Wednesday, April 30, 2008

Sa kakaisip sa iyo, tigyawat dumadamiiiiii....


Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng aking kaarawan, hanggang ngayon ay may mga naiwan pa din sugat na hindi pa gumagaling sa aking damdamin at kahit nahilom na ang sugat, mag-iiwan pa din ito ng bakas ng nakaraan na palaging magpapaalala sa akin na ang pag-ibig ay makapangyarihan.
Ang drama ko nyeta! OK naman ang araw ko ngayon, medyo bored lang kanina kasi wala si bestfriend sa ofish! wala masyadong kakulitan at hindi maganda ang buhok ko, tapos may namumuong tigyawat pa sa bandang pacific ohseeean! ano ba, lubayan nyo na nga ako mga tigyawat! kailan nyo ba ako pagsasawaan? ha? Pero ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit nagkakatigyawat ang isang tao? Sabi ng mga masyosyonda, kapag Inlababo ka daw, tutubuan ka ng tigyawat sa ilong o kaya sa pisngi, siguro kasi, madalas kang mapuyat kakaisip sa crush mo, at ang hindi mo naman alam, may kasama siyang ibang gurlalu at naglasingan sila sa isang jologs na bar at nagmot-mot pagkatapos! sana lang wag mong mahuli, kundi cry cry ka na naman im syur! Mabalik tayo sa tigyawat, hindi naman siguro totoo yun sabi ng masyosyonda noh, kasi sabi sa akin ng isang especialista, karaniwang nakukuha daw ang tigyawat sa pagkain ng malansa, gaya ng prito, lalo na ang pritong itlog at ginisang mani! hmmmmm...saan ba siya espesyalista? aber baka sa paa?well, malay mo totoo nga ang sinasabi niya! Pero para sa iba naman derma, madalas daw nakukuha ito sa dumi sa paligid.gaya ng usok, alikabok at kung saan saan pa.Haaay nakuh,hindi ko na alam kung saan ba nakukuha ang tigyawat.Ah, basta ako tiwala ako sa PanOxy , subok na matibay, subok na matatag!

No comments: