Isang umaga, pauwi na ako galing sa trabaho kulang ako a tulog nun kaya medyo nahihilo na ako dahil sa antok at gutom ang tanging nasa isip ko nalang ng mga oras na yun ay makauwi na upang makapag-pahinga...Sa loob ng MRT medyo siksikan dahil madami na ding pumapasok sa opisina, nakakapit nalang ako dun sa leather na handle at nakasandal ang ulo ko sa kamay habang nakapikit, pagdating namin ng Santolan Station ay lalo pa kaming nadagdagan sa loob ng tren at laking gulat ko nalang sa isang lalaking tumabi sa akin...nakasuot sya ng itim, lahat itim, damit, pantalon, belt at sapatos ay itim, may pin pa sya sa dibdib na golden crucifix ang haba haba ng buhok nya pero nakatali ito at ang kanyang balbas parang bahay ng ibon, dahil gumana na naman ang tarantado kong utak, naisipan ko syang kuhanan ng litrato para mai-share ko sa iba ang aking nakita...Naalala ko tuloy ang kantang...
Ale? nasa langit na ba ako?...Mama? kayo po ba si San Pedro?
3 comments:
OMG! Scary yung itsura nung guy! LOL!
hmmm.. ganyan ba itsura ni san pedro? no wonder maraming masasamang loob sa mundo, kasi takot sila makaharap yan, buti na lang hindi ako catholic. ahehehe...
parang pinuno ng isang kulto
Post a Comment