Isang hapon ay naglalakad si Boy papuntang gym at sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang matandang lalaki na walang ibang suot kundi brip lang. Nilapitan niya 'to at binigyan niya ng dala niyang extra shorts at sando, nagpasalamat nanam ang matandang lalaki sa kanya.
Tinanong ni Boy kung bakit walang damit ang matanda, ang sagot sa kanya,
"may nakasalubong kasi akong pulubi kanina at nakatapak lang siya, ang kapal na ng kalyo niya sa paa kaya binigay ko nalang ang aking suot na tsinelas"
nabilib si Boy sa kabaitan ng matanda, ngunit nagtataka pa din siya kung bakit naka-brip lang ito...ngunit bago pa niya tanungin ay nagsalita ulit ang matanda...
" nagtataka ka siguro kung bakit wala akong suot na damit? Binigay ko din kanina sa nakasalubong kong lumpo ang pantalon ko, madami na kasing sugat ang binti niya, at ang damit ko naman ay binigay ko din sa babaeng walang saplot na nakasalubong ko sa daan, lalaki naman ako kaya ayos lang kahit nakahubad ako"
Nagulat si Boy sa ginawa ng matanda at tinanong niya ito kung bakit niya ginawa yun...
"ginawa ko yun hindi dahil gusto ko at kaya ko, kundi dahil kailangan kong gawin yun, mas kailangan nila yun kaysa akin...Matanong kita, sa tingin mo, dapat ba akong mahiya dahil nakabrip lang ako? o dapat akong matuwa dahil nakatulong ako sa mas nangangailangan?
natahimik si Boy at napaisip...
sumagot si Boy,
"pero tatang, siguro po mas mainam na kung magbibigay ka ay dahil alam mong may sobra ka, paano naman ang sarili mo, kagaya niyo ngayon, naglalakad kayo ng ganyan, pinagtitinginan ng mga tao at pinagtatawanan.
sumagot ang matanda,
"hindi ko na kasi inisip ang sarili ko noon mga oras na yun, ang prinsipyo ko kasi ay tulungan ang mas nangangailangan at pangalawa lang ang sarili ko. Hindi naman ako kilala ng mga taong yan para husgahan nila ako, hindi din naman nakakatulong ang mga tingin at tawa nila sa akin, walang kinahihinantnan ang mga ginagawa nila at nakakalungkot isipin na hindi nila alam yun."
tahimik lang si Boy at napapangiti nalang sa matanda...
nagsalita ulit ang matanda...
"tanungin ulit kita, noong nakita mo ako, anong unang pumasok sa isip mo at bakit mo ako binigyan ng shorts at sando? Dahil ba gusto mo? dahil ba na alam mong kaya mo kasi may dala kang extra? o dahil alam mong kailangan mong gawin ang nararapat?
Photorealism in the Digital Age PDF Download
4 years ago
No comments:
Post a Comment