Yan' ang palaging sambit natin kapag nasa iskul at bigla tayong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Hindi lang basta tawag ng kalikasan ang ibig kong sabihin kundi yung malupit na tawag, yung tipong lalabas na, bumubukol na, at konting ma-iri ka lang ay PATAY KANG BATA KA!!! KAHIHIYAN ANG AABUTIN MO!!!
Marami sa atin ang nakaranas na ng ganitong klaseng kahihiyan, lalo na noong bata pa tayo. Mayroon dyan ay natae sa salawal habang naglalaro ng kung ano. Mayroon naman natae sa dyip o bus, o di kaya naman ay natae habang nagsisimba. Mayroon ding natae habang papaunta na sa kubeta at hindi na umabot at ang tanging ginawa nalang niya ay tinapon niya ang kanyang panloob sa basurahan at hinugasan ang kanyang pwet na nanlilimahid sa tae.
1987
Grade 2 ako noon,nag-aaral ako sa pampublikong paaralan ng makakita ako ng ganitong klaseng eksena. Hindi ko pa alam kung ano at paano mapahiya ng sobra noon sa harapan ng maraming tao, kumbaga, wala lang kung sakaling may mangyari sa aking nakakahiya... Ngunit ang hindi ko makalimutang pangalan at hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din ang karumaldumal na pangyayari na talagang napahiya sa harapan ng marami ay si Kristina... Nasa loob kami ng klase noon, uso pa noon ang table na mahaba at may katabi ka sa upuan, uso pa din noon ang nutri-bun na ngayon ay di ko na alam kung mayroon pa sa public schools. Kasalukuyang nagtuturo ang titser namin noon sa di ko na maalalang subject ng biglang may nagsalita na lamang na '' Mam! si Kristina po natae!'' ... kaya pala may bigla nalang umalingasaw na mabaho at nakakasukang amoy sa loob ng silid namin ng mga oras na yun. Si Christopher ang higit na biktima ng amoy, siya kasi ang katabi ni Kristina, kaya ang estudyanteng sumigaw ay walang iba kundi si Christopher. Natigil ang klase namin dahil nangailangan ng matindi at masinop na saklolo si Kristina mula sa kanyang di napigilang pagtae sa kanyang panty at bumakat na sa pink niyang palda na pamasok. Di napigilan ng iba na matawa at mandiri sa nangyari, aaminin ko, nandiri ako sa amoy ng mga oras na yun at talagang nabigla... Dali daling dinala si Kristina sa kubeta habang siya ay umiiyak sa kahihiyang sinapit niya na hindi naman niya kagustuhang mangyari sa mga oras na yun.Pagkalipas ng ilang sandali pa ay bumalik na si Kristina sa loob ng klase namin, pero hindi na siya pinaupo dahil ang tanging suot na lamang niya ay ang kanyang pantaas at dyaryo na ngmistulang kanyang palda. Iniabot nalang kay Kristina ang kanyang bag at itoy umuwing luhaan. Kung bakit ngayon ay naaalala ko pa ang pangyayaring iyon ay dahil naisip ko na paano nalang kung sa akin nangyari yun? paano nalang ang gagawin ko? hindi ko yata kayang umuwi ng dyaryo lang ang suot na pambaba... Napahiya ng sobra si Kristina at malamang dadalhin niya ang karanasan na iyon hanggang sa kanyang paglaki. Naawa ako kay Kristina, sana hindi na nangyari iyon, ganun pa man, mga bata pa lang din naman kami noon.. sana na lang ako nalang at si Kristina ang nakakaalala ng eksenang yun... Kristina kung nasan ka man... Kakampi mo ako, Kaibigan, hinding hindi kita ipapahiya...
Tangina kasi kung nagsabi ka sana ng ''Mam may i go out'' hindi na sana nangyari yun!!!
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment