A ng saya saya ko noong isang gabi, noong biyernes. Kasi lumabas kami ng mga barkada ko at nagbilyar kami.Hindi naman masyadong madami ang nainom ko. katamataman lang pero nahilo pa din ako ng bahagya. Kumanta pa ako sa stage ng kung ano-ano, apat na beses akong kumanta, yung dalawang kanta kasama ko yung isa kong kaibigan. Pagkatapos namin uminom ay nagpunta muna kami sa isang kapihan. Doon palang nakakaramdam na ako ng pananakit ng lalamunan, nasobrahan na yata ako sa puyat, sa stress, sa paninigarilyo o baka dahil sa pagkanta noong gabing yun. Umuwi nalang ako sa bahay ng barkada ko pagkatapos namin gumimik.Nakatulog naman ako ng maayos, kaso pagkagising ko ay talagang sobra na ang sakit ng lalamunan ko pero kaya ko pa naman magsalita, kaso hindi ako makalunok ng maayos. Dumiretso na ako sa trabaho ko bago pa magtanghalian noon, kasi ang venue namin noong araw na yun ay sa Calamba Laguna pa. Maayos pa ako noong tanghali na yun, Binati pa nga ako ng Tiyahin ko, sabi niya blooming daw ako noong araw na yun at pakanta kanta pa ako.Bumiyahe na kami ng bespren ko papunta laguna,natulog nalang ako sa bus. Pagdating namin sa venue namin ay nagsimula na kaagad kaming magtrabaho. Inabot kami ng 6:30 ng gabi sa pagpipinta at inabot din kami ng ulan. Ayun, sumugod kami sa ulan na pabugso bugso dahil sa kagutsuhan namin makabalik na ng maynila, masakit pa din ang lalamunan ko noon pero nakakanta pa naman ako. Nahirapan kaming makasakay pagdating sa High-way, pero sa awa ng diyos ay nakasakay din kami. Natulog nalang ako sa bus kasi unti unti ng bumibigat ang pakiramdam ko. Pagdating ng maynila, sa cubao, wala na akong boses, malat na malat na ako at hindi na talaga ako makapagsalita ng maayos at parang sasabayan pa ng lagnat. Pagpadpad namin ng opisina, Nagpahinga nalang ako kaagad. Naisip ko kasi na baka kailangan ko lang ng magandang pahinga. Pagkagising ko, ganun pa din ang pakiramdam ko, walang pagbabago, lalo pang sumakit ang lalamunan ko, sabi pa nga ng kaibigan ko bronchitis na daw yun eh, hindi naman ako naniniwala kasi loko yun eh. Nagpunta nalang ako kaagad ng drugstore para magtanong ng mainam na lunas para sa masakit na lalamunan.Strepsils lang daw sabi ng tindero, kaya yun ang binili ko at mainam nga siya. Noong gabi palang ay bumalik na ulit ang dati kong boses, kaya ko na ulit tumili, magpalseto kaya ko na ulit dumaldal ng dumaldal. Nawala na din ang lagnat ko hanggang natapos ang buong araw ko kahapon ng may ngiti sa aking mukha at kagalakan sa aking puso. EHEM EHEM! pagkagising ko kanina, mabigat na naman ang katawan ko masakit na naman ang lalamunan, pero nakakapagsalita naman ako. Nahihirapan lang akong lumunok at ang dami kong plema. Siguro dahil sa paninigarilyo at sa panahon. Kilala ko kasi ang sarili ko, mahina ako pagdating ng panahon ng tag-lamig, madaling bumigay ang sistema ko. Mamaya lalabas na naman ako, magpupunta sa mall para bumili ng mga pangregalo. Magdadala na ako ng mainam na sweater para hindi ginawin ang katawan ko.Sana madami akong mabili na mura lang at magandang klase, madami kasing sale ngayon sa mga malls eh at sana may matira sa aking pera pambili ng GAMEBOY ADVANCE SP!!!
No comments:
Post a Comment