Naniniwala ka ba sa karma? at sabi ng iba, digital na nga daw ang karma ngayon at kapag may nagawa kang hindi maganda ay siguradong babalik sa iyo kaagad. Ayokong isipin na karma ang nangyari sa akin kahapon pero mukhang karma nga yata, isang masamang karma..Nagsimula lahat ng magpunta ako sa McDo noong tanghali, dahil wala na akong oras magluto ng kung ano ay naisip ko nalang bumili ng burger meal, wala masyadong pila sa counter at nasa likod lang ako ng mag-ina na halos tapos na din sa pag-take ng order nila, ako naman ay dumudukot na ng pera para ihanda sa pagbabayad ng mapatingin ako sa sahig ay nakakita ako ng pera, 100 at 20 pesos na magkasama at nakatupi, hindi ko alam kung sa akin ba yung pera na yun at nalaglag mula sa bulsa ko, pero sa tingin ko hindi sa akin dahil isa nalang yung 100 na buo ko at hawak-hawak ko yun...di na ako nag-dalawang isip pa at dinampot ko na yung pera sa sahig at tsaka naman biglang umalis yung mag-ina sa harap ko at hindi ko na naisipan pang tanungin sila, kung sa kanila ba yung pera, samakatuwid ay ginamit ko nalang yung perang napulot ko pambili ng cheeseburger meal,Go Bigtime! at umuwi na kaagad upang makakain na!Kinagabihan, nag-ayos na ako upang pumasok sa trabaho, unang araw sa opis para sa linggo kong ito, malakas ang ulan sa labas kaya sinuot ko kaagad ang paborito kong hooded na jacket upang hindi ako masyadong mabasa at baka magkasakit na naman ako...7:15pm na ng makaalis ako ng bahay, 9pm ang pasok ko, sabi ko maaga pa ako, kahit na mag-taxi ako ay hindi ako mahuhuli sa trabaho at dumiretso na ako sa kalsada kung saan madalas may dumadaang taxi at mga dyip, malakas-lakas pa din ang ulan at unti unti ko ng nararamdaman yung basa ng jacket ko sa loob ng katawan ko, kaya naman sumilong na muna ako sa ilalim ng puno upang hindi ako masyadong mabasa, ang tagal dumating ng taxi, kung mayron man palaging may sakay na, wala akong planong sumakay ng dyip at dahil siguradong siksikan sa MRT ng mga oras na yun at naiimbyerna ako kapag ganun! Antay pa din ako sa ilalim ng puna at pagtingin ko sa orasan ay 7:45pm na anak ng potah! patay kang bata ka, kapag hindi pa ako nakasakay male-late ako! Kaya naglakad na ako papunta sa isang kanto kung saan may iba pang mga taxi na dumadaan, ngunit ganun pa din, lahat ng taxi na tinatawag ko ay may laman na, mura na ako ng mura...hanggang may dumating na taxi na medyo kakaragkarag, sumakay kaagad ako kahit na kinakabahan ako na baka sabihin pa ng drayber na ayaw nyang maghatid sa QC, ngunit pumayag naman yung drayber at medyo nahimasmasan ako...Pagdating namin sa EDSA ay anak ng potah! terible ang trapik! dumudugo sa ang EDSA dahil sa dami ng pulang ilaw ng mga sasakyan, kotse, bus, trak atbp...patay sabi ko, pero aabot ako nito 8:15pm pa lang naman eh at mukhang madiskarte naman si Manong Drayber...Nasa kalagitnaan kami ng trapik ng biglang namatayan ng makina ang taxi ngunit madali naman napa-andar ulit ni Manong at ilang saglit lang ay namatay na naman ang makina, ngunit nag-start naman din muli hanggang sa gumanda na ang daloy ng trapik paglampas namin ng Shaw Blvd... Ngunit pagdating namin ng Cubao...eto na, dumudugo na naman ang EDSA! Ngunit nabilib ako kay manong dahil dumiskarte sya ng daan, nag-short cut kami doon sa likod ng samson institute at syempre dirediretso na ang andar namin ng biglang nangyari ang hindi inaasahan...namatay na naman ang makina ng taxi, sinubukan ni Manong na ii-start pero ayaw pa din, huminto muna si Manong sa isang tabi dahil napansin niyang nag-oover heat na pala yung makina niya, yung radiator yata at pinaliguan nya muna ito ng tubig, mula sa loob ng sasakyan ay nakita kong umuusok yung harap, nagsisimula na ding mag-over heat ang ulo ko dahil anak ng potah 8:40pm na! hindi na ako umasa pang makakaabot sa opis sa tamang oras, kaya dumukot nalang ako ng sigarilyo at nagyosi muna sa loob ng taxi, tinanong ko na din si Manong kung anong lagay ng sasakyan at inamin na din niya sa akin na mabuti pang lumipat nalang ako kasi talagang nag-overheat na, mabait naman si Manong at nanghingi ng pasensya, sabi ko nalang sa kanya na wala tayong magagawa eh talagang sira na eh pero pinapakita ko na bwisit na bwisit na ako, sabi ni Manong na wag ko na daw bayaran ng buo yung patak nung metro...dapat lang sa isip-isip ko, hindi kasi muna i-check ang sasakyan bago bumyahe eh...Nagbayad na ako kay manong ng Php100 at bumaba na kaagad, mura na ako ng mura dahil yung putanginang lugar na pinagbabaan ko ay hindi ko alam at wala pa masyadong sasakyan na dumadaan...gigil na gigil na talaga ako at kinakagat ko nalang yung ipin ko...mga 5 minuto na ang lumilipas at wala pa din akong masakyan na taxi, kung mayroon mang dumaan ay may sakay na ding pasahero, meron naman yung mga lintek na maarteng drayber na ayaw magsakay hanggang sa may isang magandang MGE na dumating, haaaaayyy sa wakas! sumakay kaagad ako at sinabi sa drayber kung saan kami pupunta, yung drayber naman ay biglang nagtanong kaagad sa akin kung saan daw ba kami dadaan...lalo akong naasar pero nagpigil pa din ako kaya sabi ko nalang dito tayo sa likod dumaan kasi matrapik sa EDSA...napakamot nalang sa ulo yung drayber at sinabing hindi daw nya alam yung daan dun at kung pwede daw ay mag-EDSA nalang kami, puputok na talaga yung ulo ko sa inis! pero nagtimpi pa din ako...sinabi ko nalang na kung saan mabilis dumaan dun kami dumaan! Natahimik nalang yung drayber, alam niyang mainit na ang ulo ko, dahil yung tono ng boses ko ay medyo iba na...hindi pa nakakatagal ng 10minuto, ang putang drayber biglang bumagal ng andar at sinabi ba naman na nagkamali siya ng daan...halos mabura ko ang mukha ko sa inis...gusto ko ng murahin yung drayber eh, sana kasi sinabi niya na hindi pa siya sanay sa maynila para nakalipat nalang ako ng ibang taxi bago pa kami nakalayo...hindi nalang ako nagsasalita hanggang sa natanto namin ang labasan papuntang EDSA, yung labasan na nakita namin ay yung pinasukan namin nung unang taxi na nasakyan ko, so ibig sabihin babalik pa kami ng papuntang Crame para makapag-U turn at makabalik sa tamang lane! nagsalita na talaga ako...medyo napalakas yung pagsabi ko na "SAAN TAYO MAG-U-U TURN NYAAAN?!!!" pasensya na daw sabi nya at kung gusto ko daw ay bawasan ko nalang daw yung ibabayad ko...dapat lang sa isip isip ko, pucha imbis na mapadali ako sa byahe lalo pa akong napalayo! wala na akong iba pang ginawa sa loob ng taxi kundi murahin ang lintik na trapik sa cubao, nakakapagtaka sa lugar na yan ay wala naman nagbanggaan o anumang aksidente ngunit palagi nalang trapik lalo na kapag umuulan...nakapalampas din naman kami sa trapik matapos ang halos 30 minuto, nakapasok na ako sa opis bandang 9:20pm na at talagang nakakunot ang noo ko...bigla kong naalala yung perang napulot ko sa McDo noong umaga, naisip ko, hindi kaya na-karma ako dahil hindi ko manlang tinanong yung mag-ina kung sa kanila ba yung perang nalaglag...hindi ko naman kasalanan kung nalaglag yun ah? malay mo hindi din sa kanila yun? pero paano nga kaya kung sa kanila yun at yun nalang pala ang natitira nilang pera para makauwi, o kaya yun nalang para ang pera nila para sa isang linggo at kaya sila nasa McDo ay dahil gustong gusto lang pala nung bata ng burger at pinagbigyan lang sya ng nanay nya...Diyos ko ano tong nagawa ko!!! Pero bakit kaya ganun kung karma man iyong nangyari sa akin? bakit ang bilis ng epek?! Digital na nga ba talaga ang karma ngayon? ayoko ng maulit muli ang nangyaring ito...ayoko na ng masamang karma...kaya ikaw mag-ingat ka! dahil naniniwala na ako ngayon na digital na talaga ang karma!
2 comments:
Correction bert... ndi na sya digital... wifi na sya... kaya triple na ang balik nyan sa tao.
Ayos! ang sarap talga mag basa ng blog mo kuya gwinchy. punong puno ng sense at aral sa buhay! keep on posting!
Post a Comment