Sunday, May 04, 2008

SINIGANG NA BABOY

Kapag nakikita ka, Ngiti ko'y abot hanggang tenga
Asim pa lang ng iyong sabaw, Siguradong ako'y busog na
Okra mong anong laki, Masarap isubo lalo na't makatas
Wala ka mang pechay, May kangkong ka naman na walang kupas

Lalo pa akong nag-iinit, Sa maberde mong sili
Wala akong pakialam, Kung hindi ka nasamahan ng gabi
Labanos mong maputi, Sitaw mo ma'y putol-putol
Hindi kita uurungan, Lalamunan ko man ay magkabuhol-buhol

Lubha akong nanggigigil, Sa iyong taba na di padadaig
Isasawsaw ko pa sa patis, Ang karne mong naghuhumindig
Oh sinigang na baboy, Ikaw lang ang pinaka-minahal kong ulam
Kapag ikaw ang kapiling, Maligaya ang tiyan kong kumakalam



...ginutom tuloy ako sa pag-sulat sa tulang ito!

1 comment:

Anonymous said...

funny, kakakain ko lang ng sinigang a while ago.. at dahil sa "naghuhumindig" mo'ng description ng laman, parang next month na ulit ako kakain nito, ahehehe