May katagalan na din mula ng huli akong uminom ng Gin, siguro lampas isang taon na din, hindi ko nakahiligan ang uminom ng Gin, masyado kasing matapang para sa akin, pakiramdam ko kasi para itong muriatic acid na sa bawat inom ko ay natutunaw ang mga lamang loob ko. Ngunit noong nakaraan miyerkules, June 20, ay nagbalik ang Gin na aking kinasusuklaman...Nag-celebrate kami ng kaarawan ng utol ko, may 3 siyang bisitang dumating at may dala silang alak…hulaan mo kung ano ang dala nila? (drum rolling……tsing!) GIN! So sabi ko “patay kang bata ka!” Balak ko nalang sanang mag-beer ng gabing iyon dahil ayaw ko talaga ng Gin, ngunit napansin ko na ibang klaseng Gin ang dala nila, hindi yung karaniwang iniinom ng mga tambay sa kalye kapag wala na silang makain at tinatawid nalang ang gutom nila sa paraan ng paglalasing…Ang dala nila ay GSM Premium Gin, Ginebra pa din pero kakaiba, mas sosy itey, nakakahon ito na kulay puti, at ang bote niya ay mas malaki, halos kasing laki ng karaniwang quatro kantos, sabi nila mas madali daw inumin at walang sabit sa lalamunan, kaya naman sabi ko ay “OK yan sige subukan ko…simulan na natin yan!” Inom lang kami ng inom…inom-kain ng pulutan-inom-laro ng computer-inom-kain-inom-laro…at di nagtagal ay naubos din namin ang GSM Premium at tsaka kami nagbanlaw ng SML, ayos ang lasa ng GSM Premium, banayad nga at madali inumin, Kahit tubig nga lang chaser mo ay pwede na pero kami nag-sprite…makalipas ang 4 na oras ay natapos na kaming magsunog ng baga, OK naman at naidaos naming ang bertday ng utol ko, madami din naman siyang handa kaya hindi nagutom ang kanyang mga bisita. Halos 11pm na kami natapos, hinatid namin ang mga bisita niya sa gate ng subdivision at umuwi na kami at natulog kaagad dahil may pasok pa kinabukasan.
…at nagsimula na ang aking kinakatakutan
Nagising ako bandang 5:30 ng umaga kinabukasan, dali dali akong naligo, nag-kape at kumain ng almusal para hindi ako ma-late (ulit) medyo napansin ko na parang nahihilo ako mula ng ako’y magising pero hindi ko masyadong inisip at umalis na ako ng bahay…Pagkasakay ko ng dyip ay dun ko na talaga naramdaman na may Hang-Over ako…As in parang umiikot ang paligid ko, parang nakasakay ako sa chubibo na caterpillar na roller coaster na octopus...medyo nararamdaman ko na para akong masusuka…pagdating ko sa pilahan ng FX ay “diyos kooo! Ang haba haba ng pila”…nag-yosi muna ako at bumili ng softdrinks at kendi dahil nagsisimula ng mawala ang panlasa ko. Ilang minuto din akong naghintay sa FX bago ako makasakay at 7:30 na nung makasakay ako kaya siguradong late na ako…habang bumabyahe na ako sa FX ay nakaramdam pa ako ng isang hindi inaasahan”OMG na-tatae ako!” Sa isip-isip ko, “tangina sana umabot ako” nangangasim na ang sikmura ko, yung suka ko nararamdaman ko na sa leeg ko na gusto ng bumulwak at nagluluha na ang mga mata ko sa sobrang hilo…tiniis ko ang lahat ng halos 45 mins…pagdating ko sa building namin ay hindi na muna ako nag-punch sa bundy, natataranta na kasi ako kaya kumaripas kaagad ako ng takbo sa isang CR na nadiskubre ko na wala masyadong gumagamit at talagang malinis, bago palang kasi. Walang atubiling dinampot ko ang tabo at pinuno ko ito ng tubig para panghugas, pasok kaagad ako sa cubicle at ayun…nagmistulang poso ako na binobomba sa kakasuka, halos mapuno ko ng suka ang bowl ng kubeta, suka ako ng suka hanggang wala na akong maisuka, pakiramdam ko maisusuka ko na rin pati bituka ko, masakit sa lalamunan at sa tiyan, talagang mangiyak-ngiyak ako pero nakuha ko pa ding litratuhan ang sarili ko ng mga oras na yun, naisip ko kasi na magandang ilagay sa blog ko ang pangyayari at mas maganda kung may visual presentashiieeen!...Pagkatapos kong sumuka ay hinubad ko na agad ang aking pantalon upang jumerbaks naman…dumampot na din ako ng sigarilyo para hindi mangamoy ang ebs…iiri palang ako ay biglang VAVAVOOOM!!! WRAAAKKKKK!!!! SPRAAAAKKKK!!!! sabog din ang ebs ko, parang atomic bomb, walang ka-effort effort na nailabas ko ang ebs na ilang minuto ng simisirko at nagwawala sa loob ng tiyan ko, twice ko pa ngang fina-lush kasi hindi makuha sa isang pindot lang. Hilong hilo pa din ako pagkatapos ng trahedya, medyo natatawa din ako sa nangyari “GSM Premium pala ah…Banayad, madaling inumin…potah muntik ko ng ikamatay!!!” agad akong naghugas at naghilamos para ma-refresh naman ako. Umakyat na ako upang mag-punch at dumeretso ako ng opisina…as usual super late ako!
Photography PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment