Monday, March 30, 2015

Randomtot

Di hamak na mas lamang ang maswerteng tamad sa malas na masipag.

Monday, June 10, 2013

strike two

yes it is...

Wednesday, May 15, 2013

that moment

when you starting to feel that you dont matter at all...

Thursday, April 18, 2013

Toys for the Big Boys

In the Philippines, these StarWars helmets are a little bit hard to find, thats why i didnt hesitate to buy it when i saw someone selling it online..some say i shouldnt be spending my money on these or on other toys, but all i can say is, i'd rather buy these stuff than waste my money over something illegal..and besides, i worked hard for my money, i think i deserve some treats for myself!



Wednesday, March 20, 2013

Prinsipyo

Isang hapon ay naglalakad si Boy papuntang gym at sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang matandang lalaki na walang ibang suot kundi brip lang. Nilapitan niya 'to at binigyan niya ng dala niyang extra shorts at sando, nagpasalamat nanam ang matandang lalaki sa kanya.

Tinanong ni Boy kung bakit walang damit ang matanda, ang sagot sa kanya,

"may nakasalubong kasi akong pulubi kanina at nakatapak lang siya, ang kapal na ng kalyo niya sa paa kaya binigay ko nalang ang aking suot na tsinelas"

nabilib si Boy sa kabaitan ng matanda, ngunit nagtataka pa din siya kung bakit naka-brip lang ito...ngunit bago pa niya tanungin ay nagsalita ulit ang matanda...

" nagtataka ka siguro kung bakit wala akong suot na damit? Binigay ko din kanina sa nakasalubong kong lumpo ang pantalon ko, madami na kasing sugat ang binti niya, at ang damit ko naman ay binigay ko din sa babaeng walang saplot na nakasalubong ko sa daan, lalaki naman ako kaya ayos lang kahit nakahubad ako"

Nagulat si Boy sa ginawa ng matanda at tinanong niya ito kung bakit niya ginawa yun...

"ginawa ko yun hindi dahil gusto ko at kaya ko, kundi dahil kailangan kong gawin yun, mas kailangan nila yun kaysa akin...Matanong kita, sa tingin mo, dapat ba akong mahiya dahil nakabrip lang ako? o dapat akong matuwa dahil nakatulong ako sa mas nangangailangan?

natahimik si Boy at napaisip...

sumagot si Boy,

"pero tatang, siguro po mas mainam na kung magbibigay ka ay dahil alam mong may sobra ka, paano naman ang sarili mo, kagaya niyo ngayon, naglalakad kayo ng ganyan, pinagtitinginan ng mga tao at pinagtatawanan.

sumagot ang matanda,

"hindi ko na kasi inisip ang sarili ko noon mga oras na yun, ang prinsipyo ko kasi ay tulungan ang mas nangangailangan at pangalawa lang ang sarili ko. Hindi naman ako kilala ng mga taong yan para husgahan nila ako, hindi din naman nakakatulong ang mga tingin at tawa nila sa akin, walang kinahihinantnan ang mga ginagawa nila at nakakalungkot isipin na hindi nila alam yun."

tahimik lang si Boy at napapangiti nalang sa matanda...

nagsalita ulit ang matanda...

"tanungin ulit kita, noong nakita mo ako, anong unang pumasok sa isip mo at bakit mo ako binigyan ng shorts at sando? Dahil ba gusto mo? dahil ba na alam mong kaya mo kasi may dala kang extra? o dahil alam mong kailangan mong gawin ang nararapat?

Wednesday, February 27, 2013

Ang tanga tanga ko...bow

Halos maiyak ako sa katangahan kanina.

Dahil hindi ko na kayang tiisin ang gutom at mahaba pa ang biyahe ko, naisipan kong kumain sa Mcdo kanina . Pagkatapos umorder ay naghanap nako ng pwesto at dahil lunch time, medyo madami ang tao, pero buti nlang at nakakita ako ng table for two, so binaba ko yung bag ko sa isang upuan at nagsimula na akong kumain ng chicken fillet nilang gawa yata sa goma at isang burger.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas agad ako para may makaupo na ibang customer at dahil busog ako naisipan kong magyosi muna bago sumakay ng bus. Pagkasindi ko palang ng yosi bigla kong naramdaman na parang may kulang sa akin...tangina naiwan ko yung bag ko sa mcdo! Napakaripas ako ng takbo na parang snatcher dahil sa taranta, napansin kong napatingin sa akin yung mga tao dahil bigla nalang akong tumakbo na hindi nila alam kung bakit. Dali dali akong bumalik sa pinagkainan ko, nakita kong linis na ang table pero buti nalang at nandoon pa ang bag ko!
Lumabas na ulit ako ng mcdo, kunwari relax lang ako kasi nakatingin na naman sa akin yung mga tao, pakiramdam ko na iniisip nila kung bakit ako tumakbo..ngunit deep in my heart, hindi pa din ako kampante kaya nagsindi nalang ulit ako ng yosi. Unang hithit ko pa lang ay may biglang lumapit sa akin babae na hindi ko alam kung saan nagmula at sabi niya "Nakikita mo ba yun?" sabay turo sa sign na Bawal Manigarilyo "patayin mo yan!" dahil sa irita ko, napasigaw ako ng "EH KUNG IKAW KAYA ANG PATAYIN KO?" pero syempre sa isip ko lang yun. Ngumiti nalang ako sa kanya at pinatay ang yosi ko at sumakay na lang ng bus!

Habang nasa loob ng bus ay tiningnan ko ang mga gamit ko, wala naman nawala, nakahinga ako ng maluwag at niyakap ko nalang ng mahigpit ang bag ko at iniisip na napakatanga ko!