Monday, May 26, 2008

8728

Nagpunta ako ng Bulacan kahapon dahil dumalo ako sa kasal ng isa sa malapit kong kaibigan nung kolehiyo, matagal tagal na din akong hindi nakaka-dalo sa kasal, lalo na sa pagpasok sa simbahan, ganda nga ng simbahan eh, may mga painting pa sa kisame, buti nga at hindi ako nasunog pagpasok ko. Pagkatapos sa simbahan syempre kainan at may program sa reception, ganda ng lugar na na-rentahan nila, sulit ang binayad, masarap pa ang pagkain at maganda din ang sound system, kumbaga hindi cheap kundi bonggacious! Pagkatapos ng reception ay sinabihan kami ng kaibigan namin na dumaan daw muna sa bahay nila dahil may konting inuman doon, pumayag naman kami dahil hindi pa naman ganun kalalim ang gabi, ngunit yung iba naming mga kaibigan ay nagbalak ng umuwi dahil may pasok pa sila kinabukasan...Ako naman ay nakisabay nalang sa isa kong kaibigan na may dalang motorsiklo, natatakot nga akong sumakay dahil ang dami daming naa-aksidente sa motor diba? pero sabi ko nga kung oras mo na ay oras mo na tsaka may extra helmet naman sya para sa akin, para kung sakaling sumemplang kami o mabundol ng bus ay safe ang ulo namin, kaya mula Sta.Maria Bulacan ay tinahak namin ang kahabaan ng hi-way papuntang Novaliches...halos 3hrs lang naman kaming bumyahe, kasama na ang mga ilang minutong stop over kaya naman talagang ang sakit sakit ng pwet ko at kapag nalulubak pa ay masakit sa betlog at isa pang masama ay inaantok ako sa byahe at muntik na akong malaglag sa motor, buti nalang kamo ay nakakapit ako sa kwelyo ng kaibigan ko, kundi, malamang ay hindi mo na ito nababasa ngayon...Maayos naman kaming nakarating sa bahay ng kaibigan naming kinasal, tulala nga ako pagbaba ng motor eh, parang hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako at dahil nauna kami sa iba naming mga kaibigan ay nag-videoke to the max muna kami habang umiinom ng pulang kabayo, madami dami na din kaming nakakanta at nauubusan na ako ng makakanta, at sa aking paghahanap ng kanta sa song book ay bigla nalang akong natawa sa isang pamagat ng kanta na aking nakita...

Hindi ko alam kung anong klaseng kanta yan oh baka iba talaga ang ibig sabihin, basta para sa akin ay natawa ako ng mabasa ko siya...Ganun pa man, kahit na masakit pa din ang katawan at pwet namin dahil sa matagal at malayong pagbyahe ng naka-motor ay masaya kaming lahat na nag-inuman, nagkantahan at balikan ang masasayang ala-ala nung mga estudyante pa kami.

1 comment:

Anonymous said...

Naglibog = confused.