Sa ganitong panahon siguradong nananabik na naman ang mga bata sa mga regalo nilang matatanggap lalo na ang kanilang pinakaaasam-asam, ang mga bulinggit buong akala galing kay santa claus, yun ang kanilang alam.
Madami ding uuwi galing abroad at may dala dalang pasalubong, damit, pabango, relo, tsokolate at kung ano ano pa, at talaga naman kapansin pansin ang pangingintab ng alahas na suot ni itay at nakakasilaw ng mata.
Tuwing kapaskuhan ay madami din ang nagpapakumpil at nagpapabinyag at madami ding mga ninong at ninang na hindi na mahagilap, kawawang inaanak, nagtatampo, hanap ng hanap.
Nandyan din ang malakihang family reunion, madaming nagugulat sa paglaki ng mga bata, magkikita na naman ang mga magpipinsan, habang ang mga matatanda ay ilang oras ng nagpaplastikan.
Mawawala ba naman ang mga christmas party ng kumpanya, diyan nalang madalas nakakabawi si bossing sa mga empleyado nya, sigurado at may masayang mag-uuwi na naman ng bagong rice cooker at electric fan galing sa raffle nila.
Ang mga nag-away at nagkatampuhan noon ay nagkakabati, ang iba naman na naghiwalay ay nagkakabalikan muli.
Nabayaran na din ang mga utang, sa suking tindahan, sa bumbay at sa kapit-bahay dahil ayaw ng umabot pa sa susunod na taon malas daw kasi, doon din nakalaan ang
13th month pay para hindi na lumaki.
Ang mga batang pabalik-balik na nangangaroling sa tapat ng bahay tuwing gabi, walang pagod sa pagkanta at paglakad kung saan saan may matanggap lang na barya kahit konti.
Nakakapaglaway na mga pagkain pagsapit ng noche buena gaya ng hamon at keso de bola, sa labas naman ng simbahan tuwing simbang gabi ay maaamoy mo ang puto-bumbong at bibingka.
Haaayyy...ilan lang yan sa mga nagaganap tuwing sasapit ang kapaskuhan, Sa akin lang sana lahat ay maging masaya, mayaman man o mahirap, yan ang aking kahilingan.
No comments:
Post a Comment