Siguro iniisip mo kung ano kaya ang Blog na isinulat ni Bert,kaya nandito ka at binabasa mo ito ngayon...tama ba? malabong magkamali ako. Gusto ng magpahinga ng katawan ko pero ang utak kong ubod ng bagal ay hindi pa rin mapagod pagod sa kakaisip ng mga bagay bagay na puno ng katanungan, mga bagay na malayo na naman sa katotohanan...hmmmm "ano kaya yun?yan ang tanong mo sa iyong sarili" ..teka bigyan kita ng sampol...Kung papipiliin ka,magkaroon ka ng kapangyarihang lumipad,ngunit kapalit nito ay habangbuhay na pagiging single,papayag ka ba??? o kaya kung bibigyan ka ng pagkakataon bumalik sa nakaraan at baguhin ang iyong buhay anong specific na oras ang babalikan mo at bakit?.....uuuuuuyy may naalala siya..nagiisip siya! Unfortunately hindi magkakatotoo ang lahat ng ito...kasi kathang isip ko lang ito...pero kapag nagawa ko sasabihin ko kaagad sa iyo.
May naalala pa ako noong nag-aabang kami ng sasakayan ng barkada ko,tinanong ko siya ... kung anong pipiliin niya... Isanga Katana na nahihiwa ang kahit ano o Isang Big Bike na hindi nasisira at hindi rin nauubusan ng gasolina...kung ikaw ang tatanungin,anong pipiliin mo?...Ako hanggang ngayon nahihirapan pa...kasi ang naiisip ko,kung pipiliin ko ang Big Bike,pwede kong sagasaan yung pumili ng espada at angkinin ko ito...kapag pinili ko naman ang espada,kakatayin ko nalang ang pumili ng Big Bike at aangkinin ko ito...pwes,sa madaling salita isa akong sakim! bwehehehehe! pero masaya diba? kaya ko siguro naisip to, naimpluwensyahan kasi ako ng mga Japanese movie's na ang mga bida ay Samurai...OO tanga! Samurai ang tawag dun sa mga hapon na gumagamit ng sword...hindi yung sword nila ang Samurai...akala ko din ganun noon bata ako eh...pero hindi pala. yung sa Big Bike naman...teka...wala naman kuneksyon,naisip ko lang.
Ay muntik ko ng makalimutan,noon kasi hindi ko pinapansin ang Star Wars hindi ko kasi feel pa noon...hindi ako super fan ng mga Sci-Fi movies eh...pero after i saw the Revenge of the Sith,ayun...nahulog ang loob ko,na-inlove ako sa kanya...lalong lalo na sa LIGHTSABER!!!!! SYETT!!!! ang ganda ganda kaya! nakita ko pa yung replica ng Lightsaber sa Eastwood! OO,nakapunta ako ng eastwood akala mo naman ikaw lang ang nakapunta dun...pwede kahit sino dun noh tanga ka? Anyway,nakita ko nga dun ang pinaka-iibig kong mga lightsaber ng starwars nandun yung kay Obi-wan,kay Darth Vader,kay Darth Grievious at kung kani-kanino pa, naloka ako sa itsura nito,nagkikintaban,nakaka-akit...parang gusto ko ng lumuhod sa harap nito at sambahin,gawan ng altar at gawing anito...sa sobrang curious ko,tinanong ko sa sales lady na mabait,makinis ang balat, maputi,cute at may dimples kung magkano yung Lightsaber nilang tinitinda sa maganda nilang tindahan,"Gudapternun Mis! tanong ko lang kung magkano yung lightsaber ninyong tinitinda?" tinanong niya ako kung ano daw ba dun,sabi ko "yung kay Obi-wan kenobi"...nagulat ako sa sinagot sa akin ng lintek na hudas na sales lady na yun na hindi naman kagandahan at mukhang pok-pok,nakakagimbal na 20 thousand pesosessss daw!!!! "nek-nek mo!!! puki mo may gilagid!!! ang mahal mahal hindi maka-tao ang presyo niyo,walang bibili niyan,gago ka!" pero syempre sa isip ko nalang sinabi yun...kaya ngumiti nalang ako at sinabing "Ahhhhh! sige salamat mis" at dahan dahang lumabas sa tindahan habang pahipo hipo sa iba nilang paninda...GRRRRRRR!!!!! di kinaya ng powers ng lola mo ang price,kulang ang Force ko dun! pang ilang linggo ko na rin pang-kain yun noh! wala akong extra money para sa ganun,nyeta!!! kapag nagkaroon nalang siguro ako ng magandang trabaho,yung tipong 50,000 every payday pwede pa!...may kumpanya kayang ganun??? na magbabayad sa isang katulad ko??? Hmmm???baka!
Ganun pa man,kahit di ko siya nabili,nagisip ako,ginamit ko ang utak kong sobrang bagal,halos dumugo ang ilong ko kakaisip kung paano ako magkakaroon ng Lightsaber...ng isang gabi,may parang bumulong sa isip ko...""""GGGGGUMAWA KA NALANG TANGAAAAA"""" parang yung commercial ng Safeguard. OO nga tama gagawa nalang ako ng sarili kong lightsaber...nagsearch ako sa internet ng mga replica...nagulat at nagulantang ako sa akin mga nakita,madami palang gumagawa ng mga replica ng lightsaber...nakakuha ako ng ideya! May nakita ako na gumawa yari sa mga parte ng isang lumang vacuum cleaner,yung isa naman yari sa mga tubo at mga bagay bagay na makikita lang sa loob ng kapitbahay niyo! Hindi ko napigilan ang sarili ko,minsan nagigising nalang ako sa madaling araw dahil sa lightsaber,para itong bisyo na nakakaadik at hahanap-hanapin mo...hanggang dumating ang araw na itinakda sa akin...eto na ang araw sabi ko! Gagawa ako ng sarili kong (pasigaw na binigkas) LIGHTSABER PUTANGINA!!!! kamakailan lang with some Halps from my very very good friends of mines! ay natapos ko ang matagal ko ng pinapangarap,ang magkaroon ng sarili kong Lightsaber!!! o diba? say mo? kulay blue pa,kaso wala pang ilaw,lalagyan ko palang ng super dooper Halogen light para mas matindi ang dating,mas attractive ika nga nila ...ANO? hindi ka naniniwala ??? pwes papakita ko sa iyo ang larawan kapag na-upload ko na ang pictyur! baka sabihin mo nambobola lang ako eh... maganda siya! matutuwa ka kapag nakita mo,pramis! mukhang makatotohanan...Dahil dun,napalitan ang matinding lungkot sa puso ko,nawala ang mga masasakit na dinaramdam ko mula pa noon,mga sakit dahil sa pag-ibig na nabigo,napalitan ito ng (walang hanggang) ligaya! (andrama ko nyeta!)
...teka teka hanggang dito nalang...parang may hindi ako nagustuhan,parang may anino akong nakita sa tabi ko, parang may kasama ako dito na nanonood sa ginagawa ko...innaaayy!!! matutulog na nga ako...kung ano ano kasi ang naiisip ko eh.
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment