Sa wakas,naayos ko din ang modem namin..ilang araw na kasi siyang hindi gumagana,palaging nalang lumalabas ay NO DIAL TONE buti nalang naisip kong linisin ang loob ng CPU namin. Sobrang dami na pala ng alikabok,lalo na sa area ng modem at parang may nangupahang gagamba sa loob ng CPU, daming sapot. Masaya ako kahapon kasi nakabili na ako ng bago kong headphone,yipeee! yung malaki at mas maganda na ang tunog,nakakabingi at bumabayo ang bass, mas ok siyang pakinggan, kaya lang bulky masyado hirap ilagay sa bag. Umaga na naman nga ako nakatulog kahapon eh, bali kanina yun ng madaling araw, 3am na.Nagpunta kasi ako sa gateway,manonood sana kami ng THE FOG,yyiiiiyyy nakakatakot daw yun eh,kaso nauwi ang lahat sa wala, sa 5 inimbitahan ko 5 din ang hindi pwede, ang ganda diba? wala talaga akong charm pag-dating sa pagiimbita, yung mga original ko naman na kasama ay talagang hindi pwepwede kasi puyat pa sila at kailangan nilang matulog.So ayun nga, 2 lang kaming nagkita dun sa gateway ng isa ko pang kaibigan, na-late na kami sa show time kaya di nalang kami nanood. nagkwentuhan nalang kami hanggang sa wala na kaming mapagkwentuhan..mgabandang 830 pm na ng naghiwalay kami at nagpunta naman ako dun sa kaibigan kong nagmamanage ng acoustic band.Ayos naman yung banda na hinahawakan niya,3pcs,lahat magaling, nakakainggit nga eh,dapat ngayon tumutugtog din ako sana sa mga bar o kaya sa...san pa ba? kahit sa kalye lang basta makatugtog.Pagkatapos ng show, nagkape nalang muna kami at nagkwentuhan kasama ng iba pa niyang barkada.Kaya ayun inumaga na ako ng uwi, ok lang mas mabilis naman ang byahe kapag alanganin oras na eh,yun nga lang nakakatakot kasi mas madaming masasamang loob kapag ganung oras na... May napanaginipan ako kagabi, pinipilit niya ako, pero ayaw ko, sabi ko kasi may magagalit, gusto pa rin niya, ayoko pa rin, ayokong makasira at ayokong gawin yun dahil nirerespeto ko ang samahan namin, pinipilit pa rin niya ako, kami lang naman daw dalawa ang makakaalam...ayoko pa rin. Masaya ako at nakasama ko ulit siya,kahit sa panaginip lang...Ngayon mag-isa lang ako sa bahay,inaantay ang kapatid ko,nanakit ang tyan sa kabusugan.wala kasi akong maisip na lutin kanina,gusto ko instant,kasi gutom na gutom na ako kanina,kaya nagbate nalang ako ng itlog at tinorta ko ang sardinas,miss na miss ko na rin kasing kumain nun eh,natutunan ko siya sa kaklase ko noong high school.Tapos nagluto na din ako ng pansit canton,instant pa din syempre, tapos nilantakan ko kaagad pagkaluto.Sana matunawan ako kaagad,sana bukas mailabas ko ito,kundi baka kung saan pa ako datnan.Wag naman sana.
No comments:
Post a Comment