Wednesday, April 30, 2008

EVERY PEKLAT HAS ITS STORY

Naniniwala ako na lahat ng tao may peklat, Iba't ibang klaseng peklat. May peklat na maliit, may peklat na malaki, may peklat na kulay pula, may maitim, may puti, may nakaumbok at ang karaniwang peklat, ang makintab na peklat. At naniniwala ako na ang bawat peklat sa ating katawan ay may nakalaan na istorya. Peklat na magpapaalala sa atin ng nakaraan, Peklat na makakapagpaalala sa atin na minsan naging tanga din tayo. Peklat na makakapagpaalala sa atin ng matinding aksidente at peklat na makakapagpaalala sa atin ng isang pangyayari na ayaw na nating maalala.
Bata palang ako may peklat na ako sa ulo ko, Grade school ako noon, naalala ko pa kung bakit ko nakuha ang peklat sa ulo ko. May alaga kasi kaming aso na si Daisy, ordinaryong aso lang si Daisy, medyo malaki, pero askal lang, matatalim ang kanyang mga kuko, malalaki ang pangil at nakatali siya sa kanyang kulungan na yari lamang sa mga lumang kahoy at gamit na yero. Isang araw habang naglalaro ako sa bakuran namin, naisipan kong sundutin ng isang hibla ng walis ting-ting ang butas ng tumbong ni Daisy, hindi ko naalala na wala pala siya sa pagkakatali niya noon at hindi ko din napansin na bumubungisngis na pala siya, senyalis na galit na siya. Patuloy pa din ako sa pagsundot ng kanyang pwet, gamit ang hibla ng walis ting-ting ng bigla na lamang niya akong sinunggaban, bumaliktad ako sa aking pagkakatayo...Yun na lang ang huli kong naalala dahil nawalan daw ako ng malay. Nalaman ko nalang na may sugat pala ang ulo ko at ang kwento sa akin ay patuloy daw ang pag-agos ng dugo nito pero napatigil din. Sa awa ng diyos naka-survive naman ako at hindi na kinailangan na dalhin pa ako sa ospital. Mula noon takot na akong lumapit kay Daisy, hindi ko na siya bati, wala siyang pagmamahal na natanggap mula sa akin. Namatay si Daisy mga ilang taon ang lumipas, paniwala namin nilason siya ng isang tarantadong kapit-bahay namin, kasi bumubula nalang ang bibig ni Daisy pagkamatay niya. Ang moral lesson sa story kong ito ay wag mong sundutin ang pwet ng may pwet gamit ang kung ano-anong bagay. At dun ko din natutunan na kapag ang isang aso pala ay bumubungisngis na, ibig sabihin pala nun ay galit na siya at malapit ng manakmal.
PEKLAT: ULO
PINANGGALINGAN: KALMOT NG ASO
May isa pa akong peklat, dahil pa din sa aso, Grade school student pa lang din ako, Grade 6. Sa pagkakataon na ito ay harap harapan naman akong nasakmal sa tenga, muntik ng maputol ang bahagya ng tenga ko noon. Naghaharutan kasi kami ng aso kong si Fudge sa loob ng bahay namin, habang ang buong pamilya ay busy sa panonood ng telebisyon. Si Fudge ang tipo ng aso na mabilis mainis, konting madiinan mo lang ang kanyang katawan ay kakagatin ka na niya, pero marahan na kagat lang, yung may alalay na kagat, hindi masyadong madiin. Pero noong gabing iyon iba ang natanggap kong kagat mula sa kanya, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya basta bigla na lamang niya akong nilapa. Akala ko noon ay nakaiwas ako sa matinding sakmal niya sa akin. Patuloy pa din ako sa paglalaro ko sa kanya kahit nagulat na ako sa biglaan niyang sakmal. Ilang segundo palang ang nakakalipas ay naramdaman ko na masakit ang tenga ko, hinawakan ko ang aking tenga at nasalat ko na parang basa ito at lalo pang sumasakit, pagtingin ko sa aking mga daliri, puno na ito ng dugo, natakot ako sa aking nakita kaya sinabi ko kaagad sa nanay ko na nakagat ang tenga ko. Dali dali akong bumaba papunta sa kubeta para hugasan ko ito, pero gaya ng natamo kong sugat sa ulo ko, wala din tigil ang pag-agos ng dugo nito, natakot ako kasi baka hindi na tumigil ang pag-agos ng dugo. Sa awa ulit ng panginoong may kapal, tumigil naman ito. Nilagyan nalang namin ng band-aide ang tenga ko pagkatapos linisin ng alcohol at betadine. Nag-keloids na ang sugat, isa na lamang siyang alalaa ng aking aso, isa sa paborito ko pa namang aso si Fudge, kahit na sinakmal niya ako, mahal na mahal ko pa din siya. Ilang taon din kasi kaming nagkasama ni Fudge, binili ko siya sa halagang 100 sa aking kaklase, at hanggang lumipat kami ng bahay kasama ko pa din siya. Kaya talagang iniyakan ko ang pagkawala ni Fudge,"WAAAAAAAHHHH FUDGE KO, FUDGE KO BAKIT MO AKO INIWAN???" yan nalang ang nasabi ko noong namatay siya. Ginupit ko pa nga ang dulo ng kanyang balahibo sa buntot bilang alalaa, pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nailagay yun.
PEKLAT: KANAN NA TENGA
PINANGGALINGAN: SAKMAL NG ASO

Madami pa akong peklat, yung iba dahil sa bubog, sa semplang sa bike at sa kung saan saan pang aksidente. Ikaw i-share mo ang peklat story mo? parang isang larawan din yan na makakapagpaalala sa iyo ng isang pangyayari.

DAGLIANG PAGPAPAALAM

Pang sampung araw na ng bagong taon. May napapansin ka bang pagbabago? ako wala pa, siguro mga ilang buwan ko pa mapapansin. Madalas pa din akong puyat, naninigarilyo pa rin ako, hindi pa din bagsak ang buhok ko, wala pa din akong stable job, mahilig pa din ako sa laruan, makapal pa din balbas ko at higit sa lahat ay hindi pa din ako nilalayasan ng mga punyetang tigyawat!!!
Ubos na ang pera ko, wala na yung mga naipon ko noong pasko, di ko alam kung saan napunta yung iba.Teka teka...naisulat ko na yata ito sa isa kong blogs eh paulit ulit lang ako eh. Maiba naman... One year na rin palang nakakalipas ang trahedyang gumulat sa buong mundo ANG TSUNAMI na kung saan ay napakaraming namatay at naulila. Kumusta na kaya sila? nasaan na kaya ang mga kaluluwa ng mga namatay? Natanggap na kaya ng mga namatayan ang pagkawala nila? Paano kaya nila sinelebrate ang Christmas at New year? sana masaya na silang lahat, yun lang ang panalangin ko.
Halos isang taon na din nakakalipas ang pagkamatay ng isa kong kaibigan. Naalala ko siya noong pasko, Naalala ko siya sa di mapaliwanag na dahilan, siguro dahil magkakasama kami ng pamilya ko, samantalang ang pamilya niya ay kulang na. Unang pasko nilang iseselabrate na wala ang aking kaibigan, sana masaya sila. Madalas ko siyang naalala tuwing nasa mall ako, madalas kasi kaming magkasalubong dun at magchikahan ng kung anik anik. Mabait siya, minsan isip bata pero carry lang, bata pa naman talaga siya eh at isa yun sa pinanghihinayangan ko, nawala siya ng napaka-aga. Madami pa sana siyang pwedeng gawin, madami pa sana siyang pwedeng pasayahin...pero siguro hanggang dun nalang talaga ang chapter ng buhay niya dito sa mundo.
Isa sa matalik ko din kaibigan noong college ang iniwan na ako. Namaalam siya noong 31st ng Disyembre. Hindi ako makapaniwala na wala na siya, pero sa tagal tagal ay natanggap ko na din. Parang Big Brother ko siya noong college ako, madalas kong kakwentuhan ng kung ano ano, lalo na pagdating sa pelikula. Madalas din kaming magbiruan, kumain ng sabay, lumabas sa school ng sabay... Noong nakapagtapos ako ng college isa siya sa mga una kong dinadalaw kapag nagpupunta ako sa skul. Pero ngayon wala na siya, iba na ang nasa desk niya kapag dumaan ako dun, di ko na makikita ang mga ngiti niya, hindi ko na maririnig ang halakhak niya tuwing magpapatawa ako...Siguro hanggang dun nalang din talaga ang oras niya dito sa mundong ito. Mamimiss ko siya, lalo na tuwing dadalaw ako sa skul.
Kung nasan man sila ngayon, sana sumalangit ang kanilang mga kaluluwa. Ganun talaga ang buhay, may dumadating may umaalis, masakit man sa atin ngunit dapat patuloy lang tayong mga naiwan nila sa paglakbay sa daan na ating tinatahak.

Doktor Doktor I am sick...

Kawawa siguro ang mga doktor kapag wala ng taong nagkakasakit, wala na kasi silang gagamutin. Kung ako sa kanila, i-boboycot ko ang mga nagtitinda ng gamot sa botica para maraming magkakasakit at kapag nangyari yun, marami silang gagamutin, may trabaho pa rin sila.

ako'y nauuhaw

Isang gabi na naman na hindi ako makatulog, pakiramdam ko pinamumugaran na naman ng mga insekto ang isip ko, Mga insektong puro tanong, mga insektong madaming pangarap, mga insektong madamdamin, mga insektong masaya, mga insektong galit at mga insektong sadyang di lang mapakali at walang dahilan.
Kanina nakakita na naman ako ng lalaking naglalaro ng Gameboy sa loob ng mall, haaaaayyyy! napahinga nalang ako ng malalim, dapat may Gameboy na din ako ngayon. Naubos ang pera ko sa pambili ng mga regalo. Masaya naman eh, kahit na hindi ko nabili ang pinakagusto kong mabili noong christmas. Di bale madami pa naman araw. Siguro kapag may maganda na akong trabaho bibili nun. Hindi naman kaagad agad mawawala yun eh. Pero may isa akong alam na madalas ay bigla nalang nawawala. Yun ay ang Pag-ibig. kapag nawala, di mo alam kung paano mo ulit makikita, di mo alam kung paano mo ulit papalitawin at di mo alam kung paano mo pa ba maibabalik. Posible naman, pero kadalasan matagal ang proseso. Puwede mo itong ihambing sa proseso ng paghahanap ng trabaho... Madaming kailangan mga papeles, may interview, may exam aaaaahhh leche!!! Naiinis ako tuwing naalala ko ang mga sakit na natanggap ko noong nakaraang taon, anak ng puta hanggang ngayon dumudugo pa din, di pa rin gumagaling, sugatan pa din ang puso ko. Saan ko ba mahahanap ang gamot na magpapagaling sa sugat na to, kanino ko ba malalaman ang reseta? SAAN? SAAN? SAAN? Diyos ko, pinapaubaya ko na sa inyo ang lahat, gabayan niyo nalang ako sa bawat araw na aking tatahakin. Alam ko naman na alam niyo kung anong gusto ko at kung ano ang makakabuti sa akin...ayan nagiging relihiyoso na nanaman ako. Hanggang kailan ba ako magkakaganito...puro ganito nalang ba ang isusulat ko sa blogs ko? mga hinanakit? NAKAKASAWA NA!!!!! NAKAKAIRITA NA!!!!!! PUTANGINAAAA!!!!!!!
Tubig...kailangan ko ng tubig... ako'y nauuhaw...kailangan mahimasmasan ako...

THE ABYSS

Dear diary What is wrong with me Cos I'm fine between the lines
Ako nga ba ang may mali? ako nga ba ang dapat may baguhin sa sarili ko? ako nga ba dapat ang umintindi nalang palagi sa sitwasyon? o dapat bang manatili nalang ako kung ano ako at lalo ko nalang pagbutihin ang mga susunod ko pang gagawin sa buhay ko? Bakit ganun, kung sino pa ang gusto mong mahalin, siya pa ang palaging nasa malayo, palaging lumalayo, palaging nawawala, palaging nangiiwan.
Be not afraid Help is on its way A sentence suspended in air Way over there
Ang pinakakinakatakutan ko lang ng matindi ay ang ang mabuhay ng walang nagmamahal sa akin, isang taong kasama mo hanggang sa huli, isang taong makakaintidi sa lahat ng bagay na gagawin at ginagawa mo kahit ano pa ito, isang taong ipapakita sa iyo kung mali ka ba o tama, isang taong hindi ka iiwanan kahit ano man ang mangyari. Nandyan siya kapag may masaya ka, nandyan kapag malungkot ka, nandyan kapag may sakit ka, nandyan kahit na nasaktan mo siya at kaya kang patawarin. PERO HINDI !!! wala akong makitang ganun...kung meron man, sana dumating ka o baka nandyan lang siya at hindi ko napapansin? hindi ko alam. magulo talaga ang isipan ko sa ngayon.
Dear diary What else could it be As nightshade descends like a veil
Ano pa nga bang meron? sana kakaiba naman ang haharapin ko sa bagong umaga. Sana may mas maganda ng mangyari sa buhay ko. At kung mayroon man magandang mangyari sa akin, sana mayroong akong makakasama sa mga tuwa ko, sa aking mga tagumpay, sa aking paghalakhak at sa aking pagluha.
Under the sail of my heartBe still Don't stop until the end
Hindi ako dapat magpatalo sa kalungkutan, dapat bumangon ako na nakataas pa rin ang noo. Dapat hindi ako tumigil, alam ko may misyon pa akong dapat gawin hangga't akoy humihinga. Hindi pa huli ang lahat ...hindi pa ... hindi pa.
Dear diary What is wrong with me? Cos I'm fine between the lines Be still, my heart Don't start until...


I am crying while im writing right now and this time i know the reason... it's because of deep sadness.
"am i not supposed to have what i want? am i not supposed to have what i need? what should i do?"

MANIGONG BAGONG TAON

Nagpaalam na ang taong dalawang libo at lima sa ating lahat, at nagiwan ito sa atin ng iba't ibang ala-ala, masasaya at malulungkot, depende kung ano ang gusto nating alalahanin at gusto na nating kalimutan sa nagdaang taon. Sa akin, marami ding masasayang ala-alang iniwan ang 2005, pero sa tingin ko mas marami ang hindi malilimutang pait na iniwan niya sa akin, lalo na ang mga heartaches. Ayoko mang alalahanin pa ang mga ito, pero hindi ko naman magawa, siguro hindi lang talaga ganun kabilis malimutan kapag nasaktan ka ng malalim hanggang buto. Hindi ko na rin kailangan isa isahin pa ang mga ito.
Ano naman kaya ang masasalubong ko ngayon 2006? may maganda na kaya akong trabaho na makukuha? May mga bagong kaibigan kaya ulit akong makikilala? Makakapag-abroad kaya ako? Magkakaroon na ba ako ng sariling bahay at lupa? Magkakaroon kaya ako ng sariling sasakyan? Makakabili na kaya ako ng Gameboy Advance SP? (OO,Masakit sa akin na hindi ako nakabili,punyeta!!!) May bagong pag-ibig kayang darating? (sana siya nalang ulit) ang sagot ay hindi ko pa alam, malalaman ko lang ang sagot sa aking mga tanong kapag natapos na ang 2006. Sa ngayon, hahawak nalang ako ng mahigpit kung ano ang naiwan sa akin, gagamitin ko nalang sa magandang paraan kung ano ang mayroon ako, dahil dun ko lang makakamit ang mga bagay na hinihiling ko. Naniniwala ako na kung ano ka ngayon ay bunga ng lahat ng pinagdaanan mo mula noong isinilang ka. Hindi mo masisisi kung may mga taong masama, yun ay dahil kung ano ang nakagisnan nila, sana lang ay may oras pa silang magbago o baguhin ang kanilang sarili. Sa mga taong mababait naman, posible pa rin silang magbago, depende nalang yun sa kagustuhan nila. Ako, kung gusto ko man magbago, gusto ko sana ay mas lalo kong mapasaya ang tao sa paligid ko, lalo na ang mga taong mahal ko, gusto ko sana na lalo pa silang maging proud sa akin (kung proud nga ba sila). Para sa akin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, maging mabait lang ako, kahit na mawalan ako ng pera, kahit na hindi ako makapanood ng sine, kahit na hindi na ako makatikim ng french fries sa McDo, kahit na galisin pa ang alaga kong aso, kahit magsimatayan pa ang mga isda namin, kahit na iwanan ako ng mga kaibigan, kahit na mawalan ako ng taong pinakamamahal ko, kahit na walang magmahal sa akin pabalik, kahit na itakwil ako ng mga kamag-anak ko at kahit na mag-isa nalang ako...dapat maging mabait pa din ako...naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may kahulugan, kailangan lang natin tumingin sa matitingkad na kulay, para sa ganun ay hindi tayo mapunta sa landas na hindi tama.
Para sa lahat, HAPPY NEW YEAR SA INYO! Naway makita ninyo ang inyong hinahanap at ninanais sa inyong buhay!!!

Bakit kaya tuwing umaga....


Bakit kaya tuwing umaga maingay ang mga Manok?
Bakit kaya tuwing umaga matigas ang manoy?
Bakit kaya tuwing umaga mahamog?
Bakit kaya tuwing umaga madaming nagwawalis?
Bakit kaya tuwing umaga may nagsisiga ng mga basura at tuyong dahon?
Bakit kaya tuwing umaga amoy sinangag at tuyo?
Bakit kaya tuwing umaga kailangan mag-kape?
Bakit kaya tuwing umaga may muta ang mata?
Bakit kaya tuwing umaga may panis na laway?
Bakit kaya tuwing umaga ang hirap maligo ng malamig na tubig?
Bakit kaya tuwing umaga kailangan sabihin ay Good Morning? paano na yung mga masama ang sinapit?
Bakit kaya tuwing umaga magulo ang buhok?
Bakit kaya tuwing umaga maingay din ang mga maliliit na ibon, gumagaya sa mga manok?
Bakit kaya tuwing umaga tulog ang mga paniki?
Bakit kaya tuwing umaga wala na si mister sa tabi ni misis?
Bakit kaya tuwing umaga wala na si misis sa tabi ni mister?
Bakit kaya tuwing umaga wala pa din si mister?
Bakit kaya tuwing umaga pauwi palang si mister?
Bakit kaya tuwing umaga pauwi palang si misis?
Bakit kaya tuwing umaga umiiyak ang mga sanggol?
Bakit kaya tuwing umaga masarap makinig ng balita?
Bakit kaya tuwing umaga lumalabas ang plema?
Bakit kaya tuwing umaga haaayyy ang dami ko ng nasabi...pero Bakit kaya tuwing umaga makati ang pwet? yun talaga ang lubos na iniisip ko? ano kayang meron sa pwet bakit siya makati? o anong binibigay ng umaga sa pwet natin?

3 HOURS WITH AN ANGEL

Sa mga nagdaang araw, ang araw ng martes ang hindi ko makalimutan. Malamang iniisip mo na ngayon kung bakit. Noon, akala ko ang mga Anghel ay yung mga nilalang lamang na galing sa langit at may pakpak. Hindi pala. May mga Anghel din pala na nasa paligid lang natin at hindi natin napapansin, dinadaan daanan lang natin sa kalsada, nakakasalubong sa loob ng mall, sa palengke, sa loob ng simbahan, sa restaurant at kung saan saan pa. Pero naiba ang lahat ng aking paniniwala ng makakilala ako ng isang Anghel na nandito lamang sa lupa. Maraming beses na din akong nakakita ng mga ganitong klaseng Anghel. At hindi si Angel Locsin o Angel Aquino o Angela Velez ang tinutukoy ko dito. Ang aking tinutukoy ay yung mga taong nakilala ko. Mga taong hindi ko akalain na isa palang Anghel na magpapatibok ng puso ko. Anghel ang tawag ko sa kanila, Kahit hindi ko sila ganun kakilala, kahit na saglit palang kaming nagkasama, kahit na sa huli ay pinaiyak nila ako at sinugatan ang aking puso. Noong Martes ay may isang Angel na naman akong nakilala, isang Anghel na nagbuhay na naman sa puso kong uhaw sa pag-ibig. Pagkakita ko palang sa kanya, parang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko at ang tanging nakikita ko lang na gumagalaw at may kulay ay siya, parang nasa ibang mundo ako ibang dimensyon, huminto ang oras. Pero bumalik ang lahat sa normal at bumilis ulit ang oras ng nasa harapan ko na siya at nagbikas ng salita. Bakas sa mukha ko ang sobrang galak sobrang saya..."Haaaayyy isang Anghel na naman..." sabi ko sa isip ko. Sandali lang kaming nagsama ng Anghel, halos 3 oras lang, pero kakaiba talaga ang pakiramdam kapag isang Anghel ang kasama mo. Naguumapaw ang saya, kahit saan ka magpunta ay parang may orkestrang tumutugtog at may iba pang mga Anghel na nagkakantahan sa hindi kalayuang distansya. Lahat kumpleto, walang problema, magaan ang pakiramdam at parang nakalutang ka sa mga ulap. Yun ang mga naramdaman ko sa mga oras na yun, kagaya din noong mga naramdaman ko sa iba pang mga Anghel na nakilala ko noon pa. OO, baliw na naman ako, kung ano ano na naman ang nakikita ko, kung ano ano naman ang naiisip ko at kung ano ano na naman ang nararamdaman ko kahit na alam kong hindi totoo yun at nilikha ko lang ito sa isip ko. Siguro ganun talaga ako kapag nakakaramdam ako ng matinding kasiyahan at kahit wala naman ginagawa sa akin ang sinasabi kong Anghel ay masaya na ako.Kahit hindi ko pa siya ganun kakilala, kahit na hindi ko alam kung saan kami tutungo, kahit na hindi ko alam kung anong nararamdaman niya para sa akin, kahit na alam kong maaring yun lang ang una at huli naming pagkikita masaya pa rin ako. Pero kung minsan, nakakalungkot din kapag naiisip ko siya, kapag naalala ko kung paano siya magsalita, ang boses niya ang mga magaganda niyang mga mata, ang paano siya maglakad, kung paano niya ako pinasaya kahit hindi niya alam na napasiya niya ako. Nakakalungkot dahil sa ngayon hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya, makakasama ko pa ba siya ng mas matagal pa sa halos 3 oras. Hindi ko alam kung kanino ko kukunin ang mga sagot, oras at panahon lang ang makakapagsabi sa akin. Kung nasaan man siya ngayon, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan, sana marami pa siyang mapasaya, sana iniisip din niya ako kahit paminsan minsan, sana magkita pa ulit kami at sana sa susunod naming pagkikita siya naman ang aking mapasaya. At kung hindi man mangyayari ang mga inaasahan ko. Sana makita ko nalang siya kahit sa panaginip lang. Dahil yun nalang ang natitirang paraan para makasama ko ulit ang isang Anghel na katulad niya.

"Thank you, Thank you...ANG BABARAT NINYO THANK YOU"

L imang tulog nalang at pasko na. Nakabili ka na ba ng mga pangreregalo mo? ako hindi pa, pero may listahan na ako at mamaya magpupunta ako ng mall para magbutas ng aking bulsa. Ako ang tipo ng tao na hindi na umaasa na may magbigay pa sa akin ng regalo pabalik, pero kung mayroon man magbibigay, syempre tatanggapin ko at matutuwa. Naalala ko pa noong bata ako, palagi nalang akong umiiyak tuwing sasapit na ang pasko, bakit? ikaw ba naman ang mamatayan ng mga ninong at isa nalang ang matira sa iyo hindi ka iiyak? Ang halos nagsilbing ninong ko nalang noon ay ang tatay ko, bukod dun sa isa pang natira, yung kapatid ng nanay ko na hanggang ngayon ay nandyan pa din. Isang dahilan kaya ako naiiyak ay dahil tuwing nireregaluhan ang katapid ko ng mga ninong niya ay tuwang tuwa siya, habang ako naman ay nasa sulok ng sofa nalang at nanonood kung paano siya nagagalak sa mga natatanggap niya, hanggang sa mapapansin ko nalang na tumutulo na pala yung luha ko, pakiramdam ko kasi noon na parang walang nagmamahal sa akin, bata pa kasi ako noon, grade school student pa lang. Kapag nakita na ako ng tatay kong umiiyak ako, aamuhin na ako nito at bibigyan ako ng regalo para mahimasmasan ako. Dun palang ako matitigil kakahikbi at magiging masaya. Salamat Daddy! Almost 6 years ka na rin naming hindi nakakasama.I really miss you! Madalas din tuwing pasko noon ay nagpupunta kami sa mga bahay bahay, kasi yung kalye na tinitirahan namin ay halos magkakakilala ang lahat, kaya kaming mga bata ay namamasko sa kung saan saang bahay, lalo na kay Brgy. Captain na nagbibigay ng mga dalawang pisong papel na kulay bughaw sa mga batang kagaya ko. Swerte ka na kapag nabigyan ka ng tumatagingting na limang pisong papel na kulay berde naman.Bukod pa yun mga pamamasko na yun sa ilang gabing pangangaroling namin kung saan saan.Minsan may nakakasalubong pa kaming mga nagiinuman sa kalye at pakakantahin kami ng kung ano ano tapos ang ibibigay lang pala ay piso.Pero ayos na din yun kaysa wala.Kapag wala naman nagbibigay, kami nalang ang nagbibigay, binibigyan namin sila ng walang kamatayang awitin na "Thank you, Thank you...ANG BABARAT NINYO THANK YOU" sabay takbo!...Natigil lang akong mag-caroling noong mag- High School na ako,siguro 3rd year High School. Iba na ngayon, hindi na ako umiiyak tuwing sasapit ang pasko, kahit sangkatutak pa ang matanggap ng kapatid ko na regalo na galing kung kani-kanino, Kahit wala na ang pangangaroling sa mga iba't ibang bahay at sa mga nakakasalubong na mga lasenggo sa kalye. Siguro ang pinakanakakalungkot nalang na parte ay dahil wala ang tatay ko sa piling namin. Bibisitahin nalang namin ang puntod niya pagdating ng araw ng pasko at pagtitirikan ng kandila at aalayan ng dasal.

I'm starting to feel sick again.

A ng saya saya ko noong isang gabi, noong biyernes. Kasi lumabas kami ng mga barkada ko at nagbilyar kami.Hindi naman masyadong madami ang nainom ko. katamataman lang pero nahilo pa din ako ng bahagya. Kumanta pa ako sa stage ng kung ano-ano, apat na beses akong kumanta, yung dalawang kanta kasama ko yung isa kong kaibigan. Pagkatapos namin uminom ay nagpunta muna kami sa isang kapihan. Doon palang nakakaramdam na ako ng pananakit ng lalamunan, nasobrahan na yata ako sa puyat, sa stress, sa paninigarilyo o baka dahil sa pagkanta noong gabing yun. Umuwi nalang ako sa bahay ng barkada ko pagkatapos namin gumimik.Nakatulog naman ako ng maayos, kaso pagkagising ko ay talagang sobra na ang sakit ng lalamunan ko pero kaya ko pa naman magsalita, kaso hindi ako makalunok ng maayos. Dumiretso na ako sa trabaho ko bago pa magtanghalian noon, kasi ang venue namin noong araw na yun ay sa Calamba Laguna pa. Maayos pa ako noong tanghali na yun, Binati pa nga ako ng Tiyahin ko, sabi niya blooming daw ako noong araw na yun at pakanta kanta pa ako.Bumiyahe na kami ng bespren ko papunta laguna,natulog nalang ako sa bus. Pagdating namin sa venue namin ay nagsimula na kaagad kaming magtrabaho. Inabot kami ng 6:30 ng gabi sa pagpipinta at inabot din kami ng ulan. Ayun, sumugod kami sa ulan na pabugso bugso dahil sa kagutsuhan namin makabalik na ng maynila, masakit pa din ang lalamunan ko noon pero nakakanta pa naman ako. Nahirapan kaming makasakay pagdating sa High-way, pero sa awa ng diyos ay nakasakay din kami. Natulog nalang ako sa bus kasi unti unti ng bumibigat ang pakiramdam ko. Pagdating ng maynila, sa cubao, wala na akong boses, malat na malat na ako at hindi na talaga ako makapagsalita ng maayos at parang sasabayan pa ng lagnat. Pagpadpad namin ng opisina, Nagpahinga nalang ako kaagad. Naisip ko kasi na baka kailangan ko lang ng magandang pahinga. Pagkagising ko, ganun pa din ang pakiramdam ko, walang pagbabago, lalo pang sumakit ang lalamunan ko, sabi pa nga ng kaibigan ko bronchitis na daw yun eh, hindi naman ako naniniwala kasi loko yun eh. Nagpunta nalang ako kaagad ng drugstore para magtanong ng mainam na lunas para sa masakit na lalamunan.Strepsils lang daw sabi ng tindero, kaya yun ang binili ko at mainam nga siya. Noong gabi palang ay bumalik na ulit ang dati kong boses, kaya ko na ulit tumili, magpalseto kaya ko na ulit dumaldal ng dumaldal. Nawala na din ang lagnat ko hanggang natapos ang buong araw ko kahapon ng may ngiti sa aking mukha at kagalakan sa aking puso. EHEM EHEM! pagkagising ko kanina, mabigat na naman ang katawan ko masakit na naman ang lalamunan, pero nakakapagsalita naman ako. Nahihirapan lang akong lumunok at ang dami kong plema. Siguro dahil sa paninigarilyo at sa panahon. Kilala ko kasi ang sarili ko, mahina ako pagdating ng panahon ng tag-lamig, madaling bumigay ang sistema ko. Mamaya lalabas na naman ako, magpupunta sa mall para bumili ng mga pangregalo. Magdadala na ako ng mainam na sweater para hindi ginawin ang katawan ko.Sana madami akong mabili na mura lang at magandang klase, madami kasing sale ngayon sa mga malls eh at sana may matira sa aking pera pambili ng GAMEBOY ADVANCE SP!!!

3...2...1 nasa langit na naman ako!


Isang gabi pag-log in ko sa friendster,may nakita akong cute.Picture palang niya,nakuha na niya ang atensyon ko.Kaya naman sinulatan ko kaagad siya para itanong sa kanya kung pwede bang makipagkilala.Pagkatapos kong sumulat,di ko maiwasang hindi tingnan ang maganda niyang larawan.fascinated ako,parang nakakita ako ng Anghel,basta parang ganun.Hanggang kinabukasan siya pa rin ang naiisip ko at umaasa sana ay sumagot siya sa sulat ko,na sana OK lang sa kanya na makipagkaibigan, na sana OK lang sa kanyang makipagkita balang araw.
Kagabi nanood kami ng sine ng Sis ko at ng aking pamangkin.Pinanood namin ang King Kong, super ganda niya,nakaka-thrill talaga, lalo na yung eksena na naglaban sila ng 3 T-rex hanep ang SFX, ang lufet mo talaga Peter Jackson,youre the MAN!!!
Ang dami daming tao sa mall sa kalsada sa kung saan saan lalo na ang pila ng ATM grabe! Kasi naman akinse kahapon,araw ng sahod kaya marami ding namimili at namamasyal kasama ang buong pamilya,syota,anak,pamangkin,kapatid,pinsan,lola,lolo,kumpare,kumare at syempre ang kabit na mas marami pang ipinamimili kaysa sa original LOL.
Pagkatapos naming manood at magenjoy sa loob ng sinehan at take note, nakataas pa ang mga paa ko habang nanonood,feeling ko ako ang prinsipe ng brunei hehehe,ayun nga,nagpunta muna kami ng tiangge.Daming tindahan,may tindahan na puro damit,may tindahan na puro 10pesos lang ang lahat ng item,may tindahan ng pirated DVD, may tindahan ng pagkain, may tindahan ng pekeng halaman at may tindahan ng Adult toys, hehehe wala nun syempre!
Sa tagal ng paglilibot namin sa tiangge, ang tanging nabili ko lang ay inuman na plastic na may print na Dora the explorer,50 pesos para kay pamangkin.Masaya naman siya sa lalagyanan niya ng begtu! Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami para maabutan pa namin ang Joel in the Palace! Pagdating sa bahay,angat kaagad ako ng fone at inumpisahan ng makipagchikahan evuhr sa mga friendships ko. 3 ang nakausap ko kagabi kaso lahat saglit lang, then after that, nagsimula na akong mag-online,kasi past 12 na, libre na ang ISP connection. To end my story, nagbukas ulit ako ng friendster at laking gulat ko at may messages ako sa aking account, which is not usual. Pagbukas ko 3 messages ang natanggap ko, at nagulat ako ulit dahil sumagot na sa akin ang sinulatan ko,yung taong sinasabi ko na nakakuha ng atensyon ko.Di na ako nagpaligoy ligoy pa at dali dali kong pinindot ang mouse, binasa ko kaagad ang sulat niya...BLA BLA BLA BLA!!! pagkatapos kong basahin...OMG! alam mo ba ang naramdaman ko??? syempre hindi...parang gusto kong lumabas ng bahay at tumili sa tuwa pagkatapos kong basahin ang sulat niya sa akin.TALAGANG MASAYANG MASAYA AKO!....hinga ng malalim haaayyyy...SALAMAT LORD at masaya na naman ang pakiramdam ko, after several months of sadness. Pero paano kung nagiilusyon na naman ako.Ilusyonada ako..tama ilusyon lang ito, hindi dapat ako kaagad agad magreact, hindi dapat ako kaagad matuwa ng sobra, hindi ako dapat umasa ng kung ano ano,dapat kalmado lang, dapat wala muna masyadong effort na ibigay, dapat natural lang, pero dapat totoo ang lahat, gaya pa din dapat ng kung ano talaga ako. at dapat siguro itulog ko na to at malamang kaya ako nagkakaganito, kasi puyat na naman ako.
...sana mapanaginipan ko siya

Tinatamad na akong magsulat sa Blogs

Tinatamad na akong magsulat sa Blogs,wala naman kasi akong maisip isulat ngayon.Kanina ko pa gustong magsulat pero wala naman pumapasok sa kukote ko.Nakakailang stik na ako ng sigarilyo pero wala pa din akong maisip na isulat. Pakiramdam ko kasi parang may kulang sa araw ko, parang kakaiba ,siguro kulang lang ako sa pahinga. Ilang araw din kasi akong nasa labas ,punta sa kung saan saan, trabaho ,gumawa ng pera para may maipambili ako ng mga regalo sa mga magulang ,kapatid at mga kaibigan ko. May naipon na din naman ako ,pero gusto ko pang dagdagan para may matira pa sa akin pagdating ng bagong taon. Hindi lang kasi dapat ang pasko ang paghandaan ko ,kundi kasama na din ang pagpasok ng bagong taon. Maagang preparasyon ,balak ko kasing maghanap na ng trabaho sa susunod na taon at dapat lang ,kasi nakakahiya na sa pamilya ko at halos wala naman akong naiaambag sa bahay ,minsan naawa na din ako sa sarili ko ,kasi hindi ko na magawa ang mga bagay na talagang gustong gusto ko. Sabi ko noon, gusto kong mag-Exhibit ng painting by December ,pero dumating na ang December wala pa din nangyari. Gusto ko ding mag-trabaho bilang isang professor sa isang eskwelahan ,gusto kong magturo ng kung ano ano tungkol sa Fine Arts ,Magtatanong tanong nalang ako siguro sa iba't ibang eskwelahan kung saan ako pwepwede kahit na part time lang. Gusto ko din mag-banda ,musikero sa isang Bar ,kahit na akustik lang ,kaso wala naman akong makasama. Siguro ang mas maganda ay gawin ko nalang muna ang mga bagay na sa tingin ko ay magagawa ko sa ngayon at planuhing mabuti ang mga balak ko para sa susunod na taon.
Lumipas na ang oras at hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung anong isusulat ko sa blogs ko. Siguro kailangan ko na munang magpahinga para umandar ng maganda ang utak ko. Marahil bukas ay may maganda na akong maisusulat. sana nga...sana nga.

GUSTO MO BANG MANGYARI SA IYO ITO?

Guy to a girl: Its not like what you think it is! Magkaibigan lang kami! Pwes kung ayaw mong maniwala edi wag. Sawang sawa na ako sa ugali mo! AYOKO NA! from now on, gawin mo ang gusto mong gawin at gagawin ko ang gusto kong gawin...wala na tayong pakialaman sa isa't isa!!! MAGHIWALAY NA TAYO!!!
-After the day, tumawag si Guy sa fone para mag-sorry, kung pwede bang patawarin siya sa mga nasabi at nagawa niya kanina. Pramis di na daw siya makikipagkita dun sa kaibigan.
- After a week,nakita yung Guy at ang kaibigan na magka-holding hands sa loob ng mall.
- After several month, syota na ng kaibigan niya yung Girl niya.
Girl to a Guy : May sasabihin ako sa iyo, alam ko masasaktan ka kapag nalaman mo ito, pero hindi ko na talaga kayang itago sa loob ko. wala naman sa iyo ang problema, wala kang ginawang mali, wala kang pagkukulang. Ang sa akin lang , hindi ko na kayang ituloy pa ang relasyon natin.Im sorry pero nahihirapan na ako. wala na akong oras na maibigay sa iyo, pasensya na kung nasaktan kita, walang ibang tao na nagtulak sa akin para gawin ko ito. sana maintindihan mo ako. Mahal na Mahal kita pero hanggang dito nalang talaga ang kayang kong gawin para sa iyo.
- After 2 Days, nagsososrry si Girl, gusto niyang makipagbalikan. Sana daw tanggapin pa din siya.
- After 3 Days, nagsososrry si Girl, gusto niyang makipagbalikan. Sana daw tanggapin pa din siya..pero, nalaman niya na meron ng iba yung Guy niya.
- Kinabukasan nakita si Girl na may syota ng iba na naglalakad sa park magkaholding hands pa habang nakikipaghalikan.
GUSTO MO BANG MANGYARI SA IYO ITO?

HANGGANG DITO NALANG

Marahil wala na ako habang binabasa mo itong sulat kong to, nahihirapan na ako ng sobra, habol hininga na ako, pagod na pagod, di makatulog, gutom sa pag-ibig, ayoko na, sawa na ako, hindi ko na kayang ituloy pa ito, hanggang dito nalang ang makakaya kong gawin, salamat nalang sa lahat ng masasayang oras na pinagsamahan natin, pasensya ka na kung nauna na ako sa inyo, palagi ko kayong iisipin, sana ganun din kayo... kasi time na ako dito sa pinagrerentahan ko ng internet at kailangan ko ng mag-log out.

...Kaya nagbate nalang ako!

Sa wakas,naayos ko din ang modem namin..ilang araw na kasi siyang hindi gumagana,palaging nalang lumalabas ay NO DIAL TONE buti nalang naisip kong linisin ang loob ng CPU namin. Sobrang dami na pala ng alikabok,lalo na sa area ng modem at parang may nangupahang gagamba sa loob ng CPU, daming sapot. Masaya ako kahapon kasi nakabili na ako ng bago kong headphone,yipeee! yung malaki at mas maganda na ang tunog,nakakabingi at bumabayo ang bass, mas ok siyang pakinggan, kaya lang bulky masyado hirap ilagay sa bag. Umaga na naman nga ako nakatulog kahapon eh, bali kanina yun ng madaling araw, 3am na.Nagpunta kasi ako sa gateway,manonood sana kami ng THE FOG,yyiiiiyyy nakakatakot daw yun eh,kaso nauwi ang lahat sa wala, sa 5 inimbitahan ko 5 din ang hindi pwede, ang ganda diba? wala talaga akong charm pag-dating sa pagiimbita, yung mga original ko naman na kasama ay talagang hindi pwepwede kasi puyat pa sila at kailangan nilang matulog.So ayun nga, 2 lang kaming nagkita dun sa gateway ng isa ko pang kaibigan, na-late na kami sa show time kaya di nalang kami nanood. nagkwentuhan nalang kami hanggang sa wala na kaming mapagkwentuhan..mgabandang 830 pm na ng naghiwalay kami at nagpunta naman ako dun sa kaibigan kong nagmamanage ng acoustic band.Ayos naman yung banda na hinahawakan niya,3pcs,lahat magaling, nakakainggit nga eh,dapat ngayon tumutugtog din ako sana sa mga bar o kaya sa...san pa ba? kahit sa kalye lang basta makatugtog.Pagkatapos ng show, nagkape nalang muna kami at nagkwentuhan kasama ng iba pa niyang barkada.Kaya ayun inumaga na ako ng uwi, ok lang mas mabilis naman ang byahe kapag alanganin oras na eh,yun nga lang nakakatakot kasi mas madaming masasamang loob kapag ganung oras na... May napanaginipan ako kagabi, pinipilit niya ako, pero ayaw ko, sabi ko kasi may magagalit, gusto pa rin niya, ayoko pa rin, ayokong makasira at ayokong gawin yun dahil nirerespeto ko ang samahan namin, pinipilit pa rin niya ako, kami lang naman daw dalawa ang makakaalam...ayoko pa rin. Masaya ako at nakasama ko ulit siya,kahit sa panaginip lang...Ngayon mag-isa lang ako sa bahay,inaantay ang kapatid ko,nanakit ang tyan sa kabusugan.wala kasi akong maisip na lutin kanina,gusto ko instant,kasi gutom na gutom na ako kanina,kaya nagbate nalang ako ng itlog at tinorta ko ang sardinas,miss na miss ko na rin kasing kumain nun eh,natutunan ko siya sa kaklase ko noong high school.Tapos nagluto na din ako ng pansit canton,instant pa din syempre, tapos nilantakan ko kaagad pagkaluto.Sana matunawan ako kaagad,sana bukas mailabas ko ito,kundi baka kung saan pa ako datnan.Wag naman sana.

Mga bagay na ngayon ko lang naisip

Nakakatawang isipin na noong bata pa ako, wala akong kamalay malay na sobrang brutal pala ang mga laro noon, mang mang pa kasi at wala pang pakialam sa mundo kundi mag-aral,maglaro, matulog at kumain. Una na dyan sa mga larong tinutukoy ko ay ang Langit Lupa... naaalala niyo pa ba yung jingle? sabay sabay tayo ah? langit lupa impyerno,im,im,impyerno... at kung kanino tumigil ang turo sya ang taya. Bata pa lang pinapakilala na sa atin ang impyerno. pwede naman dagat diba? ... langit lupa at dagat da, da, da, dagat! atleast hindi pangit sa tenga ng mga bata. Isa pa dyan ay ang Saksak puso tulo ang dugo, patay, buhay siya ang alis...Grabe diba? napansin niyo ba yun noong bata pa kayo? di natin namalayan na bayolente pala ang mga binibigkas natin, tungkol sa pagpatay at wag ka, direkta pa sa puso ang pagsaksak. Yung isang laro naman na naaalala ko ay yung tunkol naman sa pagaasal hari o reyna ng isang tao ganito yun Nanay, Tatay gusto kong tinapay, Ate,Kuya gusto kong kape, LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN NIYO ang sinong matalo sa larong ito ay pipingutin ko... Paglaruan daw ba ang nakakatanda at utusan! Tama ba yun? tapos may pingot pang kasama kapag hindi ka umayos. Totoo naman diba? Bata pa lang tayo, iba na ang nilalaro natin.Pero maswerte ako at inabot ko ang panahon ng paglalaro sa kalsada, nandyan ang walang kamatayang Taguan pung, Block 1-2-3 , Tanching ng tansan, kaha ng yosi, goma, at teks! Patintero, Tumbang preso, Chato, Follow the leader, Chinese Garter, Sipa, Pwera patus atbp.. alam mo I suggest na isama nila sa Olympics ang mga kakaibang larong ito. Di gaya ng mga laro ngayon ng mga bata, indoor games, iwas sa aksidente pero karamihan ay mas brutal mas bayolente at karumaldumal.

Sa kakaisip sa iyo, tigyawat dumadamiiiiii....


Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng aking kaarawan, hanggang ngayon ay may mga naiwan pa din sugat na hindi pa gumagaling sa aking damdamin at kahit nahilom na ang sugat, mag-iiwan pa din ito ng bakas ng nakaraan na palaging magpapaalala sa akin na ang pag-ibig ay makapangyarihan.
Ang drama ko nyeta! OK naman ang araw ko ngayon, medyo bored lang kanina kasi wala si bestfriend sa ofish! wala masyadong kakulitan at hindi maganda ang buhok ko, tapos may namumuong tigyawat pa sa bandang pacific ohseeean! ano ba, lubayan nyo na nga ako mga tigyawat! kailan nyo ba ako pagsasawaan? ha? Pero ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit nagkakatigyawat ang isang tao? Sabi ng mga masyosyonda, kapag Inlababo ka daw, tutubuan ka ng tigyawat sa ilong o kaya sa pisngi, siguro kasi, madalas kang mapuyat kakaisip sa crush mo, at ang hindi mo naman alam, may kasama siyang ibang gurlalu at naglasingan sila sa isang jologs na bar at nagmot-mot pagkatapos! sana lang wag mong mahuli, kundi cry cry ka na naman im syur! Mabalik tayo sa tigyawat, hindi naman siguro totoo yun sabi ng masyosyonda noh, kasi sabi sa akin ng isang especialista, karaniwang nakukuha daw ang tigyawat sa pagkain ng malansa, gaya ng prito, lalo na ang pritong itlog at ginisang mani! hmmmmm...saan ba siya espesyalista? aber baka sa paa?well, malay mo totoo nga ang sinasabi niya! Pero para sa iba naman derma, madalas daw nakukuha ito sa dumi sa paligid.gaya ng usok, alikabok at kung saan saan pa.Haaay nakuh,hindi ko na alam kung saan ba nakukuha ang tigyawat.Ah, basta ako tiwala ako sa PanOxy , subok na matibay, subok na matatag!

meykinlabawtanatingatol

Narasan mo na ba ang dejavu? ano nga kaya ang dejavu? totoo nga kayang nabuhay tayo noong unang panahon pa at ang kaluluwa ay palipat lipat lang sa ibang katawan?...matagal tagal na din akong di nakakaramdam ng dejavu,nakakatawa kapag nararanasan ko ito,kasi hindi ko mapaliwanag ang nangyayari.Ano kaya ako noon?
Ang saya saya ko kagabi kasi dalawa ang booking ko ng face Painting at kumita ako ng doble ng kinikita ko sa isang araw,sa wakas nadagdagan ang pera kong iniipon pambili ng GAMEBOY ADVANCE SP...Pauwi na ako sa tita ko kagabi kasama ang katrabaho ko ng maramdam ko na nandun ang crush ko sa gateway,nakatambay with his lover...OO,diba sinabi ko na nga na may lover na yung crush ko? ano ba? kulet mo!!! iniwei,ayun tama nga ang sinasabi sa kin ng force, minsan naiisip ko may lahing Jedi talaga ako eh.Nagkita kami at inaya nila akong gumimik sa marikina.sabi ko sige itetext ko nalang kayo mamaya kung makakasama ako,kasi ichecheck ko pa ang sched ko for tomorrow.Agad agad akong bumalik sa tita ko para makakuha na kaagad ng sahod at malaman na ang sched ko para bukas.Dahil sa akin kabaitan at kagandahan (kapal) biniyayaan ako ng panginoon ng magandang sched para bukas. Dalian akong nagbihis kaagad ng aking bagong T-shirt na nabili ko sa Sale ng isang magandang tindahan sa SM kulay yellow,peborit color ko mula pa ng bata ako.Di ko alam kung anong meron sa yellow at bakit ko naging paborito yun...Paalam kay tita,bili ng alaxan,vit. C at yosi ,sakay ng bus,baba ng cubao ,punta sa tagpuan at ayun nagkita na ulit kami ng mga kaibiganzz ko! Nagpunta kami sa isang comedy karaoke bar sa may marikina,madalas tambayan ng barkada ko (crush ko) doon. Inom kami ng colt,kahit wala pa akong matinong tulog ay sumama pa din ako sa kanila,haaaay pasaway talaga ako,kung nabubuhay lang si itay,malamang labi ko lang ang walang latay.Mabilis akong tinamaan sa ininom ko,siguro dahil sa wala pa nga akong matinong pahinga.Napakanta kaagad ako sa entablado,kumanta ako ng SHE'S OUT OF MY LIFE at yung isa na nagkamali pa ako ng sabi ng title,KUNG MAWAWALA KA,dapat pala HUWAG KA LANG MAWAWALA ayun napasubo tuloy ako...kinanta ko nalang kaysa mapahiya ako,pero ganun pa man,kahiya-hiya pa din talaga ako. INOM INOM INOM!!! nakakarami na ako,hilo,umiikot na ang paligid,maingay,mausok,kwentuhan,sindi ng yosi,laklak,subo ng konting pulutan,maglaro ng lighter at manood sa mga taong sumasayaw sa tunog ng disco (take note cute ang DEEJAY) ng biglang nakaramdam ako ng pagkaduwal,nagpunta kaagad ako ng kubeta,ang sama kubeta,hehehe ok ibahin natin , nagpunta kaagad ako ng komport Room para magtawag ng uwak...walang uwak na lumapit kundi napuno ko lang ng suka ang inidoro.haayy hilamos ako,then balik sa table,sabi ko sa sarili ko AWAT NA TANGINA MO!!! ..kape tayo? aya ko sa mga friendships ko,punta kami ng very reliable Burger Machine..dun kami kumain,ay sila lang pala ang kumain,ako nagkape lang talaga at yosi.pagkatapos nun,umuwi na ako,hindi sa bahay namin,hindi din sa bahay ng tita ko,kundi sa bahay ng aking kaibigan,sakay na ako ng jeep at habang umaandar papalayo, nakatanaw nalang sa crush ko na akbay ng jowa nya...oh hindi ako inggit......OO NA NGA SIGE NA! well dadating nga din ang akin someday diba? konting tiis lang wag mainip. Ayun dahil sa takot sa holdup,sumakay nalang ako ng taxi papunta sa kaibigan ko at dun na ako nakitulog,inabala ko na naman sila.... >>>> DUDUGTUNGAN

I WANNA HAVE YOU BY MY SIDE

Grabe ang aga aga kong nagising ngayon,kanina natulog ako bandang 3am na tapos gumising ako ng 8am,kaya eto wala na naman ako sa sarili ko and i believe that this is the best time to write here.Nabuo na namin ng utol ko ang Galactus Series ng Marvel,gaya ng sabi ko Toy collector ako at ang utol ko,buti nalang may mabait siyang kaibigan at ibinigay nalang sa kanya ang ulo ni Galactus,kanina bumili na kami ng katawan at mamayang gabi pagdating niya,sabay namin itong bubuuin,na-EEXCITE AKO GRABE!!! (inom muna ng tubig) at baka bumagsak ako sa tuwa.
Sa awa ng panginoong may kapal,wala na akong lagnat,kulang lang talaga sa tulog ang inyong lingkod,pero mamaya babawi ako pagkatapos kong kumain ng lunch,tapos paggising ko talagang papaliguan ko na ang alaga kong aso.buwan na siyang hindi naliligo,kawawa naman.Pinamumugaran na siya ng garapata at surot, hindi ko na tuloy siya makatabi sa pagtulog ko sa pinakamamahal kong sofa (salamat sa utol ko at bumili siya ng bagong sofa). Nakita ko na naman ang Gameboy Advance SP kanina sa SM,talagang gusto ko siya, hindi ako mahilig sa mga computer games or digital games kung tawagin ng iba pero pagdating sa Gameboy,iba ang naramdaman kong galak.
Bigla akong nasenti na naman,may naalala na naman ako. Minsan iniisip ko totoo kaya yung sinasabi nilang wag mong masyadong isipin yung taong mahal mo,dahil hindi mo alam na baka siya naman ay hindi ka iniisip? hmmmm...hindi ko alam,basta ako masaya ako kapag naiisip ko siya at oo minsan nalulungkot dahil hanggang sa pag-iisip ko nalang siya nakakasama.Masaya ako kapag napapanaginipan ko siya.Naiisip niya rin kaya ako? ano kaya ang ginagawa niya ngayon? sana masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon. Nabanggit ko na din ang pag-iisip sa mga tao, yung mga kaibigan ko kaya naiisip din ako paminsan minsan? namimiss din kaya nila ako gaya ng pagkaka-miss ko sa kanila? mahalaga ba kaya talaga ako sa kanila? oh bali wala lang kahit nandyan ako o wala ako? sana naiisip din nila ako paminsan minsan , sana namimiss din nila ako paminsan minsan, sana mahalaga din ako sa kanila.Sana makabili ako ng GAMEBOY ADVANCE SP NGAYONG DECEMBER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! TANGINA!!!!!!!!
GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP !!!!!!!!!

IM BROKE BUT IM HAPPY...Alanis???

Natapos na naman ang isang buwan,kay bilis talaga ng panahon,parang kamakailan lang ay kaarawan ko,nandun ako sa Batangas tapos ngayon tapos na ang Nobyembre.Ano kayang mangyayari ngayon disyembre,malamig na ang simoy ng hangin,pero hindi ko nararamdaman ang pagsapit ng pasko,wala pa nga kaming dekorasyon sa bahay eh,bukas siguro aayusin na namin ang krismas tree,lalagyan ng mga bolang makintab,gusto ko ang motif ay kulay red.tapos unti unting mapupuno ng regalo yung ilalim ng krismas tree namin,mga regalong ibibigay namin sa mga inaanak,sa mga kamag-anak,at sana mga regalo para din sa akin,GAMEBOY GAMEBOY GAMEBOY gusto ko ng GAMEBOY ADVANCE SP punyemas!!! magiipon talaga ako para dun.tsaka na muna yung bugle na gusto ko... OK enough with the krimas krismas.paano nga ba maglagay ng picture dito sa blogs? hanggang ngayon di ko pa din alam...nilalagnat ako ngayon sa di ko malamang dahilan,malamang dahil sa sobrang paninigarilyo at pagpupuyat,malamang dahil sa sobrang depress.Kakaisip kung kani-kanino,kakaisip sa mga problema,kakaisip sa kanya...kay GAMEBOY ADVANCE SP na naman heheheh! noong isang araw nagpunta ako ng Los BaƱos Laguna para mag Face-Painting. Sa aming paghihintay sa terminal ng Bus,may nakita kaming mga kabataan na nagsa-sign language.sabi ng kaibigan ko,ano nga kaya kung puro sign language lang ang mga tao,siguro ang tahimik..natawa ako ng sobra,dahil naisip ko ang mga posibleng mangyari,Paano mag papangaral ang mga Pari sa simbahan? paano mag-hohost ang mga clown sa party? edi wala ng mga kanta? panay sign language nalang? parang Ballet? ang tahimik siguro ng eskwelahan? paano magsasabi ng quiapo quiapo ang mga barker ng jeep? ang daming kakaibang mangyayari talaga...pero paano nga kaya kung ganun noh? Kahapon pauwi na ako sa amin mula sa bahay ng tita ko,pero bago ako umuwi,dumaan muna ako ng SM para magwindow shopping.gusto ko sanang bumili ng sombrero na ang ganda ganda,may Elvis Presley na nakaprint 230 pesos siya...ok na sana kaso ng sinukat ko masyadong malaki sa akin,so umalis nalang ako dun sa tindahan,naglibot nalang ako ng naglibot,hanggang mapagod ako at nagpunta na ako sa sakayan ng FX...bumyahe na ako,malapit na ako sa bayan ng maisip kong i-check ang cellphone ko,may nagtext yung crush ko,inaaya niya akong manood ng sine kasama ang kanyang new partner which is my close friend ( dont worry im already moving on ) panoorin daw namin ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS...sabi ko na nga ba eh,tama ang desisyon kong wag na munang panoorin yun at mag-antay nalang ng kasama...anyway,bumaba ako ng sasakyan kahit malapit na ako sa amin,at sumakay na ako ulit pabalik,ang baho baho pa ng nasakyan kong FX,amoy panis na laway,kakainis nga eh.pagkalipas ng ilang minuto,nakarating ako ng Gateway,ang lugar na punong puno ng tao,ewan ko ba kung bakit...May matanda,bata,babae,lalaki,bakla,tomboy may ngipin o wala hustuhin ang bayad bago bumaba! hihihihi! nagkita na kami ng mga friendship ever ko.3 kami bali,sinubukan namin mag-aya pa ng iba kaso wala naman pwede ng mga oras na iyon, kumain na muna kami,dahil sa akin kabusugan, bumili nalang ako ng float sa wendys,ang sarap nun diba? float nga ba tawag dun? or frosty? tangna nakalimutan ko na...basta masarap siya parang ice cream at ang mga kasama ko naman ay kumain ng full meal may kasama pang salad..pagtapos namin kumain,nagyosi muna kami sa baba,tpos bumili kami ng ticket ng sine,tapos nagkape muna kami dahil masyado pang maaga...hmmm..sarap ng kape,brewed punyeta!!! 910 na.. 920 start ng movie kaya dali dali na kaming pumanhik! daming nanonood ng Maximo..grabe punong puno ang sinehan,INDI FILM siya,cheap ang pagkakagawa pero hanep naman ang storya,talagang maganda,tungkol siya sa isang batang bading na mabait maasikaso sa pamilya niya,ulila siya sa ina kaya parang siya ang tumatayong babae sa pamilya niya,bata pa siya teenager palang, typical filipino ang makikita mo,hindi ko na ikwekwento baka kasi mawalan ka ng interes panoorin...natapos ang palabas,tapos naghiwahiwalay na kami,130 na ako nakauwi sa bahay,napapansin kong masama na ang aking pakiramdam kagabi palang,pakiramdam ko lalagnatin ako,at tama nga ang aking akala,ngayon nga nilalagnat na ako. sana bukas magaling na ako dahil malapit na naman ang araw ng trabaho,at bukas ako ang sasama sa utol ko ng pagbilli ng grocery namin,kaya mamaya matutulog ako ng maaga,syempre inom na din ng gamot.Nagugutom na ako at hindi na ako makapagisip pa ng isusulat ko.bukas nalang ulit.