Wednesday, March 25, 2009

Nakakarinding katahimikan

Pagkatapos ng isang magdamag ng pagtatrabaho mula kahapon ng ala-sais ng gabi hanggang ala-sais ng umaga kanina ay hindi pa din ako nakakaramdam ng antok. Nandito ako sa bahay namin ngayon dahil wala akong pasok mamayang gabi. Bukas ganun ulit ang oras ng pasok ko, 12 hrs ulit. Gaya ng dati, parehas pa din ang nararamdaman ko kapag nandito ako sa bahay namin, nababaluntan pa din ako ng lungkot at pag-iisa.

Habang nasa biyahe at papalapit ng papalapit ako sa bahay namin ay unti unti kong nararamdaman ang bigat sa dibdib. Siguro ito ang totoong buhay ko, bumabalik ako sa realidad. O di kaya may takot na ako sa pagiging mag-isa. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito?

Ang tanging solution nalang na ginagawa ko para malibang ako ay gumawa ng artwork o di kaya makinig ng music. Dahil sa isang banda ay nailalayo ko ang pag-iisip ko ng kalungkutan. Ngunit kakaiba ang naramdaman ko ng marinig ko ang kantang ito, pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon kung saan una kong nakita ang samson ng amazon, dahil yun din ang saktong panahon noong una kong narinig itong kantang 'to...magkikita sana kami kaninang umaga bago ako umuwi ng bahay kaso hindi naman natuloy...SIGH!

1 comment:

jim nev said...

awwww. para hindi matahimik, saksak mo sa amplifier yung music mo! yanigin mo buong barangay nyo. hehehe. ei, update mo na link ng blog ko. http://jimnev.blogspot.com