Wednesday, September 15, 2010

Gaya-Gaya wala na bang Idea?

Mahilig akong manood ng sine at mga TV programs lalo na kung interesting ang palabas, pero kung ang papanoorin ko naman ay walang kwenta at ubos oras lang, mabuti pang matulog na lang ako o maglinis ng kuko!

Kung papapiliin mo ako ng local TV channel, paborito ko ang Kapuso, probably because malabo ang Ch2 dito sa bahay namin, as usual, palaging malabo ang signal ng Ch2, kaya madalas ang napapanood ko mga shows ng Ch7...which i like naman, well noon yun! Noong panahon pa ng Enkantadia at kasabay nito, noong panahon na hindi pa sikat si Marian Rivera at Capt. Barbel pa si Richard Gutierrez at Darna pa si Angel Locsin. Pero ngayon medyo disappointed ako sa mga palabas nila, bakit? parang wala ng creativity ang mga writers nila ngayon, madalas kasi ang mga palabas nila ay hango sa lumang pinoy movie, foreign soap o di kaya kinuha nila ang idea sa isang pelikula. Yung Babaeng hinugot sa aking tadyang, Stairway to heaven, Endless Love, yung Trudis Liit etc...Ngayon naman yung Grazilda nila ay halatang kinuha yung concept sa pelikulang Enchanted at yung Bantatay naman ay sa pelikulang Fluke...haaaayyy! Nagkataon lang ba ang mga ito?

Isa pang kinaiinisan ko sa mga palabas sa TV, esp teleserye ay ang walang kamatayang LOVE TRIANGLE na yan. Kung hindi lalaki ay yung babae ang pinag-aagawan, tangina wala na bang ibang tao sa mundo kung sila?