Wednesday, May 07, 2008

BABASAHIN NOONG AKING KABATAAN


Si Pitit, Nik-Nok, Superdog, Supercat, Planet op di eyps at Mr&Mrs ay iilan lamang sa mga karakter at pahina ng isa sa paborito kong babasahin noong kabataan ko, kung batang 80's ka siguradong kilala mo sila...Subscriber kami nito at every week mayroon kaming supply na galing sa suki naming dyaryo boy, nakakatuwa kasing basahin, aabangan mo yung mangyayari kada linggo, tanda ko pa si Pitit, simpleng batang babae lang sya, pero naisipan nilang bigyan ng magik purselas na galing sa pulubi, yung Mr. & Mrs naman ay mayroon part na NOON at NGAYON na nakakatawa din...Si Nik-Nok di ko na masyadong maalala, pero bulol yata si Nik-Nok diba? Si Superdog at Supercat naman parang Superman ang dating...Sayang at mukhang wala na akong nakikitang Funny Komiks ngayon, meron pa nga ba? Huli ko kasing natatandaan sa Funny Komiks ay yung mga karakter ay medyo may pagka-ANIME na ang pagkakagawa, nawala na yung pagka-pinoy...sana magkaroon ulit ng FUNNY KOMIKS at magsa-subscribe ulit ako!



Thanks to http://www.komikero.com/ for the FUNNY KOMIKS pic

4 comments:

Nimble said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Nimble said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Nimble said...

ay anmiss ko yan.. andami ko dating ganyan eh, every week updated ako :D

rmacapobre said...

hmm .. nagbabasa ako nito nuon. buhay pa pala .. saan nakakabili kaya nito ..