Monday, May 26, 2008

8728

Nagpunta ako ng Bulacan kahapon dahil dumalo ako sa kasal ng isa sa malapit kong kaibigan nung kolehiyo, matagal tagal na din akong hindi nakaka-dalo sa kasal, lalo na sa pagpasok sa simbahan, ganda nga ng simbahan eh, may mga painting pa sa kisame, buti nga at hindi ako nasunog pagpasok ko. Pagkatapos sa simbahan syempre kainan at may program sa reception, ganda ng lugar na na-rentahan nila, sulit ang binayad, masarap pa ang pagkain at maganda din ang sound system, kumbaga hindi cheap kundi bonggacious! Pagkatapos ng reception ay sinabihan kami ng kaibigan namin na dumaan daw muna sa bahay nila dahil may konting inuman doon, pumayag naman kami dahil hindi pa naman ganun kalalim ang gabi, ngunit yung iba naming mga kaibigan ay nagbalak ng umuwi dahil may pasok pa sila kinabukasan...Ako naman ay nakisabay nalang sa isa kong kaibigan na may dalang motorsiklo, natatakot nga akong sumakay dahil ang dami daming naa-aksidente sa motor diba? pero sabi ko nga kung oras mo na ay oras mo na tsaka may extra helmet naman sya para sa akin, para kung sakaling sumemplang kami o mabundol ng bus ay safe ang ulo namin, kaya mula Sta.Maria Bulacan ay tinahak namin ang kahabaan ng hi-way papuntang Novaliches...halos 3hrs lang naman kaming bumyahe, kasama na ang mga ilang minutong stop over kaya naman talagang ang sakit sakit ng pwet ko at kapag nalulubak pa ay masakit sa betlog at isa pang masama ay inaantok ako sa byahe at muntik na akong malaglag sa motor, buti nalang kamo ay nakakapit ako sa kwelyo ng kaibigan ko, kundi, malamang ay hindi mo na ito nababasa ngayon...Maayos naman kaming nakarating sa bahay ng kaibigan naming kinasal, tulala nga ako pagbaba ng motor eh, parang hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako at dahil nauna kami sa iba naming mga kaibigan ay nag-videoke to the max muna kami habang umiinom ng pulang kabayo, madami dami na din kaming nakakanta at nauubusan na ako ng makakanta, at sa aking paghahanap ng kanta sa song book ay bigla nalang akong natawa sa isang pamagat ng kanta na aking nakita...

Hindi ko alam kung anong klaseng kanta yan oh baka iba talaga ang ibig sabihin, basta para sa akin ay natawa ako ng mabasa ko siya...Ganun pa man, kahit na masakit pa din ang katawan at pwet namin dahil sa matagal at malayong pagbyahe ng naka-motor ay masaya kaming lahat na nag-inuman, nagkantahan at balikan ang masasayang ala-ala nung mga estudyante pa kami.

Friday, May 23, 2008

MABILIS NA KARMA

Naniniwala ka ba sa karma? at sabi ng iba, digital na nga daw ang karma ngayon at kapag may nagawa kang hindi maganda ay siguradong babalik sa iyo kaagad. Ayokong isipin na karma ang nangyari sa akin kahapon pero mukhang karma nga yata, isang masamang karma..Nagsimula lahat ng magpunta ako sa McDo noong tanghali, dahil wala na akong oras magluto ng kung ano ay naisip ko nalang bumili ng burger meal, wala masyadong pila sa counter at nasa likod lang ako ng mag-ina na halos tapos na din sa pag-take ng order nila, ako naman ay dumudukot na ng pera para ihanda sa pagbabayad ng mapatingin ako sa sahig ay nakakita ako ng pera, 100 at 20 pesos na magkasama at nakatupi, hindi ko alam kung sa akin ba yung pera na yun at nalaglag mula sa bulsa ko, pero sa tingin ko hindi sa akin dahil isa nalang yung 100 na buo ko at hawak-hawak ko yun...di na ako nag-dalawang isip pa at dinampot ko na yung pera sa sahig at tsaka naman biglang umalis yung mag-ina sa harap ko at hindi ko na naisipan pang tanungin sila, kung sa kanila ba yung pera, samakatuwid ay ginamit ko nalang yung perang napulot ko pambili ng cheeseburger meal,Go Bigtime! at umuwi na kaagad upang makakain na!Kinagabihan, nag-ayos na ako upang pumasok sa trabaho, unang araw sa opis para sa linggo kong ito, malakas ang ulan sa labas kaya sinuot ko kaagad ang paborito kong hooded na jacket upang hindi ako masyadong mabasa at baka magkasakit na naman ako...7:15pm na ng makaalis ako ng bahay, 9pm ang pasok ko, sabi ko maaga pa ako, kahit na mag-taxi ako ay hindi ako mahuhuli sa trabaho at dumiretso na ako sa kalsada kung saan madalas may dumadaang taxi at mga dyip, malakas-lakas pa din ang ulan at unti unti ko ng nararamdaman yung basa ng jacket ko sa loob ng katawan ko, kaya naman sumilong na muna ako sa ilalim ng puno upang hindi ako masyadong mabasa, ang tagal dumating ng taxi, kung mayron man palaging may sakay na, wala akong planong sumakay ng dyip at dahil siguradong siksikan sa MRT ng mga oras na yun at naiimbyerna ako kapag ganun! Antay pa din ako sa ilalim ng puna at pagtingin ko sa orasan ay 7:45pm na anak ng potah! patay kang bata ka, kapag hindi pa ako nakasakay male-late ako! Kaya naglakad na ako papunta sa isang kanto kung saan may iba pang mga taxi na dumadaan, ngunit ganun pa din, lahat ng taxi na tinatawag ko ay may laman na, mura na ako ng mura...hanggang may dumating na taxi na medyo kakaragkarag, sumakay kaagad ako kahit na kinakabahan ako na baka sabihin pa ng drayber na ayaw nyang maghatid sa QC, ngunit pumayag naman yung drayber at medyo nahimasmasan ako...Pagdating namin sa EDSA ay anak ng potah! terible ang trapik! dumudugo sa ang EDSA dahil sa dami ng pulang ilaw ng mga sasakyan, kotse, bus, trak atbp...patay sabi ko, pero aabot ako nito 8:15pm pa lang naman eh at mukhang madiskarte naman si Manong Drayber...Nasa kalagitnaan kami ng trapik ng biglang namatayan ng makina ang taxi ngunit madali naman napa-andar ulit ni Manong at ilang saglit lang ay namatay na naman ang makina, ngunit nag-start naman din muli hanggang sa gumanda na ang daloy ng trapik paglampas namin ng Shaw Blvd... Ngunit pagdating namin ng Cubao...eto na, dumudugo na naman ang EDSA! Ngunit nabilib ako kay manong dahil dumiskarte sya ng daan, nag-short cut kami doon sa likod ng samson institute at syempre dirediretso na ang andar namin ng biglang nangyari ang hindi inaasahan...namatay na naman ang makina ng taxi, sinubukan ni Manong na ii-start pero ayaw pa din, huminto muna si Manong sa isang tabi dahil napansin niyang nag-oover heat na pala yung makina niya, yung radiator yata at pinaliguan nya muna ito ng tubig, mula sa loob ng sasakyan ay nakita kong umuusok yung harap, nagsisimula na ding mag-over heat ang ulo ko dahil anak ng potah 8:40pm na! hindi na ako umasa pang makakaabot sa opis sa tamang oras, kaya dumukot nalang ako ng sigarilyo at nagyosi muna sa loob ng taxi, tinanong ko na din si Manong kung anong lagay ng sasakyan at inamin na din niya sa akin na mabuti pang lumipat nalang ako kasi talagang nag-overheat na, mabait naman si Manong at nanghingi ng pasensya, sabi ko nalang sa kanya na wala tayong magagawa eh talagang sira na eh pero pinapakita ko na bwisit na bwisit na ako, sabi ni Manong na wag ko na daw bayaran ng buo yung patak nung metro...dapat lang sa isip-isip ko, hindi kasi muna i-check ang sasakyan bago bumyahe eh...Nagbayad na ako kay manong ng Php100 at bumaba na kaagad, mura na ako ng mura dahil yung putanginang lugar na pinagbabaan ko ay hindi ko alam at wala pa masyadong sasakyan na dumadaan...gigil na gigil na talaga ako at kinakagat ko nalang yung ipin ko...mga 5 minuto na ang lumilipas at wala pa din akong masakyan na taxi, kung mayroon mang dumaan ay may sakay na ding pasahero, meron naman yung mga lintek na maarteng drayber na ayaw magsakay hanggang sa may isang magandang MGE na dumating, haaaaayyy sa wakas! sumakay kaagad ako at sinabi sa drayber kung saan kami pupunta, yung drayber naman ay biglang nagtanong kaagad sa akin kung saan daw ba kami dadaan...lalo akong naasar pero nagpigil pa din ako kaya sabi ko nalang dito tayo sa likod dumaan kasi matrapik sa EDSA...napakamot nalang sa ulo yung drayber at sinabing hindi daw nya alam yung daan dun at kung pwede daw ay mag-EDSA nalang kami, puputok na talaga yung ulo ko sa inis! pero nagtimpi pa din ako...sinabi ko nalang na kung saan mabilis dumaan dun kami dumaan! Natahimik nalang yung drayber, alam niyang mainit na ang ulo ko, dahil yung tono ng boses ko ay medyo iba na...hindi pa nakakatagal ng 10minuto, ang putang drayber biglang bumagal ng andar at sinabi ba naman na nagkamali siya ng daan...halos mabura ko ang mukha ko sa inis...gusto ko ng murahin yung drayber eh, sana kasi sinabi niya na hindi pa siya sanay sa maynila para nakalipat nalang ako ng ibang taxi bago pa kami nakalayo...hindi nalang ako nagsasalita hanggang sa natanto namin ang labasan papuntang EDSA, yung labasan na nakita namin ay yung pinasukan namin nung unang taxi na nasakyan ko, so ibig sabihin babalik pa kami ng papuntang Crame para makapag-U turn at makabalik sa tamang lane! nagsalita na talaga ako...medyo napalakas yung pagsabi ko na "SAAN TAYO MAG-U-U TURN NYAAAN?!!!" pasensya na daw sabi nya at kung gusto ko daw ay bawasan ko nalang daw yung ibabayad ko...dapat lang sa isip isip ko, pucha imbis na mapadali ako sa byahe lalo pa akong napalayo! wala na akong iba pang ginawa sa loob ng taxi kundi murahin ang lintik na trapik sa cubao, nakakapagtaka sa lugar na yan ay wala naman nagbanggaan o anumang aksidente ngunit palagi nalang trapik lalo na kapag umuulan...nakapalampas din naman kami sa trapik matapos ang halos 30 minuto, nakapasok na ako sa opis bandang 9:20pm na at talagang nakakunot ang noo ko...bigla kong naalala yung perang napulot ko sa McDo noong umaga, naisip ko, hindi kaya na-karma ako dahil hindi ko manlang tinanong yung mag-ina kung sa kanila ba yung perang nalaglag...hindi ko naman kasalanan kung nalaglag yun ah? malay mo hindi din sa kanila yun? pero paano nga kaya kung sa kanila yun at yun nalang pala ang natitira nilang pera para makauwi, o kaya yun nalang para ang pera nila para sa isang linggo at kaya sila nasa McDo ay dahil gustong gusto lang pala nung bata ng burger at pinagbigyan lang sya ng nanay nya...Diyos ko ano tong nagawa ko!!! Pero bakit kaya ganun kung karma man iyong nangyari sa akin? bakit ang bilis ng epek?! Digital na nga ba talaga ang karma ngayon? ayoko ng maulit muli ang nangyaring ito...ayoko na ng masamang karma...kaya ikaw mag-ingat ka! dahil naniniwala na ako ngayon na digital na talaga ang karma!

Tuesday, May 20, 2008

BACK FOR GOOD


Iba na naman ang takbo ng utak ko ngayon, infairness may utak ako...i am being haunted by my old self, parang sinasabi nya sa akin na bakit mo ako pinababayaan? bakit parang binabaliwala mo nalang yung mga pinagdaanan natin? bakit mo ako inilalagay sa isang tabi? WAAAAAAAAAHHHHHH!!!! MAMI!!!!!!!!! Miss ko na talaga yung totoong ginanagawa ko, kanina lang may nile-layout akong work, napansin ko na parang wala na yung dating ako, yung creative side ng utak ko parang nawala na, hirap akong gumamit ng color combination, ano bang mga elements ang dapat ilagay sa lay-out ko, saan ko ba ipwepwesto ang mga objects, anong magandang font na babagay...haaaaayyy! I just want to go back to my old self, yung malikhain, yung malalim mag-isip, yung simpleng bagay lang ay nabibigyan ko ng kahulugan, gusto kong maging artist ulit...miss ko ng magdrawing ng kung ano ano, miss ko ng mag-painting hanggang abutin ng umaga, miss ko na din mag-face paint sa mga makukulit na bata, miss ko ng gumawa ng murals...speaking of murals, naalala ko pa dati, sa sobrang wala akong magawa sa bahay, pinintahan ko yung pader ng bahay namin ng kung ano ano, nagpinta ako ng lamesa, upuan, lampshade na over ang laki, tapos pag-uwi ng kapatid ko ay na-shock siya at napasigaw ng "ANONG GINAWA MO SA BAHAY NATIN!!! " sagot ko naman, "PARA MAIBA NAMAN ANG ITSURA " sabay ngiti ng nakakaloko...wala naman siyang nagawa, tumagal din yun ng ilang buwan sa bahay namin...that time kasi 2 lang kami ng utol kong lalaki ang nakatira sa bahay namin. Sabi nga sa isang ads dun sa may tulay ng guadalupe "Dreams should have a deadline" siguro nga dapat may deadline noh? para alam mo kung huli ka na ba, para alam mo na dapat at this moment eh tapos mo na yan at na-achieve mo na yung gusto mo...ano bang gusto ko? marami akong gusto, isa na dito ay gusto kong magpinta sa isang malaking canvass siguro kahit mga 24x36 na canvass, kasi may nakita akong ganun size ng canvass sa national bookstore eh, o kaya ako nalang gagawa ng canvass, gusto ko kasi frameless yung painting ko, BOX TYPE kung tawagin nila, tapos ang theme ko ay puro matataba, matatabang lalaki at matatabang babae, yung from medium size taba to super obese... bakit kamo? hindi lang dahil talagang mahilig ako sa mga kyut na kyut na matataba, ay dahil gusto ko ding ipakita ang kagandahang anatomy ng isang mataba, yung anatomy na karamihan sa atin ay hindi nila tanggap, although alam natin na ang pagiging mataba ay hindi palaging healthy, ang masasabi ko lang ay talagang marami din kasi sa atin ay biktima at brainwashed na masyado ng media, from newspapers to magazine to radio to TV etc, at ng kung ano ano pa, sinasabi nila na eto ang sexy, eto ang maganda, eto ang MODEL, eto dapat ang gayahin mo at dapat maging ganito ka!... but hello? what is their basis of being sexy ba? what is their basis of being a model? and come to think of it na kahit saan ka magpunta ngayon ay mayroon kang makakasalubong na mataba, kasama na yan sa community! So para maiba, gusto kong theme ko ay MATABA!!! MATABA!!! MATABAAAAA!!! Opinyon nila yun, opinyon ko lang din to! tapos gusto kong magkaroon ng exhibition...at Good luck na lang sa akin! Isa pang gusto kong gawin ay sumulat ng isang kwento at gagawin ko itong comics, pero medyo matagal ang proseso nun at medyo malaki ang budget na kailangan, but i have my stepping stones ready for it! Tapos after ng mga plans kong ito, bahala na kung ano pang maiisip kong magagawa...basta ang mahalaga para sa akin, gusto ko yung talent ko ay may benefits sa ibang tao...di man malaki ang maiko-contribute, but atleast may konting kalabit sa isipan at puso.

Friday, May 16, 2008

Mangulan-ulan na naman...sarap!

Kay sarap ng panahon ngayon, malamig, hindi ka masyadong papawisan, komportable ka kapag bumabyahe kasi mahangin, masusuot mo na din ulit yung mga tinatago mong jacket na amoy moth balls na sa tagal na nakaimbak sa cabinet mo, sarap ding uminom ng alak kapag ganitong panahon, kasi talaga naman mararamdaman mo yung init ng alak na dumadalow sa iyong lalamunan sabay hithit ng yosi...Ang mahirap lang talaga kapag tag-ulan ay yung magkakaroon ng baha, alam mo naman ang metro manila, sobrang bahain, abot hanggang baywang pa minsan ang tubig ng baha, good luck nalang sa mga taga CAMANAVA area at Dapitan! Isa pa syempre ay asahan mo na yung paborito mong sapatos ay talagang madudumihan o mababasa lalo na yung balat na sapatos, kung minsan inaamag kapag nabasa ng baha at hindi mo napunasan o nalinis, so payong kaibigan lang, wag mo ng isuot yung mamahalin/peborit mong sapatos pansamantala o di kaya magsuot ka nalang muna ng tsinelas habang bumabyahe at tsaka ka nalang magpalit pagdating mo sa iyong destinasyon, ganyan ginagawa ko noon eh, ngunit siguraduhin mo namang hugasan yung paa mo bago magsapatos para naman hindi ka magkaroon ng alipunga noh! kadiri! Ang isa pang mahirap kapag umuulan ay uso ang lagnat, sipon at ubo, kagaya ngayon, may sakit ako, nilalagnat at may plema, medyo ok na naman di kagaya kagabi, nag-half day na nga lang ako sa work kahapon eh, umuwi ako ng 3am, akala ko nga hindi pa ako pauuwiin eh, garalgal na ang boses ko at di na ako makapagsalita ng maayos sa telepono, kaya bed rest muna ako at take ng gamot, paracetamol at yung nirerekumenda ni Aga, SOLMUX!!! Epektib naman at talagang tunaw ang makapit na plema. Sa ngayon ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako sa office, kasi baka mabinat ako, baka lumala ang sakit ko, mamayat, ma-confine, magkaroon ng komplikasyon at mamatay...kaso naman kapag umabsent ako 2 points kaagad kasi block out day kami ngayon, kung magsi-sick leave naman ako, kailangan ko pang magpunta ng doctor para makakuha ng med cert...haaaaaaayyy bakit ba ganito ka-complicated ang buhay??? Noh? kaasar minsan! haaaaaaayyy nakuh! Ganun pa man, hanggang dito nalang muli, sasariwain ko nalang muna ang malamig na hangin na nanggagaling sa bintana habang nanonood ng TV at nagkakape.
Kanina nga pala natanggap ko na ang USERNAME at PASSWORD ko for the Marlboro Levels, kaya naman dali dali akong nagpunta sa website nila at nakapaglaro na ako, ilang kaha din ng yosi ang nagamit ko bago ako nanalo ng Ducati! OO peksman, kros my hart en hop tu die nanalo ako ng Ducati!!!!...hindi nga lang yung motorbike kundi sombrero lang! hihihihihihi! Kahit na at least may prize ako! Medyo nainis nga lang ako kasi after kong manalo ay sinubukan ko ulit maglaro dahil may natitira pa akong mga kaha ng yosi at dahil medyo pinalad ulit ay nanalo ulit ako sa isang game nila at eto na, nung iki-click ko na yung prize na gusto ko ay bigla ba naman nagka-error yung website nila, punyemas sabi ko, so dali dali akong tumawag sa hotline nila upang magreklamo at yung Rep nila ay parang hindi malaman ang gagawin, sabi ba naman sa akin na ganun daw talaga at kasalukuyang may gliche ang site nila, HALLERRR??? OK KA LANG? kakasabi ko lang na nanalo ako ng prize at nagloko ang website niyo noh! tapos parang sasabihin mo sa akin na wala kang magagawa? ang hirap kaya ng mga games nila, as in mahirap! hindi biro! nageffort ako para manalo tapos ganun ganun lang, its unfair...unfair,unfair,unfair,unfair!!! so kinuha nalang niya yung code na ginamit ko for that game at ifoforward nalang daw nya sa kung kanino man yung issue ko...hindi nalang ako mageexpect at baka mafurstrate lang ako, ayokong maging negative ang aura ko lalo na ngayong may sakit ako! So mula ngayon ay magiipon ulit ako ng codes, mangangalkal ako sa saburahan para makakuha ng mga kaha na may code, mamumulot ako sa kalye, mag-aabang sa tabi ng yosi vendor upang makapaglaro pa ulit ako at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang DUCATIIII!!!! at kapag nakuha ko ang tanginang Ducati na yan, ay ibebenta ko sya at ang perang napagbentahan ko ay gagamitin kong pam-party!!! Magpapasara ako ng isang Bar o di kaya magrerent ng resort! Ganun ang blow-out kong gagawin! kaya abangan! hehehehe!

Tuesday, May 13, 2008

COCK-ART : Meet The Buratosaurus

It started out as a simple sketch on my cheap sketch pad when i was so bored in the office and the good ol' devil is playing in my head...well, actually we're playing doodles together...



and one fine morning, while i was dumping in the toilet, i came up with the idea to make the Buratosaurus into a reality, i used photoshop to see how it looks like...



and finally, MAGNIFICO!!! Its a masterpiece!!! The Buratosaurus is ALIVE!

...thats what you will get if you play doodle with the good ol' devil!

OMG! Literally!

Isang umaga, pauwi na ako galing sa trabaho kulang ako a tulog nun kaya medyo nahihilo na ako dahil sa antok at gutom ang tanging nasa isip ko nalang ng mga oras na yun ay makauwi na upang makapag-pahinga...Sa loob ng MRT medyo siksikan dahil madami na ding pumapasok sa opisina, nakakapit nalang ako dun sa leather na handle at nakasandal ang ulo ko sa kamay habang nakapikit, pagdating namin ng Santolan Station ay lalo pa kaming nadagdagan sa loob ng tren at laking gulat ko nalang sa isang lalaking tumabi sa akin...nakasuot sya ng itim, lahat itim, damit, pantalon, belt at sapatos ay itim, may pin pa sya sa dibdib na golden crucifix ang haba haba ng buhok nya pero nakatali ito at ang kanyang balbas parang bahay ng ibon, dahil gumana na naman ang tarantado kong utak, naisipan ko syang kuhanan ng litrato para mai-share ko sa iba ang aking nakita...Naalala ko tuloy ang kantang...


Ale? nasa langit na ba ako?...Mama? kayo po ba si San Pedro?

Monday, May 12, 2008

KAMUTIN NG INA MO!


Masasabi kong hindi lahat ng ads ay totoo, ayaw ko ng patagalin at pahabain pa, dahil hanggang ngayon ay hindi ako mapakali sa pagkamot ko sa anit ko dahil sa balakubak sa ulo ko, dulot ay kahihiyan at nakakapandiri talaga! Sabi sa Ads ng CLEAR ay mahusay daw itong pantanggal ng dandruff at hindi ka na magkakaroon ng dandruff kailanman kapag gumamit ka ng produkto nila...pwes, paki-explain nga sa akin kung bakit tuwing kakamutin ko ang nangangati kong ulo ay ang daming flakes na nalalaglag? imbis na mawala ang balakubak ko eh lalo pa akong nagkaroon...op,op,op,opssss...teka lang alam ko ng iniisip mo... Binabanlawan ko ang buhok ko ng mabuti pagkatapos kong magshampoo, halos malagas na nga lahat ng buhok ko sa pagbabanlaw eh! Haaaayyy siguro hiyangan lang din talaga sa pag-gamit ng shampoo, dati hiyang ako sa Head and Shoulders, pero nung tumagal-tagal hindi na din umeepek sa akin yung formula nila, itong clear ganun din, dati ang gandang gamitin pero ngayon wa-epek na! Siguro gagamit nalang ako ng Pantene o kaya Vaseline, mabango na, malambot pa ang buhok ko at hindi pa ako nangangati! pero teka, safeguard nalang kaya?! bahala na!

Friday, May 09, 2008

BLOGORRHEA

I'm not doing anything this morning and on the floor i found a magazine, I dont read a lot, what i love in a magazine are the pics and ads, well sometimes i do read too ONLY if there is a very very interesting article...then suddenly I saw this word BLOGORRHEA Meaning: to write a blog entry for the sake of posting something, since you haven't done anything interesting lately...and thats what i just did now.

Wednesday, May 07, 2008

BABASAHIN NOONG AKING KABATAAN


Si Pitit, Nik-Nok, Superdog, Supercat, Planet op di eyps at Mr&Mrs ay iilan lamang sa mga karakter at pahina ng isa sa paborito kong babasahin noong kabataan ko, kung batang 80's ka siguradong kilala mo sila...Subscriber kami nito at every week mayroon kaming supply na galing sa suki naming dyaryo boy, nakakatuwa kasing basahin, aabangan mo yung mangyayari kada linggo, tanda ko pa si Pitit, simpleng batang babae lang sya, pero naisipan nilang bigyan ng magik purselas na galing sa pulubi, yung Mr. & Mrs naman ay mayroon part na NOON at NGAYON na nakakatawa din...Si Nik-Nok di ko na masyadong maalala, pero bulol yata si Nik-Nok diba? Si Superdog at Supercat naman parang Superman ang dating...Sayang at mukhang wala na akong nakikitang Funny Komiks ngayon, meron pa nga ba? Huli ko kasing natatandaan sa Funny Komiks ay yung mga karakter ay medyo may pagka-ANIME na ang pagkakagawa, nawala na yung pagka-pinoy...sana magkaroon ulit ng FUNNY KOMIKS at magsa-subscribe ulit ako!



Thanks to http://www.komikero.com/ for the FUNNY KOMIKS pic

Sunday, May 04, 2008

Kay saya ng linggo ko

Ang saya-saya ng sunday ko, kasi ang daming nangyari, kahit na late na akong nagising 12noon na, nanood kami ng IRONMAN! ang ganda ganda, sana masundan pa! At ang chizmaks nga daw ay may cameo role si IRONMAN sa latest THE INCREDIBLE HULK movie, this i got to see! Tas nagpunta naman ako sa bahay ng college friend ko, taon na kaming hindi nagkikita at kaya naman kami nagkita ay dahil ikakasal na sya a 25 ng buwan na ito, hmmm...sabihin ko kaya sa GF nya yung mga katarantaduhan nya bwahahahaha! sirain daw ba ang kasal?! anyway, pinapunta nya ako kasi nagrerequest sya na kumanta daw ako sa kasal nya, hindi naman ako professional singer, tsaka hindi naman kataasan yung kakantahin ko eh, tipong mga Mariah Carey lang tsaka Regine Velasquez songs lang...whew! chicken feed lang yun! bwahahahahhaha! kaya naman nagpraktis kami sa bahay nila tas kwentuhan about sa mga barkada namin kung ano na ang mga bali-balita, tas matapos nun nakatanggap na ako ng text mula sa iba kong barkada at nagiinuman daw sila sa may makati, maaga pa ang gabi at miss ko na din sila kaya ako naman itong nagkandarapa sa pagsunod! Nagbabalak na akong mag-taxi nun mula MRT North hanggang makati, ngunit may dumating na napaka-gandang bus, hindi karaniwan, bagong bago pa, malakas ang AC at take note...hoy take note! 2 ang TV screen! at LCD screen pa! say mo! Parang sinadya ng tadhana na pasakayin ako ng bus dahil pagdating namin sa cubao, nag-hello na ang malagim na trapik! "HELLO, GOODLUCK SA BYAHE NIYO" sabi nya. Nagtagal din kami sa cubao, naisip ko na pucha buti nalang di ako nagtaxi kundi naubos ang pera ko pambayad lang ng fare! Umusad naman ang andar pagkalipas ng mga 15 mins at nakarating na din ako sa bababaan ko, sa Buendia at dun na ako naghanap ng taxi kasi alam ko na wala pang 50php aabutin nun...Pero wag ka! Yung drayber ng taxi kong nasakyan ay ubod ng kapal ng mukha, hindi na nya binaba yung metro at bigla nalang nyang sinabi na "50 lang dun ha" ako naman sa isip-isip ko parang "HA? ANO TO HOLD-UP?" sinabi ko sa kanya na "Manong yung metro mo hindi nakakbaba" at wala akong ibang narinig na sagot sa kanya kundi ganun pa din "50 lang dun ha" ano ka recorder? hindi na ako umapila kasi nakakatakot yung itsura ng drayber, mukhang goons sa isang tipikal pelikulang pinoy at nakalayo na din kami eh, sabi ko nalang sa sarili ko na "tanginamo isama mo nalang sa abuloy ko sa burol mo tong dagdag ko sa pamasahe ko" at ng nakababa na ako ay kinuha ko yung plate number nya TVY 416 at ang pangalan ng taxi ay DB DRAG, so mag-ingat kayo sa tarantadong mukhang perang drayber na yan! alam ko 50php lang yun, pero panloloko yung ginawa nya, kaya hindi umunlad tong bansa natin dahil sa mga putanginang yan eh! Ayaw kong masira ang aura ko ng gabing iyon kaya minabuti ko nalang na palipasin at tumungo nalang ako sa bar na pinagiinuman ng mga barkada ko, naka-4 na bote din ako, OK naman yung place kaso humid lang talaga kagabi kaya nagdesisyon na kaming hindi magtagal at kumain na lang sa isang Chineses Resto malapit lang din dun sa bar, walking distance lang...kumain ako ng pansit, masarap yung pansit lalo na nung nilagyan ko nung mala-impyernong anghang na chili oil! ooooohhh anong sarap! nabusog naman kaming lahat! Di pa kami nakuntento at parang wala ng bukas, naisip nama naming mag-kape muna sa may Glorietta at magkwentuhan pa ulit dun hanggang 3am ng umaga! haaaayyyy! ayan ang weekend na gusto ko, yung madaming nangyayari para talagang makalimutan mo at mawala ang stress mo sa trabaho! Naka-uwi na ako mga 3:30am na, tagal kasi ng taxi eh, nagmistulang pokpok ako dun sa Makati Ave ng mga 15mins, pero wala naman tumigil sa akin at nag-offer...(bakit kaya?! bwhahahaha) Nag-online pa muna ako kagabi bago matulog, mga 6am na yata ako nahiga sa kama at ang sama pa ng panaginip ko...Napanaginipan ko na yung buhok ko daw ay nagkalat sa kama at nalagas, kada hawak ko sa buhok ko ay nalalagas...nataranta ako at nagiiyak at bigla nalang akong napasigaw at nagising...siguro dahil masyado akong apektado sa Bald Spot ko, medyo kapansin-pansin na kasi eh, sana na lang ay wag magtuloy tuloy...haaaayyy! Anyway, bukas pa ng gabi ang pasok ko, kaya lamyerda na muna ulit ako, bday celebration naman ng bestfriend kong gurlash kaya malamang inuman na naman ito mamaya! hindi na ako iinom ng madami at ayokong magkasakit sa atay at ang beer belly ko ay lalo pang lumalaki, ang jologs ng tingnan! Oh paano? Enjoy nalang the whole week!!! ika nga ni John Lloyd "Ingat" .

SINIGANG NA BABOY

Kapag nakikita ka, Ngiti ko'y abot hanggang tenga
Asim pa lang ng iyong sabaw, Siguradong ako'y busog na
Okra mong anong laki, Masarap isubo lalo na't makatas
Wala ka mang pechay, May kangkong ka naman na walang kupas

Lalo pa akong nag-iinit, Sa maberde mong sili
Wala akong pakialam, Kung hindi ka nasamahan ng gabi
Labanos mong maputi, Sitaw mo ma'y putol-putol
Hindi kita uurungan, Lalamunan ko man ay magkabuhol-buhol

Lubha akong nanggigigil, Sa iyong taba na di padadaig
Isasawsaw ko pa sa patis, Ang karne mong naghuhumindig
Oh sinigang na baboy, Ikaw lang ang pinaka-minahal kong ulam
Kapag ikaw ang kapiling, Maligaya ang tiyan kong kumakalam



...ginutom tuloy ako sa pag-sulat sa tulang ito!

Saturday, May 03, 2008

SURBAYBOR

September 3, 2007 yan ang petsa na natanggap ako sa trabaho ko bilang isang Tech Support Rep, anong date na ngayon? May 4, 2008 ...october, november, december... ... ... WOW! 8 months! 8 months na pala ako sa call center! hindi ako makapaniwala! ngayon lang ako tumagal sa isang kumpanya ng ganito!(nakatingin sa kisame at nagbu-byutipul eyes) Yung mga dati ko kasing napasukan madalas 6months lang, yung isa nga 1 month lang eh, ganda diba? Bakit kaya ako naka-tagal ng ganito sa isang work na hindi ko pa linya? hmmm...malaki ang sahod? madaming kyut? masayang kasama ang mga officemates? ...ulam sa canteen? eeewww hindi ko gusto pagkain sa canteen namin, para kang nagsasabaw ng mantika! Anyway...bakit nga ba ako tumagal? hmmm...Siguro sa salary, ngayon lang kasi ako sumahod ng ganito kalaki, di naman super laki na kaya ko ng bumili ng JAGUAR na kotse, pero mas malaki kumpara sa dati kong trabaho, noon kasi panay minimum wage lang, tipong 3500 per payday, minsan 3k nga lang paano kung may absent ka pa? edi wala ka ng kinita, talagang mahirap pagkasyahin...pero sa totoo lang, kahit malaki ang salary sa call center, hinahanap ko pa din ang gusto kong gawin...akala ng iba panay usap lang sa phone ang ginagawa kapag nasa call center ka? hindi noh! sobrang kakapagod kaya kahit magdamag ka lang nakaupo at sumasagot ng tawag, 8hrs ka ba naman makinig sa mga problema at minsan sisigawan ka pa ng customer at kung minsan mumurahin ka pa at ang masakit dun ay hindi ka manlang makaganti, tapos kailangan mabigyan mo ng solusyon yung problema nila kundi para kang walang silbi, minsan na nangyari sa akin yun at nasabihan ako ng customer ng "Thank you for being USELESS" i felt so bad, gusto ko naman talagang syang tulungan ngunit minsan talagang wala ka ng magagawa lalo na kung yung problema ng customer is out of the company policy...haaay!kung hindi physical, psychological ang labanan sa ganitong klase ng trabaho at napabalita na nga din na mas mataas ang bilang ng nagkakasakit na tao na nagtatrabaho sa call center at buti nalang hindi pa ako nasasama dun at wag naman sana...wag naman sana. Ganun pa man, masasabi kong nakaka-survive pa naman ako kahit na minsan eh ayaw ko na talaga, balang araw siguro susuko na din ako at maghahanap ng ibang trabaho o baka mag-stick ako sa pagiging freelancer (ang pinaka-gusto ko). Anyway, Sunday na naman at araw ng pahinga at lamyerda, siguro manonood nalang ako ng sine mamaya, IRONMAN! maganda daw eh, tsaka gusto kong abangan yung ipapakita after the credits, lumabas daw kasi si Nick Fury! Have a nice weekend!
ang ginaw sa opis, mukha akong teletubbies!

MY VERSION of IRONMAN


Friday, May 02, 2008

ONLI IN DA PILIPINS!

Saan ka pa? Basurahan lang eh pwede mong i-report kapag reckless

BILIS KARERISTA




Pauwi na ako kanina ng mapadaan ako sa mall...sa di kalauyan ay may napansin akong kumpol ng tao..." ano kaya ang pinagkakaguluhan nila doon? " tanong ko sa aking sarili, ng akoy lumapit, namangha ako sa aking nakita...

SYETTTT!!! ang kotse ni SPEED! kaya dampot kaagad ng cellphone at wala ng dala-dalawang isip na kinuhanan ko siya ng litrato...kaya ayan ishe-share ko sa inyo...
Watch niyo ang SPEED RACER starring Emile Hirsch as SPEED Directed by the Wachowski Brothers (The Matrix) May 8, 2008 sa mga sinehan malapit sa inyo!
Mag-promote daw ba??? :-)