them I don't knowI guess they understandHow lonely life has beenBut life began againThe day you took my hand
Noong kamakailan lang ay nagkaroon ako ng sintomas, may napusuan ako. Gustong gusto ko siya,di ko maiwasang hindi siya isipin,hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang larawan niya bago ako matulog ,madalas siya ang bukam bibig ko sa mga kaibigan ko. Sa hindi malamang dahilan unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya ,lalo na ng makita ko siya sa personal. Pinipigilan ko ang aking sarili na mahulog dahil baka masaktan lang ako at alam kong napakabilis na naman.Kailangan nga ba talaga na may eksaktong panahon at haba ng oras para malaman mong umiibig ka na? Paano kung yun talaga ang nararamdaman mo? Paano kung ikaw talaga ang tipo na madaling mapa-ibig? Masama ba? Mali ba? Siguro mali dahil alam mo na posibleng masaktan ka. Para lang yang mainit na sabaw na alam mo na ngang mainit ay pilit mo pa rin hihigupin.pero gustong gusto mo ang sabaw at kahit mainit ito wala kang pakialam kahit mapaso ka dahil gusto mo ito.
I won't go I won't sleep I can't breathe Until you're resting here with meI won't leave I can't hide I cannot be Until you're resting here with me
Lumipas ang mga ilang araw ,patuloy pa din ako sa pagtanggap ng sakit na tinatawag na pag-ibig. Pakiramdam ko para akong nasa ulap na palutang lutang. Nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin.Ano ba ang tamang hakbang. Ako ang taong hindi marunong mambola ,ako ang tipo ng taong natataranta kapag nandyan na ang crush ko, ako ang taong torpe ,ako ang taong naghihintay lang na malaman kung gusto din ba ako ng taong gusto ko. Pero ganun pa man ,minsan napapakita ko sa isang tao kung interisado ako sa kanya ,madalas na pagtawag ,madalas na pagtext ,pinapaalam ko sa kanya na nandito ako ,ang taong may gusto sa iyo ,ang taong interisadong makilala ka ng lubusan ,ang taong baliw na baliw na sa kakaisip sa iyo ,ang taong hindi mapalagay ,ang taong tanga!
I'm crazy for youTouch me once and you'll know it's trueI never wanted anyone like thisIt's all brand new, you'll feel it in my kissI'm crazy for you, crazy for you
Masaya ako tuwing gigising ako sa umaga at makakakita ng balita tungkol sa kanya ,parang heavy meal na sa akin yun. Busog na busog ako sa ligaya kasi naalala niya ako.At tuwing maririnig ko naman ang boses niya ,lalo akong natutuwa ,naguumapaw sa kaligayahan ang puso ko ,pakiramdam ko unti unti akong nakukumpleto. Bawat araw siya ang nasa isip ko, umaga hanggang madaling araw. Kapag nagkakape ,kapag kumakain ,kapag nagtatrabaho ,kapag naliligo ,kapag umaawit ,kapag nagdadasal ako ng mataimtim bago matulog siya ang nasa isip ko. OO,ibinuhos ko na naman ang buong panahon ko kakaisip sa taong hindi naman ako sigurado kung iniisip din ba talaga ako. Hindi ako sigurado kung parehas ba kami ng nararamdaman. Sa madaling salita ,positive na ako! Positive na akong may sakit na tinatawag na Pag-ibig ,di nga lang matukoy kung anong level na ito.
Perhaps love is like the ocean, full of conflict, full of pain Like a fire when it's cold outside, thunder when it rains If I should live forever, and all my dreams come true My memories of love will be of you
Masakit man isipin pero dumating na naman ang araw na ayaw ko ng makita ,alam ko hindi ko maiiwasan pero ang bilis ,eto na naman siya ,parang kinahihiligan akong dalawin. Parang kabute na susulpot nalang. parang tawag ng kalikasan. Parang nananadya na siya. Ang araw na masasaktan ulit ako. Ang pakiramdam na hindi ko mapaliwanag ,di ko alam kung maiiyak na lang ba ako o matatawa sa sarili ko. minsan natutulala nalang ako kapag nasa ganito akong sitwasyon. Wala sa sarili ,walang focus ,walang ganang kumain ,minsan may malakas kumain...MAGULO ANG UTAK KO! NAAAWA NA AKO SA SARILI KO! Ginusto ko bang maramdaman yun? bigla ko nalang naramdaman. wala akong magawa ,sinubukan kong pigilan ngunit masyadong malakas ang kapangyarihan niya ,mabilis na pumasok sa katawan ko. Naging alipin na naman ako ng pag-ibig. Wala naman masamang intensyon ang pag-ibig sa akin. Nasaktan ako dahil sinaktan ko ang sarili ko. Naging masokista na naman ako.
Morning has broken, like the first morningBlackbird has spoken, like the first birdPraise for the singing, praise for the morningPraise for the springing fresh from the word
Maaga akong gumising kahit na antok na antok pa ako kaninang 10:30 ng umaga ,5 am na kasi ako nakatulog. Susunod kasi ako sa kapatid ko para makipagkita sa mga magulang ko. Tiningnan ko ang cellphone ko kung may message ako,meron nga, Apat ,una kong binasa ang sa kaibigan ko, at laking tuwa ng makita kong may mensahe sa akin ang taong kinababaliwan ko...ngunit iba ang nakasulat ,sumagot ako sa kanya at binati ko siya ng magandang umaga ,sabi ko pa nga na baka tulog na siya kasi huli na akong nakasagot sa tinatanong niya sa akin ,tinatanong niya kung bakit hindi na daw ako nagreply ,nagtaka ako dahil wala naman akong natanggap na ibang mensahe galing sa kanya.Pagkatapos kong sumagot nakatanggap ulit ako ng mensahe galing sa kanya ,isang mensaheng hindi ko makakalimutan ,isang mensaheng wala naman masamang intensyon. Isang mensaheng kung iisipin mong mabuti sa isang banda ay maganda. Pero iba ang unang naramdaman ko ,Masakit ,naramdaman ko nalang na nanginginig na ang mga kamay ko ,huminto ang oras ,tahimik ang buong paligid ,wala akong marinig kundi ang kabog ng puso ko. Parang namatayan na naman ako ng isang mahal sa buhay ,di ko namalayan na basa na pala ang pisngi ko dahil sa luha... Sinabi niya sa akin na magkakaroon na siya ng partner. hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya ,blanko ang isip ko ,ang lamig ng paligid ,nanginginig pa din ang mga kamay ko. Hanggang bumalik ang lahat sa normal ,umandar na ulit ang oras, narinig ko na ulit ang mga huni ng ibon sa labas ,ang mga asong nagtatahulan ,ang mga kapit bahay namin ,ang tunog ng makina ng hangin sa aquarium. Huminga ako ng malalim para mahimasmasan at tsaka ko sinagot ang kanyang mensahe. Sabi ko sa kanya na wag siyang mag-alala at ayos lang ako ,at siguro eto na ang oras para tigilan na ang pag-iimahinasyon ko sa kanya. Sinabi ko din na palagi akong nandito kahit ano man ang mangyari. Lahat ng sinabi ko sa kanya galing pa din sa puso ko. Gaya ng mga sinasabi ko sa kanya mula noong simula palang. OO masakit ,pero kailangan kong tanggapin na wala na akong pag-asa.Hanggang dun nalang ang kaya niyang ibigay sa akin ,ang pagkakaibigan.
I never meant to cause you trouble,And I never meant to do you wrong,And I, well if I ever caused you trouble,O no, I never meant to do you harm.
Siguro nga hindi pa panahon para sa magkaroon ako ng magmamahal sa akin.Marahil karma to dahil sa nagawa ko noon. Nagkataon lang na masyadong mabilis ang karma ko. Ang masakit lang kapag naiisip ko na tatlong beses akong nasaktan sa buwan na ito ,tatlong beses akong parang namatayan ,tatlong beses akong nagpabaya sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ,masyado akong nagpadala sa emotion ,sa naramdaman ko. Kung mayroon man dapat managot ay ako iyon at wala ng iba.Hanggang ngayon mayroon pa rin akong sakit na tinatawag na pag-ibig ,nasa sa akin na ang desisyon kung hahayaan ko nalang ba ito sa katawan ko hanggang pumanaw ako o kaya ay gagamutin ko siya para may makapasok naman ang ibang sakit. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin sya, tinitingnan ko pa rin ang larawan niya ,binabanggit ko pa rin ang pangalan niya na sana sa susunod ay iba na ang itawag ko sa kanya, Mahal na.
I would like to dedicate this song to someone who will always be in my heart...sana nga sya na ang taong magpapasaya sa iyo, ang taong magsasabi sa iyo na hindi ka nag-iisa, ang taong magpaparamdam sa iyo na kumpleto ka at sana hindi ka niya saktan at wag mo rin sana siyang saktan, paramdam mo din sa kanya ang lahat ng kaya mo. Hindi ako magbabago, malulungkot ako pero pansamantala lang ito, hindi na siguro ako normal kung humalakhak pa ako dahil sa sinapit ko.Wag kang mag-alala sa akin lilipas din to, gaya ng sakit , nagagamot din ang nagdurugong puso. Kailangan kong maging matatag, kasi may mga ibang tao pa din na kailangan ako. Kung hindi ako marunong magmahal,nasan kaya ako ngayon?
Dying - Five for Fighting
I'm Dying, Dying to wake up without you, without you in my head again I'm Dying, Dying to forget about you, that you ever lived There's a shade come over this heart that's coping with laying down to rest I'm Dying to live without you again
I'm Dying, Dying to find a distraction, get you away from me I'm Dying, Dying to reach a conclusion, so that the world can see It's the same old story of love and glory that broke before it bent I'm Dying to live without you again
The first time you left I said goodbye Now there's not a prayer that can survive
Dying, Dying to die just to come back so we can meet again Dying, Dying to say what I always should have said It's a strange emotion this but there's still hope in this As long as there's a breath... I'm Dying and I can't live without you again
It's a strange emotion this but there's still hope in this As long as there's a breath...
I'm Dying and I can't live without you I'm Dying and I can't live without you again

No comments:
Post a Comment