Sunday, April 25, 2010

1927...My Second Home






Hindi man ako ang may-ari ng bahay na ito, pero para sa akin, tahanan ang matatawag

ko dito, tahanan kung saan palaging may tawanan, biruan, kainan, iyakan, sabihan ng

tsismis at kung ano ano pa. Masasabi kong pangalawang tahanan ito lalo na tuwing weekend, hindi lang para sa akin kundi maging sa iba ko pang mga kaibigan at syempre kay Tabachuy ko. Lampas isang taon na din ang lumipas, nalalapit na ang pagpapaalam...Madami akong mamimiss sa tahanan na ito...

Mamimiss ko ang malakas na tubig na lumalabas sa shower, ang panonood sa mga nagsu-swimming sa kabilang building, ang pagyoyosi sa terrace, ang magandang sunset tuwing hapon, ang malakas na hangin tuwing nakabukas ang pinto sa harap at terrace, ang pagtae habang nakaharap sa sign na "PUSH", ang amoy ng ulam ng kapit-bahay, ang tunog ng tren kapag dumadaan, ang sigaw ni manong garbage, ang pagtulog ng sabay sabay kahit masikip, ang pagkain ng sabay sabay, ang panonood ng TV o pelikula ng sabay sabay at marami pang iba...

Madaming ala-ala ang dadalhin ko mula sa tahanan na ito, sana balang araw kapag mayaman na tayong lahat ay magkaroon tayo ng isang bahay na lahat tayo sama-sama, yung may swimming pool at may terrace din at mayroon entertainment room at syempre wifi! haaayyy...

In behalf of my Tabachuy and friends, Thank you very very much kay Nes at Bo sa pagpapatuloy, pagkupkop at pagpapasensya sa amin na palaging nanggugulo sa tahanan ninyo. You guys will always be welcome to my home sa oras na kailangan ninyo ng matutuluyan.

Tuesday, April 06, 2010

Its a new month again

Just like before, still no luck on my career as an artist, haaaay! A new month has arrived, luckily i still have a few per diem work which helps me survived plus with a help from my friends and partner too and also my mom.

I was almost hit by a rushing fire truck today, good thing i moved away so quickly. It made me think i am still lucky that i survived.