Thursday, November 13, 2008

Tukso...Tukso...Napakasama mo


Parte na kaya talaga ng buhay ng tao ang matukso? Hindi yung tukso na kapag mataba ang isang tao ay babansagan siyang "Baboy" o kaya kapag payat naman ay "Butiki" o kaya naman tutuksuhin kung ano ang kapansin-pansin sa kanya o kung ano ang kapintas-pintas sa kanya.
Ang tinutukoy kong tukso ay yung kagaya ng ginawa ng dalawang unang tao dito sa mundo, ang ating unang mga magulang na sina Eba at Adan, kinain nila ang pinagbabawal na mansanas at ayun pinalayas tuloy ang mga lintek sa hardin ng eden. Maraming klase ng tukso,may taong natutuksong gumastos ng gumastos kapag may perang nakukuha. May taong natutuksong kumain ng pagkain na bawal sa kanya kahit alam niyang magkakasakit sya. May taong natutuksong magpunta sa mga porn-sites kahit alam niyang kabastusan ang laman nito. May taong natutuksong uminom ng alak at manigarilyo kahit ilang beses ng nagkakasakit. May taong natutuksong maki-apid sa iba kahit kasal na siya o may mahal na...haaaaaaayyy kay hirap talagang lumayo sa tukso, kahit anong layo mo susunod at susunod sa iyo, dalawa lang ang pagpipilian mo...magpatalo ka sa tukso at harapin ang masamang kapalit nito o huwag pansinin upang gumanda ang buhay mo...wala sa kaibigan, wala sa mga magulang ang sagot na hinahanap mo...nasa iyo lang ang desisyon kung ikaw ay magpapatukso.

No comments: