Monday, September 01, 2008

ISTORYANG CELLPHONE

Halos 2 taon na din ang lumilipas mula ng mabigyan ako ng isang simple pero magandang cellphone, masaya ako noong araw na yun dahil first time kong nagkaroon ng cellphone na medyo may kalidad, inalagaan kong mabuti ang cellphone na ibinigay sa akin, binigyan ko pa siya ng silicon para hindi masira ang body niya at para hindi kaagad magasgasan at magluma, masarap siyang gamitin at napamahal na ako sa kanya...ngunit isang araw ay nasira ang nokia phone ko, sa hindi malamang dahilan ay nawalan nalang siya ng signal, sinubukan kong palitan ng sim card at baka kasi yung sim ang may sira at hindi naman yung phone, ngunit ayaw pa din magka-signal, ni-restore ko na din ang factory settings pero wala pa din, tumawag na ako sa Globe at sa nokia at nag-search na din ako sa internet ng mga posibleng solusyon sa aking problema, halos lahat na ginawa ko ngunit hindi pa din umubra hanggang sa naisipan ko na hayaan ko na muna at dadalhin ko nalang siya sa pagawaan. Kaya naman pagkalipas ng ilang araw ay nagpunta ako ng nokia care upang alamin kung magkano ba ang service nila, ngunit tila yata ginto ang kamay ng mga gumagawa doon at labor fee pa lang ay Php560 na! WOW! Mataas pa sa minimum wage??? OK ka lang??? wala pa dun yung bayad kung sakaling may kailangan silang palitan na pyesa sa loob, pero syempre naman guaranteed na nokia parts ang ilalagay nila dun at kung hindi mo gusto yung price ng pyesa at gusto mo nalang i-pull out ang phone mo, kailangan mong magbayad ng pull-out fee na Php200..Oh san ka pa? Grabe ang price ng pagpapagawa sa certified repair center ngayon at ang nakakainis pa ay sabi nung gurlalu doon na baka kailangan na daw i-reformat yung phone kasi mukhang yung mismong program na daw ang sira, at may tendency pa daw na baka hindi compatible yung program na iinstall nila kasi for phillipines lang daw yun at yung phone ko ay from abroad, at kapag ganun daw ang nangyari ay dapat daw dalhin ang phone ko sa LEVEL 3 REPAIR..."HUH?!" laking gulat ko sa mga sinabi sa akin nung babae at akala naman niya eh naniniwala ako sa kanya, alam naman pala niya na may posibility na hindi gumana yung pang-pilipinas eh bakit hindi pa niya gamitin yung siguradong gagana diba? kaya ang sabi ko nalang sa kanya ay "Ah sige ipapaalam ko muna sa may-ari yung babayaran at babalik nalang ako kapag pumayag na..." tanginang yan! ano ako hilo? sa labas ko nalang ipapagawa ang phone ko at pakiramdam ko naman na hindi ganun kalaki ang sira ng phone ko noh! May nalalaman pa siyang LEVEL 3 repair kuno! Hmp! Pekpek niya Level 3! ...lumipas ang ilang araw ay balisa pa din ako dahil sira pa din ang phone ko, gustong gusto ko ang nokia phone ko, napamahal na ako sa kanya at isa pa ay napaka-user friendly nya kasi eh...at biglang naalala ko yung kaibigan kong gumagawa ng cellphone noon sa may Greenbelt "tama sa kanya ko dadalhin ang cellphone ko, siguradong maayos niya yun at hindi ko pa kailangan magbayad ng napakamahal at garantisadong hindi naman niya ako lolokohin dahil napagkatiwalaan ko na siya noon pa" yan ang sabi ko sa sarili ko...(oo minsan kinakausap ko ang sarili ko). Nag-set ako ng araw kung kailan ko dadalhin yung cellphone ko sa kaibigan ko, ngunit tuwing nagbabalak nalang ako ay palagi itong nauudlot, ,ung hindi ako nakakatulog ay bigla naman sumasama ang panahon hanggang sa hindi ko na napagawa yung cellphone ko...
...
...
...
Dalawang linggo na ang lumilipas mula ng nasira ang cellphone ko, wala pa din siyang signal...naisipan kong bigla na "ano kaya kung i-synch ko siya sa kompyuter ngayon?"..hindi na ako nagatubili pa, binuksan ko kaagad ang kompyuter at kinuha ko kaagad ang kable ng cellphone ko upang i-synch ito, nilagyan ko siya ng sim at...dan-da-da-dan-daaann!!! Na-detect kaagad ng PC yung cellphone! Hinanap ko kaagad dun sa program ng synch kung may pang-update ba ng cellphone...hanap...hanap...hanap...at habang nahihilo na ako sa kakahanap ay naisipan kong damputin ang cellphone ko...TARAN!!!!!! MAY SIGNAL NA SIYA ULIT!!!! YEHEYYYYYY!!!! Bumalik na sa dati yung cellphone ko hindi na siya nawawalan ng signal! MABUHAAAAAAAAAYYYY!!! GAGALING!!! GAGALING!!! Masayang masaya ako noon at hanggang ngayon dahil nagagamit ko na ulit ang nokia phone ko, magkasama na ulit kami palagi, kasama ko na siya ulit sa pakikipagusap ko sa mga kaibigan ko, sa mga kamag-anak ko, sa pagkuha ng mga litrato, pakikinig ng music...haaaaayyy Nokia 6230i ko...Mahal na mahal kita!






1 comment:

Unknown said...

Haha. Ang vain mo dito ah