Friday, December 19, 2008

I Wish I Know Where The Wind Will Blow

Recently I heard that there will be a TOYCON again in megamall starting Dec 19 (friday) til Dec 21 (sunday), medyo kakaiba kasi usually once a year lang ginaganap ang TOYCON, but this time meron ulit for the sake of Christmas siguro...I excitedly told my friend about it, he is also in toy collecting (mas adik yun sa akin) kaya parehas kamin excited. Sabi ko saturday kami ng morning nalang kami magpunta kaso dahil biglaan naman nagkaroon ako ng lakad ng sat morning, kaya dahil dun ay hindi na kami sabay makakapunta, kaya naman minabuti ko ng pumunta kanina. Bago ako magpunta ay nagtext na din ako sa iba kong friends at baka sakaling available sila at pwede kaming tumambay kung saan, ngunit ilan lang sa kanila ang nagreply at nagkataon na hindi din sila available, nakakatamad kasing bumayahe ngayon dahil talagang sobrang dami ng tao sa labas at mas lalo na nung dumating ako sa mall, sangkatutak ang tao, dami kasing sale tsaka pakulo ng malls ngayon. Hindi na ako naglibot at wala naman akong ibang balak kundi check lang ang TOYCON at baka may mabili akong laruan, 30Php ang entrance fee nila, mas mura kaysa noon na 100php, siguro dahil ngayon ay medyo maliit lang ang space na occupied nila at mukhang wala masyadong arte sa event, dati kasi may mga raffle pa sila at mga awards-awards sa mga umaatend na naka-costumes (COSPLAY). Tingin tingin lang muna ako parang nasa palengke lang na papisil-pisil ng mga isda, check ko ang price ng mga natitipuhan ko at tanong tanong kung magkano yung ibang toys na walang price, may kamahalan talaga ang ibang toys lalo na yung mga nasa kahon pa at mga classic toys na talaga naman nakakapaglaway, pero dahil tight ako at wala akong planong gumastos ng malaki ay naghanap lang ako ng loose na toy na kaya ng budget ko, nakakatuwa dahil nakita ko na naman yung ibang mga laruan noong 80's, mga classic Transformers, G.I.Joe's, Voltes V at kung ano ano pa, may mga bust figures pa doon ng HellBoy at Terminator, kaso wala naman interes na kuhanan ng picture. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita na akong toy na matagal ko ng gustong magkaroon, "OMG! ITO NA!!! YEYYYYY!!!" sabi ko sa isip ko...kaso walang price, nung tinanong ko naman si manong na nagbabantay kung magkano, ang sagot nya lang ay hindi niya daw alam..."Haller..." kaya naman iniwan ko na muna yung toy at naglibot libot muna ako. Madami akong nakitang mga laruan na gusto kong bilhin,kaso ayokong lumampas ng 500Php ang gagastusin ko, hanggang doon lang!!! After several minutes of walking and sight seeing ng mga toys ay binalikan ko na yung toy na balak ko talagang bilhin at pagbalik ko ay may iba ng bantay, tinanong ko kaagad at 200Php daw yung toy, hindi pa nakuntento ang inyong lingkod at tumawad pa ako, kaso wala na daw discount yun dahil 1k ang price talaga nung toy kapag nasa kahon pa, sabagay sige na nga, "OK na to kahit hindi masyadong nagagalaw at wala na ang mga kasamang diorama"...kaya binili ko na siya! YEY ulit! and opkors gusto kong ipakita sa inyo ang toy na sinasabi ko...

Its JORGE "HURLEY" GARCIA of LOST!






Ganda ba??? Pero siyempre papaliguan ko muna siya, sasabunan at papatuyuin, lalagayan ng pabango, pupulbusan at itatabi sa pagtulog :-P Joke! lilinisan ko lang then ididisplay ko siya, gagawan ko nalang siya ng flag pole para mas mukhang ok. Hindi na ako gaanong nagtagal pagkatapos kong bumili dahil nagsisimula na akong mabato sa paikot ikot ko sa loob ng area...chineck ko ang phone ko dahil tumatawag pala yung isa kong kaibigan, kaso sabi niya hindi pa daw siya sure at iinform nalang daw nya ako kung makakalabas pa siya. Yung isa ko din kaibigan ganun din, inform nalang din daw ako. Lumabas na ako ng TOYCON dahil medyo naririnig ko na ang sikmura kong nagmumura sa gutom, as usual, pumunta ako sa peborit kong MCDO! lakad lang ako ng lakad, patingin-tingin sa paligid, muni-muni, pinagmamasdan ang mga taong nakakasalubong, karamihan bakas ang saya sa kanilang mukha, ang iba naman ay mukhang hindi mapalagay kung anong bibilhin nilang pang-regalo, lakad pa din ako ng lakad hanggang makapunta sa McDo, kakapagod din ah, mula dulo ng Mega B naglakad ako hanggang sa dulo ng Mega A noh! pero keri lang kasi madami naman akong nakikita sa paligid eh. Pagdating sa McDo ay umorder ako ng Chicken Fillet Meal, ngunit hindi daw available, so sige yung 1pc Chicken nalang yung thigh part sabi ko, hindi din daw available "Tangina naman oh" bulong ko...sige kung ano nalang meron, tapos yung 1pc chicken meal nila na float ang drinks ay 80Php, eh hindi ko feel ang float kaya sabi ko kung pwede yung ordinary na coke nalang, aba sabi ba naman 86Php daw? hala! bakit ganun?! at medium coke lang yun ah! hindi naman maexplain ng bruhang crew...so sige 1pc chicken meal nalang na float ang drinks! "MY GOODNESS! HINDI KO NA NAKAIN YUNG GUSTO KO!!!" nakahanap naman ako kaagad ng pwesto pagkatapos kong makuha ang order ko, in fairness ang daling makakuha ng upuan at table...habang kumakain ay biglang nagiba na ang pakiramdam ko, yung masigla at masayang Gwinchy ay bigla nalang nalungkot, parang bigla kong naramdaman yung pag-iisa ko, naalala ko tuloy yung sabi ko noon na mas mararamdaman mo yung pag-iisa mo kung nasa lugar ka na kung saan napaka-daming tao..."haaaaayyy" bugtong hininga nalang ang naririnig ko bukod sa pag-nguya ko sa pagkain, kinuha ko nalang si Hurley sa plastic at pinagmasdan at lalo akong nalungkot at parang gusto ko ng umiyak, "Paano pa kaya kung wala na siya dito..." pagkatapos kong kumain ay nagpunta muna ako sa labas upang manigarilyo at kumuha ng sariwang hangin at dahil kapaskuhan na ay talaga naman may kalamigan na sa labas...naupo na muna ako sa isang tabi at pinagmamasdan ang mga nagdadaanang sasakyan at mga tao habang himihithit ng usok, tiningnan ko ang cellphone ko kung may nagmessage na ngunit wala pa din kahit isa, talagang araw ko lang ngayon, biyernes kasi eh, yung iba nasa trabaho pa, yung iba naman malamang tulog na at may trabaho din ng maaga kinabukasan, haaayyy kung kailan mo kailangan ng kausap at kasama tsaka naman walang makausap...Pagkatapos kong manigarilyo ay naglakad na ulit ako at naghanap ng taxi na masasakyan, medyo may kahirapan pero hindi naman ako natagalan masyado na makakuha ng taxi. Kadalasan kapag sumasakay ako ng taxi ay nilalagay ko kaagad yung seatbelt at inuurong ang upuan paatras pala malayo ako sa dashboard, ngunit kanina bigla kong napansin na hindi ko ginawa yun, kaya naman nag-isip ako "sige nga subukan natin ang sinasabi nilang kung oras mo na, oras mo na para naman may thrill" naluluha nalang ako habang bumabyahe, magulong magulo ang isip ko, ayoko na ng ganito, sana matapos na to, sana bumalik na sa normal ang lahat...Medyo nahimasmasan nalang ako nung nakapasok na ako sa bahay at nakainom ng malamig na tubig...

...Sana alam ko kung saan direksyon umiihip ang hangin para alam ko kung anong desisyon ang gagawin ko...OK lang yan, kaya ko to...kakayanin ko to...kailangan lakasan ang loob.

1 comment:

Anonymous said...

ngayun ko lang nabasa itong entry mo.. nakakalungkot :(

don't worry walang iwanan hanggang sa huli gurl

- mel