Narasan mo na ba ang dejavu? ano nga kaya ang dejavu? totoo nga kayang nabuhay tayo noong unang panahon pa at ang kaluluwa ay palipat lipat lang sa ibang katawan?...matagal tagal na din akong di nakakaramdam ng dejavu,nakakatawa kapag nararanasan ko ito,kasi hindi ko mapaliwanag ang nangyayari.Ano kaya ako noon?
Ang saya saya ko kagabi kasi dalawa ang booking ko ng face Painting at kumita ako ng doble ng kinikita ko sa isang araw,sa wakas nadagdagan ang pera kong iniipon pambili ng GAMEBOY ADVANCE SP...Pauwi na ako sa tita ko kagabi kasama ang katrabaho ko ng maramdam ko na nandun ang crush ko sa gateway,nakatambay with his lover...OO,diba sinabi ko na nga na may lover na yung crush ko? ano ba? kulet mo!!! iniwei,ayun tama nga ang sinasabi sa kin ng force, minsan naiisip ko may lahing Jedi talaga ako eh.Nagkita kami at inaya nila akong gumimik sa marikina.sabi ko sige itetext ko nalang kayo mamaya kung makakasama ako,kasi ichecheck ko pa ang sched ko for tomorrow.Agad agad akong bumalik sa tita ko para makakuha na kaagad ng sahod at malaman na ang sched ko para bukas.Dahil sa akin kabaitan at kagandahan (kapal) biniyayaan ako ng panginoon ng magandang sched para bukas. Dalian akong nagbihis kaagad ng aking bagong T-shirt na nabili ko sa Sale ng isang magandang tindahan sa SM kulay yellow,peborit color ko mula pa ng bata ako.Di ko alam kung anong meron sa yellow at bakit ko naging paborito yun...Paalam kay tita,bili ng alaxan,vit. C at yosi ,sakay ng bus,baba ng cubao ,punta sa tagpuan at ayun nagkita na ulit kami ng mga kaibiganzz ko! Nagpunta kami sa isang comedy karaoke bar sa may marikina,madalas tambayan ng barkada ko (crush ko) doon. Inom kami ng colt,kahit wala pa akong matinong tulog ay sumama pa din ako sa kanila,haaaay pasaway talaga ako,kung nabubuhay lang si itay,malamang labi ko lang ang walang latay.Mabilis akong tinamaan sa ininom ko,siguro dahil sa wala pa nga akong matinong pahinga.Napakanta kaagad ako sa entablado,kumanta ako ng SHE'S OUT OF MY LIFE at yung isa na nagkamali pa ako ng sabi ng title,KUNG MAWAWALA KA,dapat pala HUWAG KA LANG MAWAWALA ayun napasubo tuloy ako...kinanta ko nalang kaysa mapahiya ako,pero ganun pa man,kahiya-hiya pa din talaga ako. INOM INOM INOM!!! nakakarami na ako,hilo,umiikot na ang paligid,maingay,mausok,kwentuhan,sindi ng yosi,laklak,subo ng konting pulutan,maglaro ng lighter at manood sa mga taong sumasayaw sa tunog ng disco (take note cute ang DEEJAY) ng biglang nakaramdam ako ng pagkaduwal,nagpunta kaagad ako ng kubeta,ang sama kubeta,hehehe ok ibahin natin , nagpunta kaagad ako ng komport Room para magtawag ng uwak...walang uwak na lumapit kundi napuno ko lang ng suka ang inidoro.haayy hilamos ako,then balik sa table,sabi ko sa sarili ko AWAT NA TANGINA MO!!! ..kape tayo? aya ko sa mga friendships ko,punta kami ng very reliable Burger Machine..dun kami kumain,ay sila lang pala ang kumain,ako nagkape lang talaga at yosi.pagkatapos nun,umuwi na ako,hindi sa bahay namin,hindi din sa bahay ng tita ko,kundi sa bahay ng aking kaibigan,sakay na ako ng jeep at habang umaandar papalayo, nakatanaw nalang sa crush ko na akbay ng jowa nya...oh hindi ako inggit......OO NA NGA SIGE NA! well dadating nga din ang akin someday diba? konting tiis lang wag mainip. Ayun dahil sa takot sa holdup,sumakay nalang ako ng taxi papunta sa kaibigan ko at dun na ako nakitulog,inabala ko na naman sila.... >>>> DUDUGTUNGAN
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment