Natapos na naman ang isang buwan,kay bilis talaga ng panahon,parang kamakailan lang ay kaarawan ko,nandun ako sa Batangas tapos ngayon tapos na ang Nobyembre.Ano kayang mangyayari ngayon disyembre,malamig na ang simoy ng hangin,pero hindi ko nararamdaman ang pagsapit ng pasko,wala pa nga kaming dekorasyon sa bahay eh,bukas siguro aayusin na namin ang krismas tree,lalagyan ng mga bolang makintab,gusto ko ang motif ay kulay red.tapos unti unting mapupuno ng regalo yung ilalim ng krismas tree namin,mga regalong ibibigay namin sa mga inaanak,sa mga kamag-anak,at sana mga regalo para din sa akin,GAMEBOY GAMEBOY GAMEBOY gusto ko ng GAMEBOY ADVANCE SP punyemas!!! magiipon talaga ako para dun.tsaka na muna yung bugle na gusto ko... OK enough with the krimas krismas.paano nga ba maglagay ng picture dito sa blogs? hanggang ngayon di ko pa din alam...nilalagnat ako ngayon sa di ko malamang dahilan,malamang dahil sa sobrang paninigarilyo at pagpupuyat,malamang dahil sa sobrang depress.Kakaisip kung kani-kanino,kakaisip sa mga problema,kakaisip sa kanya...kay GAMEBOY ADVANCE SP na naman heheheh! noong isang araw nagpunta ako ng Los BaƱos Laguna para mag Face-Painting. Sa aming paghihintay sa terminal ng Bus,may nakita kaming mga kabataan na nagsa-sign language.sabi ng kaibigan ko,ano nga kaya kung puro sign language lang ang mga tao,siguro ang tahimik..natawa ako ng sobra,dahil naisip ko ang mga posibleng mangyari,Paano mag papangaral ang mga Pari sa simbahan? paano mag-hohost ang mga clown sa party? edi wala ng mga kanta? panay sign language nalang? parang Ballet? ang tahimik siguro ng eskwelahan? paano magsasabi ng quiapo quiapo ang mga barker ng jeep? ang daming kakaibang mangyayari talaga...pero paano nga kaya kung ganun noh? Kahapon pauwi na ako sa amin mula sa bahay ng tita ko,pero bago ako umuwi,dumaan muna ako ng SM para magwindow shopping.gusto ko sanang bumili ng sombrero na ang ganda ganda,may Elvis Presley na nakaprint 230 pesos siya...ok na sana kaso ng sinukat ko masyadong malaki sa akin,so umalis nalang ako dun sa tindahan,naglibot nalang ako ng naglibot,hanggang mapagod ako at nagpunta na ako sa sakayan ng FX...bumyahe na ako,malapit na ako sa bayan ng maisip kong i-check ang cellphone ko,may nagtext yung crush ko,inaaya niya akong manood ng sine kasama ang kanyang new partner which is my close friend ( dont worry im already moving on ) panoorin daw namin ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS...sabi ko na nga ba eh,tama ang desisyon kong wag na munang panoorin yun at mag-antay nalang ng kasama...anyway,bumaba ako ng sasakyan kahit malapit na ako sa amin,at sumakay na ako ulit pabalik,ang baho baho pa ng nasakyan kong FX,amoy panis na laway,kakainis nga eh.pagkalipas ng ilang minuto,nakarating ako ng Gateway,ang lugar na punong puno ng tao,ewan ko ba kung bakit...May matanda,bata,babae,lalaki,bakla,tomboy may ngipin o wala hustuhin ang bayad bago bumaba! hihihihi! nagkita na kami ng mga friendship ever ko.3 kami bali,sinubukan namin mag-aya pa ng iba kaso wala naman pwede ng mga oras na iyon, kumain na muna kami,dahil sa akin kabusugan, bumili nalang ako ng float sa wendys,ang sarap nun diba? float nga ba tawag dun? or frosty? tangna nakalimutan ko na...basta masarap siya parang ice cream at ang mga kasama ko naman ay kumain ng full meal may kasama pang salad..pagtapos namin kumain,nagyosi muna kami sa baba,tpos bumili kami ng ticket ng sine,tapos nagkape muna kami dahil masyado pang maaga...hmmm..sarap ng kape,brewed punyeta!!! 910 na.. 920 start ng movie kaya dali dali na kaming pumanhik! daming nanonood ng Maximo..grabe punong puno ang sinehan,INDI FILM siya,cheap ang pagkakagawa pero hanep naman ang storya,talagang maganda,tungkol siya sa isang batang bading na mabait maasikaso sa pamilya niya,ulila siya sa ina kaya parang siya ang tumatayong babae sa pamilya niya,bata pa siya teenager palang, typical filipino ang makikita mo,hindi ko na ikwekwento baka kasi mawalan ka ng interes panoorin...natapos ang palabas,tapos naghiwahiwalay na kami,130 na ako nakauwi sa bahay,napapansin kong masama na ang aking pakiramdam kagabi palang,pakiramdam ko lalagnatin ako,at tama nga ang aking akala,ngayon nga nilalagnat na ako. sana bukas magaling na ako dahil malapit na naman ang araw ng trabaho,at bukas ako ang sasama sa utol ko ng pagbilli ng grocery namin,kaya mamaya matutulog ako ng maaga,syempre inom na din ng gamot.Nagugutom na ako at hindi na ako makapagisip pa ng isusulat ko.bukas nalang ulit.
No comments:
Post a Comment