Matatapos na naman ang isang linggo,ano na naman kaya ang dadating sa akin...may mga bago kayang masasayang pangyayari na makakasalubong ako o puro pait pa din? well,i'll just go with the flow,kahit na mabigat pa din ang dibdib ko..mag-aantay nalang ako kung ano pang mangyayari,i still think about him and my other problems in life.
haaaay malapit na ang december,ilang tulog nalang at ilang gising nalang ay pasko na naman,nandyan na naman ang mga nangangarolling ang puto bumbong ang naggagandahang mga parol na nakasabit sa bintana ang malamig na simoy ng hangin, ang mga krismas tree na iba't iba ang laki at kulay (ang cute ng puti) at may star sa tuktok,ngayon uso ng nilalagay ay anghel tapos umiilaw.Nakakatuwa din yung mga Santa clause na nagkalat sa mga Mall,may maitim, may payat,may sobrang taba, mayroon naman yung mukhang Santa talaga, kasi porenger! tapos namimigay sila ng kung ano-ano sa bata,yung iba naman naghohost ng mga show.
Kapag sumasapit ang pasko nandyan ang matinding pasok ng pero,13 month,incentives na may dagdag at kung ano ano pa.Pero ito rin ang panahon ng madami ang gastos,isa na dyan ang pagbibigay ng mga regalo sa kung sino sino lalo na sa mga inaanak.ako baka magtago nalang,gusto ko kasing bumili ng gameboy this krismas,magiging makasarili muna ako heheheheh! nah syempre bibili ako ng regalo sa mga close ko lang na inaanak,yung malalayo baka hindi ko bigyan,kaya ngayon palang talagang mega ipon na dapat ako dahil kung hindi,katakot takot na utang na naman ang matatamasa ko.
Ano pa bang nakalimutan ko tuwing sasapit ang pasko...hmmm teka ano nga ba talaga ang true spirit of christmas? Ang sabi ng simbahang katoliko ang totoong spirit daw ng christmas ay ang pagsilang ng ating panginoon na si Hesus,pero bakit ganun,karamihan sa atin hindi na naalala yun,madalas nauuna pang isipin ang mga bagong damit na bibilhin sa mall o kaya kung anong ihahanda sa pagsapit ng noche buen.Pero kung ako ang tatanungin mo,ang nararamdaman ko tuwing pasko ay ang panahon ng pagbibigayan at pagpapatawad sa ating mga kaaway.Noon kasi noong bata pa ako ganun na ang kinalakihan ko eh,bigayan kami ng regalo at kung ano ano,tapos yung mga magkakagalit nagbabati sila. Siguro nga ganun yun sa isang banda.wala naman sigurong masama kung ganun ang spirit ng christmas diba?
Ano kayang matatanggap ko sa pasko? sana may magregalo sa akin ng iPod na malaki ang capacity,o kaya sana may magregalo sa akin ng Batmobile na matagal ko ng pinagmamasdan sa mall Php 1,799.75 siya sa SM! hehehe o kaya Lightsaber,Gamboy,Scooter,Digicam,Laptop,300 pesos na load,Sunglasses,Bagong Relo,Headset,bagong bag (yung leather) , Belt, mascara,lipstick,eye shadow ay ano ba kung ano ano na tuloy ang naisusulat ko... haaayy dami kong gusto.Pero ang pinakagusto ko,sana lang,wish ko lang, haaayyy...teka naluluha ako...kaya ko to,hinga na muna ng malalim...haaayy..ok eto na, ang pinakagusto ko ay sana may kayakap ako sa darating na pasko at sabay kaming sasalubong sa pagpasok ng bagong taon...I THANK YOU!
ADVANCE MERRY CHRISTMAS TO ALL THE PEOPLE I LOVE AND TO ALL THE PEOPLE WHO HATE ME AND TO ALL THE PEOPLE WHO DONT KNOW ME YET.
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment