Kailan kaya pumapasok sa isip ng isang tao ang magkaroon o makaramdam ng crush? Pumapasok nalang kaya yun ng automatic? Para ba itong sakit na bigla nalang dadapo sa hindi mo inaasahang oras? yung tipong magugulat ka nalang gusto mo na pala siya, magugulat ka nalang at palagi nalang siya ang iniisip mo, magugulat ka nalang na parang kulang ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita, naririnig at nakakausap man lang kahit sa telepono? Bakit nga kaya sadyang nakakabaliw ang pakiramdam kapag may gusto ka sa isang tao? Iba pa kaya talaga ang pag-ibig sa pagkakaroon ng crush? Madaming tanong na mukhang madami din ang version ng sagot, parang relihiyon, kanya-kanya ang paniniwala pagdating sa pag-ibig o crush...May crush ang isa mong kaibigan na ayaw mo dun sa crush niya at ikaw naman may crush ka na ayaw din ng iba mong kaibigan, maganda para sa tingin mo, pangit naman sa kanila at vice-versa, kaya talagang kanya kanya ang paniniwala, kanya kanya ang dahilan kung bakit gusto ni ganito si ganyan at kung bakit mas maganda sa iyo ang pangit sa kanila...Hindi mo mapigilan at parang nasa ilalim ka ng isang salamanka. Kay sarap magkaroon ng crush, palagi kang inspired, parang ganado ka palagi, daig mo pa ang nagta-track and field sa olypics sa sobrang liksi mo, nakakalimutan mo ang pagod, ang mga problema, parang yung crush mo yung gamot sa sira mong araw, tipong lahat gagawin mo para mapansin ka niya, kahit alam mong mukha ka ng tanga.
Teka kumuha nga tayo ng source kung ano nga ba ang ibig sabihin ng "CRUSH" ...Ayon sa Wikipedia ang Crush daw ay ang tinatawag din na PUPPY LOVE which is an informal term for feelings of love, particularly between young people during adolescence, so-called for its resemblance to the adoring, worshipful affection that may be felt by a puppy. The term is often used in a derogatory fashion, describing emotions which are shallow and transient in comparison to other forms of love such as romantic love. Another use of the term (also commonly described as a "crush"), can be used to describe the love or lust of a child or adolescent for an adult. For example, a student being attracted to his or her teacher could be considered puppy love. In this case, the term relates an infatuation which is frequently not reciprocated. The term may meet with resistance from some people as patronizing and belittling of genuine emotion... So naintindihan mo ba?
...
...
...
...
...
Ako din hindi eh, ingles kasi.
Ilang taon ka noong una mong naramdaman ang magka-crush sa isang tao? yung pakiramdam na nakakabaliw, yung pakiramdam na hindi madaling bitawan dahil masarap at medyo nakakaliti parang binubulate ka sa pwet...I-she-share ko lang ah, kung hindi ako nagkakamali, unang beses ko yatang naranasan yan noong prep ako, may isa akong classmate nun na ang ganda ganda niya at mukha siyang anghel, maputi, makinis ang balat, maganda ang buhok, pink ang lips at maganda ang mata, siya ang unang na-kiss ko, hiyawan pa nga ang mga lintik na mga magulang namin eh, sobrang kilig silang nakikita ang mga anak nilang naiinlab sa isa't-isa! I-tolerate daw ba? pero syempre yung kiss na yun ay sa cheeks lang, hindi torrid noh, ano siya hilo? Heller! Tsaka sobrang bata pa kami nun, supot pa ako nung panahon na yun at hindi ko pa alam ang sex! Naalala ko pa nga na nagpupunta kami ng Nanay ko dun sa bahay nila minsan at binabasahan niya ako ng mga childrens story, gaya ng Jack and the Bean Stalk, Ugly Duckling, Lil' Red Riding Hood at marami pang iba, (hindi ko maintindihan, marunong naman akong magbasa nun eh bakit siya ang basa ng basa...degrading ha! Naiimbyerna ako!) habang ang mga nanay naman namin ay busy sa pagchichikahan habang naghahanda ng meryenda...Gandang ganda ako sa kanya at kahit bata pa ako noon ay pakiramdam ko mahal ko na siya! Ngunit dahil mura pa ang isip ko at may gatas pa ako sa labi ay hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig kaya sa malamang ay hindi pagmamahal yun kundi crush lang. Bakit kaya madalas ay dine-deny natin ang pagkakaroon ng crush? kapag tinanong mo yung kaibigan mo kung mahal niya yung isang tao ay mahihiya pa siya at sasabihin niyang "hindi naman, crush ko LANG" ...sobrang showbiz sumagot ampotah! Samantalang kung iisipin mo ay doon nagsisimula ang unang kilig diba? lalo na kung habang nakatingin ka sa crush mo tapos bigla ka din niyang tiningnan at bigla ka niyang nginitian, sabay yuko tapos sumundot pa siya ulit ng isa pang tingin with matching ngiti ulit sa iyo! AAAAYYYY!!! Nanginginig ang mga ugat ng puso mo, sigurado para kang hihimatayin sa tuwa at pinupulot mo na ang underwear mo sa lapag! Aminin mo alam mo yang pakiramdam na yan diba? Ang matindi ay sa tingin palang nya ay ganun na ang reaksyon mo, eh paano pa kaya kung makilala mo pa siya? nagpalitan kayo ng number, palagi kayong nagkakasalubong, naging close kayo, hanggang sa nagsisimula na kayong lumalabas labas, hanggang sa sobrang close niyo eh ok lang sa inyong nagkakabiruan ng below the belt dahil alam niyo naman sa isa't isa na katuwaan lang yun...sa madaling salita ay naging Super Friends kayo! Pero kahit friends kayo ay crush mo pa din siya...hanggang sa dumating na ang hindi niyo inaasahang araw na dalawa lang kayong magkasama sa isang romantikong lugar at bigla nalang kayong nagkatinginan mata sa mata, ramdam ng bawat isa sa inyo ang tibok ng puso at parang may hangin nalang na dumaan at bumubulong sa tenga niyo at sinasabing "Haaaaaliiiikaaaan moooo naaaaaaaaa syaaaa...syaaa...syaaa...syaaaa "at dahan-dahang maglalapit ang inyong mga labi, magdidikit, parang may kuryenteng dadaloy sa buo niyong katawan at sabay kayong mapapapikit sa sarap ng init na inyong nararamdaman, nagpalitan kayo ng laway, dila sa dila ang labanan, hanggang ang mga kamay niyo ay nagsisimula ng magpunta sa ibang parte ng katawan...opppssss teka teka...wag muna yun, alam kong kinikilig ka na...At pagkatapos niyong magtikman ng labi ng isa't-isa ay sabay kayong bibitaw at mahihiya pero bakas na bakas sa mga pagmumukha ninyo na gusto niyo naman ang nangyari at umaasang maulit muli, kaya magkakangitian kayo at magyayakapan at diyan na biglang papasok ang linyang..."Check in tayo?" hehehehe!... NO! hindi yun ang tinutukoy kong linya, ang gusto kong sabihin ay ang ganitong linya "Alam mo... Gusto kita...pwede ba natin subukan maging tayo? " ...uuuuyyyy M.U. daw oh! Mag-Un! ...Alam ko na alam niyong lahat kung anong pakiramdam ng magkaroon ng isang crush, NAPAKASARAP!!! siguro ilan doon sa mga nabanggit ko kanina ay talagang nagawa niyo na o baka nga higit pa, ngunit minsan dapat din nating isipin na hindi porket gusto mo ang isang tao ay gusto ka na rin niya, hindi porket natutuwa siya sa iyo ay pareho na siya ng nararamdaman gaya ng sa iyo, hindi porket close kayo ay posibleng mas lumalim pa, minsan dapat may limitasyon din, tantsahin mo din diba? At baka mamaya makita mo nalang ang sarili mong nag-iisa, umiiyak, naglalasing, gusto mo ng magpakamatay habang yung crush mo naman ay maligayang maligayang kasama ang newly throphy jowa niya! wag sayangin ang oras sa bagay na walang kasiguraduhan... Mag-isip isip din diba? Ngunit mas masaya pa din talaga kung ikaw ang makakatuluyan niya!