Pang sampung araw na ng bagong taon. May napapansin ka bang pagbabago? ako wala pa, siguro mga ilang buwan ko pa mapapansin. Madalas pa din akong puyat, naninigarilyo pa rin ako, hindi pa din bagsak ang buhok ko, wala pa din akong stable job, mahilig pa din ako sa laruan, makapal pa din balbas ko at higit sa lahat ay hindi pa din ako nilalayasan ng mga punyetang tigyawat!!!
Ubos na ang pera ko, wala na yung mga naipon ko noong pasko, di ko alam kung saan napunta yung iba.Teka teka...naisulat ko na yata ito sa isa kong blogs eh paulit ulit lang ako eh. Maiba naman... One year na rin palang nakakalipas ang trahedyang gumulat sa buong mundo ANG TSUNAMI na kung saan ay napakaraming namatay at naulila. Kumusta na kaya sila? nasaan na kaya ang mga kaluluwa ng mga namatay? Natanggap na kaya ng mga namatayan ang pagkawala nila? Paano kaya nila sinelebrate ang Christmas at New year? sana masaya na silang lahat, yun lang ang panalangin ko.
Halos isang taon na din nakakalipas ang pagkamatay ng isa kong kaibigan. Naalala ko siya noong pasko, Naalala ko siya sa di mapaliwanag na dahilan, siguro dahil magkakasama kami ng pamilya ko, samantalang ang pamilya niya ay kulang na. Unang pasko nilang iseselabrate na wala ang aking kaibigan, sana masaya sila. Madalas ko siyang naalala tuwing nasa mall ako, madalas kasi kaming magkasalubong dun at magchikahan ng kung anik anik. Mabait siya, minsan isip bata pero carry lang, bata pa naman talaga siya eh at isa yun sa pinanghihinayangan ko, nawala siya ng napaka-aga. Madami pa sana siyang pwedeng gawin, madami pa sana siyang pwedeng pasayahin...pero siguro hanggang dun nalang talaga ang chapter ng buhay niya dito sa mundo.
Isa sa matalik ko din kaibigan noong college ang iniwan na ako. Namaalam siya noong 31st ng Disyembre. Hindi ako makapaniwala na wala na siya, pero sa tagal tagal ay natanggap ko na din. Parang Big Brother ko siya noong college ako, madalas kong kakwentuhan ng kung ano ano, lalo na pagdating sa pelikula. Madalas din kaming magbiruan, kumain ng sabay, lumabas sa school ng sabay... Noong nakapagtapos ako ng college isa siya sa mga una kong dinadalaw kapag nagpupunta ako sa skul. Pero ngayon wala na siya, iba na ang nasa desk niya kapag dumaan ako dun, di ko na makikita ang mga ngiti niya, hindi ko na maririnig ang halakhak niya tuwing magpapatawa ako...Siguro hanggang dun nalang din talaga ang oras niya dito sa mundong ito. Mamimiss ko siya, lalo na tuwing dadalaw ako sa skul.
Kung nasan man sila ngayon, sana sumalangit ang kanilang mga kaluluwa. Ganun talaga ang buhay, may dumadating may umaalis, masakit man sa atin ngunit dapat patuloy lang tayong mga naiwan nila sa paglakbay sa daan na ating tinatahak.
Photography PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment