Thursday, November 13, 2008

Tukso...Tukso...Napakasama mo


Parte na kaya talaga ng buhay ng tao ang matukso? Hindi yung tukso na kapag mataba ang isang tao ay babansagan siyang "Baboy" o kaya kapag payat naman ay "Butiki" o kaya naman tutuksuhin kung ano ang kapansin-pansin sa kanya o kung ano ang kapintas-pintas sa kanya.
Ang tinutukoy kong tukso ay yung kagaya ng ginawa ng dalawang unang tao dito sa mundo, ang ating unang mga magulang na sina Eba at Adan, kinain nila ang pinagbabawal na mansanas at ayun pinalayas tuloy ang mga lintek sa hardin ng eden. Maraming klase ng tukso,may taong natutuksong gumastos ng gumastos kapag may perang nakukuha. May taong natutuksong kumain ng pagkain na bawal sa kanya kahit alam niyang magkakasakit sya. May taong natutuksong magpunta sa mga porn-sites kahit alam niyang kabastusan ang laman nito. May taong natutuksong uminom ng alak at manigarilyo kahit ilang beses ng nagkakasakit. May taong natutuksong maki-apid sa iba kahit kasal na siya o may mahal na...haaaaaaayyy kay hirap talagang lumayo sa tukso, kahit anong layo mo susunod at susunod sa iyo, dalawa lang ang pagpipilian mo...magpatalo ka sa tukso at harapin ang masamang kapalit nito o huwag pansinin upang gumanda ang buhay mo...wala sa kaibigan, wala sa mga magulang ang sagot na hinahanap mo...nasa iyo lang ang desisyon kung ikaw ay magpapatukso.

Tuesday, November 11, 2008

INFINITY

I BEND AND I BLOW

T'was a night filled with laughs, food, booze, friends and greetings! I celebrated my post-29th birthday party last friday, actually its not just me who celebrate that night, two of my friends also celebrated their birthday with me...Another year is added to my age, a new chapter begins.
Thanks to everyone who came, you know who you are...it will not be a special day without you guys! My birthday wish is to be with you guys again on my next bend and blow celebration!

Sunday, November 09, 2008

WHY NOT?




Imagine if the President of your country is a Psychic, He already knows whats going to happen in the future, His plans is very much ahead and could be precise..."Dont do this, dont do that, I already foresee whats going to happen if you insist..." Why not, right? well we all know that not all predictions can come true, but im sure it will be very exciting to have a Psychic President!

Monday, October 13, 2008

Sunday, September 28, 2008

Another Purple


Sunday, September 14, 2008

COULD IT BE A SIGN???

What is the first thing that comes to your mind when you see this color?

How about this one?


and especially this


I will tell you a weird story about these colors, but first I will let you know what happened to me before the weird and unexplainable day happened, this story is a bit long but I am sure it is worth reading it...

Napaka-weird at napaka-unexplainable ng nakaraan kong biyernes at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang sagot sa mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko alam kung napaglalaruan ba ako ng kung ano o talagang nagkataon lang. Bago nagsimula ang unexplainable day ay pumasok ako noong thursday sa office na kulang na kulang sa tulog, 3 hours lang akong nakatulog dahil may importante akong ginawa, since last day of work ko naman for that week ay naisip ko na ok lang akong magpuyat, pagdating ko sa office ay nagkape muna ako para medyo magising at ganahan ako sa pagtatrabaho. Ilang oras pa lang ang lumilipas ay tinamaan na ako ng pagkahilo, as in hilong hilo ako at nakakatulugan ko na ang mga customer na kausap ko at madalas ay minamadali ko nalang ang mga tawag para matapos na kaagad at maipikit ko ang mga mata ko, hanggang sa hindi ko na kinaya ang pagkahilo at nagpaalam ako na pupunta ako sa clinic upang manghingi ng gamot. Pagdating ko sa clinic ay tiningnan ng nurse ang blood pressure ko, OK naman daw 110/70, then binigyan nila ako ng gamot para mawala ang hilo ko. After that ay bumalik na ako sa station ko pero pakiramdam ko ay hilong hilo pa din ako at gusto na ng katawan ko ng mahabang pahinga, tiniis ko lang ang lahat kahit sobrang barubal na ng pag-take ko ng calls hanggang sa "kkrrruuukkkkk" ang tunog na kahit sino mang nilalang sa mundong ito ay hindi gustong marinig, ang tunog na nakakapangilabot, ang tunog na talagang pagpapawisan ka ng munggo-munggo, ang sinasabi ko ay ang tunog ng echas na gusto ng kumawala sa loob ng aking sikmura..."PUTANGINA! bakit ngayon pa 'to nangyari, bakit kung kailan queuing pa kami, kung kailan hilong hilo ako sa antok, kung kailan 5 oras pa ang dapat kong bunuin para matapos ang araw ko"...hindi ko na kaya pang pigilan, pakiramdam ko na nauutot ako ngunit sa sandaling bitawan ko ang utot ay siguradong sasama ang jerbaks na naghuhurumintado na sa aking sikmura..."ITATAE KO NA TO!" at yun na nga ang naging desisyon ko, kaya kahit lampas na ako sa maximum minutes ng bio break namin ay hindi ko na ito pinansin at siguradong mas masaklap kung sumambulat ito sa loob ng floor...Dali dali akong tumakbo sa kubeta upang maglaglag ng bomba, pag-upong pag-upo ko palang ay "BBBBRRRAAAAKKKKKK!!!!" nagmistulang Hiroshima ang inidoro at binugahan ng bomba, kalat kalat at halos lumampas sa labas ang jerbs na nagwawala mula sa aking sikmura, matubig at talagang walang kasing baho ang amoy nito at kinailangan ko pang magsindi ng lighter upang pugsain ang nakakapangilabot na amoy na nagmamantsa at tumatambay sa ilong, tumagal din ako ng halos 5minuto sa loob ng kubeta at talaga naman guminhawa ang pakiramdam ko at kaagad akong bumalik sa station ko upang magtrabaho muli...Ang buong akala ko ay ganun lang yun, hindi pa pala, nasundan pa ng ilang beses ang pagbalik ko sa kubeta at talagang hinang hina na ako kaka-jerbaks at dehydrated na ako, wala na akong panlasa at ganang kumain, ang gusto ko nalang gawin ay umuwi at matulog ng matagal, sa tingin ko kaya nasira ang sikmura ko ay dahil sa gamot na binigay sa akin ng clinic namin...putaninanginang gamot yan!At sa wakas ay natapos din ang araw ko sa pagtatrabaho, niligpit ko na kaagad ang gamit ko at daglian lumabas ng opisina, nagbabadya ang panahon ng malakas na buhos ng ulan kaya nagmadali na akong maglakad papunta ng sakayan kasabay ay isa kong ka-opisina, hilong hilo pa din ako sa kakatae at sa sobrang kaantukan ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, hindi na kami umabot sa sakayan at sumilong muna kami ng ka-opisina ko upang magpatila, kwentuhan lang muna kami habang naninigarilyo, mura na ako ng mura dahil gustong gusto ko ng makauwi, halos kinse minutos din kaming nagpatila at sa awa naman ng diyos ay nakapaglakad kami papuntang sakayan at nakasakay naman kami kaagad...Pagdating ko sa bahay ay bagsak kaagad ako sa kama, hindi na ako nakakapagpalit ng damit at basa basa pa ang t-shirt kong suot, hindi na ako makabangon pagkalapat ng katawan ko sa malambot na kutson, ngunit naisip ko na hindi pa pala ako kumakain mula pa noong 11pm ng nakaraang araw kaya kahit hirap na hirap ako ay pinilit ko pa din bumangon at nagpalit ng damit sabay kain. Kakaiba na ang pakiramdam ko, nagsisimula na akong lagnatin dahil siguro sa sobrang puyat at nabasa kasi ako ng ulan. Nakipagkwentuhan muna ako sa kapatid ko pagkatapos kong chumicha, sinalampak ko ang patang-pata kong katawan sa sofa upang makapag-relax hanggang sa hindi ko namalayan ay bumiyahe na pala ako papuntang dreamland...lumipas ang isang oras sa pagkakatulog ko sa sofa ay pinalipat ako ng nanay ko sa kwarto upang makapagpahinga ng maayos, lumipat naman ako kahit hirap sa pagbangon, alas 3 na ng hapon ng makatulog ako sa kama...Naalimpungatan ako dahil nanginginig na ako sa sobrang ginaw at nagbabaga na din ako sa sobrang taas ng lagnat kaya naman nagkumot ako at pinatay ang electric fan...kung ano ano ang napapanaginipan ko, sigaw ako ng sigaw at sa bawat sigaw ay nagigising ako, naghahalucinate na ako dahil sa trangkaso. Naalala ko pa na ginising ako ng nanay ko upang ayain na kumain at uminom ng mainit na kalamansi na may honey ngunit ang sagot ko lang ay "Opo babangon na ako mamaya" ngunit tuloy tuloy pa din ako sa aking pagkakahimlay hanggang sa gumising na ako ng ala-6 ng umaga, imagine, nakatulog ako ng 3pm - 6am the following day na! Sabi ko sa sarili ko na tama na ang tulog at lumipas na ang napakahabang oras, napansin ko din na wala na akong lagnat ngunit ang sakit ng ulo ko dahil sa walang laman ang tiyan ko. Hindi na ako ulit bumalik sa kama at nagsipilyo muna ako bago kumain dahil pakiramdam ko na sobrang baho na ng hininga ko at puno na ng bacteria ang bibig ko. Naligo din ako kaagad at nagbihis pagkatapos kumain upang makaalis ako kaagad ng maaga sa bahay dahil pupunta ako sa clinic upang magpa-annual check up.

Pagkaalis ko ng bahay ay dito na nagsimula ang hindi ko mapaliwanag, medyo masama pa din ang panahon, maulap pa din at medyo umaambon ambon at habang nakasakay ako sa FX at nakadungaw sa bintana ay napansin ko ang mga kulay ng damit ng mga tao sa kalsada. Napansin ko na ang ganda ganda ng combination ng kulay, perfect para sa isang photo shoot, may naka-purple, turquoise blue at magenta, binaliwala ko lang ito dahil ano ba naman diba kung maganda ang combination ng mga damit nila. Pagdating ko naman sa MRT ay napansin ko din na may nakapurple na naman at may naka-magenta at turquoise blue..."hmmmm parang...ay nagkataon lang siguro" sabi ko sa sarili ko. Lumipas ang ilang oras at nagpunta na ako sa clinic, pagdating ko doon ay kinuhanan ako ng urine sample at dugo, nagpa-x-ray din ako ng baga at tapos konting interview ng doctor, kinabahan nga ako kasi baka mamaya may sakit na pala ako na hindi ko pa alam...anyway, pagkatapos ng mga test chuva at interview ek-ek ay pinaghintay nalang ako ng doctor sa waiting area upang tawagin ako. At sa aking paghihintay ay napansin ko na lahat ng mga assistant dun ay nakapurple..."OMG! this is too much to be a coincidence!" at hindi pa dun natapos yun, ilang saglit lang ay biglang may pumasok na babae na magpapacheck-up at naka-purple din tapos may pumasok na naman na isa pang babae na nakalavender naman tapos biglang may dumating naman na naka turqouise blue at biglang may nakamagenta..."My god, anong ibig sabihin nito...bakit halos lahat naka-purple?! Sign ba ito?! pero sign ng ano?! bakit nangyayari ito?! ako lang ba ang nakakapansin nito?! hindi...hindi totoo ito! masyado lang akong pagod at kung ano anong naiisip ko" natapos ako sa clinic at dumiretso ako sa trinoma upang kumain muna ng hapunan...mas lalong umikot ang ulo ko pagdating ko sa mall, hindi sa dahil napakadaming tao sa paligid, kundi napakadaming tao na may suot suot na purple/violet/lavender..."OH MY GOOOOODDDDD!!!!! THIS AINT HAPPENING!!! THIS IS NOT REAL!!! Natutulog pa din ba ako? nananaginip lang ba ako? hindi eh, gising na ako, gising na gising na ako eh! " hindi ako mapalagay sa mga nakikita ko, sa mga napapansin ko, pakiramdam ko para akong nasa TWILIGHT ZONE! "OK kung isa itong sign, then give me a sign and let me know what is it for" yan nalang ang sinasabi ko sa isip ko...then nagkita na kami ng kaibigan ko at tumuloy kami sa megamall upang kitain ang iba pa namin kaibigan, matagal din kaming paikot ikot sa megamall at parang wala na akong napapansin na nakasuot ng purple o violet o lavender...haayyy si medyo nahimasmasan na ako. Nagkayayaan kaming kumain muna sa Jollibee ng mga kaibigan ko at yung isa daw namin kaibigan ay dadaan din sa Jollibee pero hindi siya makakasama sa gimik namin dahil may naka-set na din siyang lakad...at habang kumakain na kami ay dumating na yung isa naming kaibigan and guess what? HE'S WEARING FUCKING PURPLE!!!!!!!!! ano bang meron sa kulay na to?! Pagkatapos nun ay hindi ko nalang inintindi kung makakakita pa ako ng mga taong nakakulay purple at nagsaya nalang kami ng gabing iyon hanggang sa umuwi kami, masaya naman ang gabi namin, puno ng tawanan at kulitan at kwentuhan ngunit pagdating ko sa bahay ay naalala ko na naman yung tungkol sa kulay purple..."search ko nga sa net" sabi ko and these are the stuff that I found over the net... According to the website http://www.sensationalcolor.com/

Purple embodies the balance of red's stimulation and blue's calm. This dichotomy can cause unrest or uneasiness unless the undertone is clearly defined, at which point the purple takes on the characteristics of its undertone. With a sense of mystic and royal qualities, purple is a color often well liked by very creative or eccentric types and is the favorite color of adolescent girls...Adolescent what??? GURLS???

at ito pa...

Purple around the globeIn Thailand, purple is worn by a widow mourning her husband's death. The purple in the U.S. military Purple Heart award represents courage. The Purple Heart is awarded to members of the United States armed forces who have been wounded in action.

In Tibet, amethyst is considered to be sacred to Buddha and rosaries are often fashioned from it.

A man with the rank of Roman Emperor was referred to as "The Purple" -- a name that came from the color of the robe he wore.

In Japan, the color purple signifies wealth and position.

Purple was the royal color of the Caesars.

In pysanky, the traditional Ukrainian form of egg dying, purple speaks of fasting, faith, patience, and trust.

Purple denotes virtue and faith in Egypt.

In Tudor Britain, violet was the color of mourning, as well as the color of religious fervor.

Traditionally, in Iran, purple is a color of what is to come. A sun or moon that looks purple during an eclipse is an omen of bloodshed within the year.

So hindi pala lahat positive dahil it symbolizes DEATH...scary diba?

there are other meaning pa like Purple is the color of good judgment. It is the color of people seeking spiritual fulfillment. It is said if you surround yourself with purple you will have peace of mind. Purple is a good color to use in meditation. Purple has been used to symbolize magic and mystery, as well as royalty. Being the combination of red and blue, the warmest and coolest colors, purple is believed to be the ideal color. Most children love the color purple. Purple is the color most favored by ARTISTS. Thursday's color is purple.

Madami pang ibang kahulugan sa mga websites na napuntahan ko tungkol sa kulay na ito at kadalasan parehas lang kaya hindi ko na ilalagay dito at baka bukas ka na matapos sa pagbabasa... Ano nga kaya ang ibig sabihin sa akin nitong purple color na ito? senyales ba sya o sadyang nagkataon lang talaga? what if isa siyang sign? So what do you think? am I being crazy or what?

kanina ko lang ito sinulat sa opisina namin at paglabas ko ng opisina...bumulaga sa akin ang babaeng nakakulay PURPLE!



Tuesday, September 02, 2008

Toys that I could'nt resist

Since childhood, I have this passion of collecting toys and I still have it until now, I still have this cravings of buying toys especially if the toy that I see is really mouth watering! When I was a kid, I used to have He-Man, Mask, Transformers, G.I.Joe, TMNT and some other action figures that is popular on TV...I even had a cheap plastic Hello Kitty that my mom bought me from the wet market (not in Gift Gate) which I love the most, She's always with me almost all the time even when I am taking a shower or playing water on a BATSA. It's a bit difficult to resist this addictive hobby, it's like a can of PRINGLES, once you pop, you can't stop, and I will not stop, I dont find any reason why I should stop collecting toys, maybe I will pause for a while, especially if the budget is too tight, but no way I will stop this hobby. Whenever I buy the toy that I like, there is this feeling of contentment whenever you get hold of that thing, It's also like an achievement for me...but also there is the opposite, sometimes there will be a time that I will see a toy that really captures my heart but unfortunately it's too expensive or it is not for sale and worst of all, the money that I have that time is not enough to buy it! and that's frustrating!!! anyway, let me share some of the recent toys that I bought, these toys are not new anymore, this is what we called "LOOSED" because its out of the package already, when I saw this toys, I said to myself "I want to have it, I NEED to have it!!!" and that time I have extra cash, so why waste the opportunity, tomorrow it may not be there anymore and I will regret it for the rest of my life and besides, It is cheaper than a brand new one...







I purchased these toys for Php 300 each, which is not a bad deal, especially Nightcrawler because it comes with a diorama...I will show you more when I get a chance to buy another one...



Monday, September 01, 2008

ISTORYANG CELLPHONE

Halos 2 taon na din ang lumilipas mula ng mabigyan ako ng isang simple pero magandang cellphone, masaya ako noong araw na yun dahil first time kong nagkaroon ng cellphone na medyo may kalidad, inalagaan kong mabuti ang cellphone na ibinigay sa akin, binigyan ko pa siya ng silicon para hindi masira ang body niya at para hindi kaagad magasgasan at magluma, masarap siyang gamitin at napamahal na ako sa kanya...ngunit isang araw ay nasira ang nokia phone ko, sa hindi malamang dahilan ay nawalan nalang siya ng signal, sinubukan kong palitan ng sim card at baka kasi yung sim ang may sira at hindi naman yung phone, ngunit ayaw pa din magka-signal, ni-restore ko na din ang factory settings pero wala pa din, tumawag na ako sa Globe at sa nokia at nag-search na din ako sa internet ng mga posibleng solusyon sa aking problema, halos lahat na ginawa ko ngunit hindi pa din umubra hanggang sa naisipan ko na hayaan ko na muna at dadalhin ko nalang siya sa pagawaan. Kaya naman pagkalipas ng ilang araw ay nagpunta ako ng nokia care upang alamin kung magkano ba ang service nila, ngunit tila yata ginto ang kamay ng mga gumagawa doon at labor fee pa lang ay Php560 na! WOW! Mataas pa sa minimum wage??? OK ka lang??? wala pa dun yung bayad kung sakaling may kailangan silang palitan na pyesa sa loob, pero syempre naman guaranteed na nokia parts ang ilalagay nila dun at kung hindi mo gusto yung price ng pyesa at gusto mo nalang i-pull out ang phone mo, kailangan mong magbayad ng pull-out fee na Php200..Oh san ka pa? Grabe ang price ng pagpapagawa sa certified repair center ngayon at ang nakakainis pa ay sabi nung gurlalu doon na baka kailangan na daw i-reformat yung phone kasi mukhang yung mismong program na daw ang sira, at may tendency pa daw na baka hindi compatible yung program na iinstall nila kasi for phillipines lang daw yun at yung phone ko ay from abroad, at kapag ganun daw ang nangyari ay dapat daw dalhin ang phone ko sa LEVEL 3 REPAIR..."HUH?!" laking gulat ko sa mga sinabi sa akin nung babae at akala naman niya eh naniniwala ako sa kanya, alam naman pala niya na may posibility na hindi gumana yung pang-pilipinas eh bakit hindi pa niya gamitin yung siguradong gagana diba? kaya ang sabi ko nalang sa kanya ay "Ah sige ipapaalam ko muna sa may-ari yung babayaran at babalik nalang ako kapag pumayag na..." tanginang yan! ano ako hilo? sa labas ko nalang ipapagawa ang phone ko at pakiramdam ko naman na hindi ganun kalaki ang sira ng phone ko noh! May nalalaman pa siyang LEVEL 3 repair kuno! Hmp! Pekpek niya Level 3! ...lumipas ang ilang araw ay balisa pa din ako dahil sira pa din ang phone ko, gustong gusto ko ang nokia phone ko, napamahal na ako sa kanya at isa pa ay napaka-user friendly nya kasi eh...at biglang naalala ko yung kaibigan kong gumagawa ng cellphone noon sa may Greenbelt "tama sa kanya ko dadalhin ang cellphone ko, siguradong maayos niya yun at hindi ko pa kailangan magbayad ng napakamahal at garantisadong hindi naman niya ako lolokohin dahil napagkatiwalaan ko na siya noon pa" yan ang sabi ko sa sarili ko...(oo minsan kinakausap ko ang sarili ko). Nag-set ako ng araw kung kailan ko dadalhin yung cellphone ko sa kaibigan ko, ngunit tuwing nagbabalak nalang ako ay palagi itong nauudlot, ,ung hindi ako nakakatulog ay bigla naman sumasama ang panahon hanggang sa hindi ko na napagawa yung cellphone ko...
...
...
...
Dalawang linggo na ang lumilipas mula ng nasira ang cellphone ko, wala pa din siyang signal...naisipan kong bigla na "ano kaya kung i-synch ko siya sa kompyuter ngayon?"..hindi na ako nagatubili pa, binuksan ko kaagad ang kompyuter at kinuha ko kaagad ang kable ng cellphone ko upang i-synch ito, nilagyan ko siya ng sim at...dan-da-da-dan-daaann!!! Na-detect kaagad ng PC yung cellphone! Hinanap ko kaagad dun sa program ng synch kung may pang-update ba ng cellphone...hanap...hanap...hanap...at habang nahihilo na ako sa kakahanap ay naisipan kong damputin ang cellphone ko...TARAN!!!!!! MAY SIGNAL NA SIYA ULIT!!!! YEHEYYYYYY!!!! Bumalik na sa dati yung cellphone ko hindi na siya nawawalan ng signal! MABUHAAAAAAAAAYYYY!!! GAGALING!!! GAGALING!!! Masayang masaya ako noon at hanggang ngayon dahil nagagamit ko na ulit ang nokia phone ko, magkasama na ulit kami palagi, kasama ko na siya ulit sa pakikipagusap ko sa mga kaibigan ko, sa mga kamag-anak ko, sa pagkuha ng mga litrato, pakikinig ng music...haaaaayyy Nokia 6230i ko...Mahal na mahal kita!






Tuesday, August 12, 2008

Do not step on the platform my ass!!!




I saw this sign one day and I thought...hhmmmm...what if I do the opposite???


...UHMP!!!


...ayan apakan ko nga!

Sunday, August 03, 2008

Such one lucky dog

I went to the supermarket last few weeks ago and while im looking for a tomato sauce, this really surprised me, at first glance I thought its a baby wearing a furry hat but NO, its a FUCKIN' DOG ON A BABY CART!!! After seeing this, It reminds me of those street children eating garbage or left over food just to survive...

Monday, July 21, 2008

VIPER


Tuesday, July 15, 2008

FOOD CAMP

Sunday, July 13, 2008

How to say "YOU DIDNT MAKE IT" in a nice way

Last few weeks ago, i got an email from jobstreet.com about the latest companies that is open for artist position, so grabbed the opportunity and send out my resume.

...then i waited


...after a few days, still no reply


...still waiting


...still patiently waiting


...days have passed, still no reply


...sigh, still no reply


...new job openings already sent to me by jobstreet.com but still no reply from the previous company


..then finally after almost a month i got a reply! WOOHOO!!!


and this is what they said


Dear Sir:

Thank you for your interest in applying for the position of GRAPHIC ARTIST. We have given your resume careful and thorough review. While your qualifications are impressive, we regret that we are unable to extend an offer to you, as the competition for this position has been very keen. Your interest in our company is most appreciated, however, and we would like to wish you the best of success in your career.

Truly yours,
Blah blah blah Inc.


...hmmmm, tough shit! then dont! :-)

Thursday, July 10, 2008

PULUBI VS TAONG GRASA ROUND 3

Sa round na 'to medyo humabol sa puntos ang pulubi group, kitang kita naman sa larawan, isang bulag na pulubi, may electric guitar, may mic at may donation box at hindi lang yun, may malaking payong pa siya! Say mo? Bilib ako sa pulubing ito, hindi sya yung tipikal na lumilitaw nalang sa kawalan at magugulat ka na nanghihingi na sa iyo ng palimos, dito masasabi ko pa talagang may ginagawa siya upang kumita ng pera, kahit umulan o umaraw ay nandiyan siya magkaroon lamang ng konting palimos at pantawid ng gutom, napansin ko din na mas madami ang nagbibigay sa kanya kumpara sa mga tipikal na namamalimos...minsan naisip ko na bigla kaya siyang surpresahin ng isang TV show gaya ng "Wish Ko Lang" at habang tumutugtog siya gamit ang luma niyang gitara ay hindi niya alam na may naka-set-up ng full band sa likod nya at bigla na lamang siyang sasabayan sa anumang tinutugtog niya, tipong isang sikat na banda! tapos ang dagdag pa sa regalo sa kanya ay bibigyan sya ng tutorial sa YAMAHA SCHOOL OF MUSIC, tapos bibigyan din siya ng bagong FENDER STRAT na gitara na may kasamang Amplifier at mga gadgets at hindi lang yun, bibigyan din siya ng pagkakataon na tumugtog at makapagtrabaho sa isang acoustic bar 4 times a week para hindi na siya tumutugtog sa kalye at kumikita pa siya ng malaki!...Ano kayang mararamdaman ni Manong Musikero noh? Sa tingin mo? let me hear your comment.

Tuesday, July 08, 2008

ANO BA TALAGA???


Hindi kaya adik din ang nagsulat nito? nakita ko lang yan kanina sa may bandang guadalupe malapit sa ilalim ng tulay...may arrow pa na parang tinutukoy na doon banda NO TO DRAGS pero sa ibang kabila pwede...hmmmm! interesting ha!

Tuesday, July 01, 2008

PUPPY LOVE



Kailan kaya pumapasok sa isip ng isang tao ang magkaroon o makaramdam ng crush? Pumapasok nalang kaya yun ng automatic? Para ba itong sakit na bigla nalang dadapo sa hindi mo inaasahang oras? yung tipong magugulat ka nalang gusto mo na pala siya, magugulat ka nalang at palagi nalang siya ang iniisip mo, magugulat ka nalang na parang kulang ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita, naririnig at nakakausap man lang kahit sa telepono? Bakit nga kaya sadyang nakakabaliw ang pakiramdam kapag may gusto ka sa isang tao? Iba pa kaya talaga ang pag-ibig sa pagkakaroon ng crush? Madaming tanong na mukhang madami din ang version ng sagot, parang relihiyon, kanya-kanya ang paniniwala pagdating sa pag-ibig o crush...May crush ang isa mong kaibigan na ayaw mo dun sa crush niya at ikaw naman may crush ka na ayaw din ng iba mong kaibigan, maganda para sa tingin mo, pangit naman sa kanila at vice-versa, kaya talagang kanya kanya ang paniniwala, kanya kanya ang dahilan kung bakit gusto ni ganito si ganyan at kung bakit mas maganda sa iyo ang pangit sa kanila...Hindi mo mapigilan at parang nasa ilalim ka ng isang salamanka. Kay sarap magkaroon ng crush, palagi kang inspired, parang ganado ka palagi, daig mo pa ang nagta-track and field sa olypics sa sobrang liksi mo, nakakalimutan mo ang pagod, ang mga problema, parang yung crush mo yung gamot sa sira mong araw, tipong lahat gagawin mo para mapansin ka niya, kahit alam mong mukha ka ng tanga.
Teka kumuha nga tayo ng source kung ano nga ba ang ibig sabihin ng "CRUSH" ...Ayon sa Wikipedia ang Crush daw ay ang tinatawag din na PUPPY LOVE which is an informal term for feelings of love, particularly between young people during adolescence, so-called for its resemblance to the adoring, worshipful affection that may be felt by a puppy. The term is often used in a derogatory fashion, describing emotions which are shallow and transient in comparison to other forms of love such as romantic love. Another use of the term (also commonly described as a "crush"), can be used to describe the love or lust of a child or adolescent for an adult. For example, a student being attracted to his or her teacher could be considered puppy love. In this case, the term relates an infatuation which is frequently not reciprocated. The term may meet with resistance from some people as patronizing and belittling of genuine emotion... So naintindihan mo ba?
...
...
...
...
...
Ako din hindi eh, ingles kasi.
Ilang taon ka noong una mong naramdaman ang magka-crush sa isang tao? yung pakiramdam na nakakabaliw, yung pakiramdam na hindi madaling bitawan dahil masarap at medyo nakakaliti parang binubulate ka sa pwet...I-she-share ko lang ah, kung hindi ako nagkakamali, unang beses ko yatang naranasan yan noong prep ako, may isa akong classmate nun na ang ganda ganda niya at mukha siyang anghel, maputi, makinis ang balat, maganda ang buhok, pink ang lips at maganda ang mata, siya ang unang na-kiss ko, hiyawan pa nga ang mga lintik na mga magulang namin eh, sobrang kilig silang nakikita ang mga anak nilang naiinlab sa isa't-isa! I-tolerate daw ba? pero syempre yung kiss na yun ay sa cheeks lang, hindi torrid noh, ano siya hilo? Heller! Tsaka sobrang bata pa kami nun, supot pa ako nung panahon na yun at hindi ko pa alam ang sex! Naalala ko pa nga na nagpupunta kami ng Nanay ko dun sa bahay nila minsan at binabasahan niya ako ng mga childrens story, gaya ng Jack and the Bean Stalk, Ugly Duckling, Lil' Red Riding Hood at marami pang iba, (hindi ko maintindihan, marunong naman akong magbasa nun eh bakit siya ang basa ng basa...degrading ha! Naiimbyerna ako!) habang ang mga nanay naman namin ay busy sa pagchichikahan habang naghahanda ng meryenda...Gandang ganda ako sa kanya at kahit bata pa ako noon ay pakiramdam ko mahal ko na siya! Ngunit dahil mura pa ang isip ko at may gatas pa ako sa labi ay hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig kaya sa malamang ay hindi pagmamahal yun kundi crush lang. Bakit kaya madalas ay dine-deny natin ang pagkakaroon ng crush? kapag tinanong mo yung kaibigan mo kung mahal niya yung isang tao ay mahihiya pa siya at sasabihin niyang "hindi naman, crush ko LANG" ...sobrang showbiz sumagot ampotah! Samantalang kung iisipin mo ay doon nagsisimula ang unang kilig diba? lalo na kung habang nakatingin ka sa crush mo tapos bigla ka din niyang tiningnan at bigla ka niyang nginitian, sabay yuko tapos sumundot pa siya ulit ng isa pang tingin with matching ngiti ulit sa iyo! AAAAYYYY!!! Nanginginig ang mga ugat ng puso mo, sigurado para kang hihimatayin sa tuwa at pinupulot mo na ang underwear mo sa lapag! Aminin mo alam mo yang pakiramdam na yan diba? Ang matindi ay sa tingin palang nya ay ganun na ang reaksyon mo, eh paano pa kaya kung makilala mo pa siya? nagpalitan kayo ng number, palagi kayong nagkakasalubong, naging close kayo, hanggang sa nagsisimula na kayong lumalabas labas, hanggang sa sobrang close niyo eh ok lang sa inyong nagkakabiruan ng below the belt dahil alam niyo naman sa isa't isa na katuwaan lang yun...sa madaling salita ay naging Super Friends kayo! Pero kahit friends kayo ay crush mo pa din siya...hanggang sa dumating na ang hindi niyo inaasahang araw na dalawa lang kayong magkasama sa isang romantikong lugar at bigla nalang kayong nagkatinginan mata sa mata, ramdam ng bawat isa sa inyo ang tibok ng puso at parang may hangin nalang na dumaan at bumubulong sa tenga niyo at sinasabing "Haaaaaliiiikaaaan moooo naaaaaaaaa syaaaa...syaaa...syaaa...syaaaa "at dahan-dahang maglalapit ang inyong mga labi, magdidikit, parang may kuryenteng dadaloy sa buo niyong katawan at sabay kayong mapapapikit sa sarap ng init na inyong nararamdaman, nagpalitan kayo ng laway, dila sa dila ang labanan, hanggang ang mga kamay niyo ay nagsisimula ng magpunta sa ibang parte ng katawan...opppssss teka teka...wag muna yun, alam kong kinikilig ka na...At pagkatapos niyong magtikman ng labi ng isa't-isa ay sabay kayong bibitaw at mahihiya pero bakas na bakas sa mga pagmumukha ninyo na gusto niyo naman ang nangyari at umaasang maulit muli, kaya magkakangitian kayo at magyayakapan at diyan na biglang papasok ang linyang..."Check in tayo?" hehehehe!... NO! hindi yun ang tinutukoy kong linya, ang gusto kong sabihin ay ang ganitong linya "Alam mo... Gusto kita...pwede ba natin subukan maging tayo? " ...uuuuyyyy M.U. daw oh! Mag-Un! ...Alam ko na alam niyong lahat kung anong pakiramdam ng magkaroon ng isang crush, NAPAKASARAP!!! siguro ilan doon sa mga nabanggit ko kanina ay talagang nagawa niyo na o baka nga higit pa, ngunit minsan dapat din nating isipin na hindi porket gusto mo ang isang tao ay gusto ka na rin niya, hindi porket natutuwa siya sa iyo ay pareho na siya ng nararamdaman gaya ng sa iyo, hindi porket close kayo ay posibleng mas lumalim pa, minsan dapat may limitasyon din, tantsahin mo din diba? At baka mamaya makita mo nalang ang sarili mong nag-iisa, umiiyak, naglalasing, gusto mo ng magpakamatay habang yung crush mo naman ay maligayang maligayang kasama ang newly throphy jowa niya! wag sayangin ang oras sa bagay na walang kasiguraduhan... Mag-isip isip din diba? Ngunit mas masaya pa din talaga kung ikaw ang makakatuluyan niya!

Tuesday, June 17, 2008

BAKTUSKUL

Tapos na ang bakasyon at simula na naman ng eskwela, madaming bata ang excited sa pagpasok at marami din naman ang tinatamad at gusto pang mag-extend ng bakasyon. Hindi na pwedeng magpuyat ang mga batang grade school dahil maaga silang gigising sa umaga, pwera lang syempre ang mga estudyanteng pumapasok sa hapon, obvious naman diba? bakit sila gigising ng umaga eh sa hapon pa ang pasok nila. Ang mga High School studes naman ay excited na din dahil magkikita-kita na naman silang magbabarkada at syempre ang crush nila sa school. Sa mga college studes eh wala lang, parang wala naman bakasyon sa college eh, meron man pero halos saglit na saglit lang at parang di mo mamamalayan na tapos na pala, karamihan pa naman ng mga universities at colleges ngayon ay Trimester na at yung ibang masisipag na estudyante naman ay nagsa-summer class. Dahil pasukan na naman ng mga estudyante ay dapat maghanda na tayo sa pahirapang pag-biyahe at siguradong punuan na naman ang mga dyip, bus at tren at wag kalimutan ang nakakapag-painit ng ulo na trapik lalo na kapag umuulan.
Na-aalala ko pa nung elementary ako, sa public school ako nag-aaral, masipag akong pumasok noon sa eskwela, maaga akong gumigising para mag-ayos at makapag-almusal mahirap mag-aral kapag ang iniisip mo ay ang kumakalam mong sikmura, naglalakad lang ako kapag pumapasok bitbit ang napakalaki kong bag na puno ng libro at mga notebook na makakapal , malapit lang naman kasi yung iskul ko sa bahay namin eh, medyo delikado lang kasi may tinatawidan kaming kalye na puno ng sasakyan (A.Bonifacio).Naaalala ko pa noon ang baon kong pera ay dalawang pisong papel, yung kulay blue na si Jose Rizal ang nakaprint, malaki pa ang halaga noong ng dalawang piso, nakakabili ako ng nutri-bun, gulaman at chichirya, kalahating araw lang ang pasok namin noon kaya ok lang na hindi kumain ng mabigat kasi pag-uwi naman sa bahay ay kakain na ako ng tanghalian, tapos minsan nagrerenta pa ako ng Game N' Watch dun sa Mama na may tinutulak na karitela, 50 centavos yata yun kada laro o kaya naman ay sumasali ako dun sa palabunutan na ang premyo ay itik o kaya sisiw. Hilig ko noon na pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay ginagawa ko na ang assignments ko bago ako maglaro sa kalye, lalo na kapag may ido-drawing kami o may kinalaman sa arts. Masaya noong elementary kasi tinuturuan kami ng mga gawaing bahay, gaya ng pagluluto at paglilinis, tinuturuan din kaming gumawa ng mga bagay na pwedeng pagkakitaan, gaya ng basket, pamaypay na yari sa abaka at ang hindi ko malimutang paglalaminate ng litrato, yung nakadikit sa kahoy tapos laminated, hanggang ngayon naka-display pa sa bahay yung gawa ko, tabingi pa nga yung pagkakagawa ko eh, balbon ika nga nila. Hindi pa uso barkadahan noon, pero may mga tinatawag naman akong bestfriends.
Noong tumuntong naman ako ng High School, diyan na ako medyo dinapuan ng katamaran, di ko na hilig ang mag-aral ng mabuti noon. Diyan ko din natutunan ang kung ano anong klaseng katarantaduhan! Diyan nga daw pumapasok ang curiosity stage, nagbibinata, maraming gustong subukan pero madalas nauuwi lang naman sa wala. Noong High School ko natutunan makipag-barkada, mag-bisyo, manood ng porn, mag-cutting classes, mandaya sa exam, mangopya sa kaklase, magpa-iyak ng titser at kung ano-ano pa! Pero may natutunan din naman akong maganda noong High School, ayun ay ang huwag ng gawin ang mga maling ginawa ko.Napakasaya ng High School life ko dahil sagana sa adventures at kwentong hindi ko talaga malilimutan lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko sa loob at labas ng eskwela.
Kung ang High School ko ay puno ng katarantaduhan, iba naman pagdating ng college, kombinasyon sya ng katarantaduhan at masinop na pag-aaral, pwera lang sa minor subjects. Fine Arts ang kinuha ko noon, mahilig kasi akong mag-drawing at gumawa ng kung ano anong arts, kaya naman peborit ko ang mga major subjects namin, kasi full of arts talaga, enjoy gawin at hindi ako tinatamad, pagdating naman sa mga minor subjects gaya ng english, rizal, behavioural science atbp. ay wala akong gana, pero hindi naman ako madalas mag-absent dahil ayaw kong nahuhuli sa mga pinag-aaralan namin. Nagkaroon din ako ng sangkaterbang kaibigan noong college years ko, barkada sa Fine Arts, barkada sa Engineering, barkada sa Business Admin., pati nga mga janitor at guardia ay barkada ko din. Noong college ko din naranasan ang tumugtog sa stage kasama ng aking mga ka-banda, kausuhan kasi ng banda noon eh, tumutugtog kami sa school kapag may event, lalo na tuwing fashion show ng Fine Arts which is sobrang namimiss ko na. Madalas din kaming mag-inuman noon ng mga barkada ko, iinom kami sa tapat ng school kahit na alam namin na may klase pa kami, yung isa ko ngang barkada noon ay sumuka sa classroom, buti nalang mabait yung prof namin at hindi siya pinagalitan, pinagtawanan lang namin sya. Noong college din yung tipong pahirapan kumuha ng subjects at kung paano mo gagawin ang sched mo dapat kasi hindi magcoconflict ang scheds ng mga subjects mo, nahihirapan lang ako noon kumuha ng minor subjects, kasi sa college of fine arts naman ay madami kaming scheds, mahirap pa lalo ay yung may madi-disolve na subject dahil sa kakulangan ng nag-eenroll, meron din naman mga subject na hindi na ino-offer pero madami pang estudyanteng hindi nakakakuha kaya nagpepetisyon sila kapag ganun ang sitwasyon. Sa awa ng diyos ay wala naman akong naibagsak na subject, meron lang 2.75 at pasang-awa na 3.00.
Nakaka-miss ang pagiging estudyante, kung maaari lamang ibalik ang panahon na nag-aaral pa ako ay gagawin ko. Sa aking sariling pananaw, ang pagiging estudyante na siguro ang kabanata sa ating buhay na hinding hindi natin malilimutan dahil doon natin natututunan ang karamihan ng bagay na ngayon natin ginagamit, kumbaga sa science, chemistry ang pag-aaral at physics naman ang pagtatrabaho.... ngunit sa panahon ngayon hindi na din ganun ang nangyayari, madalas hindi na nagagamit ng mga estudyante ang mga napag-aralan nila dahil karamihan ngayon ay napupunta sa mga call-centers dahil sa malaki ang sahod. Maganda naman talaga ang sahod sa call centers, ngunit huwag sanang dumating ang panahon na lahat nalang ng pilipino ay nagtatrabaho nalang sa call centers at pinag-walang bahala nalang nila ang tinapos nila sa pag-aaral. Sana nag-crash course ka nalang ng english subject diba? at hindi na nagsayang ng pera ang mga magulang mo sa pagbabayad ng napakalaking tuition fee.

Monday, June 16, 2008

PARANG NATUTULOG LANG

May Team Building chuva kami last 2 weeks ako, nagswimming kami sa may montalban at syempre mawawala ba naman ang alak...inuman kami mula hapon hanggang madaling araw at ayan ang nangyari sa akin...Ganito pala itsura ko kapag nalasing at nakatulog nalang sa isang bangko...gago 'tong mga officemates ko eh kinuhanan ako ng picture pero ok lang atleast nag-enjoy kami nung araw na yun!

IM SO ANXIOUS



May Anxiety problem na yata ako...lately napapansin ko na palagi nalang akong naiinip, hindi mapakali, parang may gusto akong gawin at hindi ko alam kung ano yun, naiinip ako, inip na inip kaya naisipan ko nalang mag-falsetto at sabayan ang How deep is your love ng BeeGees! as in todo lakas at sana naririnig iyon ng kapitbahay namin dahil palagi nalang may construction sa kanila at madalas ay istorbo sila sa pagtulog ko. May bago akong nadiscover na artist, first kong narinig ang song nya sa palabas na Gavin and Stacy, british TV program sya and i just love James Cordell!!! pero hindi sya yung singer na tinutukoy ko, ang nadiscover kong singer ay si Stephen Fretwell, melodramatic ang songs nya and more of acoustics, gusto ko mga lyrics nya at yung flow ng music nyang kino-compose lalo na yung kanta nyang New York, gustong gusto ko siyang pinakikinggan habang naglalakad ako at patingin tingin sa paligid at sa mga taong nakakasalubong ko, gustong gusto ko kasi yung chorus nya na "FUCK WHAT THEY SAY, FUCK IT IF THEY TALK, IT REALLY DONT MATTER,WERE GOING TO NEW YORK" parang wag mo ng intindihin ang sasabihin nila, basta ang mahalaga magkasama tayo at masaya, gagawin natin ang gusto nating gawin at walang makakapigil dahil nagmamahalan tayo! So selfish, pero kung hindi naman makakasama sa iba yung gagawin niyo ay hindi ka dapat matatakot diba? madami pa siyang ibang kanta na gusto ko, ang sarap sarap kasing sabayan habang iniisip mo yung mga taong nakasama mo sa buhay or yung mga ala-alang related dun sa kanta lalo na kapag umuulan...tangina anxiety problem na nga yata to'...dapat yatang magpatingin na ako pakingsyet!

Friday, June 13, 2008

NAKAKAIRITA!!!





Halos araw-araw nalang ay ganito ang sinasapit ng karamihang pasahero ng MRT tuwing umaga lalo na sa mga oras na 6am hanggang 9am kung minsan hanggang gabi pa. Isa lang ako sa mga biktima ng walang kaayusang pamamahala ng MRT. Palagi akong sumasakay sa may Quezon Ave station tuwing umaga, bandang 6.30am ay mapapansin mo na sangkatutak ang mga pasahero na pumipila sa escalator hanggang sa bilihan ng ticket, dagsaan ang tao parang fans day ni Ate Shawee o ni Juday, parang pila sa poso dahil nawalan ng tubig ang buong Quezon City, parang welga sa EDSA sobrang dami, pumipila ka palang ay talagang tagaktak na ang pawis mo mula ulo hanggang sa singit, mararamdaman mo na gumuguhit na ang pawis mo sa biyak ng pwet mo.Tapos siksikan pa sa hagdan at may makakasabay ka pa na nanunulak at magugulat ka na yung nanunulak sa iyo ay isang walang modo na matandang babae at hindi mo naman masabihan dahil iisipin mo nalang na matanda na eh at isa pa syempre ayaw mo naman ng iskandalo at lalo ka lang tatagal. Ingatan mo din dapat ang pitaka at cellphone mo dahil madami ng insidente na nadukutan sa MRT, sa labas pa lang yan ah, hindi ka pa sumasakay sa mismong tren...nakakairita!


OK so nakabili ka na ng ticket at nakalampas ka na sa turnstile, eto na ang bubulaga sa iyo, kumpol na tao na halos magkandalaglag na sila dun sa riles dahil dikit dikit sila, hindi mo na malaman kung saan ka pwepwesto at kung paano ka makakasakay..."anak ng puta" yan ang sambit ko palagi kapag ganyan na ang nakikita ko nakakairita! Hahanap ka ng pwesto para makasakay at biglang dadating ang tren na walang kalaman-laman at matutuwa ka kasi sa tingin mo kakasya kayo lahat eh at biglang yung tren ay lalampas sa istasyong kinatatayuan mo "anak ng puta naman oh" sa kakaantay mo lalo pang dumadami ang tao, nadadagdagan ng nadadagdagan sa kakaantay niyo ng tren at pagkalipas ng ilang minuto ay ayan na dadating na ang kasunod na tren na may laman na mula sa North station at tsaka hihinto sa inyo at ang mga putanginang pasahero ay kanya-kanyang magsisipagtulakan papasok ng tren na akala mo mamamatay sila kapag di sila nakasakay ng tren! tulak dito tulak doon magsusumiksik makapasok lang at wala silang pakialam kahit na may masiko sila o matapakang paa oh madagukan sa loob basta ang mahalaga sa kanila ay makasakay na sa tren na iyon, kung sabagay ang hirap nga naman kung mahuli ka sa trabaho mo diba? babayaran ba ng MRT yung makakaltas na pera sa iyo? HINDIII!!! sa mga hindi nakasakay syempre ganun ulit ang eksena, better luck next time, antay ka muna ulit ng tren na dadating, nakakairita!


Eto naman ang eksena sa loob, sabihin na natin nakasakay ka na at nagmimistulang sardinas na kayo sa loob ng tren, kung minalas-malas ka pa eh mabaho pa yung hininga ng katabi mo o di kaya may baktol at natapat pa yung mukha mo sa namamawis-mawis nyang kili-kili, hindi mo mabunot ang baon mong panyo dahil hindi ka na makakilos, tangina torture talaga! iniisip mo pa yung mga gamit mo at baka hindi mo mapansin ay may nandudukot na, kada istasyon ay siguradong wrestling, royal rumble 'to! tulakan, balyahan, apakan ng paa at kung minsan meron pang nagmumurahan, may nakita na akong ganyan noon, sa Cubao station ang pinaka-walang hiyang istasyon na masasabi ko...sabi nung isang mama "GAGO MAGTAXI KA NALANG KUNG AYAW MO NG SIKSIKAN!" sumagot naman yung isang mama " ULUL MAGTATAXI TALAGA AKO GAGO!" pero malayo na sya nun nung sumigaw siya, siguro takot din makipag-away...mapapangiti ka nalang eh. Siguro ganyan nalang talaga palagi sa MRT, malamang magkakaroon nalang ng aksyon ang management nila kung may mamamatay sa loob ng tren dahil sa siksikan, baka nga hindi pa rin eh...haayyy nakuh! kung sabagay kahit sa ibang bansa din naman may ganyan, ang tanging lunas nalang siguro talaga diyan ay ang tinatawag nating DISIPLINA...nakakairita!

Monday, June 09, 2008

IBA'T IBANG POSITION SA PAGTULOG

Ito si Kitty, ang napakalanding pusa namin sa bahay, wala na kaming maisip na ipangalan sa kanya kaya Kitty nalang, ngayon may 5 kuting siya, kakapanganak lang...ganyan sya matulog kung minsan kapag pagod na siyang habulin ang mga manok ng kapit-bahay namin.
Ito naman ang kyut na kyut na si Wilbur, sumalangit nawa ang kaluluwa niya (kung may kaluluwa nga ba ang mga hayop) namatay sya dahil sa sakit sa tiyan, binulate...ganyan siya minsan matulog kapag pagod na pagod na siya kakaharot.
Ito naman si Bert, siya ang amo ng mga nabanggit na hayop kanina, mahilig siya sa hayop...ganyan sya matulog kapag nasa trabaho, tinatakpan ang mukha kasi nasisilaw.

TOUNGE INANG YAN




Gaano kaya kasarap magpadila sa mga lintik na 'to?

Sunday, June 08, 2008

IF I WERE A PIRATE

May nakita akong program para sa pocket pc, para siyang adobe at pwede mong i-edit yung picture mo at dahil kausuhan pa ng POTC3 noon ay eto ang ginawa ko... mukhang tanga!

BABY FATS: BUBOY BABOY


Wednesday, June 04, 2008

Monday, May 26, 2008

8728

Nagpunta ako ng Bulacan kahapon dahil dumalo ako sa kasal ng isa sa malapit kong kaibigan nung kolehiyo, matagal tagal na din akong hindi nakaka-dalo sa kasal, lalo na sa pagpasok sa simbahan, ganda nga ng simbahan eh, may mga painting pa sa kisame, buti nga at hindi ako nasunog pagpasok ko. Pagkatapos sa simbahan syempre kainan at may program sa reception, ganda ng lugar na na-rentahan nila, sulit ang binayad, masarap pa ang pagkain at maganda din ang sound system, kumbaga hindi cheap kundi bonggacious! Pagkatapos ng reception ay sinabihan kami ng kaibigan namin na dumaan daw muna sa bahay nila dahil may konting inuman doon, pumayag naman kami dahil hindi pa naman ganun kalalim ang gabi, ngunit yung iba naming mga kaibigan ay nagbalak ng umuwi dahil may pasok pa sila kinabukasan...Ako naman ay nakisabay nalang sa isa kong kaibigan na may dalang motorsiklo, natatakot nga akong sumakay dahil ang dami daming naa-aksidente sa motor diba? pero sabi ko nga kung oras mo na ay oras mo na tsaka may extra helmet naman sya para sa akin, para kung sakaling sumemplang kami o mabundol ng bus ay safe ang ulo namin, kaya mula Sta.Maria Bulacan ay tinahak namin ang kahabaan ng hi-way papuntang Novaliches...halos 3hrs lang naman kaming bumyahe, kasama na ang mga ilang minutong stop over kaya naman talagang ang sakit sakit ng pwet ko at kapag nalulubak pa ay masakit sa betlog at isa pang masama ay inaantok ako sa byahe at muntik na akong malaglag sa motor, buti nalang kamo ay nakakapit ako sa kwelyo ng kaibigan ko, kundi, malamang ay hindi mo na ito nababasa ngayon...Maayos naman kaming nakarating sa bahay ng kaibigan naming kinasal, tulala nga ako pagbaba ng motor eh, parang hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako at dahil nauna kami sa iba naming mga kaibigan ay nag-videoke to the max muna kami habang umiinom ng pulang kabayo, madami dami na din kaming nakakanta at nauubusan na ako ng makakanta, at sa aking paghahanap ng kanta sa song book ay bigla nalang akong natawa sa isang pamagat ng kanta na aking nakita...

Hindi ko alam kung anong klaseng kanta yan oh baka iba talaga ang ibig sabihin, basta para sa akin ay natawa ako ng mabasa ko siya...Ganun pa man, kahit na masakit pa din ang katawan at pwet namin dahil sa matagal at malayong pagbyahe ng naka-motor ay masaya kaming lahat na nag-inuman, nagkantahan at balikan ang masasayang ala-ala nung mga estudyante pa kami.

Friday, May 23, 2008

MABILIS NA KARMA

Naniniwala ka ba sa karma? at sabi ng iba, digital na nga daw ang karma ngayon at kapag may nagawa kang hindi maganda ay siguradong babalik sa iyo kaagad. Ayokong isipin na karma ang nangyari sa akin kahapon pero mukhang karma nga yata, isang masamang karma..Nagsimula lahat ng magpunta ako sa McDo noong tanghali, dahil wala na akong oras magluto ng kung ano ay naisip ko nalang bumili ng burger meal, wala masyadong pila sa counter at nasa likod lang ako ng mag-ina na halos tapos na din sa pag-take ng order nila, ako naman ay dumudukot na ng pera para ihanda sa pagbabayad ng mapatingin ako sa sahig ay nakakita ako ng pera, 100 at 20 pesos na magkasama at nakatupi, hindi ko alam kung sa akin ba yung pera na yun at nalaglag mula sa bulsa ko, pero sa tingin ko hindi sa akin dahil isa nalang yung 100 na buo ko at hawak-hawak ko yun...di na ako nag-dalawang isip pa at dinampot ko na yung pera sa sahig at tsaka naman biglang umalis yung mag-ina sa harap ko at hindi ko na naisipan pang tanungin sila, kung sa kanila ba yung pera, samakatuwid ay ginamit ko nalang yung perang napulot ko pambili ng cheeseburger meal,Go Bigtime! at umuwi na kaagad upang makakain na!Kinagabihan, nag-ayos na ako upang pumasok sa trabaho, unang araw sa opis para sa linggo kong ito, malakas ang ulan sa labas kaya sinuot ko kaagad ang paborito kong hooded na jacket upang hindi ako masyadong mabasa at baka magkasakit na naman ako...7:15pm na ng makaalis ako ng bahay, 9pm ang pasok ko, sabi ko maaga pa ako, kahit na mag-taxi ako ay hindi ako mahuhuli sa trabaho at dumiretso na ako sa kalsada kung saan madalas may dumadaang taxi at mga dyip, malakas-lakas pa din ang ulan at unti unti ko ng nararamdaman yung basa ng jacket ko sa loob ng katawan ko, kaya naman sumilong na muna ako sa ilalim ng puno upang hindi ako masyadong mabasa, ang tagal dumating ng taxi, kung mayron man palaging may sakay na, wala akong planong sumakay ng dyip at dahil siguradong siksikan sa MRT ng mga oras na yun at naiimbyerna ako kapag ganun! Antay pa din ako sa ilalim ng puna at pagtingin ko sa orasan ay 7:45pm na anak ng potah! patay kang bata ka, kapag hindi pa ako nakasakay male-late ako! Kaya naglakad na ako papunta sa isang kanto kung saan may iba pang mga taxi na dumadaan, ngunit ganun pa din, lahat ng taxi na tinatawag ko ay may laman na, mura na ako ng mura...hanggang may dumating na taxi na medyo kakaragkarag, sumakay kaagad ako kahit na kinakabahan ako na baka sabihin pa ng drayber na ayaw nyang maghatid sa QC, ngunit pumayag naman yung drayber at medyo nahimasmasan ako...Pagdating namin sa EDSA ay anak ng potah! terible ang trapik! dumudugo sa ang EDSA dahil sa dami ng pulang ilaw ng mga sasakyan, kotse, bus, trak atbp...patay sabi ko, pero aabot ako nito 8:15pm pa lang naman eh at mukhang madiskarte naman si Manong Drayber...Nasa kalagitnaan kami ng trapik ng biglang namatayan ng makina ang taxi ngunit madali naman napa-andar ulit ni Manong at ilang saglit lang ay namatay na naman ang makina, ngunit nag-start naman din muli hanggang sa gumanda na ang daloy ng trapik paglampas namin ng Shaw Blvd... Ngunit pagdating namin ng Cubao...eto na, dumudugo na naman ang EDSA! Ngunit nabilib ako kay manong dahil dumiskarte sya ng daan, nag-short cut kami doon sa likod ng samson institute at syempre dirediretso na ang andar namin ng biglang nangyari ang hindi inaasahan...namatay na naman ang makina ng taxi, sinubukan ni Manong na ii-start pero ayaw pa din, huminto muna si Manong sa isang tabi dahil napansin niyang nag-oover heat na pala yung makina niya, yung radiator yata at pinaliguan nya muna ito ng tubig, mula sa loob ng sasakyan ay nakita kong umuusok yung harap, nagsisimula na ding mag-over heat ang ulo ko dahil anak ng potah 8:40pm na! hindi na ako umasa pang makakaabot sa opis sa tamang oras, kaya dumukot nalang ako ng sigarilyo at nagyosi muna sa loob ng taxi, tinanong ko na din si Manong kung anong lagay ng sasakyan at inamin na din niya sa akin na mabuti pang lumipat nalang ako kasi talagang nag-overheat na, mabait naman si Manong at nanghingi ng pasensya, sabi ko nalang sa kanya na wala tayong magagawa eh talagang sira na eh pero pinapakita ko na bwisit na bwisit na ako, sabi ni Manong na wag ko na daw bayaran ng buo yung patak nung metro...dapat lang sa isip-isip ko, hindi kasi muna i-check ang sasakyan bago bumyahe eh...Nagbayad na ako kay manong ng Php100 at bumaba na kaagad, mura na ako ng mura dahil yung putanginang lugar na pinagbabaan ko ay hindi ko alam at wala pa masyadong sasakyan na dumadaan...gigil na gigil na talaga ako at kinakagat ko nalang yung ipin ko...mga 5 minuto na ang lumilipas at wala pa din akong masakyan na taxi, kung mayroon mang dumaan ay may sakay na ding pasahero, meron naman yung mga lintek na maarteng drayber na ayaw magsakay hanggang sa may isang magandang MGE na dumating, haaaaayyy sa wakas! sumakay kaagad ako at sinabi sa drayber kung saan kami pupunta, yung drayber naman ay biglang nagtanong kaagad sa akin kung saan daw ba kami dadaan...lalo akong naasar pero nagpigil pa din ako kaya sabi ko nalang dito tayo sa likod dumaan kasi matrapik sa EDSA...napakamot nalang sa ulo yung drayber at sinabing hindi daw nya alam yung daan dun at kung pwede daw ay mag-EDSA nalang kami, puputok na talaga yung ulo ko sa inis! pero nagtimpi pa din ako...sinabi ko nalang na kung saan mabilis dumaan dun kami dumaan! Natahimik nalang yung drayber, alam niyang mainit na ang ulo ko, dahil yung tono ng boses ko ay medyo iba na...hindi pa nakakatagal ng 10minuto, ang putang drayber biglang bumagal ng andar at sinabi ba naman na nagkamali siya ng daan...halos mabura ko ang mukha ko sa inis...gusto ko ng murahin yung drayber eh, sana kasi sinabi niya na hindi pa siya sanay sa maynila para nakalipat nalang ako ng ibang taxi bago pa kami nakalayo...hindi nalang ako nagsasalita hanggang sa natanto namin ang labasan papuntang EDSA, yung labasan na nakita namin ay yung pinasukan namin nung unang taxi na nasakyan ko, so ibig sabihin babalik pa kami ng papuntang Crame para makapag-U turn at makabalik sa tamang lane! nagsalita na talaga ako...medyo napalakas yung pagsabi ko na "SAAN TAYO MAG-U-U TURN NYAAAN?!!!" pasensya na daw sabi nya at kung gusto ko daw ay bawasan ko nalang daw yung ibabayad ko...dapat lang sa isip isip ko, pucha imbis na mapadali ako sa byahe lalo pa akong napalayo! wala na akong iba pang ginawa sa loob ng taxi kundi murahin ang lintik na trapik sa cubao, nakakapagtaka sa lugar na yan ay wala naman nagbanggaan o anumang aksidente ngunit palagi nalang trapik lalo na kapag umuulan...nakapalampas din naman kami sa trapik matapos ang halos 30 minuto, nakapasok na ako sa opis bandang 9:20pm na at talagang nakakunot ang noo ko...bigla kong naalala yung perang napulot ko sa McDo noong umaga, naisip ko, hindi kaya na-karma ako dahil hindi ko manlang tinanong yung mag-ina kung sa kanila ba yung perang nalaglag...hindi ko naman kasalanan kung nalaglag yun ah? malay mo hindi din sa kanila yun? pero paano nga kaya kung sa kanila yun at yun nalang pala ang natitira nilang pera para makauwi, o kaya yun nalang para ang pera nila para sa isang linggo at kaya sila nasa McDo ay dahil gustong gusto lang pala nung bata ng burger at pinagbigyan lang sya ng nanay nya...Diyos ko ano tong nagawa ko!!! Pero bakit kaya ganun kung karma man iyong nangyari sa akin? bakit ang bilis ng epek?! Digital na nga ba talaga ang karma ngayon? ayoko ng maulit muli ang nangyaring ito...ayoko na ng masamang karma...kaya ikaw mag-ingat ka! dahil naniniwala na ako ngayon na digital na talaga ang karma!

Tuesday, May 20, 2008

BACK FOR GOOD


Iba na naman ang takbo ng utak ko ngayon, infairness may utak ako...i am being haunted by my old self, parang sinasabi nya sa akin na bakit mo ako pinababayaan? bakit parang binabaliwala mo nalang yung mga pinagdaanan natin? bakit mo ako inilalagay sa isang tabi? WAAAAAAAAAHHHHHH!!!! MAMI!!!!!!!!! Miss ko na talaga yung totoong ginanagawa ko, kanina lang may nile-layout akong work, napansin ko na parang wala na yung dating ako, yung creative side ng utak ko parang nawala na, hirap akong gumamit ng color combination, ano bang mga elements ang dapat ilagay sa lay-out ko, saan ko ba ipwepwesto ang mga objects, anong magandang font na babagay...haaaaayyy! I just want to go back to my old self, yung malikhain, yung malalim mag-isip, yung simpleng bagay lang ay nabibigyan ko ng kahulugan, gusto kong maging artist ulit...miss ko ng magdrawing ng kung ano ano, miss ko ng mag-painting hanggang abutin ng umaga, miss ko na din mag-face paint sa mga makukulit na bata, miss ko ng gumawa ng murals...speaking of murals, naalala ko pa dati, sa sobrang wala akong magawa sa bahay, pinintahan ko yung pader ng bahay namin ng kung ano ano, nagpinta ako ng lamesa, upuan, lampshade na over ang laki, tapos pag-uwi ng kapatid ko ay na-shock siya at napasigaw ng "ANONG GINAWA MO SA BAHAY NATIN!!! " sagot ko naman, "PARA MAIBA NAMAN ANG ITSURA " sabay ngiti ng nakakaloko...wala naman siyang nagawa, tumagal din yun ng ilang buwan sa bahay namin...that time kasi 2 lang kami ng utol kong lalaki ang nakatira sa bahay namin. Sabi nga sa isang ads dun sa may tulay ng guadalupe "Dreams should have a deadline" siguro nga dapat may deadline noh? para alam mo kung huli ka na ba, para alam mo na dapat at this moment eh tapos mo na yan at na-achieve mo na yung gusto mo...ano bang gusto ko? marami akong gusto, isa na dito ay gusto kong magpinta sa isang malaking canvass siguro kahit mga 24x36 na canvass, kasi may nakita akong ganun size ng canvass sa national bookstore eh, o kaya ako nalang gagawa ng canvass, gusto ko kasi frameless yung painting ko, BOX TYPE kung tawagin nila, tapos ang theme ko ay puro matataba, matatabang lalaki at matatabang babae, yung from medium size taba to super obese... bakit kamo? hindi lang dahil talagang mahilig ako sa mga kyut na kyut na matataba, ay dahil gusto ko ding ipakita ang kagandahang anatomy ng isang mataba, yung anatomy na karamihan sa atin ay hindi nila tanggap, although alam natin na ang pagiging mataba ay hindi palaging healthy, ang masasabi ko lang ay talagang marami din kasi sa atin ay biktima at brainwashed na masyado ng media, from newspapers to magazine to radio to TV etc, at ng kung ano ano pa, sinasabi nila na eto ang sexy, eto ang maganda, eto ang MODEL, eto dapat ang gayahin mo at dapat maging ganito ka!... but hello? what is their basis of being sexy ba? what is their basis of being a model? and come to think of it na kahit saan ka magpunta ngayon ay mayroon kang makakasalubong na mataba, kasama na yan sa community! So para maiba, gusto kong theme ko ay MATABA!!! MATABA!!! MATABAAAAA!!! Opinyon nila yun, opinyon ko lang din to! tapos gusto kong magkaroon ng exhibition...at Good luck na lang sa akin! Isa pang gusto kong gawin ay sumulat ng isang kwento at gagawin ko itong comics, pero medyo matagal ang proseso nun at medyo malaki ang budget na kailangan, but i have my stepping stones ready for it! Tapos after ng mga plans kong ito, bahala na kung ano pang maiisip kong magagawa...basta ang mahalaga para sa akin, gusto ko yung talent ko ay may benefits sa ibang tao...di man malaki ang maiko-contribute, but atleast may konting kalabit sa isipan at puso.

Friday, May 16, 2008

Mangulan-ulan na naman...sarap!

Kay sarap ng panahon ngayon, malamig, hindi ka masyadong papawisan, komportable ka kapag bumabyahe kasi mahangin, masusuot mo na din ulit yung mga tinatago mong jacket na amoy moth balls na sa tagal na nakaimbak sa cabinet mo, sarap ding uminom ng alak kapag ganitong panahon, kasi talaga naman mararamdaman mo yung init ng alak na dumadalow sa iyong lalamunan sabay hithit ng yosi...Ang mahirap lang talaga kapag tag-ulan ay yung magkakaroon ng baha, alam mo naman ang metro manila, sobrang bahain, abot hanggang baywang pa minsan ang tubig ng baha, good luck nalang sa mga taga CAMANAVA area at Dapitan! Isa pa syempre ay asahan mo na yung paborito mong sapatos ay talagang madudumihan o mababasa lalo na yung balat na sapatos, kung minsan inaamag kapag nabasa ng baha at hindi mo napunasan o nalinis, so payong kaibigan lang, wag mo ng isuot yung mamahalin/peborit mong sapatos pansamantala o di kaya magsuot ka nalang muna ng tsinelas habang bumabyahe at tsaka ka nalang magpalit pagdating mo sa iyong destinasyon, ganyan ginagawa ko noon eh, ngunit siguraduhin mo namang hugasan yung paa mo bago magsapatos para naman hindi ka magkaroon ng alipunga noh! kadiri! Ang isa pang mahirap kapag umuulan ay uso ang lagnat, sipon at ubo, kagaya ngayon, may sakit ako, nilalagnat at may plema, medyo ok na naman di kagaya kagabi, nag-half day na nga lang ako sa work kahapon eh, umuwi ako ng 3am, akala ko nga hindi pa ako pauuwiin eh, garalgal na ang boses ko at di na ako makapagsalita ng maayos sa telepono, kaya bed rest muna ako at take ng gamot, paracetamol at yung nirerekumenda ni Aga, SOLMUX!!! Epektib naman at talagang tunaw ang makapit na plema. Sa ngayon ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako sa office, kasi baka mabinat ako, baka lumala ang sakit ko, mamayat, ma-confine, magkaroon ng komplikasyon at mamatay...kaso naman kapag umabsent ako 2 points kaagad kasi block out day kami ngayon, kung magsi-sick leave naman ako, kailangan ko pang magpunta ng doctor para makakuha ng med cert...haaaaaaayyy bakit ba ganito ka-complicated ang buhay??? Noh? kaasar minsan! haaaaaaayyy nakuh! Ganun pa man, hanggang dito nalang muli, sasariwain ko nalang muna ang malamig na hangin na nanggagaling sa bintana habang nanonood ng TV at nagkakape.
Kanina nga pala natanggap ko na ang USERNAME at PASSWORD ko for the Marlboro Levels, kaya naman dali dali akong nagpunta sa website nila at nakapaglaro na ako, ilang kaha din ng yosi ang nagamit ko bago ako nanalo ng Ducati! OO peksman, kros my hart en hop tu die nanalo ako ng Ducati!!!!...hindi nga lang yung motorbike kundi sombrero lang! hihihihihihi! Kahit na at least may prize ako! Medyo nainis nga lang ako kasi after kong manalo ay sinubukan ko ulit maglaro dahil may natitira pa akong mga kaha ng yosi at dahil medyo pinalad ulit ay nanalo ulit ako sa isang game nila at eto na, nung iki-click ko na yung prize na gusto ko ay bigla ba naman nagka-error yung website nila, punyemas sabi ko, so dali dali akong tumawag sa hotline nila upang magreklamo at yung Rep nila ay parang hindi malaman ang gagawin, sabi ba naman sa akin na ganun daw talaga at kasalukuyang may gliche ang site nila, HALLERRR??? OK KA LANG? kakasabi ko lang na nanalo ako ng prize at nagloko ang website niyo noh! tapos parang sasabihin mo sa akin na wala kang magagawa? ang hirap kaya ng mga games nila, as in mahirap! hindi biro! nageffort ako para manalo tapos ganun ganun lang, its unfair...unfair,unfair,unfair,unfair!!! so kinuha nalang niya yung code na ginamit ko for that game at ifoforward nalang daw nya sa kung kanino man yung issue ko...hindi nalang ako mageexpect at baka mafurstrate lang ako, ayokong maging negative ang aura ko lalo na ngayong may sakit ako! So mula ngayon ay magiipon ulit ako ng codes, mangangalkal ako sa saburahan para makakuha ng mga kaha na may code, mamumulot ako sa kalye, mag-aabang sa tabi ng yosi vendor upang makapaglaro pa ulit ako at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang DUCATIIII!!!! at kapag nakuha ko ang tanginang Ducati na yan, ay ibebenta ko sya at ang perang napagbentahan ko ay gagamitin kong pam-party!!! Magpapasara ako ng isang Bar o di kaya magrerent ng resort! Ganun ang blow-out kong gagawin! kaya abangan! hehehehe!

Tuesday, May 13, 2008

COCK-ART : Meet The Buratosaurus

It started out as a simple sketch on my cheap sketch pad when i was so bored in the office and the good ol' devil is playing in my head...well, actually we're playing doodles together...



and one fine morning, while i was dumping in the toilet, i came up with the idea to make the Buratosaurus into a reality, i used photoshop to see how it looks like...



and finally, MAGNIFICO!!! Its a masterpiece!!! The Buratosaurus is ALIVE!

...thats what you will get if you play doodle with the good ol' devil!

OMG! Literally!

Isang umaga, pauwi na ako galing sa trabaho kulang ako a tulog nun kaya medyo nahihilo na ako dahil sa antok at gutom ang tanging nasa isip ko nalang ng mga oras na yun ay makauwi na upang makapag-pahinga...Sa loob ng MRT medyo siksikan dahil madami na ding pumapasok sa opisina, nakakapit nalang ako dun sa leather na handle at nakasandal ang ulo ko sa kamay habang nakapikit, pagdating namin ng Santolan Station ay lalo pa kaming nadagdagan sa loob ng tren at laking gulat ko nalang sa isang lalaking tumabi sa akin...nakasuot sya ng itim, lahat itim, damit, pantalon, belt at sapatos ay itim, may pin pa sya sa dibdib na golden crucifix ang haba haba ng buhok nya pero nakatali ito at ang kanyang balbas parang bahay ng ibon, dahil gumana na naman ang tarantado kong utak, naisipan ko syang kuhanan ng litrato para mai-share ko sa iba ang aking nakita...Naalala ko tuloy ang kantang...


Ale? nasa langit na ba ako?...Mama? kayo po ba si San Pedro?

Monday, May 12, 2008

KAMUTIN NG INA MO!


Masasabi kong hindi lahat ng ads ay totoo, ayaw ko ng patagalin at pahabain pa, dahil hanggang ngayon ay hindi ako mapakali sa pagkamot ko sa anit ko dahil sa balakubak sa ulo ko, dulot ay kahihiyan at nakakapandiri talaga! Sabi sa Ads ng CLEAR ay mahusay daw itong pantanggal ng dandruff at hindi ka na magkakaroon ng dandruff kailanman kapag gumamit ka ng produkto nila...pwes, paki-explain nga sa akin kung bakit tuwing kakamutin ko ang nangangati kong ulo ay ang daming flakes na nalalaglag? imbis na mawala ang balakubak ko eh lalo pa akong nagkaroon...op,op,op,opssss...teka lang alam ko ng iniisip mo... Binabanlawan ko ang buhok ko ng mabuti pagkatapos kong magshampoo, halos malagas na nga lahat ng buhok ko sa pagbabanlaw eh! Haaaayyy siguro hiyangan lang din talaga sa pag-gamit ng shampoo, dati hiyang ako sa Head and Shoulders, pero nung tumagal-tagal hindi na din umeepek sa akin yung formula nila, itong clear ganun din, dati ang gandang gamitin pero ngayon wa-epek na! Siguro gagamit nalang ako ng Pantene o kaya Vaseline, mabango na, malambot pa ang buhok ko at hindi pa ako nangangati! pero teka, safeguard nalang kaya?! bahala na!

Friday, May 09, 2008

BLOGORRHEA

I'm not doing anything this morning and on the floor i found a magazine, I dont read a lot, what i love in a magazine are the pics and ads, well sometimes i do read too ONLY if there is a very very interesting article...then suddenly I saw this word BLOGORRHEA Meaning: to write a blog entry for the sake of posting something, since you haven't done anything interesting lately...and thats what i just did now.

Wednesday, May 07, 2008

BABASAHIN NOONG AKING KABATAAN


Si Pitit, Nik-Nok, Superdog, Supercat, Planet op di eyps at Mr&Mrs ay iilan lamang sa mga karakter at pahina ng isa sa paborito kong babasahin noong kabataan ko, kung batang 80's ka siguradong kilala mo sila...Subscriber kami nito at every week mayroon kaming supply na galing sa suki naming dyaryo boy, nakakatuwa kasing basahin, aabangan mo yung mangyayari kada linggo, tanda ko pa si Pitit, simpleng batang babae lang sya, pero naisipan nilang bigyan ng magik purselas na galing sa pulubi, yung Mr. & Mrs naman ay mayroon part na NOON at NGAYON na nakakatawa din...Si Nik-Nok di ko na masyadong maalala, pero bulol yata si Nik-Nok diba? Si Superdog at Supercat naman parang Superman ang dating...Sayang at mukhang wala na akong nakikitang Funny Komiks ngayon, meron pa nga ba? Huli ko kasing natatandaan sa Funny Komiks ay yung mga karakter ay medyo may pagka-ANIME na ang pagkakagawa, nawala na yung pagka-pinoy...sana magkaroon ulit ng FUNNY KOMIKS at magsa-subscribe ulit ako!



Thanks to http://www.komikero.com/ for the FUNNY KOMIKS pic

Sunday, May 04, 2008

Kay saya ng linggo ko

Ang saya-saya ng sunday ko, kasi ang daming nangyari, kahit na late na akong nagising 12noon na, nanood kami ng IRONMAN! ang ganda ganda, sana masundan pa! At ang chizmaks nga daw ay may cameo role si IRONMAN sa latest THE INCREDIBLE HULK movie, this i got to see! Tas nagpunta naman ako sa bahay ng college friend ko, taon na kaming hindi nagkikita at kaya naman kami nagkita ay dahil ikakasal na sya a 25 ng buwan na ito, hmmm...sabihin ko kaya sa GF nya yung mga katarantaduhan nya bwahahahaha! sirain daw ba ang kasal?! anyway, pinapunta nya ako kasi nagrerequest sya na kumanta daw ako sa kasal nya, hindi naman ako professional singer, tsaka hindi naman kataasan yung kakantahin ko eh, tipong mga Mariah Carey lang tsaka Regine Velasquez songs lang...whew! chicken feed lang yun! bwahahahahhaha! kaya naman nagpraktis kami sa bahay nila tas kwentuhan about sa mga barkada namin kung ano na ang mga bali-balita, tas matapos nun nakatanggap na ako ng text mula sa iba kong barkada at nagiinuman daw sila sa may makati, maaga pa ang gabi at miss ko na din sila kaya ako naman itong nagkandarapa sa pagsunod! Nagbabalak na akong mag-taxi nun mula MRT North hanggang makati, ngunit may dumating na napaka-gandang bus, hindi karaniwan, bagong bago pa, malakas ang AC at take note...hoy take note! 2 ang TV screen! at LCD screen pa! say mo! Parang sinadya ng tadhana na pasakayin ako ng bus dahil pagdating namin sa cubao, nag-hello na ang malagim na trapik! "HELLO, GOODLUCK SA BYAHE NIYO" sabi nya. Nagtagal din kami sa cubao, naisip ko na pucha buti nalang di ako nagtaxi kundi naubos ang pera ko pambayad lang ng fare! Umusad naman ang andar pagkalipas ng mga 15 mins at nakarating na din ako sa bababaan ko, sa Buendia at dun na ako naghanap ng taxi kasi alam ko na wala pang 50php aabutin nun...Pero wag ka! Yung drayber ng taxi kong nasakyan ay ubod ng kapal ng mukha, hindi na nya binaba yung metro at bigla nalang nyang sinabi na "50 lang dun ha" ako naman sa isip-isip ko parang "HA? ANO TO HOLD-UP?" sinabi ko sa kanya na "Manong yung metro mo hindi nakakbaba" at wala akong ibang narinig na sagot sa kanya kundi ganun pa din "50 lang dun ha" ano ka recorder? hindi na ako umapila kasi nakakatakot yung itsura ng drayber, mukhang goons sa isang tipikal pelikulang pinoy at nakalayo na din kami eh, sabi ko nalang sa sarili ko na "tanginamo isama mo nalang sa abuloy ko sa burol mo tong dagdag ko sa pamasahe ko" at ng nakababa na ako ay kinuha ko yung plate number nya TVY 416 at ang pangalan ng taxi ay DB DRAG, so mag-ingat kayo sa tarantadong mukhang perang drayber na yan! alam ko 50php lang yun, pero panloloko yung ginawa nya, kaya hindi umunlad tong bansa natin dahil sa mga putanginang yan eh! Ayaw kong masira ang aura ko ng gabing iyon kaya minabuti ko nalang na palipasin at tumungo nalang ako sa bar na pinagiinuman ng mga barkada ko, naka-4 na bote din ako, OK naman yung place kaso humid lang talaga kagabi kaya nagdesisyon na kaming hindi magtagal at kumain na lang sa isang Chineses Resto malapit lang din dun sa bar, walking distance lang...kumain ako ng pansit, masarap yung pansit lalo na nung nilagyan ko nung mala-impyernong anghang na chili oil! ooooohhh anong sarap! nabusog naman kaming lahat! Di pa kami nakuntento at parang wala ng bukas, naisip nama naming mag-kape muna sa may Glorietta at magkwentuhan pa ulit dun hanggang 3am ng umaga! haaaayyyy! ayan ang weekend na gusto ko, yung madaming nangyayari para talagang makalimutan mo at mawala ang stress mo sa trabaho! Naka-uwi na ako mga 3:30am na, tagal kasi ng taxi eh, nagmistulang pokpok ako dun sa Makati Ave ng mga 15mins, pero wala naman tumigil sa akin at nag-offer...(bakit kaya?! bwhahahaha) Nag-online pa muna ako kagabi bago matulog, mga 6am na yata ako nahiga sa kama at ang sama pa ng panaginip ko...Napanaginipan ko na yung buhok ko daw ay nagkalat sa kama at nalagas, kada hawak ko sa buhok ko ay nalalagas...nataranta ako at nagiiyak at bigla nalang akong napasigaw at nagising...siguro dahil masyado akong apektado sa Bald Spot ko, medyo kapansin-pansin na kasi eh, sana na lang ay wag magtuloy tuloy...haaaayyy! Anyway, bukas pa ng gabi ang pasok ko, kaya lamyerda na muna ulit ako, bday celebration naman ng bestfriend kong gurlash kaya malamang inuman na naman ito mamaya! hindi na ako iinom ng madami at ayokong magkasakit sa atay at ang beer belly ko ay lalo pang lumalaki, ang jologs ng tingnan! Oh paano? Enjoy nalang the whole week!!! ika nga ni John Lloyd "Ingat" .

SINIGANG NA BABOY

Kapag nakikita ka, Ngiti ko'y abot hanggang tenga
Asim pa lang ng iyong sabaw, Siguradong ako'y busog na
Okra mong anong laki, Masarap isubo lalo na't makatas
Wala ka mang pechay, May kangkong ka naman na walang kupas

Lalo pa akong nag-iinit, Sa maberde mong sili
Wala akong pakialam, Kung hindi ka nasamahan ng gabi
Labanos mong maputi, Sitaw mo ma'y putol-putol
Hindi kita uurungan, Lalamunan ko man ay magkabuhol-buhol

Lubha akong nanggigigil, Sa iyong taba na di padadaig
Isasawsaw ko pa sa patis, Ang karne mong naghuhumindig
Oh sinigang na baboy, Ikaw lang ang pinaka-minahal kong ulam
Kapag ikaw ang kapiling, Maligaya ang tiyan kong kumakalam



...ginutom tuloy ako sa pag-sulat sa tulang ito!