Nakakatawang isipin na noong bata pa ako, wala akong kamalay malay na sobrang brutal pala ang mga laro noon, mang mang pa kasi at wala pang pakialam sa mundo kundi mag-aral,maglaro, matulog at kumain. Una na dyan sa mga larong tinutukoy ko ay ang Langit Lupa... naaalala niyo pa ba yung jingle? sabay sabay tayo ah? langit lupa impyerno,im,im,impyerno... at kung kanino tumigil ang turo sya ang taya. Bata pa lang pinapakilala na sa atin ang impyerno. pwede naman dagat diba? ... langit lupa at dagat da, da, da, dagat! atleast hindi pangit sa tenga ng mga bata. Isa pa dyan ay ang Saksak puso tulo ang dugo, patay, buhay siya ang alis...Grabe diba? napansin niyo ba yun noong bata pa kayo? di natin namalayan na bayolente pala ang mga binibigkas natin, tungkol sa pagpatay at wag ka, direkta pa sa puso ang pagsaksak. Yung isang laro naman na naaalala ko ay yung tunkol naman sa pagaasal hari o reyna ng isang tao ganito yun Nanay, Tatay gusto kong tinapay, Ate,Kuya gusto kong kape, LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN NIYO ang sinong matalo sa larong ito ay pipingutin ko... Paglaruan daw ba ang nakakatanda at utusan! Tama ba yun? tapos may pingot pang kasama kapag hindi ka umayos. Totoo naman diba? Bata pa lang tayo, iba na ang nilalaro natin.Pero maswerte ako at inabot ko ang panahon ng paglalaro sa kalsada, nandyan ang walang kamatayang Taguan pung, Block 1-2-3 , Tanching ng tansan, kaha ng yosi, goma, at teks! Patintero, Tumbang preso, Chato, Follow the leader, Chinese Garter, Sipa, Pwera patus atbp.. alam mo I suggest na isama nila sa Olympics ang mga kakaibang larong ito. Di gaya ng mga laro ngayon ng mga bata, indoor games, iwas sa aksidente pero karamihan ay mas brutal mas bayolente at karumaldumal.
No comments:
Post a Comment