Sunday, September 28, 2008
Sunday, September 14, 2008
COULD IT BE A SIGN???
and especially this
I will tell you a weird story about these colors, but first I will let you know what happened to me before the weird and unexplainable day happened, this story is a bit long but I am sure it is worth reading it...
Napaka-weird at napaka-unexplainable ng nakaraan kong biyernes at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang sagot sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko alam kung napaglalaruan ba ako ng kung ano o talagang nagkataon lang. Bago nagsimula ang unexplainable day ay pumasok ako noong thursday sa office na kulang na kulang sa tulog, 3 hours lang akong nakatulog dahil may importante akong ginawa, since last day of work ko naman for that week ay naisip ko na ok lang akong magpuyat, pagdating ko sa office ay nagkape muna ako para medyo magising at ganahan ako sa pagtatrabaho. Ilang oras pa lang ang lumilipas ay tinamaan na ako ng pagkahilo, as in hilong hilo ako at nakakatulugan ko na ang mga customer na kausap ko at madalas ay minamadali ko nalang ang mga tawag para matapos na kaagad at maipikit ko ang mga mata ko, hanggang sa hindi ko na kinaya ang pagkahilo at nagpaalam ako na pupunta ako sa clinic upang manghingi ng gamot. Pagdating ko sa clinic ay tiningnan ng nurse ang blood pressure ko, OK naman daw 110/70, then binigyan nila ako ng gamot para mawala ang hilo ko. After that ay bumalik na ako sa station ko pero pakiramdam ko ay hilong hilo pa din ako at gusto na ng katawan ko ng mahabang pahinga, tiniis ko lang ang lahat kahit sobrang barubal na ng pag-take ko ng calls hanggang sa "kkrrruuukkkkk" ang tunog na kahit sino mang nilalang sa mundong ito ay hindi gustong marinig, ang tunog na nakakapangilabot, ang tunog na talagang pagpapawisan ka ng munggo-munggo, ang sinasabi ko ay ang tunog ng echas na gusto ng kumawala sa loob ng aking sikmura..."PUTANGINA! bakit ngayon pa 'to nangyari, bakit kung kailan queuing pa kami, kung kailan hilong hilo ako sa antok, kung kailan 5 oras pa ang dapat kong bunuin para matapos ang araw ko"...hindi ko na kaya pang pigilan, pakiramdam ko na nauutot ako ngunit sa sandaling bitawan ko ang utot ay siguradong sasama ang jerbaks na naghuhurumintado na sa aking sikmura..."ITATAE KO NA TO!" at yun na nga ang naging desisyon ko, kaya kahit lampas na ako sa maximum minutes ng bio break namin ay hindi ko na ito pinansin at siguradong mas masaklap kung sumambulat ito sa loob ng floor...Dali dali akong tumakbo sa kubeta upang maglaglag ng bomba, pag-upong pag-upo ko palang ay "BBBBRRRAAAAKKKKKK!!!!" nagmistulang Hiroshima ang inidoro at binugahan ng bomba, kalat kalat at halos lumampas sa labas ang jerbs na nagwawala mula sa aking sikmura, matubig at talagang walang kasing baho ang amoy nito at kinailangan ko pang magsindi ng lighter upang pugsain ang nakakapangilabot na amoy na nagmamantsa at tumatambay sa ilong, tumagal din ako ng halos 5minuto sa loob ng kubeta at talaga naman guminhawa ang pakiramdam ko at kaagad akong bumalik sa station ko upang magtrabaho muli...Ang buong akala ko ay ganun lang yun, hindi pa pala, nasundan pa ng ilang beses ang pagbalik ko sa kubeta at talagang hinang hina na ako kaka-jerbaks at dehydrated na ako, wala na akong panlasa at ganang kumain, ang gusto ko nalang gawin ay umuwi at matulog ng matagal, sa tingin ko kaya nasira ang sikmura ko ay dahil sa gamot na binigay sa akin ng clinic namin...putaninanginang gamot yan!At sa wakas ay natapos din ang araw ko sa pagtatrabaho, niligpit ko na kaagad ang gamit ko at daglian lumabas ng opisina, nagbabadya ang panahon ng malakas na buhos ng ulan kaya nagmadali na akong maglakad papunta ng sakayan kasabay ay isa kong ka-opisina, hilong hilo pa din ako sa kakatae at sa sobrang kaantukan ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, hindi na kami umabot sa sakayan at sumilong muna kami ng ka-opisina ko upang magpatila, kwentuhan lang muna kami habang naninigarilyo, mura na ako ng mura dahil gustong gusto ko ng makauwi, halos kinse minutos din kaming nagpatila at sa awa naman ng diyos ay nakapaglakad kami papuntang sakayan at nakasakay naman kami kaagad...Pagdating ko sa bahay ay bagsak kaagad ako sa kama, hindi na ako nakakapagpalit ng damit at basa basa pa ang t-shirt kong suot, hindi na ako makabangon pagkalapat ng katawan ko sa malambot na kutson, ngunit naisip ko na hindi pa pala ako kumakain mula pa noong 11pm ng nakaraang araw kaya kahit hirap na hirap ako ay pinilit ko pa din bumangon at nagpalit ng damit sabay kain. Kakaiba na ang pakiramdam ko, nagsisimula na akong lagnatin dahil siguro sa sobrang puyat at nabasa kasi ako ng ulan. Nakipagkwentuhan muna ako sa kapatid ko pagkatapos kong chumicha, sinalampak ko ang patang-pata kong katawan sa sofa upang makapag-relax hanggang sa hindi ko namalayan ay bumiyahe na pala ako papuntang dreamland...lumipas ang isang oras sa pagkakatulog ko sa sofa ay pinalipat ako ng nanay ko sa kwarto upang makapagpahinga ng maayos, lumipat naman ako kahit hirap sa pagbangon, alas 3 na ng hapon ng makatulog ako sa kama...Naalimpungatan ako dahil nanginginig na ako sa sobrang ginaw at nagbabaga na din ako sa sobrang taas ng lagnat kaya naman nagkumot ako at pinatay ang electric fan...kung ano ano ang napapanaginipan ko, sigaw ako ng sigaw at sa bawat sigaw ay nagigising ako, naghahalucinate na ako dahil sa trangkaso. Naalala ko pa na ginising ako ng nanay ko upang ayain na kumain at uminom ng mainit na kalamansi na may honey ngunit ang sagot ko lang ay "Opo babangon na ako mamaya" ngunit tuloy tuloy pa din ako sa aking pagkakahimlay hanggang sa gumising na ako ng ala-6 ng umaga, imagine, nakatulog ako ng 3pm - 6am the following day na! Sabi ko sa sarili ko na tama na ang tulog at lumipas na ang napakahabang oras, napansin ko din na wala na akong lagnat ngunit ang sakit ng ulo ko dahil sa walang laman ang tiyan ko. Hindi na ako ulit bumalik sa kama at nagsipilyo muna ako bago kumain dahil pakiramdam ko na sobrang baho na ng hininga ko at puno na ng bacteria ang bibig ko. Naligo din ako kaagad at nagbihis pagkatapos kumain upang makaalis ako kaagad ng maaga sa bahay dahil pupunta ako sa clinic upang magpa-annual check up.
Pagkaalis ko ng bahay ay dito na nagsimula ang hindi ko mapaliwanag, medyo masama pa din ang panahon, maulap pa din at medyo umaambon ambon at habang nakasakay ako sa FX at nakadungaw sa bintana ay napansin ko ang mga kulay ng damit ng mga tao sa kalsada. Napansin ko na ang ganda ganda ng combination ng kulay, perfect para sa isang photo shoot, may naka-purple, turquoise blue at magenta, binaliwala ko lang ito dahil ano ba naman diba kung maganda ang combination ng mga damit nila. Pagdating ko naman sa MRT ay napansin ko din na may nakapurple na naman at may naka-magenta at turquoise blue..."hmmmm parang...ay nagkataon lang siguro" sabi ko sa sarili ko. Lumipas ang ilang oras at nagpunta na ako sa clinic, pagdating ko doon ay kinuhanan ako ng urine sample at dugo, nagpa-x-ray din ako ng baga at tapos konting interview ng doctor, kinabahan nga ako kasi baka mamaya may sakit na pala ako na hindi ko pa alam...anyway, pagkatapos ng mga test chuva at interview ek-ek ay pinaghintay nalang ako ng doctor sa waiting area upang tawagin ako. At sa aking paghihintay ay napansin ko na lahat ng mga assistant dun ay nakapurple..."OMG! this is too much to be a coincidence!" at hindi pa dun natapos yun, ilang saglit lang ay biglang may pumasok na babae na magpapacheck-up at naka-purple din tapos may pumasok na naman na isa pang babae na nakalavender naman tapos biglang may dumating naman na naka turqouise blue at biglang may nakamagenta..."My god, anong ibig sabihin nito...bakit halos lahat naka-purple?! Sign ba ito?! pero sign ng ano?! bakit nangyayari ito?! ako lang ba ang nakakapansin nito?! hindi...hindi totoo ito! masyado lang akong pagod at kung ano anong naiisip ko" natapos ako sa clinic at dumiretso ako sa trinoma upang kumain muna ng hapunan...mas lalong umikot ang ulo ko pagdating ko sa mall, hindi sa dahil napakadaming tao sa paligid, kundi napakadaming tao na may suot suot na purple/violet/lavender..."OH MY GOOOOODDDDD!!!!! THIS AINT HAPPENING!!! THIS IS NOT REAL!!! Natutulog pa din ba ako? nananaginip lang ba ako? hindi eh, gising na ako, gising na gising na ako eh! " hindi ako mapalagay sa mga nakikita ko, sa mga napapansin ko, pakiramdam ko para akong nasa TWILIGHT ZONE! "OK kung isa itong sign, then give me a sign and let me know what is it for" yan nalang ang sinasabi ko sa isip ko...then nagkita na kami ng kaibigan ko at tumuloy kami sa megamall upang kitain ang iba pa namin kaibigan, matagal din kaming paikot ikot sa megamall at parang wala na akong napapansin na nakasuot ng purple o violet o lavender...haayyy si medyo nahimasmasan na ako. Nagkayayaan kaming kumain muna sa Jollibee ng mga kaibigan ko at yung isa daw namin kaibigan ay dadaan din sa Jollibee pero hindi siya makakasama sa gimik namin dahil may naka-set na din siyang lakad...at habang kumakain na kami ay dumating na yung isa naming kaibigan and guess what? HE'S WEARING FUCKING PURPLE!!!!!!!!! ano bang meron sa kulay na to?! Pagkatapos nun ay hindi ko nalang inintindi kung makakakita pa ako ng mga taong nakakulay purple at nagsaya nalang kami ng gabing iyon hanggang sa umuwi kami, masaya naman ang gabi namin, puno ng tawanan at kulitan at kwentuhan ngunit pagdating ko sa bahay ay naalala ko na naman yung tungkol sa kulay purple..."search ko nga sa net" sabi ko and these are the stuff that I found over the net... According to the website http://www.sensationalcolor.com/
Purple embodies the balance of red's stimulation and blue's calm. This dichotomy can cause unrest or uneasiness unless the undertone is clearly defined, at which point the purple takes on the characteristics of its undertone. With a sense of mystic and royal qualities, purple is a color often well liked by very creative or eccentric types and is the favorite color of adolescent girls...Adolescent what??? GURLS???
at ito pa...
Purple around the globeIn Thailand, purple is worn by a widow mourning her husband's death. The purple in the U.S. military Purple Heart award represents courage. The Purple Heart is awarded to members of the United States armed forces who have been wounded in action.
In Tibet, amethyst is considered to be sacred to Buddha and rosaries are often fashioned from it.
A man with the rank of Roman Emperor was referred to as "The Purple" -- a name that came from the color of the robe he wore.
In Japan, the color purple signifies wealth and position.
Purple was the royal color of the Caesars.
In pysanky, the traditional Ukrainian form of egg dying, purple speaks of fasting, faith, patience, and trust.
Purple denotes virtue and faith in Egypt.
In Tudor Britain, violet was the color of mourning, as well as the color of religious fervor.
Traditionally, in Iran, purple is a color of what is to come. A sun or moon that looks purple during an eclipse is an omen of bloodshed within the year.
So hindi pala lahat positive dahil it symbolizes DEATH...scary diba?
there are other meaning pa like Purple is the color of good judgment. It is the color of people seeking spiritual fulfillment. It is said if you surround yourself with purple you will have peace of mind. Purple is a good color to use in meditation. Purple has been used to symbolize magic and mystery, as well as royalty. Being the combination of red and blue, the warmest and coolest colors, purple is believed to be the ideal color. Most children love the color purple. Purple is the color most favored by ARTISTS. Thursday's color is purple.
Madami pang ibang kahulugan sa mga websites na napuntahan ko tungkol sa kulay na ito at kadalasan parehas lang kaya hindi ko na ilalagay dito at baka bukas ka na matapos sa pagbabasa... Ano nga kaya ang ibig sabihin sa akin nitong purple color na ito? senyales ba sya o sadyang nagkataon lang talaga? what if isa siyang sign? So what do you think? am I being crazy or what?
kanina ko lang ito sinulat sa opisina namin at paglabas ko ng opisina...bumulaga sa akin ang babaeng nakakulay PURPLE!
Tuesday, September 02, 2008
Toys that I could'nt resist
Monday, September 01, 2008
ISTORYANG CELLPHONE
...
...
...
Dalawang linggo na ang lumilipas mula ng nasira ang cellphone ko, wala pa din siyang signal...naisipan kong bigla na "ano kaya kung i-synch ko siya sa kompyuter ngayon?"..hindi na ako nagatubili pa, binuksan ko kaagad ang kompyuter at kinuha ko kaagad ang kable ng cellphone ko upang i-synch ito, nilagyan ko siya ng sim at...dan-da-da-dan-daaann!!! Na-detect kaagad ng PC yung cellphone! Hinanap ko kaagad dun sa program ng synch kung may pang-update ba ng cellphone...hanap...hanap...hanap...at habang nahihilo na ako sa kakahanap ay naisipan kong damputin ang cellphone ko...TARAN!!!!!! MAY SIGNAL NA SIYA ULIT!!!! YEHEYYYYYY!!!! Bumalik na sa dati yung cellphone ko hindi na siya nawawalan ng signal! MABUHAAAAAAAAAYYYY!!! GAGALING!!! GAGALING!!! Masayang masaya ako noon at hanggang ngayon dahil nagagamit ko na ulit ang nokia phone ko, magkasama na ulit kami palagi, kasama ko na siya ulit sa pakikipagusap ko sa mga kaibigan ko, sa mga kamag-anak ko, sa pagkuha ng mga litrato, pakikinig ng music...haaaaayyy Nokia 6230i ko...Mahal na mahal kita!