Tuesday, June 17, 2008

BAKTUSKUL

Tapos na ang bakasyon at simula na naman ng eskwela, madaming bata ang excited sa pagpasok at marami din naman ang tinatamad at gusto pang mag-extend ng bakasyon. Hindi na pwedeng magpuyat ang mga batang grade school dahil maaga silang gigising sa umaga, pwera lang syempre ang mga estudyanteng pumapasok sa hapon, obvious naman diba? bakit sila gigising ng umaga eh sa hapon pa ang pasok nila. Ang mga High School studes naman ay excited na din dahil magkikita-kita na naman silang magbabarkada at syempre ang crush nila sa school. Sa mga college studes eh wala lang, parang wala naman bakasyon sa college eh, meron man pero halos saglit na saglit lang at parang di mo mamamalayan na tapos na pala, karamihan pa naman ng mga universities at colleges ngayon ay Trimester na at yung ibang masisipag na estudyante naman ay nagsa-summer class. Dahil pasukan na naman ng mga estudyante ay dapat maghanda na tayo sa pahirapang pag-biyahe at siguradong punuan na naman ang mga dyip, bus at tren at wag kalimutan ang nakakapag-painit ng ulo na trapik lalo na kapag umuulan.
Na-aalala ko pa nung elementary ako, sa public school ako nag-aaral, masipag akong pumasok noon sa eskwela, maaga akong gumigising para mag-ayos at makapag-almusal mahirap mag-aral kapag ang iniisip mo ay ang kumakalam mong sikmura, naglalakad lang ako kapag pumapasok bitbit ang napakalaki kong bag na puno ng libro at mga notebook na makakapal , malapit lang naman kasi yung iskul ko sa bahay namin eh, medyo delikado lang kasi may tinatawidan kaming kalye na puno ng sasakyan (A.Bonifacio).Naaalala ko pa noon ang baon kong pera ay dalawang pisong papel, yung kulay blue na si Jose Rizal ang nakaprint, malaki pa ang halaga noong ng dalawang piso, nakakabili ako ng nutri-bun, gulaman at chichirya, kalahating araw lang ang pasok namin noon kaya ok lang na hindi kumain ng mabigat kasi pag-uwi naman sa bahay ay kakain na ako ng tanghalian, tapos minsan nagrerenta pa ako ng Game N' Watch dun sa Mama na may tinutulak na karitela, 50 centavos yata yun kada laro o kaya naman ay sumasali ako dun sa palabunutan na ang premyo ay itik o kaya sisiw. Hilig ko noon na pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay ginagawa ko na ang assignments ko bago ako maglaro sa kalye, lalo na kapag may ido-drawing kami o may kinalaman sa arts. Masaya noong elementary kasi tinuturuan kami ng mga gawaing bahay, gaya ng pagluluto at paglilinis, tinuturuan din kaming gumawa ng mga bagay na pwedeng pagkakitaan, gaya ng basket, pamaypay na yari sa abaka at ang hindi ko malimutang paglalaminate ng litrato, yung nakadikit sa kahoy tapos laminated, hanggang ngayon naka-display pa sa bahay yung gawa ko, tabingi pa nga yung pagkakagawa ko eh, balbon ika nga nila. Hindi pa uso barkadahan noon, pero may mga tinatawag naman akong bestfriends.
Noong tumuntong naman ako ng High School, diyan na ako medyo dinapuan ng katamaran, di ko na hilig ang mag-aral ng mabuti noon. Diyan ko din natutunan ang kung ano anong klaseng katarantaduhan! Diyan nga daw pumapasok ang curiosity stage, nagbibinata, maraming gustong subukan pero madalas nauuwi lang naman sa wala. Noong High School ko natutunan makipag-barkada, mag-bisyo, manood ng porn, mag-cutting classes, mandaya sa exam, mangopya sa kaklase, magpa-iyak ng titser at kung ano-ano pa! Pero may natutunan din naman akong maganda noong High School, ayun ay ang huwag ng gawin ang mga maling ginawa ko.Napakasaya ng High School life ko dahil sagana sa adventures at kwentong hindi ko talaga malilimutan lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko sa loob at labas ng eskwela.
Kung ang High School ko ay puno ng katarantaduhan, iba naman pagdating ng college, kombinasyon sya ng katarantaduhan at masinop na pag-aaral, pwera lang sa minor subjects. Fine Arts ang kinuha ko noon, mahilig kasi akong mag-drawing at gumawa ng kung ano anong arts, kaya naman peborit ko ang mga major subjects namin, kasi full of arts talaga, enjoy gawin at hindi ako tinatamad, pagdating naman sa mga minor subjects gaya ng english, rizal, behavioural science atbp. ay wala akong gana, pero hindi naman ako madalas mag-absent dahil ayaw kong nahuhuli sa mga pinag-aaralan namin. Nagkaroon din ako ng sangkaterbang kaibigan noong college years ko, barkada sa Fine Arts, barkada sa Engineering, barkada sa Business Admin., pati nga mga janitor at guardia ay barkada ko din. Noong college ko din naranasan ang tumugtog sa stage kasama ng aking mga ka-banda, kausuhan kasi ng banda noon eh, tumutugtog kami sa school kapag may event, lalo na tuwing fashion show ng Fine Arts which is sobrang namimiss ko na. Madalas din kaming mag-inuman noon ng mga barkada ko, iinom kami sa tapat ng school kahit na alam namin na may klase pa kami, yung isa ko ngang barkada noon ay sumuka sa classroom, buti nalang mabait yung prof namin at hindi siya pinagalitan, pinagtawanan lang namin sya. Noong college din yung tipong pahirapan kumuha ng subjects at kung paano mo gagawin ang sched mo dapat kasi hindi magcoconflict ang scheds ng mga subjects mo, nahihirapan lang ako noon kumuha ng minor subjects, kasi sa college of fine arts naman ay madami kaming scheds, mahirap pa lalo ay yung may madi-disolve na subject dahil sa kakulangan ng nag-eenroll, meron din naman mga subject na hindi na ino-offer pero madami pang estudyanteng hindi nakakakuha kaya nagpepetisyon sila kapag ganun ang sitwasyon. Sa awa ng diyos ay wala naman akong naibagsak na subject, meron lang 2.75 at pasang-awa na 3.00.
Nakaka-miss ang pagiging estudyante, kung maaari lamang ibalik ang panahon na nag-aaral pa ako ay gagawin ko. Sa aking sariling pananaw, ang pagiging estudyante na siguro ang kabanata sa ating buhay na hinding hindi natin malilimutan dahil doon natin natututunan ang karamihan ng bagay na ngayon natin ginagamit, kumbaga sa science, chemistry ang pag-aaral at physics naman ang pagtatrabaho.... ngunit sa panahon ngayon hindi na din ganun ang nangyayari, madalas hindi na nagagamit ng mga estudyante ang mga napag-aralan nila dahil karamihan ngayon ay napupunta sa mga call-centers dahil sa malaki ang sahod. Maganda naman talaga ang sahod sa call centers, ngunit huwag sanang dumating ang panahon na lahat nalang ng pilipino ay nagtatrabaho nalang sa call centers at pinag-walang bahala nalang nila ang tinapos nila sa pag-aaral. Sana nag-crash course ka nalang ng english subject diba? at hindi na nagsayang ng pera ang mga magulang mo sa pagbabayad ng napakalaking tuition fee.

Monday, June 16, 2008

PARANG NATUTULOG LANG

May Team Building chuva kami last 2 weeks ako, nagswimming kami sa may montalban at syempre mawawala ba naman ang alak...inuman kami mula hapon hanggang madaling araw at ayan ang nangyari sa akin...Ganito pala itsura ko kapag nalasing at nakatulog nalang sa isang bangko...gago 'tong mga officemates ko eh kinuhanan ako ng picture pero ok lang atleast nag-enjoy kami nung araw na yun!

IM SO ANXIOUS



May Anxiety problem na yata ako...lately napapansin ko na palagi nalang akong naiinip, hindi mapakali, parang may gusto akong gawin at hindi ko alam kung ano yun, naiinip ako, inip na inip kaya naisipan ko nalang mag-falsetto at sabayan ang How deep is your love ng BeeGees! as in todo lakas at sana naririnig iyon ng kapitbahay namin dahil palagi nalang may construction sa kanila at madalas ay istorbo sila sa pagtulog ko. May bago akong nadiscover na artist, first kong narinig ang song nya sa palabas na Gavin and Stacy, british TV program sya and i just love James Cordell!!! pero hindi sya yung singer na tinutukoy ko, ang nadiscover kong singer ay si Stephen Fretwell, melodramatic ang songs nya and more of acoustics, gusto ko mga lyrics nya at yung flow ng music nyang kino-compose lalo na yung kanta nyang New York, gustong gusto ko siyang pinakikinggan habang naglalakad ako at patingin tingin sa paligid at sa mga taong nakakasalubong ko, gustong gusto ko kasi yung chorus nya na "FUCK WHAT THEY SAY, FUCK IT IF THEY TALK, IT REALLY DONT MATTER,WERE GOING TO NEW YORK" parang wag mo ng intindihin ang sasabihin nila, basta ang mahalaga magkasama tayo at masaya, gagawin natin ang gusto nating gawin at walang makakapigil dahil nagmamahalan tayo! So selfish, pero kung hindi naman makakasama sa iba yung gagawin niyo ay hindi ka dapat matatakot diba? madami pa siyang ibang kanta na gusto ko, ang sarap sarap kasing sabayan habang iniisip mo yung mga taong nakasama mo sa buhay or yung mga ala-alang related dun sa kanta lalo na kapag umuulan...tangina anxiety problem na nga yata to'...dapat yatang magpatingin na ako pakingsyet!

Friday, June 13, 2008

NAKAKAIRITA!!!





Halos araw-araw nalang ay ganito ang sinasapit ng karamihang pasahero ng MRT tuwing umaga lalo na sa mga oras na 6am hanggang 9am kung minsan hanggang gabi pa. Isa lang ako sa mga biktima ng walang kaayusang pamamahala ng MRT. Palagi akong sumasakay sa may Quezon Ave station tuwing umaga, bandang 6.30am ay mapapansin mo na sangkatutak ang mga pasahero na pumipila sa escalator hanggang sa bilihan ng ticket, dagsaan ang tao parang fans day ni Ate Shawee o ni Juday, parang pila sa poso dahil nawalan ng tubig ang buong Quezon City, parang welga sa EDSA sobrang dami, pumipila ka palang ay talagang tagaktak na ang pawis mo mula ulo hanggang sa singit, mararamdaman mo na gumuguhit na ang pawis mo sa biyak ng pwet mo.Tapos siksikan pa sa hagdan at may makakasabay ka pa na nanunulak at magugulat ka na yung nanunulak sa iyo ay isang walang modo na matandang babae at hindi mo naman masabihan dahil iisipin mo nalang na matanda na eh at isa pa syempre ayaw mo naman ng iskandalo at lalo ka lang tatagal. Ingatan mo din dapat ang pitaka at cellphone mo dahil madami ng insidente na nadukutan sa MRT, sa labas pa lang yan ah, hindi ka pa sumasakay sa mismong tren...nakakairita!


OK so nakabili ka na ng ticket at nakalampas ka na sa turnstile, eto na ang bubulaga sa iyo, kumpol na tao na halos magkandalaglag na sila dun sa riles dahil dikit dikit sila, hindi mo na malaman kung saan ka pwepwesto at kung paano ka makakasakay..."anak ng puta" yan ang sambit ko palagi kapag ganyan na ang nakikita ko nakakairita! Hahanap ka ng pwesto para makasakay at biglang dadating ang tren na walang kalaman-laman at matutuwa ka kasi sa tingin mo kakasya kayo lahat eh at biglang yung tren ay lalampas sa istasyong kinatatayuan mo "anak ng puta naman oh" sa kakaantay mo lalo pang dumadami ang tao, nadadagdagan ng nadadagdagan sa kakaantay niyo ng tren at pagkalipas ng ilang minuto ay ayan na dadating na ang kasunod na tren na may laman na mula sa North station at tsaka hihinto sa inyo at ang mga putanginang pasahero ay kanya-kanyang magsisipagtulakan papasok ng tren na akala mo mamamatay sila kapag di sila nakasakay ng tren! tulak dito tulak doon magsusumiksik makapasok lang at wala silang pakialam kahit na may masiko sila o matapakang paa oh madagukan sa loob basta ang mahalaga sa kanila ay makasakay na sa tren na iyon, kung sabagay ang hirap nga naman kung mahuli ka sa trabaho mo diba? babayaran ba ng MRT yung makakaltas na pera sa iyo? HINDIII!!! sa mga hindi nakasakay syempre ganun ulit ang eksena, better luck next time, antay ka muna ulit ng tren na dadating, nakakairita!


Eto naman ang eksena sa loob, sabihin na natin nakasakay ka na at nagmimistulang sardinas na kayo sa loob ng tren, kung minalas-malas ka pa eh mabaho pa yung hininga ng katabi mo o di kaya may baktol at natapat pa yung mukha mo sa namamawis-mawis nyang kili-kili, hindi mo mabunot ang baon mong panyo dahil hindi ka na makakilos, tangina torture talaga! iniisip mo pa yung mga gamit mo at baka hindi mo mapansin ay may nandudukot na, kada istasyon ay siguradong wrestling, royal rumble 'to! tulakan, balyahan, apakan ng paa at kung minsan meron pang nagmumurahan, may nakita na akong ganyan noon, sa Cubao station ang pinaka-walang hiyang istasyon na masasabi ko...sabi nung isang mama "GAGO MAGTAXI KA NALANG KUNG AYAW MO NG SIKSIKAN!" sumagot naman yung isang mama " ULUL MAGTATAXI TALAGA AKO GAGO!" pero malayo na sya nun nung sumigaw siya, siguro takot din makipag-away...mapapangiti ka nalang eh. Siguro ganyan nalang talaga palagi sa MRT, malamang magkakaroon nalang ng aksyon ang management nila kung may mamamatay sa loob ng tren dahil sa siksikan, baka nga hindi pa rin eh...haayyy nakuh! kung sabagay kahit sa ibang bansa din naman may ganyan, ang tanging lunas nalang siguro talaga diyan ay ang tinatawag nating DISIPLINA...nakakairita!

Monday, June 09, 2008

IBA'T IBANG POSITION SA PAGTULOG

Ito si Kitty, ang napakalanding pusa namin sa bahay, wala na kaming maisip na ipangalan sa kanya kaya Kitty nalang, ngayon may 5 kuting siya, kakapanganak lang...ganyan sya matulog kung minsan kapag pagod na siyang habulin ang mga manok ng kapit-bahay namin.
Ito naman ang kyut na kyut na si Wilbur, sumalangit nawa ang kaluluwa niya (kung may kaluluwa nga ba ang mga hayop) namatay sya dahil sa sakit sa tiyan, binulate...ganyan siya minsan matulog kapag pagod na pagod na siya kakaharot.
Ito naman si Bert, siya ang amo ng mga nabanggit na hayop kanina, mahilig siya sa hayop...ganyan sya matulog kapag nasa trabaho, tinatakpan ang mukha kasi nasisilaw.

TOUNGE INANG YAN




Gaano kaya kasarap magpadila sa mga lintik na 'to?

Sunday, June 08, 2008

IF I WERE A PIRATE

May nakita akong program para sa pocket pc, para siyang adobe at pwede mong i-edit yung picture mo at dahil kausuhan pa ng POTC3 noon ay eto ang ginawa ko... mukhang tanga!

BABY FATS: BUBOY BABOY


Wednesday, June 04, 2008