Wednesday, April 30, 2008

Bakit kaya tuwing umaga....


Bakit kaya tuwing umaga maingay ang mga Manok?
Bakit kaya tuwing umaga matigas ang manoy?
Bakit kaya tuwing umaga mahamog?
Bakit kaya tuwing umaga madaming nagwawalis?
Bakit kaya tuwing umaga may nagsisiga ng mga basura at tuyong dahon?
Bakit kaya tuwing umaga amoy sinangag at tuyo?
Bakit kaya tuwing umaga kailangan mag-kape?
Bakit kaya tuwing umaga may muta ang mata?
Bakit kaya tuwing umaga may panis na laway?
Bakit kaya tuwing umaga ang hirap maligo ng malamig na tubig?
Bakit kaya tuwing umaga kailangan sabihin ay Good Morning? paano na yung mga masama ang sinapit?
Bakit kaya tuwing umaga magulo ang buhok?
Bakit kaya tuwing umaga maingay din ang mga maliliit na ibon, gumagaya sa mga manok?
Bakit kaya tuwing umaga tulog ang mga paniki?
Bakit kaya tuwing umaga wala na si mister sa tabi ni misis?
Bakit kaya tuwing umaga wala na si misis sa tabi ni mister?
Bakit kaya tuwing umaga wala pa din si mister?
Bakit kaya tuwing umaga pauwi palang si mister?
Bakit kaya tuwing umaga pauwi palang si misis?
Bakit kaya tuwing umaga umiiyak ang mga sanggol?
Bakit kaya tuwing umaga masarap makinig ng balita?
Bakit kaya tuwing umaga lumalabas ang plema?
Bakit kaya tuwing umaga haaayyy ang dami ko ng nasabi...pero Bakit kaya tuwing umaga makati ang pwet? yun talaga ang lubos na iniisip ko? ano kayang meron sa pwet bakit siya makati? o anong binibigay ng umaga sa pwet natin?

No comments: