Tinatamad na akong magsulat sa Blogs,wala naman kasi akong maisip isulat ngayon.Kanina ko pa gustong magsulat pero wala naman pumapasok sa kukote ko.Nakakailang stik na ako ng sigarilyo pero wala pa din akong maisip na isulat. Pakiramdam ko kasi parang may kulang sa araw ko, parang kakaiba ,siguro kulang lang ako sa pahinga. Ilang araw din kasi akong nasa labas ,punta sa kung saan saan, trabaho ,gumawa ng pera para may maipambili ako ng mga regalo sa mga magulang ,kapatid at mga kaibigan ko. May naipon na din naman ako ,pero gusto ko pang dagdagan para may matira pa sa akin pagdating ng bagong taon. Hindi lang kasi dapat ang pasko ang paghandaan ko ,kundi kasama na din ang pagpasok ng bagong taon. Maagang preparasyon ,balak ko kasing maghanap na ng trabaho sa susunod na taon at dapat lang ,kasi nakakahiya na sa pamilya ko at halos wala naman akong naiaambag sa bahay ,minsan naawa na din ako sa sarili ko ,kasi hindi ko na magawa ang mga bagay na talagang gustong gusto ko. Sabi ko noon, gusto kong mag-Exhibit ng painting by December ,pero dumating na ang December wala pa din nangyari. Gusto ko ding mag-trabaho bilang isang professor sa isang eskwelahan ,gusto kong magturo ng kung ano ano tungkol sa Fine Arts ,Magtatanong tanong nalang ako siguro sa iba't ibang eskwelahan kung saan ako pwepwede kahit na part time lang. Gusto ko din mag-banda ,musikero sa isang Bar ,kahit na akustik lang ,kaso wala naman akong makasama. Siguro ang mas maganda ay gawin ko nalang muna ang mga bagay na sa tingin ko ay magagawa ko sa ngayon at planuhing mabuti ang mga balak ko para sa susunod na taon.
Lumipas na ang oras at hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung anong isusulat ko sa blogs ko. Siguro kailangan ko na munang magpahinga para umandar ng maganda ang utak ko. Marahil bukas ay may maganda na akong maisusulat. sana nga...sana nga.
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment