September 3, 2007 yan ang petsa na natanggap ako sa trabaho ko bilang isang Tech Support Rep, anong date na ngayon? May 4, 2008 ...october, november, december... ... ... WOW! 8 months! 8 months na pala ako sa call center! hindi ako makapaniwala! ngayon lang ako tumagal sa isang kumpanya ng ganito!(nakatingin sa kisame at nagbu-byutipul eyes) Yung mga dati ko kasing napasukan madalas 6months lang, yung isa nga 1 month lang eh, ganda diba? Bakit kaya ako naka-tagal ng ganito sa isang work na hindi ko pa linya? hmmm...malaki ang sahod? madaming kyut? masayang kasama ang mga officemates? ...ulam sa canteen? eeewww hindi ko gusto pagkain sa canteen namin, para kang nagsasabaw ng mantika! Anyway...bakit nga ba ako tumagal? hmmm...Siguro sa salary, ngayon lang kasi ako sumahod ng ganito kalaki, di naman super laki na kaya ko ng bumili ng JAGUAR na kotse, pero mas malaki kumpara sa dati kong trabaho, noon kasi panay minimum wage lang, tipong 3500 per payday, minsan 3k nga lang paano kung may absent ka pa? edi wala ka ng kinita, talagang mahirap pagkasyahin...pero sa totoo lang, kahit malaki ang salary sa call center, hinahanap ko pa din ang gusto kong gawin...akala ng iba panay usap lang sa phone ang ginagawa kapag nasa call center ka? hindi noh! sobrang kakapagod kaya kahit magdamag ka lang nakaupo at sumasagot ng tawag, 8hrs ka ba naman makinig sa mga problema at minsan sisigawan ka pa ng customer at kung minsan mumurahin ka pa at ang masakit dun ay hindi ka manlang makaganti, tapos kailangan mabigyan mo ng solusyon yung problema nila kundi para kang walang silbi, minsan na nangyari sa akin yun at nasabihan ako ng customer ng "Thank you for being USELESS" i felt so bad, gusto ko naman talagang syang tulungan ngunit minsan talagang wala ka ng magagawa lalo na kung yung problema ng customer is out of the company policy...haaay!kung hindi physical, psychological ang labanan sa ganitong klase ng trabaho at napabalita na nga din na mas mataas ang bilang ng nagkakasakit na tao na nagtatrabaho sa call center at buti nalang hindi pa ako nasasama dun at wag naman sana...wag naman sana. Ganun pa man, masasabi kong nakaka-survive pa naman ako kahit na minsan eh ayaw ko na talaga, balang araw siguro susuko na din ako at maghahanap ng ibang trabaho o baka mag-stick ako sa pagiging freelancer (ang pinaka-gusto ko). Anyway, Sunday na naman at araw ng pahinga at lamyerda, siguro manonood nalang ako ng sine mamaya, IRONMAN! maganda daw eh, tsaka gusto kong abangan yung ipapakita after the credits, lumabas daw kasi si Nick Fury! Have a nice weekend!
ang ginaw sa opis, mukha akong teletubbies!
No comments:
Post a Comment