Nagpaalam na ang taong dalawang libo at lima sa ating lahat, at nagiwan ito sa atin ng iba't ibang ala-ala, masasaya at malulungkot, depende kung ano ang gusto nating alalahanin at gusto na nating kalimutan sa nagdaang taon. Sa akin, marami ding masasayang ala-alang iniwan ang 2005, pero sa tingin ko mas marami ang hindi malilimutang pait na iniwan niya sa akin, lalo na ang mga heartaches. Ayoko mang alalahanin pa ang mga ito, pero hindi ko naman magawa, siguro hindi lang talaga ganun kabilis malimutan kapag nasaktan ka ng malalim hanggang buto. Hindi ko na rin kailangan isa isahin pa ang mga ito.
Ano naman kaya ang masasalubong ko ngayon 2006? may maganda na kaya akong trabaho na makukuha? May mga bagong kaibigan kaya ulit akong makikilala? Makakapag-abroad kaya ako? Magkakaroon na ba ako ng sariling bahay at lupa? Magkakaroon kaya ako ng sariling sasakyan? Makakabili na kaya ako ng Gameboy Advance SP? (OO,Masakit sa akin na hindi ako nakabili,punyeta!!!) May bagong pag-ibig kayang darating? (sana siya nalang ulit) ang sagot ay hindi ko pa alam, malalaman ko lang ang sagot sa aking mga tanong kapag natapos na ang 2006. Sa ngayon, hahawak nalang ako ng mahigpit kung ano ang naiwan sa akin, gagamitin ko nalang sa magandang paraan kung ano ang mayroon ako, dahil dun ko lang makakamit ang mga bagay na hinihiling ko. Naniniwala ako na kung ano ka ngayon ay bunga ng lahat ng pinagdaanan mo mula noong isinilang ka. Hindi mo masisisi kung may mga taong masama, yun ay dahil kung ano ang nakagisnan nila, sana lang ay may oras pa silang magbago o baguhin ang kanilang sarili. Sa mga taong mababait naman, posible pa rin silang magbago, depende nalang yun sa kagustuhan nila. Ako, kung gusto ko man magbago, gusto ko sana ay mas lalo kong mapasaya ang tao sa paligid ko, lalo na ang mga taong mahal ko, gusto ko sana na lalo pa silang maging proud sa akin (kung proud nga ba sila). Para sa akin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, maging mabait lang ako, kahit na mawalan ako ng pera, kahit na hindi ako makapanood ng sine, kahit na hindi na ako makatikim ng french fries sa McDo, kahit na galisin pa ang alaga kong aso, kahit magsimatayan pa ang mga isda namin, kahit na iwanan ako ng mga kaibigan, kahit na mawalan ako ng taong pinakamamahal ko, kahit na walang magmahal sa akin pabalik, kahit na itakwil ako ng mga kamag-anak ko at kahit na mag-isa nalang ako...dapat maging mabait pa din ako...naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may kahulugan, kailangan lang natin tumingin sa matitingkad na kulay, para sa ganun ay hindi tayo mapunta sa landas na hindi tama.
Para sa lahat, HAPPY NEW YEAR SA INYO! Naway makita ninyo ang inyong hinahanap at ninanais sa inyong buhay!!!
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment