Saturday, December 25, 2010

Blame it on Christmas day.

It was really nice to celebrate Christmas day with people you love. My family should always be complete during Christmas eve, We dine together when the clock strikes 12mn, then the best part, exchanging gifts...but that was before, like more than 10 years ago. Ever since my father died and my siblings got married, its very seldom that we get complete during Christmas eve which we all have to understand and accept.

Two days ago was Christmas eve, though were not complete, we still had fun, good food and a few exchange gifts, though i know it would be better if we were complete, but I guess the true meaning was to be with the ones you love, no matter what you have on your table or no matter if you dont have gifts to give and received.

Then came Christmas the following day, my family went to our relatives to have a sort of a mini reunion, my aunts, uncle and cousins were there, even our nephews and neices and grandparents too, we always do that on Christmas day.

But i had a small request, and that is to be with my special someone on Christmas day. But sad to say, it didnt happened. How i wish it did, even for just a short time, it could have, but it didnt. So now im just embracing the silence of being alone on this most awaited day of the year.

The silence that you hear, somehow brings back the memories.

Wednesday, September 15, 2010

Gaya-Gaya wala na bang Idea?

Mahilig akong manood ng sine at mga TV programs lalo na kung interesting ang palabas, pero kung ang papanoorin ko naman ay walang kwenta at ubos oras lang, mabuti pang matulog na lang ako o maglinis ng kuko!

Kung papapiliin mo ako ng local TV channel, paborito ko ang Kapuso, probably because malabo ang Ch2 dito sa bahay namin, as usual, palaging malabo ang signal ng Ch2, kaya madalas ang napapanood ko mga shows ng Ch7...which i like naman, well noon yun! Noong panahon pa ng Enkantadia at kasabay nito, noong panahon na hindi pa sikat si Marian Rivera at Capt. Barbel pa si Richard Gutierrez at Darna pa si Angel Locsin. Pero ngayon medyo disappointed ako sa mga palabas nila, bakit? parang wala ng creativity ang mga writers nila ngayon, madalas kasi ang mga palabas nila ay hango sa lumang pinoy movie, foreign soap o di kaya kinuha nila ang idea sa isang pelikula. Yung Babaeng hinugot sa aking tadyang, Stairway to heaven, Endless Love, yung Trudis Liit etc...Ngayon naman yung Grazilda nila ay halatang kinuha yung concept sa pelikulang Enchanted at yung Bantatay naman ay sa pelikulang Fluke...haaaayyy! Nagkataon lang ba ang mga ito?

Isa pang kinaiinisan ko sa mga palabas sa TV, esp teleserye ay ang walang kamatayang LOVE TRIANGLE na yan. Kung hindi lalaki ay yung babae ang pinag-aagawan, tangina wala na bang ibang tao sa mundo kung sila?

Thursday, August 26, 2010

HOMELESS NOT WORTHLESS

I made this video to help our poor friends on the street...just watch the video and see how you can help them...

Tuesday, August 03, 2010

THE PEACEKEEPER: Repainted

I have here a toy from the movie Astroboy, I havent seen the movie but based on the pictures online, i guessed this is his Arch Enemy "The Peacekeeper" It is an amazing toy that im sure that kids (like me) would love to have, why? because if you press the button on his chest, the lines on his body will light up...but still im bored so i thought of painting him to make him look like this...







Sunday, July 11, 2010

PUP PAMPERING

Yesterday, my partner and i went out to have his loving dogs some pampering, pampering meaning dog grooming... here is his dogs namely Chuy-Chuy and Sasha (the little one).


Chuy-Chuy


Sasha

POST SUMMER AT NASUGBU BATANGAS

Me and my friends went to Canyon Cove, Nasugbu Batangas and had our selves burnt by the scorching sun, but we had a good time though. We had a very relaxing weekend, we dipped in the pool, went to the beach and play with the sand and small rocks, we also did some photo shoots of our selves...

Here is one of my favorite shot...

SPAM

I got 52 comments on my march entry...all of it are spam messages and its all in japanese! Wondering what happened.

BEEN BUSY

Sometimes i just couldnt find time to write for my blog. Lots of things happened during the past several weeks. The question is where should i start...lets see.......OK ill start with career, I had a chance to work in a television network for almost 3 months, its just a contractual work though, but i really really enjoyed it!

The show is more of a dating game, most of you have probably heard TAKE ME OUT, well thats the name of the show, we had it here in Manila, it has been on air for 10 weeks, its first season, i dont know if there will be another one. I worked there for the Art Dept. we, which is me and my friend, are the ones who handled the props that is needed for the show. It was fun because i get a chance to see celebrities, lots and lots of celebrities, but i am a bit shy to mingle or take a picture with them, so i just look not stare, just look. The toxic part was that we have to be at the studio at 6am and we are so lucky if the shoot will end at 12mn...honestly, its only toxicating if i lacked of sleep, cos in the studio, we never run out of food and especially my favorite, COFFEE!

I am really thankful to be a part of that show, if you have been reading my past entries, you could tell that i am having a financial problem and that show helped me a LOT! So sad that it has ended soon, but i am still grateful that i never run out of freelance work. Thanks to my friends and my supportive partner! You brought smile to my face! I love you all!

A PLACE FOR MY COLLECTION

It was a very productive month for me last month, i earned a lot of money and i was managed to spend it wisely, so i bought a cabinet for my toys! Now i dont need to clean them again and again because of dust.



TOYCON June 19.

It is one of the much awaited event of the year for me. As a toy collector, i dont want to be left behind from the TOYCON...it was different this year, was better than the last few, why? because i went there with my partner who also like toys, im the one to blame that he start this kind of hobby.



How i wish i have a limitless budget when it comes to buying toys, but somehow i managed to buy a few.

my partner bought me this as a gift...no, actually its a price for not laughing for 10 seconds while he is tickling my belly inside the cab...



and i got this Thing...

Sunday, June 06, 2010

Aurora at Night

Isang gabi ay napagdesisyunan namin ng partner ko na mag-overnight nalang sa isang motel sa may cubao dahil medyo late na at wala kaming matutuluyan. Kaya naman sinilip namin ang motel na madalas namin tinutuluyan, mura kasi at hindi naman madumi ang mga kwarto, ngunit dahil weekend noon at napakadaming gustong mag-check in ay nahirapan kaming makakuha ng kwarto, kaya naman naisipan namin na tumingin nalang sa iba pang motel, at sa aming paglalakad ay nasaksihan namin ang mga nagaganap sa kalye ng Aurora blvd. tuwing gabi.

Mistulang "Meat Market" pala ang Aurora blvd tuwing gabi, nagkalat ang mga pokpok, lalaki at babae at syempre ang mga bugaw nila. May mga lalaking nakatayo lang sa isang banda na akala mo ay naghihintay lamang ng masasakyan, yun pala ay customer ang hinihintay, siguradong lalapitan at kakausapin ka nito kapag tumitig ka sa kanya. Mayroon din mga babaeng nag-aalok ng mga pokpok na babae para sa panandaliang aliw, karamihan sa mga babaeng pokpok na nakita namin ay talagang mga bata pa, siguro ang iba dito ay minor de edad, kadalasan naman ang mga bugaw ay matatanda na. Sa aming paglalakad ay madami kaming nakasalubong na nagaalok ng babae, hindi nalang namin pinapansin. Ilang oras na kaming palakad-lakad at ilang motel na din ang napagtanungan namin ngunit palaging puno, kung mayroon naman available ay sa motel na pagkamahal-mahal, malapit na kaming mawalan ng pag-asa ngunit hindi kami tumigil ng partner ko, naisip namin na subukan balikan ang suki namin na motel at baka sakaling may kwarto na at sa kabutihan palad ay tumama nga kami, may available ng kwarto at doon lang kami nakapagpahinga at nagpalipas ng gabi.

Siguro hindi na talaga mawawala sa mundo ang pagbebenta ng laman, kahit nga panahon pa ni Kristo ay mayroon ng ganito. Nakakaawa lang talaga yung mga minor de edad at pati sila ay napupunta sa landas na hindi tama. Siguradong hindi din nila gusto ang ginagawa nila kung may ibang paraan lang na mapagkukuhanan sila ng pera.

Sunday, April 25, 2010

1927...My Second Home






Hindi man ako ang may-ari ng bahay na ito, pero para sa akin, tahanan ang matatawag

ko dito, tahanan kung saan palaging may tawanan, biruan, kainan, iyakan, sabihan ng

tsismis at kung ano ano pa. Masasabi kong pangalawang tahanan ito lalo na tuwing weekend, hindi lang para sa akin kundi maging sa iba ko pang mga kaibigan at syempre kay Tabachuy ko. Lampas isang taon na din ang lumipas, nalalapit na ang pagpapaalam...Madami akong mamimiss sa tahanan na ito...

Mamimiss ko ang malakas na tubig na lumalabas sa shower, ang panonood sa mga nagsu-swimming sa kabilang building, ang pagyoyosi sa terrace, ang magandang sunset tuwing hapon, ang malakas na hangin tuwing nakabukas ang pinto sa harap at terrace, ang pagtae habang nakaharap sa sign na "PUSH", ang amoy ng ulam ng kapit-bahay, ang tunog ng tren kapag dumadaan, ang sigaw ni manong garbage, ang pagtulog ng sabay sabay kahit masikip, ang pagkain ng sabay sabay, ang panonood ng TV o pelikula ng sabay sabay at marami pang iba...

Madaming ala-ala ang dadalhin ko mula sa tahanan na ito, sana balang araw kapag mayaman na tayong lahat ay magkaroon tayo ng isang bahay na lahat tayo sama-sama, yung may swimming pool at may terrace din at mayroon entertainment room at syempre wifi! haaayyy...

In behalf of my Tabachuy and friends, Thank you very very much kay Nes at Bo sa pagpapatuloy, pagkupkop at pagpapasensya sa amin na palaging nanggugulo sa tahanan ninyo. You guys will always be welcome to my home sa oras na kailangan ninyo ng matutuluyan.

Tuesday, April 06, 2010

Its a new month again

Just like before, still no luck on my career as an artist, haaaay! A new month has arrived, luckily i still have a few per diem work which helps me survived plus with a help from my friends and partner too and also my mom.

I was almost hit by a rushing fire truck today, good thing i moved away so quickly. It made me think i am still lucky that i survived.

Monday, March 08, 2010

Hesitant

Dapat may job interview ako kanina, final interview na yun kaso hindi ko tinuloy dahil nagdalawang isip ako. Ewan ko ba, naguguluhan ako, naalala ko lang yung sinabi ng utol ko na "kung hindi ka sigurado, huwag mong ituloy" ...Naiisip ko yung Job Title na Graphic Artist/ Asst Marketing/ Taga-check ng Inventory. Sa tingin ko naman kaya kong gawin yun eventually kapag nasanay na ako, pero mas gusto ko kasi yung pending na Job na nilalakad nung isa kong kaibigan, hoping akong matuloy yun or kung hindi man, sana matuloy yung Business Proposal namin ng kaibigan ko na events coordinator.

Haaaaaayyy, sana tama ang desisyon ko, sana hindi ko to pagsisihan pagdating ng panahon.

Saturday, February 20, 2010

Pagbigyan na naman sana ako

Sabi nila kapag sunod sunod daw na may nangyayari sa iyong hindi maganda, ibig sabihin may magandang paparating sa buhay mo. Ngunit bakit ganun, noon pa sunod sunod ang hindi magagandang nangyayari sa akin pero hanggang ngayon ay wala pa din akong nararamdaman na magandang nangyayari sa buhay ko.

Ilang buwan na ang lumilipas, ilang beses na akong nag-aapply ng trabaho at hanggang ngayon ay wala pa din akong nakukuhang trabaho? ano bang problema sa akin? bakit palagi nalang hindi ako natatanggap... bakit ganun? bakit nangyayari ito sa akin. Ang bigat bigat na sa dibdib, gulong gulo na ako. Minsan naiisip ko tuloy na parang sinasadyang mangyari ito sa akin.

Hiyang hiya na ako sa partner ko na tuwing lalabas nalang kami ay siya ang sumasagot. Hiyang hiya na ako sa kanya na tuwing kakapusin ako sa pera ay nanghihiram ako sa kanya. Hiyang hiya na ako sa pamilya ko na tuwing uuwi nalang ako ay maduming damit ang pasalubong ko sa kanila. Hiyang hiya na ako sa sarili ko na parang wala na akong maipagmalaki.

Gusto ko ng magkaroon ng trabaho na siguradong magtatagal ako at sasaya ako. Yun lang ang nakikita kong pinakamalaking problema na hinaharap ko sa kasalukuyan...Putangina naman, sana naman mapagbigyan na ako sa mga hinihiling ko.

Wednesday, February 17, 2010

Palimos ng Puhunan

Ilang araw na naman akong nawala sa bahay namin, halos isang linggo, ubos na naman ang kinita ko noong nakaraang miyerkules at sabado, wala na naman akong maiuuwi sa pamilya ko kundi maduduming damit.

Wala na naman nangyari sa mga inaplayan ko, bakit ba ganun. haaay gusto ko ng bisnes kaso wala naman puhunan. palimos nga ng puhunan diyan? hehehe!

Friday, January 22, 2010

Signs sa Refrigerator

Wala na naman laman ang loob ng refrigerator namin kundi tubig at itlog, mga sachet ng catsup sa fastfood, konting gulay sa vegetable tray at kapirasong mga karne sa loob ng freezer, itoy isang senyales na wala na naman kaming pera pambili ng pagkain, kapos na naman ang budget, naisip ko na malamang malaki ang binayad sa kuryente ngunit doon ako nagkamali, dahil nakita ko na nakaipit ng ref magnet ang bill ng meralco at hindi pa ito nababayaran. Haaayyy buhay, may sadyang pinapalad at meron hindi.

Bakit nga kaya ganun, minsan kahit anong bait ng isang tao sa kapwa niya ay hindi siya makatanggap ng magandang sukli at meron naman mga tarantadong tao na sobrang pasarap sa buhay dahil tuloy tuloy lang ang dating ng grasya sa kanya...siguro may oras din siya, gaya nga ng sabi nila, ang buhay ng tao ay parang gulong, minsan nasa itaas ka, minsan nasa ibaba ka...sa akin, tingin ko flat na yung gulong ko.

Thursday, January 07, 2010

mixed emotions

frustrated...

happy...

no i am frustrated...

broke...

can't think of anything to get instant money...

probably sell something...

no...

thats not a good thing to do...

where is work when you need one...

why is it taking so long to arrive...

still no reply from the company...

sad...

teary eyes...

sleepless nights...

i hope opportunity knocks on my door...

soon...

very very soon.