Bakit kaya tuwing aalis tayo sa trabaho ang mga tanong na maririnig natin kadalasan sa mga tao ay "oh bakit?" o di kaya "Saan ka na lilipat?" at minsan meron pang "oh paano ka na nyan?" ...bihirang-bihira ang may magsasabi sa iyo ng "OK ka lang ba? kaya mo yan, kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin"...Mahirap talagang mawalan ng trabaho lalo na kung madaming umaasa sa iyo, hindi lang sa pagreresign dapat lakasan ang loob, dapat lakasan mo din pala ang loob mo sa mga bagay na mangyayari pagkatapos nito. Noong isang linggo lang ako na SFC (separated from company) at masaya ako dahil hindi ko na kinailangan tapusin ang 30days period ko, saktong sakto at nakuha ko pa ang kalahati ng 13th month ko at may pocket money ako. Isa pang kinasasaya ko ay hindi na ako inabot ng pasko sa company namin at maeenjoy ako ang buong christmas season hanggang new year! At hindi pa yan ang mas masaya, na-experience ko na din makasama sa isang malaking company xmas party! YEY!!! well, hindi ako nakakuha ng prize sa raffle, kiber ko naman, hindi naman yun ang pinunta ko dun, ang experience ang pinunta ko (sour graping). Masarap dahil wan-to-sawa ang beer, igib ako ng igib at talagang naging masiba ako sa alak nung gabing iyon, daming tao, pero ang liit ng venue kaya naman sobrang init, ilang oras lang kaming nag-stay sa xmas party at umalis na din kami ng barkada ko at dahil bata pa ang gabi ay nagpunta nalang kami sa isang hip-hop bar sa T.Morato, OK naman yung bar, malamig, sobrang maingay ang music, up-beat syempre, tapos nandun din yung ibang mga friends ng friend ko...teka ngayon ko lang na-realize na isa lang pala ang kakilala ko doon? anak ng!...anyway, nag-enjoy din naman ako at dahil sa sobrang pagod at tama ng alak ay nakatulog na ako dun sa loob ng bar, sumikat na ang araw ng makauwi ako ng bahay, bumagsak nalang ako sa sofa at nawalan ng malay.
No comments:
Post a Comment